Ilang
beses nang sinipat ni Enzo ang sarili sa salamin sa loob ng comfort
room. Excited siya dahil si JM ang partner niya sa napakahalagang
sandili ng kanyang buhay. Ilang beses din kasi niyang kinulit ang
binatilyo para pumayag na maging date niya para sa gabing iyon. Oo,
siya ang nagyaya para maging date niya si JM. Dahil kung tutunganga
lang siya tulad ng mga kaibigan niyang sina Andrew at Mhelo, malamang
ay maghintay lang siya sa wala. Kaya para makasiguro ay siya na ang
nangulit kay JM. Hindi naman iyon naging ganoon kahirap dahil
napapayag din niya ito agad sa pamamagitan ng minu-minutong
pangungulit dito.
Papalabas
na si Enzo ng comfort room para magpunta sa venue nang may kung sino
ang bigla na lang pumasok sa loob ng comfort room at ini-lock ang
pinto. Nagulat siya nang malamang si Axel iyon. Ano ang ginagawa nito
roon?
“Ano'ng
ginagawa mo rito,” Axel? Sita niya rito.
Naglakad
ito papalapit sa kanya. Ngumisi pa itong habang hinahagod siya ng
tingin. At hindi niya nagustuhan ang nakikita niya sa mga mata nito.
Kinakabahan na rin siya dahil nakakaamoy na siya ng panganib.
“What
are you doing here?” tanong ulit niya. Pilit niyang pinakalma
ang sarili. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makaiwas sa
papalapit na lalaki. Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa kanya
ay naamoy na niya ang alak mula rito. “You're drunk!”
“I
am.”
Umatras
siya palayo rito nang umakma itong aabutin siya. Hindi niya magawang
tumakbo sa pinto dahil nakaharang ito sa daraanan niya.
Galit na
tiningnan niya ito. “Ano ba'ng kailangan mo sa akin?” asik
ni Enzo.
“Ikaw
mismo ang kailangan ko. Naiinis na kasi ako sa pagpapakipot mo. Alam
ko naman na gusto mo rin ako, pero pinahihirapan mo pa ako sa
panunuyo sa 'yo,” pahayag nito.
The
nerve of this guy! “Ang kapal mo rin, ano? Ilang beses ko nang
sinabi na ayoko sa 'yo, ikaw lang itong mapilit.”
“At
nagagawa mo pang magtaray ganitong wala ka nang magagawa laban sa
akin? Kahit magsisigaw ka, walang makakarinig sa 'yo. Malayo ang
comfort room na 'to sa venue at malamang na wlang maliligaw na kahit
sino rito dahil magsisimula na ang first dance.”
Totoo ang
sinabi nito. Kung bakit ba kasi doon pa niya naisipang mag-CR. Nang
makita kasi niyang maayos nang nag-uusap sina Ryan at Andrew
pagkatapos mag-walkout ng kaibigan niya ay doon na siya dumiretso.
Naghiwalay kasi sila ni Mhelo sa paghahanap kay Andrew at hindi na
rin niya alam kung nasaan na ito. Malay ba niyang susundan siya roon
ni Axel?
“Huwag
kang lalapit, papasabugin ko 'yang nguso mo!” banta niya rito
nang magsimula na naman itong lumapit sa kanya.
“Iyan
ang gusto ko sa 'yo, eh. Masyado kang palaban. Mas challenging....”
“Sinasabi
nang huwag kang lalapit --” Nagsisigaw na siya nang bigla siya
nitong haklitin sa braso. Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito
habang sumisigaw siya ng saklolo.
Natigilan
si Axel sa ginagawa nito nang biglang kumalampag ang pinto ng comfort
room at may tumatawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses na iyon
--- si JM ang kumakalampag ng pinto! Nilakasan pa niya ang pagsiga at
tinawag niya ang pangalan ng binatilyo para ipaalam dito na naroon
siya sa loob ng banyo. Pilit na tinakpan ni Axel ang bibig niya pero
hindi siya nagpatalo rito. Pinagkakalmot niya ang mukha nito. At nang
bahagya itong lumayo sa kanya ay mabilis niyang tinugno ang pinto at
mabilis na binksan iyon.
Pagkakita
sa kanya ni JM ay nilagpasan siya nito at agad na dinaluhong si Axel.
Nagpambuno ang dalawa subalit mabilis na nakawala si Axel. Nagtatakbo
na ito palayo sa kanila.
“Ayos
ka lang?” humihingal na tanong ni JM sa kanya. Pawisan ang
mukha nito, ngunit parang maiiyak siya nang makita niya ang labis na
pag-aalala sa mukha nito.
“Okay
lang ako. Pawisan ka na, JM. Teka, may tissue yata rito,”
mabilis siyang kumilos upang maghagilap ng tissue paper sa comfort
room ngunit napigilan din agad siya nito.
“Ano
ka ba naman? Muntik ka nang mapahamak, pero pawis ko pa rin ang
iniintindi mo,” naiinis na sita nito sa kanya.
Nginitian
niya ito. Takot na takot siya kanina habang nanlalaban siya kay Axel
pero nang makita niya ito ay agad nawala ang takot niyang iyon at
naramdaman niyang ligtas na siya. Sa piling nito alam niyang safe
siya at walang magtatangkang manakit sa kanya. Mabilis niyang
nakalimutan ang masamang balak ni Axel dahil kasama na niya si JM.
“Dumating
ka naman on time, my Prince Charming. Kaya ano pa ba ang dapat kong
isipin? Teka, paano mo nga pala nalaman na nandito ako?”
nakangiting tanong niya rito.
“Ipinapahanap
ka sa akin ni Mhelo. Nagkahiwalay raw kasi kayo,” kaswal na
tugon nito pero mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. Gusto
niyang kiligin. Baliw na nga talaga siya. Kanina lamang ay takot na
takot siya pero ngayon ay masayang-masaya na siya.
“Ang
galing talaga ni Mhelo,” nakangiting sabi ni Enzo.
“Ewan
ko sa 'yo!” naiinis pa ring sabi nito. “Let's go.
Nagsisimula na ang first dance.”
“Ay,
oo nga pala! Bilisan natin, dali!” Hinila na niya si JM palabas
ng comfort room at kinaladkad pabalik sa venue ng prom. Dahil sa
sborang pagmamadali at excitement kaya hindi niya naiwasan ang
matapilok. Nasa tapat na sila ng science building at kaunti na lang
ay mararating na nila ang venue. Kaya lang ay masakit na ang mga paa
niya na na-sprain yata.
“Aray!”
daing ni Enzo.
Inalalayan
siya ni JM patungo sa mahabang flower box upang maupo. “Yan
kasi, ayaw mong magdahan-dahan,” sita nito sa kanya. Inabot
nito ang paa niya at hinilot-hilot iyon. Hindi niya mapigilan ang
mapangiwi sa ginagawa nito sa paa niya.
“Paano
na 'yan? Hindi na tayo makakaabot sa first dance?” mayamaya ay
pagmamaktol niya rito. Ang tagal pa naman niyang hinintay at
pinaghandaan ang gabing iyon.
Tinigala
siya ni JM. “Ano ka ba naman? First dance lang 'yon. Mas
mahalaga pa ba 'yon kaysa maging maayos itong na-sparain mo na paa?”
“Mas
mahalaga ang first dance na 'yon dahil ngayon lang 'yon mangyayari,
pero 'tong paa ko, puwede 'yang gamutin kahit mamayang pag-uwi ko sa
bahay namin.”
Bumuntong
hininga si JM at saka inilahad ang kamay nito sa kanya.
“Ano'ng
ginawaga mo?” nagtatakang tanong niya rito.
“May
I have this dance, my princess?”
Oh my
God! His Prince Charming just asked him for a dance. Bakit parang
mas romantic yata ang dating ng invitation nitong iyon kahit wala
naman sila sa mismong venue?
“D---dito
tayo sasayaw?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito. Mula
roon ay naririnig pa rin nila ang tugtog na nagmumula sa venue.
“Hindi
na tayo makakaabot pa roon, kaya dito na lang natin gawin ang first
dance natin.”
Wala na
siyang nagawa nang abutin nito ang kamay niya at alalayan siyang
tumayo. And their bodies gently swayed to the tune of the sweet music
that was playing.
- - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Sa
dinami-rami naman ng mga event na nadaluhan natin, 'yong prom pa ang
naalala mo.”
Bumalik
ang isip ni Enzo sa kasalukuyan nang marinig niya ang sinabing iyon
ni JM, mula sa pagre-reminisce niya sa nakaraan.
“Di
ba't iyon ang pinakapangit na sayaw na naranasan mo? Na-sprain pa ang
paa mo noon,” paalala ni JM.
“Hoy,
hindi ahm” pagtanggi ni Enzo sa sinabi nito. “Kahit puro
disaster ang pinagdaanan ko noong gabing iyon, iyon pa rin nag
pinaka-romantic dance na naranasan ko, under the moon and the stars.
Tulad ngayon, we're here, under the moon and the stars,”
nakangiting saad niya. Hindi na niya inireklamo non si Axel dahil
kahit paano ay naging mabait din naman ito sa kanya. Alam niyang dala
lamang iyon ng kalasingan nito at pagkatapos din naman ng insidenteng
iyon ay nilayuan na siya nito.
Pinaka-unforgettable
talaga para kay Enzo ang gabing iyon. Iyon kasi ang una't hulig beses
na tinawag mo akong 'my princess.' Pakiramdam niya, noong gabing iyon
ay naging pag-aari nila ang isa't-isa kahit sa maikling sandali
lamang. He became his prince while he became his princess. Kaya paano
niya malilimutan ang pinakaespesyal na gabing iyon sa buhay niya na
kasama ito?
“Bahala
ka. Trip mo 'yan, eh.”
“Bahala
talaga ako,” nakangusong saad ni Enzo.
Narinig
niya ang pagtawa ni JM kaya siya biglang napalingon dito. “JM...”
“Oh?”
“Bakit
hindi mo ako sinisingil sa mga ginagawa mo para sa akin?”
mayamaya ay tanong niya rito.
“Ano
ba'ng ginawa ko para sa 'yo na dapat kong singilin?” balik
tanong nito kay Enzo.
“Yong
nangyari sa prom at 'yong pagtatanggol mo sa akin kapag may
nagtatangkang mambastos sa akin noong college tayo. Ang bait-bait mo
sa akin pero hindi mo naman ako sinisingil sa kabaitan mong iyon.”
Kumunot
ang noo ni JM. “Mabait ba ako? Sabi mo, salbahe ako.”
“Suplado
ka lang minsan, pero mabait ka rin talaga.” Humilig siya sa
balikat nito. “So bakit nga hindi ka humihiling ng kapalit sa
mga ginagawa mo para sa akin?”
“Bakit
pa? Tinutulungan mo rin naman akong maitaboy ang mga babae at gays na
istorbo sa pagpapayaman ko. Kaya patas lang tayo.” Inakbayan
siya nito. “Ginagawan lang nating ng pabor ang isa't isa.”
Ginagawan
natin ng pabor ang isa't isa. Masakit yata sa pandinig niya ang
mga salitang iyon. Kaya lang ay wala naman siyang magagawa kundi ang
tanggapin na lang ang katotohanang iyon.
“Enzo.”
“Hmm?”
Masarap sa pandinig niya kapag tinatawag siya nito sa pangalan niya.
At bakit parang ang lambing pa ng tono nito ngayon?
“Wala
ka bang planong nag-settle down? I mean palagi ka rin lang namang
mag-isa riyan sa bahay n'yo. Ayaw mo bang magkaroon ng partner?”
Napatuwid
si Enzo ng upo. Nahimigan kasi niyang tila kakaiba ang tono ni JM sa
sinasabi nitong iyon. Matagal na niyang alam na seryosong tao ito,
pero ngayon lang niya ito narinig na ganoon kaseryoso. Bukod doon,
tungkol pa sa kanya ang inuusisa nitong gayong ni minsan ay hindi ito
nagtanong ng tungkol sa plano niya sa hinaharap.
“Meorn
naman. Pero hindi pa siguro ngayon.” Pero kung yayayain mo ako
na maging partner mo ngayon,ora mismo ngayon hindi ako magdadalawang
isip na sagutin ka. “Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Isa
pa ayoko namang iwan mag-isa si Daddy. Siguro, kapag nag-asawa na si
Daddy at sure na akong masaya siya sa piling ng mapapangasawa niya,
saka ko pag-iisipan ang paghahanap ng sarili kong partner,”
matapat na saad ni Enzo.
Inaalala
rin talaga niya ang daddy niya. Mula nang pumanaw ang kanyang mommy
noong nasa elementary pa lamang siya, wala nang ginawa ang kanyang
daddy kundi ang magpakamatay sa pagtatrabaho para lang mabigyan
silang magkakapatid ng magandang buhay. At kahit ngayon ngang matanda
na sila at may kanya-kanya nang buhay ay patuloy pa rin ito sa
pagpapayaman. Nakalimutan na yata nitong humanap ng babaeng
magpapaligaya sa buhay nito.
“JM!”
Tinampal niya sa braso ang binata.
“Ano?”
“Ihanap
mo naman si Daddy ng babae, one who's still hot at the age of
forty-something,” walang patumpik-tumpik na sabi niya rito.
“Ha?”
Nalaglag yata ang panga nito sa pagkabigla sa sinabi niya.
“Palagay
ko, kailangan na niyang mag-asawa. Para naman mapirmi na siya rito sa
bahay. Siyempre, kailangan din naman niyang mag-relax. Tumatanda na
siya. Dapat sa kanya ay nagre-relax na lang. At mangyayari lang iyon
kung may babaeng aliw sa kanya. Pero siyempre, dapat matinong babae
ang ihaharap natin sa kanya. Iyong hindi oportunista o ---”
“Mabuti
pa 'yong pagse-settle down ni Tito, inaalala mo. Eh 'yong sarili mong
pagse-ettle down, napagplanuhan mo na ba?” putol ni JM sa
palilitanya ni Enzo.
“Hindi
pa. Saka ko na iisipin 'yong sa akin kapag naka-settle down si
Daddy,” turan niya.
“Sigurado
ka? Kapag naka-settle down ang daddy mo, pag-iisipa mo na ring
mag-settle down?” paniniguro nito sa sinabi niya.
“Oo
nga, kulit nito. Teka, bakit ba parang ipinagtutulakan mo na akong
maghanap ng partner?” Napapagod na ba itong palagi na lang
siyang nakadikit dito kaya naiisip nitong ipagtulakan na lang siya
na magkaroon ng partner?
“Ha?
Hindi naman, ah. Tinatanong lang kita.”
Nagbawi
ito sa kanya ng tingin at bumaba na sa hood ng kotse nito.
“Pumasok ka na sa loob. Malalim na ang gabi, malamig na rin baka
magkasakit ka pa.”
“Naks
naman!” palatak ni Enzo at bumaba na rin sa hood. “Ang
sweet mo yata sa akin ngayon, sweetheart,” maluwang ang ngiting
pang-aasar nito kay JM.
Ipinagbukas
siya nito ng gate. “Pumasok ka na sa loob at tama na 'yang
kakulitan mo.”
“Huu!
Sweetheart, aminin mo na kasi, kinikilig ka 'no?” panunudyo
niya rito habang papasok na siya sa loob ng gate.
Napansin
niyang tila pinipigilan lang nitong mapangiti. Sinundot niya ito sa
baywang nito. “Uy, si Manong, kinikilig!” tumatawang sabi
niya.
“Tigilan
mo na 'yan ha?” saway sa kanya ni JM.
“Kinikilig!”
patuloy pa rin niyang panunudyo rito. Pero pakiramdam niya ay siya
ang kinikilig sa panunudyo rito.
“Pumasok
ka na sabi. Isa!” banta nito.
“Dalawa!”
nakangiting turan ni Enzo.
Hindi
niya alam kung nakulitan lang sa kanya si JM o may kung anong
masamang espiritu ang pumasok sa tuktok nito at bigla na lang siya
nitong kinabig palapit dito. Kasunod niyon ay ang paglapat ng mga
labi nito sa mga labi niya.
Nagulantang
si Enzo. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ng binata. It was his
first kiss --- halik na kailanman ay hindi niya inaasahang matitikman
pa niya. Sa tinagal-tagal niyang pinangarap na mahalikan ni JM, hindi
niya akalain na ang labis na panunudyo lang pala niya rito ang naging
daan para halikan siya nito.
Wala na
siyang nagawa kundi ang ipikit na lang ang kanyang mga mata at ikawit
ang mga braso sa batok nito habang malayang ninanamnam ang masarap na
pakiramdam na dulot ng halik na iginawad sa kanya ng binata. Matagal
niyang hinintay ang sandaling iyon at lihim niyang hiniling na sana
ay huwag nang matapos ang magical moment sa iyon. Dahil iyon na yata
ang pinakamasarap na sandali sa buhay niya.
No comments:
Post a Comment