Ilang
beses nang sinipat ni Enzo ang sarili sa salamin sa loob ng comfort
room. Excited siya dahil si JM ang partner i Enzo dahil sa madiin na
pagduldol niya sa papel na binabasa niya at ini-edit. Naroon siya sa
loob ng opisina niya at pinipilit na makapagtrabaho nang maayos. Pero
kahit ano yata ang gawin niyang pagko-concentrate sa trabaho niya ay
wala iyong silbi, dahil ang umookupa sa buong sistema niya ay kung
ano ang ginagawa nina JM at Paula --- anak ng may-ari ng Valencia
Communications --- habang nasa loob ng opisina ni JM.
Ang
napag-usapan nila ni JM ay maghanap ito ng babaeng edad kuwarenta
pataas para sa kanyang ama. Pero sa palagay niya, wala pang treinta
anyos si Paula at wala rin siyang sinasabi na makipag-date ito sa mga
babaeng irereto nila sa daddy niya. Bukod doon, mula nang i-process
ang merger ng Santos Media at Valencia Communications ay palagi nang
magkadikit ang mga ito. Gustong-gusto na niyang makisawsaw sa dalawa
kapag nakikita niyang naghahalakhakan ang mga ito ngunit pilit niyang
pinipigilan ang sarili. Professional din naman siya tao at magmumukha
lang siyang walang breeding kung pati ang big boss niya sa kompanya
ay kakantiin pa niya.
Gusto rin
niyang sumbatan si JM. Nang nagdaang linggo kasi ay walang babalang
kinuha nito ang first kiss niya. Pagkatapos ay bigla na lamang siya
nitong binale-wala. Bakit wala man lang itong notification sa kanya?
Naalala niya nang bigla siya nitong tinanong kung bakit wala pa
siyang balak mag-settle down. Balak na ba nitong ipaalam sa lanya na
may plano na ba itong mag-asawa? At si Paula ba ang masuwerteng
babaeng iyon? The witty, sexy and mature woman na kayang
ipag-argumento rito ang problema ng buong mundo. Ganoon ba ang tipo
ng babae na gusto nito kaya hindi man lang nito iniiwasan si Paula?
Bakit hindi agad niya iyon nalaman?
Naiinis
na tumayo siya at lumabas ng kanyang opisina. Pakiramdam niya ay
nagsisikip ang dibdib niya at tila nasu-suffocate siya. Kailangan
muna niyang lumanghap ng sariwang hangin at mag-relaz. Pero saan
naman kaya siya makakahanap ng sariwang hangin? Polluted na ang Metro
Manila. Kung ang hangin doon ang patuloy niyang lalanghapin, baka
tuluyan na siyang mawala sa katinuan.
“Enzo?”
Napalingon
siya kay Thomas nang tawagin siya nito. “O?” walang ganang
baling niya rito.
“Himala.
Hindi ka ata nakikigulo kay JM doon sa opisina niya,” tugon
nito.
“Tinatamad
ako, eh,” pagdadahilan niya, saka patuloy nang naglakad sa
pasilyo ng kanilang building palabas.
“Aalis
ka?” tanong pa ni Thomas na sumusunod pala sa kanya.
“Nagugutom
ako. Gusto kong kumain.”
“Puwdeng
sumama?” tanong nito sa kanya.
Pinagtaasan
niyo ito ng kilay. Kailan pa ito natutong humingi ng permiso? Sa
pagkakatanda niya, dati ay basta na lang itong nakikialam at
nakikisingit sa mga pinaggagagawa niya anumang sandali na gustuhin
nito.
“Ano'ng
nangyari sa 'yo? Bakit biglan mong naisip na magpaalam ngayon?”
pagsasatinig niya ng na sa isip.
“Wala
lang. Trip kong magpakatino ngayon, eh. Tara na?” yakag nito sa
kanya.
Tumango
na lang siya at nagpatianod kay Thomas nang igiya siya nito palabas
ng building. Sa pinakamalapit na restaurant siya dinala ng binata.
“Ano'ng
nangyari sa inyo ni JM? Bakit parang hindi mo siya pinapansin ngayon?
Pinababayaan mo silang palaging magkasama ni Paula?”
nagtatakang tanong ni Thomas pagkatapos nilang umorder ng pagkain.
“Ah,
'yon ba? Binibigyan ko lang ng space ang pinsan mo. Baka
nasu-suffocate na siya sa akin. Kawawa naman.” Nababagot na
nangalumbaba siya sa mesa.
Inabot ni
Thomas ang isang kamay niya. Babawiin san niya iyon pero humigpit ang
pagkakahawak nito roon. “Huwag kang mag-alala, wala naman itong
malisya,” nakangiting saad nito. Napatunganga siya rito. “I'm
just trying to comfort you. Pakiramdam ko kasi, sinusukuan mo na si
JM. Why did you stop chasing after his love?”
Naguluhan
siya sa sinasabing iyon ni Thomas. Hindi ba dapat ay matuwa ito kung
sakali mang sumusuko na nga siya kay JM? Bakit parang sa tono nito
ngayon ay parang nanghihinayang pa ito?
“Excuse
me? Nagkamali ba ako ng dinig?”
Ngumiti
si Thomas. “Tama ang narinig mo, hindi ka pa nabibingi. So, tama
ba ako ng hinala? Sumusuko ka nang mahalin ang gagong pinsan ko?”
“Hindi
siya gago!” sikmat ni Enzo kay Thomas.
“All
right, all right,” sumusukong saad nito. “As I can see,
you still love him.”
“I
do.” He sighed.
“Then
why did you stop?”
“I
didn't stop loving him. I just decided to stop showing my feelings
because no matter how much I try, he'd only ignore me,”
pagtatapat ni Enzo. Naiinis siya. Bakit ba kailangan nila iyong
pag-usapan? Kaya nga niya naisipang lumabas at kumain para iwaglit sa
isip niya ang mga bagay na may kinalaman kay JM.
“If
you give up too soon, you'll never know what you'll miss. Don't stop
when you're tired, stop when you're done,” paghihimok pa nito
na talagang ipinagtataka ni Enzo.
Mataman
niya itong tiningnan. Pangiti-ngiti naman ito sa kanya. “Alam
mo, naguguluhan na ako sa 'yo, Thomas. Bakit mo ako ipinagtutulakan
ngayon sa pinsan mo? Hindi ba dapat, natutuwa ka kung ayoko na sa
pinsan mo?”
Pinisil-pisil
ni Thomas ang kamay niyang hawak pa rin nito, saka muling ngumiti sa
kanya. “Bakit naman ako matutuwa na susukuan mo ang lalaking
totoo mong mahal?”
“Pero
hindi ba ---”
“I
like you, I really do. And I think it would be impossible not to like
you,” sabi ni Thomas. “Unfortunately, I know you've
already given your heart to someone else,” patuloy nito.
“Gano'n
naman pala, bakit lagi ka na lang sumisingit kapag
ipinangangalandakan ko na mahal ko si JM?” tanong ni Enzo kay
Thomas.
“Kasi
naiinis ako sa kanya. I mean, naiinggit ako sa kanya,” pag-amin
nito. “Sa pamilya namin, siya na lang ang palaging bida. Lahat ng
gustuhin niya sa buhay, nakukuha niya. Pati tiwala ng lolo ay nakuha
na rin niya gayong hindi naman maganda ang estado ng relasyon nina
Tito at Lolo. Samantalanga ako, kahit anong pagsusumikap ko, hindi ko
pa rin siya mapantayan sa paningin ng pamilya namin. Kaya ang naging
tingin ko sa kanya ay kakompetensiya. Lahat ng mayroon siya, gusto
kong agawin. Kahit ikaw, gusto kitang agawin sa kanya. Pero hindi
ibig sabihin na kaya kita inaagaw ay dahil pa rin sa inggit ko sa
kanya, kundi dahil totoong gusto kita. Gusto na kita uang beses pa
lang kitang makita at makilala,” saglit itong huminto at tila
nag-iisip. Kapagkuwan ay nagpatuloy ito sa paglilitanya.
“Kaya
lang, palagi mo akong binabara. Lalo akong nayamot kay JM dahil siya
ang gusto mo. But lately, I realized, kahit ano ang gawin ko, hindi
na talaga kita maaagaw sa kanya dahil simula'y sapul ay inilaan mo na
ang puso mo sa kanya. Na-realize ko rin na hindi dapat ako
makipagkompetensiya sa pinsan ko dahil pamilya ko siya. Tinanggap ko
na sa sarili ko ang pagkatalo ko. At ang gusto ko na lang ngayon ay
matutuhan niyang buksan ang sarili para mahalin ang taong nagmamahal
sa kanya ng sobra. Sa nakikita ko kasi kay JM, mas mahalaga sa kanya
ang magtagumpay sa buhay. Nakalimutan na niyang magmahal para mahalin
ang pinakaimportanteng bagay rito sa mundo. Love is like magic that
can change everything in an instant.”
Nagulat
si Enzo sa mga rebelasyon na iyon ni Thomas. Ang akala niyaay hindi
na darating ang araw na may isa sa magpinsan ang bababa sa pedestal
upang magparaya. And he admired Thomas for doing the right thing.
“At
sino kaya ang dahilan nang biglang pagbabago ng isip mo?” tudyo
niya rito. Sinabi kasi nitong “Love is like magic that can
change everything in an instant.”
“Well,”
he shrugged. “Isang tao na hindi ko inaakala kailanman na
magugustuhan ko. The person may not be my type. Dahil sabi ko nga,
ikaw ang gusto ko sa simula pa lang. Pero hind ko alam kung ano ang
nangyari sa akin at biglang nag-U-turn ang puso ko pabalik sa taong
nilalagpas-lagpasan ko lang noon.”
Hindi na
niya napigilan ang maluwang na ngiting gumuhit sa kanyang labi. Kahit
hindi para sa kanya ang mga pinagsasasabi nito ay parang nakikiliti
pa rin ang puso niya. Akalain ba niyang maririnig niya ang
ka-corny-hang iyon ng isang macho na lalaki na tulad ni Thomas.
Ganoon nga talaga yata ang epekto ng pag-ibig. Ang sabi nga ni Bea
Alonzo sa pelikula nitong The Mistress: “Love builds, but it
also destroys.”
Dahil
kung para kay Thomas, nabuo at pinatatag ng pag-ibig ang pagkatao
nito, siya ay parang winawasak ang dibdib niya dahil sa patuloy na
pagkapit niya sa kanyang pag-ibig para sa lalaking alam niyang
kailanman ay hindi magiging kanya.
No comments:
Post a Comment