Chapter 10
“Manong, bakit po tayo tumigil?” tanong ni Andrew
sa driver ng taxi na sinakyan niya. Patungo siya sa meeting place nila ng mga
kaibigan nang umagang iyon. Late na siya sa napag-usapan nilang oras.
Nag-aalala tuloy siya na baka iwan na siya ng mga ito.
Napagpasyahan niyang sumama sa
mga kaibigan papunta sa isang beach resot sa Palawan. May photo shoot kasi roon
ang kaibigang si Mhelo at si Cody ang modelo nito. Naisip nilang ituloy na rin
iyon sa pagbabaksyon upang magkasama uli silang tatlo.
“May humarang po kasi sa
daraanan natin, Sir,” tugon ng taxi driver.
“Sino ba ang balasubas na
'yan?” naiinis na tanong niya.
Nanggigigil na bumaba siya ng
taxi. Susugurin niya ang kung sino mang sakay ng kotse na humarang sa kanila.
Kung kailan naman kasi nagmamadali siya ay saka pa naisipan ng kung sino mang
nilalang na ito na humarang sa kanila. Subalit hindi pala siya dapat bumaba ng
taxi, dahil ang nilalang na humarang sa kanila ang dahilan kung bakit araw-araw
ay magulo ang takbo ng isip at puso niya.
Mula nang mangyari ang insidente
sa restaurant ay wala na siyang ganang gawin ang dapat gawin sa araw-araw.
Hindi na niya naaasikaso nang maayos ang kanilang flower shop at nagkukulong na
lamang siya sa kanyang apartment. Kung hindi lang talaga siya pinilit ng mga
kaibigan na sumama sa mga ito papunta ng Palawan ay talagang magbuburo na lang
siya sa apartment niya. Nagpapasalamat din siya kina Mel at Nancy na hindi pa
siya isinusumbong ng mga ito sa pamilya niya, kung hindi, malamng sinugod na
siya roon ng mga magulang at kapatid niya.
Pagkakita niya kay Keith ay balak
niyang pumasok agad sa loob ng taxi ngunit mabilis siyang nahawakan nito sa
kanyang braso. Hinila siya nito patungo sa sasakyan nito.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako.” Nagpumiglas
siya mula sa pagkakahawak sa kanya ni Keith subalit hindi pa rin siya makawala
rito.
“Huwag kang susunod!”
matigas na banta nito sa taxi driver na bumaba na rin sa sasakyan. Hindi iyon
nakapalag dahil may hawak na baril si Keith. Kinabahan siya. Ano na naman ba
ang tumatakbo sa isip nito at ginagawa nito iyon? Ginawa na nga niya lahat
upang hindi na magtagpo ang mga landas nila nang sa gayon ay wala na silang
maging problema. Pero hayun ito ngayon at... kini-kidnap siya?
Pinaharurot ni Keith ang sasakyan
nito palayo sa lugar na iyon pagkatapos siya nitong maisakay sa kotse nito.
Nagulat pa siya nang itapon nito ang hawak na baril sa labas ng sasakyan.
“Bakit mo itinapon?” hindi
niya napigilang itanong dito. Dapat ay matuwa siya na wala na itong hawak na
armas.
“Hindi 'yon totoong baril,”
kaswal lang na tugon nito. “Props lang 'yon.”
“Props?! Puwede ba, Keith,
ibaba mo na ako. Male-late na ako. Hinihintay na ako nina ---”
“Hayaan mo siyang maghintay. O
mas magandang umalis na lang ang Charles na 'yon na hindi ka kasama,”
nakatiim-bagang na saad nito habang patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. At bakit
parang ang tinutumbok nilang destinasyon ay ang sadya rin niya?
“Si Charles? Bakit naman
nadmay si Charles dito?” kapagkuwan ay tanong niya rito. Nalilito na siya sa
mga pinaggagagawa nito.
“Don't make a fool of me,
Andrew. Alam kong ngayon na kayo sasakay sa barko. At sa palagay mo ba papayag
akong ilayo ka niya sa akin? Nasimulan ko na rin lang umeksena sa relasyon
ninyo, hindi na ako makokonsiyensiyang patuloy na paghiwalayin kayo. Matira na
lang ang matibay sa aming dalawa.”
Totoong nang araw ring iyon ang
alis ni Charles at nawala na iyon sa isip niya. Isa lang naman kasi ang
umookupa sa buong sistema niya.
“Teka, hindi naman talaga ako
sasama sa kanya. Oo at ngayon din kami aalis, pero sila Mhelo ang kasama ko
papunta ng Palawan.”
Biglang iginilid ni Keith ang
kotse at muntik na siyang mapasubsob kung hindi lang niya naitukod ang kanyang
mga kamay sa dashboard.
“Sorry, Drew. Are you okay?”
nag-aalalang tanong agad ni Keith at ininspeksiyon siya kung may masakit sa
kanya.
“I'm fine. Puwede ba, pababain
mo na ako? Hinihintay na ako nina Mhelo,” pakiusap niya rito.
“Doon naman talaga tayo
pupunta. Oh, God! Thank goodness, you're not leaving with him.” Kinabig
siya ni Keith at niyakap ng mahigpit. Tila balisang-balisa ito at natatakot sa
kung ano.
“Saan mo nakuha ang ideya na
sasama ako kay Charles? Of course I wasn't planning to come with him.” Dahil sa
totoo lang, wala na akong kaplano-plano sa buhay ko dahil sa 'yo. Ikaw ang
salarin!
“Saan ka ba nagtago nang mga
nakaraang linggo? I've been searching for you the whole week. Hindi kita
nakikita sa flower shop, saradong-sarado rin ang apartment mo. Pinuntahan kita
sa bahay ninyo, pero wala ka rin do'n. Halos mabaliw na ako kakahanap sa 'yo.
Wala ring magturo sa akin kung nasaan ka. Kahit sa mga kaibigan mo, wala akong
mapala.
Nalaman ko kagabi mula sa
kapatid ni Charles nang makita ko siya sa isang restaurant na ngayon ang alis
ng kuya niya. Nagkahinala akong bigla na posibleng sasama ka sa kanya. Naisip
ko na baka pinagtataguan mo lang ako kaya nag-abang ako sa labas ng apartment
mo.”
Nagulantang si Andrew sa mga
nalaman niya mula kay Keith. Kumawala siya rito. “B—bakit?”
“Ano'ng bakit?” nagtatakang
tanong nito.
“Bakit mo ako hinahanap?”
tanong ni Andrew.
“Dahil gusto kitang makita.
Gusto kitang makasama. Hirap na hirap na ako sa bawat sandali na naiisip kong
masaya kayong magkasama ng boyfriend mo. Nakakainis lang dahil wala akong
magawa. Wala akong karapatang makialam at manghimasok sa kung anumang ginagawa
ninyong dalawa dahil karapatan ninyo iyon. Karapatan niyang halikan ka dahil
boyfriend mo siya. But still, I felt like I could just die just thinking about
it. Lalo pa noong harapan ninyong ipinakita kung gaano kayo kalambing sa
isa't-isa. Hindi ko kakayanin na makita kang hinahawakan ng iba, Andrew. Pero
mas masakit ay ang katotohanang na nadiyan ka lang, abo't-kamay lang kita kaya
lang, hindi kita puwedeng hawakan. Gusto kong angkinin ka pero pag-aari ka
naman ng iba. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na tanggapin iyon? O
mas tamang sabihin na kailanman ay hindi ko magagawang tanggapin 'yon.”
He was speechless. Was that real?
Palihim niyang kinurot ang sarili. Baka kasi nananaginip lang siya. Pero kung
panaginip lang iyon, sabi nga sa kanta: ayoko nang magising.
“Hey? Wala ka man lang bang
sasabihin?” pukaw ni Keith sa kanya. “Wala lang ba sa 'yo lahat ng
ipinagtapat ko? Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo?” sunod-sunod na tanong
nito.
“Hindi kasi kita maintindihan,
Keith. Is that your way of saying that you love me?”
“Hell! I don't just love you,
I love you so much!”
“Sinungaling ka!” Muntik
na niyang pakawalan ang sincerity na nababanaag niya sa mga mata nito kung hindi
lang niya naalala ang mga tagpong kasama nito si Bryan..
“I'm not!”
“Bakit na ganyan, Keith? Ang
sama-sama mo. Bakit ba gustong-gusto mo akong nasasaktan?” puno ng hinanakit na
saad niya rito. “Bakit mo sinasabi 'yan? Alam naman natin pareho na si Bryan
lang ang nag-iisang umookupa diyan sa puso mo. Na kahit pagbali-baligtarin
natin ng mundo, siya at siya pa rin ang nandiyan. You just see him in me. Hindi
ko alam kung dahil ba iyon sa may kaunti kaming pagkakahawig o ano? Pero hindi
ko puwedeng bale-walain na minsan mo
nang sinabi sa akin na nakukuha ko lang ang atensiyon mo dahil may mga
pagkakatulad kami. But that doesn't mean that I can replace him in your heart
because I can't.” Dinuro niya nag dibdib nito habang lumuluha.
Masamang-masama ang loob niya rito dahil nonng nakaraan ay wala na itong ginawa
kundi ang saktan at pahirapan ang kalooban niya.
“What are you talking about?”
namamanghang tanong sa kanya ng binata. Parang gusto na niyang maghurumentdao
sa kainosentehan ng mukha nito.
“Huwag ka ngang
magmaang-maangan diyan. Iniharap mo ako sa pamilya mo para ipamukha sa akin na
mas higit na nakakalamang sa akin si Bryan. Alam mo, hindi kita maintindihan,
eh. Nandiyan na nga si Bryan sa tabi mo, tapos gusto mo pa akong pasakayin sa
mga pakulo mo. Bakit? Dahil alam mo na mahal pa rin kita hanggang ngayon? Na
kahit na ano'ng gawin kong paglimot sa 'yo hindi ko magawa? Kaya ba paglalaruan
mo na lang ang damdamin ko, gagawin mo akong substitute kapag not in good terms
kayo ni Bryan? Hindi ba puwedeng patahimikin mo na lang ako? Hayaan mo na lang
akong mahalin ka, pero huwag mo nang paglaruan ang damdamin ko, Keith,” lumuluhang
sabi niya.
“Hindi kita pinaglalaruan.”
Inabot siya nito sa magkabilang balikat at saka pinaulanan ng mabibining halik
sa kanyang mukha. “I swear, hindi ko alam na nandoon siya. Nagulat na lang
ako nang halikan niya ako. Kung alam ko lang na nandoon siya, hindi muna sana
kita dinala roon para hindi ka napormahan ng magagaling kong pinsan.”
“Hindi na ako nabigyan ng
pagkakataon na magkapagpaliwanag sa 'yo nang araw na iyon, kasi masyadong
makulit si Bryan at may ipinakikiusap siya sa akin tungkol sa negosyo. He was
giving me a big time client. And I couldn't be nasty to him and shoo him away.
Kahit paano naman ay may pinagsamahan din kami. Bukod doon, sinimulan mo na rin
akong iwasan. And then, I saw you and Charles sa restaurant. Naisip ko,
malamang na nagkaayos na kayo. I tried hard to get away from you, but you're
always on my mind, in my heart.”
“Paano naman akong mang-aabla
sa isip mo, eh araw-araw na nasa shop mo si Bryan?” sarkastikong tugon ni
Andrew.
“Tungkol lang sa negosyo ang
dahilan kung bakit kami nagkakasama,” anitong sinasabunutan pa ang sariling
buhok na parang nahihirapan na itong magpaliwanag sa kanya. Parang nais na
niyang maawa sa ikinikilos nito.
“Then why is he that clingy
and sweet to you?”
“Okay. Honestly,
nakikipagbalikan siya sa 'kin. Naisip daw niya na baka sa puntong ito ay
mag-work out na ang relasyon namin.”
“Kita mo na! Kita mo na! And
you were so responsive!” pinaghahampas ni Andrew ang dibdib ni Keith.
“Sandali muna!” Hinablot
nito ang mga kamay niya para pigilan siya sa paghampas dito. “Nakikipagbalikan
siya for the nth time pero hindi ko siya tinanggap at nilinaw ko na sa kanya na
ikaw ang mahal ko. Noon pa man ay ikaw na ang mahal ko.”
“Hindi ko alam kung ano ba ang
dapat kong paniwalaan sa 'yo, Keith. You told me before that you didn't like
me, na si Bryan ang gusto mo. Pero heto ka ngayon at sinasabi sa akin ang
kabaligtaran ng lahat ng sinabi mo noon.”
“Hindi ko sinabi sa 'yong
hindi kita gusto.” Bumuntong-hininga ito at tumingin ng marubdob sa kanyang
mga mata. “I was confused back then. Inaamin ko, hindi ikaw ang unang
babaeng ginusto ko noon. I took notice of you because you shared the same
thing, you were bubly and sweet. I enjoyed your company like I enjoyed being
with Bryan. But I stayed with the fist man I liked.
“Kaya lang, after our high
school days, nalito na ako. Pakiramdam ko kasi parang hindi ko na gustong
i-pursue si Bryan. At kung kailan kami na, hindi ko alam kung bakit hindi pa
rin ako masaya. I was with him but I longed for you. Palagi na lang kitang
naiisip. Ewan ko, pero pakiramdam ko, hindi na ako buo pagkatapos ng nangyari
noong gabi ng prom.
“Pagkatapos kasi ng gabing
'yon, iniwasan mo na ako kaya hindi na rin ako mapakali. It seeed like there
was a piece of a puzzle in my heart that I happened to lose. Ang akala ko, si
Bryan ang makakabuo ng kahungkagan na nadarama ko, since he was my dream man.
But my heart was never whole again. Ginusto kong lapitan ka noon, just to make
sure you weren't the one who can complete the puzzle of my heart.”
“But you never approached me.
You didn't even contact me.” Kahit
paano ay nabibiggyan ng kasagutan ang napakaraming tanong sa kanyang puso.
“Nagdalawang-isip ako. I knew
I hurt you so much that I knew it wouldn't be easy for you to face me.”
“You should have tried
harder.”
“I tried. I swear to God I
tried. I tried to contact you when I finally made up my mind and my heart had
decided. Nalilito pa ako sa sarili ko noong mga panahon na kami pa ni Bryan.
Kaya nga madalas na on and off kami. Noong una, inaakala ko na baka
naiimpluwensiyahan lang ako ng mga pangit na feedback ng pamiya ko tungkol sa
kanya kaya parang nananamlay ako sa relasyon namin. So, I tried to work things
out between Bryan and I because I had already chosen him over you. We tried to
fix our broken rlationship. Dahil pinaghirapan kong suyuin siya noon, siguro
pinanghihinayangan ko na lang ang mga naging effort ko sa kanya, that's why I
still chose to stick with our relationship. Kaya lang, umabot na sa punto na
hindi na talaga namin maayos. Maraming bagay ang hindi namin napagkakasunduan,
so we decided to finally end it.
“At that time, I was still thinking
about you. Kaya siguro hindi ako masaya, dahil baka hindi na naman talaga si
Bryan ang hinahanap ko. Na pinangarap ko lang siya pero ibang tao na pala ang
umookupa sa puso ko. At kung kailan naman may lakas na loob na akong humarap sa
'yo, saka ko nalaman na umalis ka na ng bansa. Binalaan din ako ng ate mo na
huwag ka nang guluhin dahil masaya ka na. Na tahimik na ang buhay mo. Na sa
wakas, nakalimutan mo na raw ako.”
Natatandaan pa ni Andrew na bago
siya umalis ay kinumpirma ng Ate niya ang estado ng puso niya. Hindi kasi
lingid sa kaalaman nito noon na kaya hindi niya magawang makipagnobyo ay dahil
hindi pa niya magawang alisin sa sistema niya si Keith. At para mapanatag ang
Ate niya, sinabi niyang nakalimutan na niya ang damdamin niya para kay Keith.
“At kung magpakita uli ako sa
'yo, baka raw magulo ko lang uli ang tahimik mong buhay. I couldn't risk your
peace and happiness, para lang mapanatag ako. Pinilit ko na lang kalimutan ka.
Inaakala ko talaga na nakalimutan na kita dahil nag-focus na ako sa trabaho at
negosyo. Muntik ko na ngang makasanayang mag-isa. But on that day, when I saw
you again, I didn't know what happened to me. I was dumbstruck just by looking
at you. At parang ang saya-saya ko na hindi ako makapaniwalang biglang susulpot
sa harap ko ang isang napakaguwapong lalaking matagal kong inasam na makaharap
uli. Kaya nga sinundan agad kita. Gusto ko kasing makasigurado na hindi ako
nananaginip lang.
“And when I saw you, ayoko
nang mawala ka pa uli sa paningin ko. Kung alam mo lang, gusto na kitang
yakapin ng mahigpit ng mga sandaling iyon. Alam kong malaki na ang ipinagbago
mo, lalo na sa damdamin mo sa akin. But I still promised myself, I will make
you love me again.”
“Bakit noong nagka-text tayo,
parang galit ka sa akin?” Iyon na lang talaga at maniniwala na siya sa
lahat ng mga sinasabi nito.
Sandali itong tila nag-isip.
“Ah... yun ba?” Ngumiti ito. “It was because of my mischievous cousin, Enzo.
Palagi niya kasi akong pinagti-trip-an noon. Gumagamit siya ng iba't-ibang numbers
para i-missed call or i-text ako at nagpapakilalang ikaw. Kung kailan namang
paniwalang-paniwala na ako, saka niya aaminin na siya iyon. Tuwing gagawin nito
iyon, nasasaktan at lalo akong nangungulila sa 'yo. Kaya kapag may nagte-text
sa akin at nagpapakilalang ikaw, pinagsusupladuhan ko na agad, napu-frustrate
na kasi ako.
“Dumagdag din sa frustration
ko nang malaman kong may Charles ka na. Alam mo, ilang beses kong ginustong
sapakin ang sarili ko kung bakit pinakawalan pa kita noon. Nasa akin ka na, but
I just let my real love slip away from me. At kahit alam kong mali na lapitan
ka dahil amy boyfriend ka na, tinawid ko pa rin. Pinanindigan ko na ang
pagpasok sa buhay mo. Besides, all is fair in love. I couldn't just stand there
and watch you being with that ass.”
“We're no longer together.
Nagkasundo na kami na maging magkaibigan na lang. I told him I didn't love him
anymore. That I have never fallen out of love with the man who has resided in
my heart from the very start. And that man is you. I can't stop myself from
loving you. Kahit pilitin ko pa ang puso ko na magmahal ng iba, hindi ko
magawa,” pag-amin ni Andrew.
“If that's so, then why did he
try to kiss you? Bakit ang sweet n'yo pa r'on sa restaurant?” tanong naman
nito. Maybe it was time for him to confess, too.
“Gusto lang niya akong
tulungan. Pinagseselos n'yo kasi ako ni Bryan nang sobra. Isinama mo pa talaga
siya roon para saktan ako.”
“Hindi ko siya dapat kasama.
Basta mo na lang kasi ako iniwan habang bumibili ako ng bulaklak na ibibigay ko
sa 'yo bilang peace offering. Sinundan ko na kayo nang makita ko siya na
isinama ko na rin sa restaurant. Nagngingitngit talaga ako no'n. Bigla mo na
lang ako binale-wala dahil sa Charles na 'yon!” naiinis na sabi ni Keith.
“Para sa akin ang bulaklak?”
namamanghang sabi ni Andrew.
“Kanino pa ba? Wala naman
akong ibang sinusuyo kundi ikaw. Sobrang pinahihirapan mo na kasi ang kalooban
ko dahil hindi ko magawang lumapit sa 'yo. Ni ayaw mo akong kausapin nang
maayos. Palagi ka na lang umiiwas. Muntik na talaga akong mawalan ng pag-asa,”
sabi pa ni Keith.
“Hindi ka naman kasi
nagpaliwanag agad,” depensa ni Andrew.
“Paano ako magpapaliwanag, palagi
kayong magkasama ng Charles na 'yon? At pinagtataguan mo pa ako.”
“Nasa loob lang ako ng apartment
ko. Wala na kasi akong maisip na ibang gawin. Ikaw na lang ang laman ng isip
ko. Dahil sa 'yo, hindi ko na magawang kumilos nang maayos. Kaya nagkulong na
lang ako. Tumatawag na lang ako sa shop para kamustahin ang takbo niyon. Isipin
ko pa lang kasi na makikita ko na naman kayong magkasama ni Bryan, masakit na
sa akin.”
“Sana pala, pinasok ko na lang
ang apartment mo,” nakangiting turan ni Keith.
“Malilintikan ka naman kay Papa
kapag ginawa mo 'yon. Mapuputol agad ang kalayaan mo at matatali ka sa akin,”
ganti niya.
“Yon nga ang gusto ko, eh, ang
matali na sa 'yo, para hindi na ako maagaw pa ng iba,” nakangiting turan nito.
“Yabang mo.”
“Totoo. Gusto mo humarap na tayo
sa parents mo ngayon?” Umakma itong bubuhayin ang makina ng kotse.
“Sa ibang araw na lang, dumeretso
muna tayo sa Palawan,” nakangiting pigil niya rito.
“Ah, oo nga pala. Baka hinihintay
na tayo nina Enzo.”
Nagsimula nang umusad ang
kanilang sasakyan, subalit muli rin iyong huminto.
“O bakit? Naubusan ng gasolina?”
nagtatakng tanong ni Andrew.
“Hindi. Parang may kulang kasi.”
“Ha?” nagtatakang tanong uli
niya.
“I've always wanted to do this.”
Sa isang iglap ay inabot siya nito at kinabig, at walang sabing inangkin nito
ang mga labi niya. They kissed like there was no tomorrow. At mukhang hindi na
sila makakapunta pa sa Palawan ni Keith. Bahala nang mamuti ang mga mata nina
Enzo at Mhelo sa kakahintay sa kanila. Ang nais lang niyang gawin ngayon ay
namnamin ang masarap na halik ng nag-iisang lalaking kanyang minahal at
mamahalin habang buhay....