Puspusan
na ang pag-eensayo nina Uno ang sumunod na araw. Isang linggo na
lang kasi ay concert na ng Hype.
Kinakabahan at excited siya at the same time. Iyon ang unang
pagkakataon na sasayaw siya sa harap ng maraming tao at sa isang
malaking venue. Sino ang hindi mawiwindang doon? Gayunman, malaking
pasasalamat talaga niya at napili siya na isa sa mga backup dancer ng
banda.
“Kayo
na ba?” may panunuksong sa
tinig na tanong ni Macky. Katabi niya ito habang nagpapahinga sila.
Mayamaya lang ay magsisimula na uli ang ensayo nila.
Napatingin
siya rito. “Ano'ng kami? Hindi, no?”
“Hmmm?
Ang sweet n'yo kaya.”
“Mabait
lang talaga siya,” wika niya
kahit parang gusto ng puso niyang sabihin na “Oo,
boyfriend ko na si Chester.” Ang
saya siguro kung ganoon. Parang naririnig pa niya ang kanta ni Piolo
Pascual na “Mangarap Ka.”
“Alam
mo, masyado kang manhid, friend. May gusto 'yon sa 'yo,”
hirit pa ni Macky.
Nakagat niya ang ibabang labi niya. May gusto nga siguro sa kanya si
Chester. Hindi bat at sinabi nito na nanliligaw ito sa kanya?
Eh, baka naman sinabi lang niya 'yon?
Nasa labas ng studio si Uno at nag-aabang ng masasakyang pauwi.
Katatapos lang ng ensayo nila. Nagulat siya nang biglang lumapit sa
kanya si Chester.
“Gulat
na gulat ka yata?” natatawang
tanong nito sa kanya.
“Hindi
naman,” sagot ni Uno.
“Ang akala ko kasi, may show kayo ngayon.”
“Kanina
mayroon, pero dumeretso agad ako rito pagkatapos.”
“May
kailangan ka sa studio?”
Umiling
lang si Chester. “Ikaw ang kailangan ko.”
Nag-init
ang mga psingi niya. “Ewan ko sa 'yo.”
Tumawa lang ito.
Hindi maalis ni Uno ang tingin kay Chester na noon ay nagpa-piano.
Nasa Araneta Coliseum sila para sa practice ng concert. Ang Hype ang
nag eensayo ng mga song number ng mga ito, samantalang nagpapahinga
muna silang mga dancer.
Panaka-nakang
sumusulyap si Chester sa kanya kaya naman pakiramdam niya ay para s
kanya ang piano version ng “My Sunshine”
na tinutugtog nito.
Pagkatapos nito ay agad na lumapit ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa
kanya ang nanunuksong ngitian ng mga kaibigan nito.
Dobleng kilig siguro ang mararamdaman niya kung official na silang
dalawa.
Nakatayo lang ito sa harap niya kaya sinita niya ito.
“Maupo
ka kaya rito?” natatawang wika
ni Uno.
Umiling
ito. “Mas gusto kitang panoorin kaysa maupo.”
Umismid na lamang siya at hinila na ito upang maupo sa tabi niya.
Hindi naman ito tumanggai.
“Excited
ka na ba sa first major concert n'yo?”
tanong ni Uno kapagkuwan.
Tumango
ito. “Oo naman. Nakakakaba rin siyempre.”
Napagiti si Uno. Sa totoo lang, hindi ito dapat kabahan o ang mga
kasama nito. Ang gagaling kaya ng mga ito.
“Congratulations
nga pala sa inyo. Sold-out ang ticket,”
aniya. “Hindi pa nga kayo nagsisimula sa concert ninyo,
may nagre-request na agad ng repeat.”
Tila nahihiyang ngumiti ito.
Napaka-adorable tingnan nito sa ngiting iyon. Hindi iyon mukhang
palikerong Chester na nakikita ng iba.
“Nakaka-flater
nga, eh.” Tumingin ito sa
kanya. “Ikaw? Excited ka na?”
Tumango
si Uno. “Oo, naman. First time ko ring sumayaw sa ganito
kalaking venue, tapos, kasama pa kayo.”
Napatingin
siya sa kamay nitong mabilis na humawak sa kamay niya. “Thank
you for making my days extra special.”
Hindi
niya malaman kung ano ang isasagot dito. Ano kaya ang ibig sabihin
nito sa “extra special”?
Ngumiti na lamang siya at hindi na nagkomento. Baka mahalata lang
nito na sobra na siyang kinikilig nang mga oras na iyon.
“Bro,
magsisimula na tayo.”
Sabay silang napatingin sa nakangising si Enrique. Nagkangitian na
lamang sila.
Nang gabing iyon, nagtaka si Uno nang sabihin sa kanya ng kanyang
madrasta na gusto siyang kausapin ng itay niya. Naroon na ito sa
kuwarto nito at nagpapahinga kaya doon na siya nagtungo.
“'Tay?”
aniya nang makapasok na sa kuwarto nito.
Dumilat ito at iminuwestra siyang umupo sa silya na nasa tabi ng kama
nito.
“Kamusta
na po ang pakiramdam n'yo?” tanong
niya rito.
“Maayos
na.”
“Ano
po ba'ng sasabihin ninyo sa akin?”
tanong niya.
Nadagdagan ang pagtataka niya nang makitang mukhang nahihirapan itong
sabihin sa kanya ang gusto nitong sabihin.
“'Tay?”
Bumuntong-hininga
ito bago sumagot. “Dumating dito kanina ang nanay mo.”
Tama
ba ang narinig niya? “A—ano po?”
“Nagkausap
kami kanina. Nabigla man ako sa biglang pagpapakita niya, naramdaman
ko namang wala akong galit sa kanya. Kaya nakiusap siyang kausapin ko
siya. Kahapon siya dumating dito sa Pilipinas at tayo agad ang
hinanap niya.” Humugot uli ito
ng hininga.
Hindi niya alam ngunit naghalo-halo ang nararamdaman niya nang mga
oras na iyon. Hindi siya makapaniwalang bumalik ang nanay niya. At
nasasabik siyang makita ito.
“Tumanggi
akong pakinggan ang paliwanag niya dahil, 'kako, mas ikaw ang dapat
makarinig ng mga iyon. May pamilya na ako at natapos na ang kabanata
naming dalawa. Ikaw na lang, anak, ang nag-uugnay sa amin kaya naman
mas ikaw ang dapat niyang paliwanagan,”
anito. “Gusto ka niyang makausap. Ibinigay niya ang
address ng hotel kung saan siya tumutuloy ngayon.” Kinuha
nito ang kapirasong papel na nasa tabi nito at ibinigay iyon sa
kanya.
Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon. Nagsisikip ang dibdib
niya.
Hinawakan
ng ama niya ang kanyang kamay. “Alam kong nasasabik ka
nang makita ang nanay mo. Puntahan mo na siya bukas at mag-usap
kayo.” Pinisil nito ang kamay
niya. “Alam kong may mga pagkukulang ako sa 'yo, anak,
pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal. Mahal na mahal kita.”
Tuluyan na siyang napahikbi at yumakap dito. Alam naman niya iyon
pero mas lumigaya siya nang marinig iyon mula mismo sa bibig ng
kanyang ama.
Bukas ay pupuntahan niya ang kanyang ina. Gusto niya itong makausap
at mayakap.
Alas-otso pa lamang ng umaga ay umalis na si Uno ng bahay nila at
nagtungo sa hotel kung saan naka-check in ang kanyang ina. Mahaba pa
ang oras niya.
Sarisaring tanong ang nasa isip niya. Ano na kaya ang itsura nito
ngayon? Bakit sila nito iniwan? Ano ang dahilan ng biglang pagbabalik
nito sa kanila?
Habang pataas nang pataas ang sinasakyan niyang elevator ay ganoon na
lamang ang tibok ng puso niya. Kaya naman nang makarating siya sa
ikapitong palapag kung nasaan ang nanay niya ay halos hindi niya
maihakbang ang kanyang mga paa. Lalo siyang kinabahan nang nasa harap
na siya ng pinto ng kuwarto nito.
Bumuntong-hininga muna siya bago kumatok doon. Nang bumukas iyon,
agad na natutok ang mga mata niya sa babaeng noon ay naiiyak na
habang nakatitig ito sa kanya. Halatang may-edad na ang nanay niya.
Gayunman, mababakas pa rin sa mukha nito ang kagandahan nito noong
kabataan nito. Pero sa tindig at ayos nito, hindi maipagkakailang
galing ito sa ibang bansa.
“P—pasok
ka, a—anak.”
Pumasok
si Uno sa loob. Ang sarap pakinggan ng sinabi nitong “anak.”
Mukhang nagdadalawang-isip ito kung ano ang gagawin. Kahit gusto niya
itong yakapin ay parang nagdadalawang-isip din siya.
Umupo sila sa sofa. Titig na titig ito sa kanya. Ilang sandali pa ay
tuluyan na itong umiyak.
“Patawarin
mo ako kung iniwan ko kayo noon, anak.”
Napalunok
si Uno. Parang may bumikig sa lalamunan niya. Hidni niya lam kung ano
ang sasabihin. He sighed. “Gusto ko pong marinig ang
paliwanag n'yo.”
Tumigin ito sa kanya at bumuntong-hininga. Kapagkuwan ay nagsimula
itong magpaliwanag. Ayon dito, napilitan itong umalis nang walang
pasabi dahil ayaw itong payagan ng tatay niya. Hindi raw nito kayang
talikuran ang pangarap nito kaya napilitan itong gawin ang desisyong
iyon; isang buwan lamang itong nakapagtrabaho sa teatro dahil kasama
ito sa mga tinanggal sa hindi nito malamang dahilan. Dahil hindi na
nito ma-contact ang nag-recruit dito, lumipad ito papunta sa Amerika.
Walong taon din daw itong naghirapdoon, pa-extra-extra sa mga
trabaho. Hindi naman daw ito makauwi dahil wala itong pera at wala
itong mukhang maihaharap sa kanila ng tatay niya.
Hanggang sa makialala nito ang kapwa Pilipino na naging kaibigan nito
at tumulong dito. Nagtayo ang mga ito ng negosyo sa Amerika.
“I
guess I was lucky to meet him. Sinuwerte ang negosyo namin.
Nakabangon ako. At ang sabi ko sa sarili ko, uuwi ako rito kapag
naging maginhawa na ng buhay ko. Babalikan ko kay ng itay mo. Pero
noong isang taon, namatay sa isang car accident ang kaibigan ko.
Naiwan sa akin ang negosyong itinayo naming dalawa. Naging abala ako
dahil may mga empleyado kami na umaasa roon kaya naman ipinagpaliban
ko na muna ang pag-uwi ko rito hangga't hindi pa naaayos ang
sitwasyon namin doon.
“At
ngayong natpos ko na ang gagawin ko roon ay nandito na ako, bumabalik
sa inyo. Pero nag-asawa na pala ang tatay mo. Hindi ko rin naman siya
masisisi. Wala kayong balita sa akin sa halos labintatlong taong
nandoon ako sa ibang bansa. Pero nandito ako ngayon, anak, para sa
'yo. Missed na missed ka na ni Nanay. Walang araw at gabi na hindi
kita iniisip,” umiiyak na sabi
nito.
Nanlabo ang mga mata niya sa pamumuo ng mga luha roon. Hanggang sa
tuluyan nang tumulo ang mga iyon.
Naawa siya sa kanyang ina. At nagsisikip ang dibdib niya sa nalaman
niyang pinagdaanan nitong hirap.
Lumapit siya rito at mahigpit itong niyakap. Ginantihan naman nito
iyon ng mas mahigpit sa yakap. Napahagulhol siya. Dininig talaga ng
Panginoon ang dasal niya na sana ay mayakap uli niya ang nanay niya.
Alam niyang hindi na sila magkakahiwalay ngayong nagbalik na ito.
“Uno,
may problema ba?”
Tumingin
siya kay Chester at umiling. Katatapos lang ng ensayo nila. Hindi pa
niya nasasabi rito ang tungkol sa pagkikita nila ng nanay niya
kanina. Hindi pa niya iyon nasasabi rito dahil hindi pa siya
nakakapagdesisyon sa sinabi ng nanay niya. Ang akala kasi niya ay sa
Pilipinas na ito maninirahan, for good. Pero hindi pala iyon maaari
dahil hindi nito puwedeng iwan ang negosyo nito sa Amerika. Kaya
naman nabigla siya nang sabihin nito sa kanya na isasama siya nito sa
Amerkia.
Siyempre
ay hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot dahil hindi niya kayang
umalis ng Pilipinas at tumira sa ibang bansa – dahil sa tatay niya,
sa mga kapatid niya, at siyempre, kay chester. Kahit wala siyang
assurance mula sa binata, mayroon pa rin siyang pag-asang
nararamdaman na baka isang araw ay magtapat din ito ng pag-ibig sa
kanya. Tungkol naman sa tatay niya, huwag daw niya itong problemahin,
sabi ng nanay niya. Tutulungan daw nito ang kanyang ama sa
pamamagitan niya.
Masaya
siyang marinig iyon. Pero hindi pa rin niya kayang umalis kahit
sinabi ng nanay niya na puwede naman siyang umuwi kada taon para
bisitahin ang tatay niya. Sinabi na lamang niya rito na pag-iisipan
muna niya ang alok nito. Saka na lamang ito aalis kapag
nakapagdesisyon na siya.
Pero alam
niyang umaasa ito na sasama siya rito sa pagbabalik nito sa Amerika.
Gusto rin niya iyon pero malakas ang puwersang pumipigil sa kanya
para huwag na lamang umalis, at iyon ay si Chester.
“Dapat
ay magpahinga ka na. Sa susunod na araw na ang concert. Kailangan
mong mag-ipon ng lakas,” nakangiting wika ni Chester sa kanya.
Napangiti
rin siya. “Okay lang ako.” Nag-excuse siya rito na pupunta
muna sa restroom upang magbihis. Paglabas niya ay nasa labas ito at
hinihintay siya. Natawa siya nang mahina. “Puwede namang doon ka
na lang sa exit naghintay.”
Ngumiti
ito nang matipid. “Gusto kitang masolo rito.”
Nag-init
ang mga pisngi niya sa sianbi nito. At bago pa siya makahuma ay
hinaklit na siya nito sa baywang at mabilis siyang hinalikan sa mga
labi.
Ilang
sandali lamang siyang hindi nakapag-react at tinugon din niya ang
halik nito. Natuto na siya mula sa mga kissing scene nila kaya alam
na niya kung paano tutugon sa mainit na halik nito.
Nang
maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa sila naghahabol ng hininga.
Hinaplos
ni Chester ang mga labi niya. “I'm the only one who has the
right to kiss these lips, okay?”
Napatingin
si Uno rito at tumango. Kinilig siya sa sinabi pero agad ding naglahp
iyon. Paano nito nasasabi iyon kung wala naman itong nababanggit
tungkol sa nararamdaman nito sa kanya?
“Enjoy
yourself while you're dancing, okay?” 'Wag n'yong kalimutan ang mga
p-in-ractice natin,” ani Ma'am Badeth.
Iyon na
ang araw na pinakahihintay nina Uno: ang concert ng Hype. Nasa loob
sila ng dressing room, nakabihis, at handang-handa na. Ilang sandali
na lamang ay magsisimula na sila.
Hindi
makakapunta ang tatay niya dahil maaga itong dapat magpahinga. Ang
nanay naman niya ay nakaupo sa harap ng stage. Bukas ay babalik na
ito sa Amerika. Ipapakilala na lamang niya rito si Chester bago
umalis.
Kahapon
ay sinabi na niya sa kanyang ina ang desisyon niya; hindi siya sasama
rito pabalik sa Amerika. Naintindihan naman siya nito at sinabing ito
na lamang daw ang dadalaw sa kanya. Mayroon ding Skype kung saan
puwede silang magkausap kahit malayo sila sa isa't isa.
Nagdasal
muna silang lahat bago sila pumunta sa stage. Pagkatapos niyon ay
nagulat pa siya nang biglang pumasok doon si Chester at nilapitan
siya.
“'Wag
kang kabahan, okay?”
Natawa si
Uno. “Ikaw nga riyan ang kinakabahan, eh.”
Tumawa
rin si Chester. Mabilis siya nitong ginawaran ng halik sa mga labi
niya at nagpaalam na ito.
Narinig
niya ang mahabang “uuuuy” ng mga kasama niya. Napangiti na
lamang siya.
Ilang
sandali pa ay pumunta sa sila sa stage sa pagsisimula ng concert.
Napangiti
siya nang makitang punong-puno ang Araneta Coliseum. Iba't ibang
klase ng makukulay na banner para sa Hype ang nakikita niya. Dahil
doon ay napalis ang kaba niya. Masaya siya at maraming taong nagpunta
roon.
Nang
magsimula nang kumanta ang Hype ay biglang lumiwanag ang buong stage.
Naghiyawan ang mga tao roon kasabay ng pagsigaw ng mga ito sa
pangalan ng banda. Bawat song number ng mga ito ay sinusuklian ng
hiyawan ng mga tao. Parang nararamdaman din niya ang sayang
nararamdaman ni Chester.
Mahigit
tatlong oras ang itinagal ng concert. Nang tingnan niya ang oras ay
alas onse na ng gabi. Mula sa backstage ay naririnig niya ang finale
song na kinakanta ng banda, ang carier single ng debut album ng mga
ito; “My Sunshine.”
Napangiti
si Uno. Ang gnda-ganda ng gabing iyon para sa kanya.
Napaka-successful ng concert ng banda ng mahal niya.
Ang
mahal mo na hindi mo naman malaman kung mahal ka rin o naku-cute-an
lang sa 'yo.
Agad na
nagtungo siya sa harap upang makita si Chester. May interview pa ang
mga ito at magpapa-pictuure kasama ang ilang mapapalad na fans.
Suwerte namang nasa malapit lang siya nakapuwesto. Gamit ang digital
camera ni Macky na hiniram niy, agad niyang kinunan ng litrato si
Chester. Napangiti siya nang makitang abala sa pagsagot ng mga tanong
si Chester at ang mga kaibigan nito.
“Chester,
boyfriend mo ba ang isa sa mga backup dancer sa concert ninyo? 'Uno'
ba ang pangalan n'on?” tanong ng isang reporter dito.
“N—no,
he's just a friend,” sagot ni Chester.
“So,
you're very single and available?”
“Yes.”
Parang
gumuho ang pag-asa sa puso ni Uno. Parang gong na pabalik-balik na
umaalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng binata sa isa lamang siyang
kaibigan.
Napaatras
siya at pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak sa mga
pisngi niya. Bakit ba kasi umasa siyang may iban itong pagtingin sa
kanya? Bakit ba umasa siyang pagmamahal ang dahilan kung bakit siya
nito hinahalikan? Baka sanay lang talaga ito ng ganoon.
Nagmamadaling
kinuha ni Uno ang bag niya sa dressing room nila. Tapos na ang
concert; wala na siyang gagawin doon. Kasabay ng pagtatapos ng
concert na iyon ay ang pagtatapos ng ilusyon niya kay Chester.
Humugot
ng hininga si Uno pagkatapos niyang ibaba ang cell phone. Naroon na
siya sa bahay nila. Tinawagan niya ang nanay niya at sinabi ritong
nagbago ang isip niya. Sasama na siya rito.
Ano pa ba
ang gagawin niya roon? Nang tanungin siya nito kung bakit ay sinabi
na lamang niya rito na sa susunod na niya sasabihin. Mas mabuti na
rin iyon, mas madaling gamutin ang puso niyang sugatan kung lalayo
siya.
Pinahid
niya ang mga luha niya. Kanina pa siya iyak nang iyak ngunit ang
bigat pa rin ng dibdib niya.
Napatingin
siya sa cell phone niya nang makitang tumatawag doon si Chester.
Naiinis na pinatay niya iyon, pagkatapos ay tinakpan niya ng unan ang
mukhan iya. Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi ba naman siya
sobrang tanga at umasa ay hindi siya mag-iiyak nang ganoon ngayon.
Pilit na
kinalma niya ang sarili. Siguro ay paraan na rin iyon ng Diyos para
magising siya.
Walang
ibang puwedeng sisihin kundi siya at ang puso niyang ewan.
Kinabukasan,
sinabi niya sa tatay niya ang desisyon niya. Naiintindihan naman siya
nito dahil ito na rin mismo ang nagsabi sa kanya na kailangan din
niyang makipag-bonding sa ina niya. Sinabi rin niya rito na dadalaw
naman siya sa mga ito.
Nagpunta
rin siya sa kanyang ina at dinala roon ang mga gamit niya. Naikuha na
pala siya nito ng visa at sa susunod ay ipepetisyon na siya nito para
magpabalik-balik na lamang siya sa Amerika. Kitang-kita sa mga mata
nito ang saya.
Kahit
gusto niyang maging masaya ay hindi niya magawa dahil sa sakit na
nararamdaman. Masakit talaga iyong umasa siya pagkatapos ay
sesemplang lang pala siya. Pakiramdam tuloy niya ay ang damot-damot
ng tadhana sa kanya. Nakita nga uli niya ang kanyang ina pero kapalit
naman niyon ay ang pagkawala ng lalaking mahal niya.
Nagpaalam
din agad siya sa kanyang ina.
Nag-abang
na siya ng taxi sa labs ng hotel nang biglang may humintong pamilyar
na kotse sa tapat niya. Nagririgodon ang puso niya nang bumaba mula
roon si Chester. Agad na lumapit ito sa kanya.
“Uno,
may problema ka ba? Bakit umuwi ka na lang bigla pagkatapos ng
concert?” tanong nito.
Itinutok
na lamang niya sa ibang direksiyon ang mga mata niya dahil naiiyak na
naman siya. Ayaw niyang magmukhang timang sa harap nito.
Napaigtad
siya nang hawakan siya nito sa braso.
“May
problema ba tayo?”
Nagpanting
ang mga tainga niya sa walang kuwentang tanong nito. May problema ba
sila? Ganoon ba talaga ito kasadista para magmaang-maangan na wala
itong ginawa sa kanya? Hindi man nito alam na narinig niya ang
isinagot nito sa mga reporter, hindi man lang ba ito na-guilty sa
isinagot nito?
“Let's
not talk here,” anito at lumingon sa paligid.
Napaismid
siya. Takot yata itong makita ng reporter at baka tanungin na naman
ito kung sino siya sa buhay nito.
“Umalis
ka na, Chester. May pupuntahan pa ako,” pagtataboy niya rito sa
nanginginig na boses.
“I
know something's bothering you. Mag-usap muna tayo, please,” anito
sa kanya at binuksan na ang kotse nito.
Napabuntong-hininga
siya. Fine., kakausapin na lang niya ito kaysa naman mag-usap sila sa
kalsada.
Dinala
siya nito sa isang restaurant kung saan wala gaanong diner. Nang
dumating ang order nila ay tinitigan lang niya iyon at hindi kumain.
Iniiwasan talaga niya ang mapatingin sa binata.
“May
nagawa ba akong mali?” tanong nito sa kanya mayamaya.
“Clueless
ka pa rin ba?” aniya na hindi pa rin tumitingin dito.
Bumuntong-hininga
ito at hindi sumagot.
Napabuntong-hininga
rin siya at nagpasyang sagutin na ito. Uselss kung tatanungin lang
siya nito at magtatanong naman siya rito. “Narinig ko ang
isinagot mo sa reporter kagabi sa concert,” aniya.
Napatingin
ito sa kanya.
Nagpatuloy
siya. “Friend mo lang ako? Kungsabagay, ganoon lang naman talaga
siguro tayo. Ang akin lang, sana ay hindi mo ako pinaasa sa
paglalalmbing mo sa akin. Sa mga ipinakita mong pagpapahalaga sa
akin. Masakit kasi umasa ako, pagkatapos maririnig ko mula sa 'yo na
magkaibigan lang pala tayo. Masakit sa part ko.”
Hindi ito
nakaimik.
“Sana,
wala ka na lang ginawa para umasa ako.”
“Uno,
sincere naman ang lahat ng ginagawa ko sa 'yo,” ani Chester.
“Sincere?
Pati iyong halik?” aniya. “Ang halik, ginagawa ng dalawang
taong nagmamahalan.”
“Uno,
listen, I'm not ready for a serious relationship. I don't know.... To
be honest with you, mas gusto ko munang i-treasure ang freedom ko
ngayon. Pero alam mong mahalaga ka sa akin,” paliwanag ni
Chester.
Ngumiti
si Uno ng mapait. Napaka-absurb ng rason nito. Tumayo na siya. “Fine,
naiintindihan nita. Sana sa susunod na may taong mamahalin kay ay
ready ka na.” Hindi na niya itinago ang sarkasmo sa tinig niya.
Naglakad
na si Uno palayo ng lugar na iyon. Nabigo pa siya sa pag-aakalang
hahabulin siya ni chester. Napailing siya. Hindi iyon pelikula para
may habulan pang magaganap. Ibig sabihin lang niyon ay wala na talaga
sila. Makakalimutan din niya ang binata. Sana.
syang po.. nagandahan po ako kaso mukhang tagal ng walang update..
ReplyDeletenaiwan na nmn po ako sa ere.. niweys po.. medyo baguluhan lang ako sa
POV.. hindi kc madistinguish ng maayos e.. pero gusto ko ung story..
kya nga nadala na nmn ako at eto nanghihinayang
jihi ng pampanga
Sorry Jihi... Naka sked kasi mga story ko dito... Thanks sa pagbabasa... Wala lang po net ngaun at phone lang gamit ko... Pagnagkaroon post ko po agad... Akala ko wala nagbabasa ng mga stories ko dito eh...
ReplyDelete