Thank You For Visiting..

26 July 2014

Chasing A Prince - Book 2 Chapter 9






Chapter 9



“Welcome back hijo!”


Excited na sinalubong sina Keith at Andrew ni Tita Bettina. Agad na humalik si Andrew sa pisngi ng ginang pagkababa niya ng motorsiklo ni Keith. Nagulat na lang siya kanina nang malaman kay Keith habang nasa daan sila na sa bahay ng Tita Bettina nito sila pupunta. May monthly gathering daw kasi ang mga pamilya nito at nabanggit ni Tita Bettina na gusto siya nitong makita uli kaya pumayag na lang din siya.


Sa loob ng walong taong lumipas ay wala siyang nakitang pagbabago sa hitsura ng ginang. Maganda pa rin ito at maging ang hubog ng katawan nito. Halatang alagang-alaga pa rin nito ang sarili.


“Thanks, Tita,” nakangiting saad niya.


“It;s been eight years. Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. By the way...” Bumaling ito kay Keith. “Nasaan si Enzo?”


“Hindi yata siya makakarating ngayon. May mahalaga siyang inaasikaso,” sagot nito sa ginang.


“Oh! Lately, tuwing magkakaroon tayo ng gathering, hindi na siya nakakapunta,” komento ni Tita Bettina. “Siyanga pala, nandito rin si ---”


“Hi, babe!”


Sabay-sabay silang napalingon sa isang napakagandang babae na maluwang ang ngiting lumabas ng pinto ng malaking bahay at dere-deretsong lumapit kay Keith.


“Bryan....” mahinang usal ni Keith.


Walang kaabog-abog na hinalikan nita sa mga labi si Ryan at sa mismong harap pa nila ni Tita Bettina. Napatunganga na lang siya sa mga ito.


“Halika na muna sa loob, Andrew,” yakag sa kanya ni Tita Bettina. Naramdaman niya ang paghila nito sa kanya papasok sa bahay. Nagpatianod na lang siya sa ginang. Hindi na kasi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa kanyang nasaksihan.


Parang nais niyang hambalusin si Keith. Pakiramdam kasi niya ay dinala siya nito sa gilid ng isang bangin at basta na lang siya iniwan. Niyaya ba siya nito roon para saksihan niya ang pakikipaghalikan nito sa ex-girlfriend nito? O baka nagkabalikan na ang mga ito?


Naguguluhan na talaga siya. Kailan lang ay nagpahiwatig ito ng damdamin nito sa kanya pagkatapos ngayon ay ihaharap siya nito sa babaeng iyon? Alam niyang hawak pa rin ni Trish ang malaking parte ng puso nito. At si Tita Bettina pala ang nag-imbita sa kanya roon hindi si Keith.


Pagkapasok nila ni Tita Bettina sa loob ng marangyang tahanan nito ay agad na nakipagkilala sa kanya ang mga pinsan ni Keith. Ang akala niya ay maa-out of place siya, dahil bukod kina Tita Bettina at Keith ay wala na siyang ibang kilala roon. At mukhang talagang pinabayaan na siya ni Keith. Subalit ilang sandali pa lang siyang iniiwan ni Tita Bettina sa ibang pamangkin nito dahil may aasikasuhin pa raw ito sa kusina ay mabilis na siyang naaliw sa pangungulit ng mga ito.


“I've been wondering about you and Keith,” sambit ng nagpakilalang si Travis.


“Same here,” segunda ni Odette na mas nakatutok ang mga mata sa cell phone na hawak nito.


“Mag-ano kayo ni Kuya Keith?” deretsahang tanong naman ni Dianne. “Kasi sabi ni Tita, dati ka raw nililigawan ni Kuya Keith. But then, there's Trish, who happens to be his long time on and off girlfriend. Huwag mong sabihin na pinagsabay kayo ni Kuya? Lakas ng loob niyang pagharapin kayo rito, ha?”


Kahit pakiramdam ni Andrew ay sinasakal siya nang mga sandaling iyon ay pinilit pa rin niyang ngumiti sa mga ito. “No, he's not doing that. We're just friends.”


“Talaga? Parang hindi ganoon ang palagay namin. Hindi rin ganoon ang sinabi ni Tita,” komento uli ni Dianne.


“Ano kasi, hindi naman talaga niya ako nililigawan noon,” pag-amin niya sa mga ito.


“Ano?!” halos sabay-sabay na bulalas ng lahat ng naroon.


Tuluyan na niyang nakuha ang atensiyon ng mga ito. Lumapit ang lahat sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito. Sina Travis at Iggy ang nasa magkabilang gilid niya, si Macky naman ay pumuwesto sa likuran niya. Samatalang sina Odette at Dianne ay sumalampak sa sahig sa harap niya.


“Ilusyunada lang talaga ako noon, eh. Sinakyan ko na lang ang maling-akala ni Tita Bettina kasi nagustuhan ko ang pakiramdam ng ilusiyong nililigawan ako ni Keith,” pag-amin niya sa mga ito.


“And let me guess, hindi nag-effort si Kuya na itama ang maling assumption ni Tita, ani Dianne.”


“Kayo, lumayo-layo nga kayo nang konti kay Andrew, baka mabugbog kayo ni Keith,” sita I Odette sa mga pinsan nitong lalaki.


“Bakit naman niya kami bubugbugin, eh, may boyfriend naman siyang nakalingkis sa kanya?” angal ni Iggy.


“Oo nga, ayun o? D'on pa sila sa favorite place nila.” Ininguso ni Macky ang hindi kalakihang kubo na nasa malawak na lawn area. Kitang-kita nila ang eksena sa labas mula sa kinaroroonan nila sa sala. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nakikitang paghaplos-haplos ni Bryan sa braso ni Keith. Nakatingin din si Keith sa gawi nila, at bakit parang ito pa ang galit kung makatingin sa kanila? Hindi ba dapat siya ang nagagalit dito?


Kulang na lang ay literal na tadtarin nito ang puso niya sa mga ipinapakitang eksena nito at ni Bryan. Mabuti na lamang at napaka-warm ng pamilya nito, kaya kahit paano ay nawawaglit ang atensiyon niya palayo rito at sa babaeng nakalingkis pa rin dito.


“Nag-effort din naman,” pagbabalik niya sa usapan nila. “Hindi nga lang sobra. Siguro hinayaan na lang niya ako kasi alam niya na malaki ang pagkagusto ko sa kanya.”


Umawang ang bibig ni Odette at Dianne sa pagkamangha.


“Kung alam naman pala niya na gusto mo siya, bakit hindi naging kayo? Eh, palagi niyang sinasabi sa amin na mahal ka raw niya. Tuwing malalasing siya, ikaw na ang bukambibig niya,” pahayag ni Travis.


“Ha? Kailan 'yan?” nagtatakang tanong niya.


“Matagal na.”


“Noong magtapat kasi ako sa kanya, sabi niya si Trish ang magal niya.”


“Really? Nagtapat ka kay Kuya noon? Oh, girl, I salute your guts,” puri sa kanya ni Dianne.


“Hindi naman naging maganda ang kinalabasan. Kaya kita n'yo naman at sila pa rin ang magkasama,” aniya.


“Naguguluhan ako diyan kay Keith, ha?” komento ni Macky.


“Anyway, tutal, hindi naman pala kayo mag-on ng pinsan namin, baka gusto mong ilipat na lang sa amin ang pagsinta mo. We're all available here,” nakangising biro sa kanya ni Iggy na nagpangiti sa kanya.




Kararating lang ni Andrew sa pinakamalapit na restaurant mula sa flower shop niya kung saan napagkasunduan nila ni Charles na magkikita. Ang totoo, pakiramdam niya napilitan lang itong pumayag na makipagkita sa kanya. Nang mabalitaan kasi niya mula sa mutual friends nila na nakauwi na ito dahil short-term contract lang naman ang pinirmahan nito ay nagpasya siyang makipagkita at makipag-usap s kasintahan. Kailangan na nilang magkalinawan. Hindi pa naman kasi pormal ang breakup nila. Pagkatapos ng mga eksenang nakita niya sa pagitan nila Bryan at Keith nang isama siya ni Keith sa bahay ni Tita Bettina ay tila nahulasan siya. Hindi niya pagmamay-ari si Keith para masaktan siya ng ganoon. Naisip din niya na marami na talagang mali sa mga pinaggagagawa niya kaya ipinasya na muna niyang lumayo sa binata para makapag-isip nang mabuti. Hindi na kasi niya nauunawaan ang sarili at ang gustong mangyari ni Keith. O mas tamang sabihin na ayaw lang talaga niyang tanggapin ang katotohanang nakita mismo ng mga mata niya kaya patuloy pa rin siyang umaasa na may katotohanan ang ipinagtapat nitong damdamin para sa kanya.


“Kanina ka pa?”


Umangat ang ulo ni Andrew pagkatapos marinig ang pamilyar na boses ng nagsalitang si Charles. Ngumiti siya rito nang matipid. “Hindi naman gaano. Maupo ka. Ano'ng gusto mong kainin?” Hindi magkandaugagang pas asiste niya rito. Paanong hindi siya magkandaugaga, kinakabahan siya sa maaaring kalabasan ng pag-uusap nila. Malaki ang naging kasalanan niya kay Charles at natatakot siya sa magiging reaksiyon nito.


Umupo si Charles sa katapat na upuan niya. “Hindi ako puwedeng magtagal. Sabihin mo na lang kung anuman ang mahalagang sasabihin mo. May mga aasikasuhin pa rin kasi ako,” malamig na saad nito.


Napakagat-labi siya. Sariwa pa marahil kay Charles ang tungkol sa mga larawan nila ni Keith kaya hindi niya ito masisisi kung ganoon man siya nito pakitunguhan ngayon.


“Charles, I'm sorry. Malaki talaga ang kasalanan ko sa 'yo.” Pagkasabi niya niyon ay nakita niyang tila natigilan ito. But he couldn't stop now. Baka hindi na niya magawang humingi ng tawad dito kung ipagpapaliban na naman niya iyon. “Nagmahal kasi ako ng iba habang wala ka. Honestly, I've loved him ever since when I was a teenage boy. He never left my heart, Charles. Ang akala ko, kaya ko siyang kalimutan kapag binuksan ko sa iba ang puso ko. Pero mali pala ako. I can't stop loving him now. I've kept a part of him with me and I can't help but keep him forever here in my heart. I'm really sorry.” Napatungo siya dahil sa labis na guilt na nadarama niya habang nagtatapat siya kay Charles. Alam niyang labis niya itong masasaktan lalo na at ginamit lamang niya ito para makaahon sa pagkakalugmok ng puso niya noon.


Pero ang inaasahan ni Andrew na masasakit na salitang maririnig niya mula kay Charles ay hindi nangyari. Sa halip ay inabot nito ang isang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. Matagal silang kapwa natahimik --- si Charles ay dahil tila may tinitimbang na kung ano, habang siya naman ay tila hindi na nais huminga habang naghihintay ng mga sasabihin nito. Aoys lang sa kanya kung magalit ito. Tatanggapin niya iyon dahil may rason naman talaga itong magalit sa kanya.


“I have to say sorry, too, Andrew,” mahinang saad nito habang masuyong pinipisil ang kamay niya. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak dahil sa napakaraming bagay na nagpapabigat sa dibdib niya. Pero ang hindi na niya iyon kayang pigilan ay hinayaan na niyang kumawala ang mga luha niya.


“Nararamdaman ko noon pa man na hindi ko nakuha ang buong puso mo. Pero nagbulag-bulagan pa rin ako dahil mahal kita. Pinaniwala ko ang sarili ko na mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Until that day I received the pictures. Ang totoo... kaya madali para sa akin na makipag-cool off sa 'yo dahil naguguluhan na rin ako sa damdamin ko. I know I love you, but there is... this man came into my life. I admit, siya ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong nakakatawag sa 'yo habang nasa barko ako. Ginugulo na niya ang isip ko noong una pa man kaming magkita. Iba siya sa 'yo, Andrew. He infuriates me, he drives me crazy, but despite of all that. I still want to be with him. I could not get him out of my mind no matter how hard I try,” pag-amin nito.


Awtomatikong huminto sa pag-agos ang kayang mga luha. Kaya naman pala....


“I think ---”


“I think I'm inlove with him,” pamamatlang nito sa dapat ay sasabihin niya. “Kaya nag-aalangan din akong humarap sa 'yo ngayon dahil hindi ko rin alam kung paano sasabihin iyon sa 'yo. Pero ngayong sigurado na ako sa damdamin ko para sa kanya, at naiintindihan ko na rin ang nararamdaman mo, I'm setting you free. We're both free now in this relationship. Tulad ko puwede mo na ring mahalin ang lalaking tinutukoy mo. But please, hayaan mo pa rin sana akong maging kaibigan ka.”


Maluha-luha ngumiti siya rito. Sa labis na kasiyahan ay napatayo siya upang daluhungin ng yakap si Charles. Malaya na siya, malaya na silang pareho. Tumayo rin ito upang salubungin ang yakap niya.


“Thank you so much, Charles,” nakangiting sabi niya rito. “And of course, we will remain as friends.”


“I wish you all the happiness, sweetie,” bulong nito sa tainga niya.


“Me, too.”




“Pa-order naman ng isang bouquet of white roses.”


Napalingon si Andrew sa lalaking nagsalita. Nais niyang tumakbo palayo kay Keith o di kaya ay magtago sa ilalim ng desk, huwag lang niya itong makaharap uli.


Ilang araw na rin ang dumaan na hindi ito naglalapit sa kanya. Paano naman ito makakalapit sa kanya gayong laging nakapulupot sa braso nito si Trish. Tuwing napapadaan siya sa tapat ng shop nito ay napapansin niyang may nakahimpil na sasakyan sa tapat niyon. At malamang na si Trish ang may-ari niyon. At kung hindi ba naman siya masokista, kahit ilang beses na niyang pinagbawalan ang sarili na huwag na siyang dumaan sa tapat ng shop ni Keith ay natatagpuan pa rin niya ang sarili na tinutumbok ang lugar na iyon.


Kinalma niya ang sarili at kaswal na hinarap si Keith. “May mga ready made na kami sa display section. Maari po kayong pumili roon ng gusto ninyong arrangement, Sir,” pagkasabi niya niyon ay agad siyang nagpunta sa receiving area makaiwas lang siya sa mga titig nito. Ayaw na niyang muling magpadala sa anumang nakikita niya sa mga mata nitong mapanlinlang.


“Ito po, Sir. Pumili na lang kayo ng sa palagay ninyo ay magugustuhan ng pagbibigyan ninyo,” kaswal uli na sabi niya.


“Alin ba sa tingin mo ang maganda rito?” tanong nito. Alam niyang nakamasid pa rin ito sa kanya kaya nagpakatungo-tungo siya sa mga bulaklak.


“Lahat naman maganda, Sir.”


“Kung alin 'yong pinakamaganda sa paningin mo, 'yon ang kukuhanin ko.”


“Baka magkaiba kami ng taste ng pagbibigyan ninyo at hindi niya magustuhan.” Sa totoo lang ay pinipigilan niya ang sariling bulyawan ito. Bakit ba patuloy siyang sinasaktan nito. Wala na ba talaga itong konsiyensiya? To think na nangako pa ito sa kanyang pasasayahin siya nito.


“May tiwala ako sa taste mo,” muling saad nito.


“Okay.” Basta na lang siya umabot ng isang bouquet at dinala iyon sa desk. “Ipapa-deliver n'yo po ba ito, Sir? Pakisulat na lang po rito ang message ninyo.”


“Pakilagay na lang diyan na, 'Sorry. Kung anuman ang nagawa kong mali, sorry na. Hindi ko na kaya na hindi mo ako kinakausap tuald ng dati,” sabi nito.


Pakiramdam niya ay napakatalas, tulad ng patalim, ang mga salitang iyon na humihiwa sa dibdib niya. Hindi na niya kaya. Inilagay niya nag ball pen sa tapat nito. “Kayo na lang po ang magsulat, Sir. Mas sweet kung kayo po mismo ang magsusulat,” baling niya kay Keith.


Bakit ka ba ganyan? Bakit mo ba ako patuloy na sinasaktan, Keith? Bakit kailangan mo pang ipamukha sa akin kung paano mo suyuin ang babaeng mahal mo?


Nasa akma na itong kukunin ang ball pen at card nang bumungad si Charles.


“Hi, sweetie! Nag-lunch ka na? Let's grab something to eat,” sunod-sunod na sabi ni Charles.


“Oh, Charles!” Tinawag niya si Nancy upang ito na ang umestima kay Keith. “Nagugutom na rin ako. Tara,” pagpayag niya sa paanyaya ni Charles.


Lumapit na siya kay Charles para mailayo na siya nito kay Keith. Hindi na kasi kaya ng dibdib niya na makita ang binata habang nakikita niya ang mga ginagawa nito para kay Trish. Nadudurog na nang pinong-pino ang puso niya sa labis na sakit na dulot nito.


Nakagawian na ni Charles na dalawin siya paminsan-minsan sa flower shop habang nasa bansa pa ito. Inaayos na rin kasi ng binata ang mga papeles nito para sa muling pag-alis. Inialok pa rin nito sa kanya ang trabaho na napagkasunduan nila noon. Tutal naman daw ay magkaibigan pa rin sila, at wala naman masama kung magkakasama pa rin sila sa trabaho. Sinabi na lang niya rito na pag-iisipan muna niya ang alok nito.


“Kilala ko 'yong customer mo kanina,” ani Charles pagkarating nila sa pinakamalapit na restaurant sa shop niya. “Siya 'yong nasa picture na in-email sa akin ni Sarah. Akala ko ba, magkaibigan kayo? Bakit parang binale-wala mo yata siya kanina? Ni hindi mo man lang ako ipinakialala?”


“Eh, kasi ---”


“Ayan pa sila, oh?” muling sabi ni Charles hindi pa man niya nasasagot ang mga katanungan nito tungkol kay Keith.


Napalingon siya sa direksiyong sinisipat ni Charles. Naroon nga si Keith at kasama nito si Bryan. Gusto ba nitong malaman kung maaapektuhan pa rin siya kapag nakikita niya ang mga itong magkasama.


All right! You want to test me? Then I'll give you a grand result, aniya sa isip.


Kung sa akala nito ay makikita pa siya nitong nasasaktan, puwes, nagkakamali ito.


Napansin niya na sa tapat mismo ng mesa nila ni Charles pumuwesto ang mga ito. Binalingan niya si Charles. “Would you please transfer here?” Itinuro niya ang puwesto sa tabi niya.


“Why?” nagtatakang tanong nito.


“Ah....” Bago pa siya makasagot ay parang nakuha na nito ang gusto niyang mangyari.


“Okay.” Nakangiting lumipat ito sa tabi niya at dumikit ito sa kanya nang husto. “Siya ba 'yung lalaking sobra mong mahal?” pabulong na tanong sa kanya ni Charles.


Namamanghang nilingon niya ito.


“I think the answer is 'yes,'” sabi nitong maluwang pa rin ang pakakangiti. “Ano'ng nangyari sa inyo? Bakit may kasama siyang iba?” naku-curious na tanong uli nito.


Inilapit niya ang bibig sa tainga nito upang pabulong ding sumagot. Nangangamba siya na baka marinig nina Keith na ang mga ito ang pinag-uusapan nila. “He's the guy he loves.”


“Talaga? Parang hindi naman,” komento ni Charles.


“Ano'ng parang hindi naman? Kita mo nga at magkasama pa sila.”


“Hmmm.... nagseselos ka?”


Natampal niya ang dibdib nito.  Ipagdiinan ba nito sa kanya ang katotohanang iyon? Hinuli ni Charles ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito. Babawiin sana niya iyon nang maramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.


Bumulong uli ito sa tainga niya. “Pagselosin din natin siya. At palagay ko, effective naman,” pasimpleng sumulyap ito sa gawi ni Keith.


Tinangka niyang bumaling din sa mga ito nang pigilan siya ni Charles. Inabot nito ang magkabilang balikat niya upang iharap siya rito. “Hayaan mo lang sila. Baka mahalata tayo.”


Isang ekseheradong tikim ang narinig niya mula sa kabilang mesa. Si Charles ang sumulyap doon, saka siya knabig pahilig sa dibdib nito. “Ano 'yon? May problema ba?” tanong nito kay Keith.


“Baka kasi nakakalimutan ninyo na public place ito at lugar ng kainan,” ani Keith. Napalingon siya rito dahil nahimigan niya ang iritasyon sa bawat salita nito. Ano na naman ba ang gusto nitong mangyari? Ito lang ba ang may karapatang mag-display ng kapareha nito?


“Bawal ba rito ang mag-public display of affection, pare? Sa nakikita ko naman, walang karatulang nakabandera na nagsasabi nang ganoon dito?” Lalo siyang hinapit ni Charles palapit sa katawan nito. Nagtagis ang mga bagang ni Keith. “O baka naman naiinggit lang kayo, bakit hindi kayo gumaya?” sulsol ni Charles sa mga ito.


“Babe, hayaan mo na lang sila,” malambing na saad ni Bryan kay Keith na humilig na rin sa dibdib nito. Kung hindi lang siya magmumukhang tanga, ngalingali na niyang hatakin ang lalake palayo sa dibdib ni Keith. “Huwag ka nang mainggit sa kanila. We can do the same thing,” sabi pa ng mahaderang lalake.


“Yeah, right!” nakatiim-bagang pa rin na tugon ni Keith habang sa kanya naman nakatingin. Hindi na lang sana niya ito pinansin kung hindi lang niya nakitang bumaba ang mukha ni sa mukha ni Bryan at siniil ng halik ang lalake habang nakatingin pa rin ito sa kanya. Maliwanag na sinasagad talaga siya nito. At kahit pa nais na niyang daluhugin ang mga ito upang paglayuin ay pinigilan niya ang sarili. Ibinaling na lang niya ang paningin sa paparating na waiter.


“Here's our food, love.” maluwang ang ngiting saad niya kay Chalres.


“Hindi ka ba naiinggit sa kanila? Why don't we kiss, too?” Sinadya ata ni Charles na lakasan ang boses nito upang umabot iyon sa pandinig ng mga nasa kabilang mesa. At nagtagumpay ito. Huminto ang dalawa sa paghahalikan. Pagkatapos maibaba ng waiter ang mga pagkain nila ay muli siyang hinarap ni Charles. Umangat ang kamay nito sa kanyang baba. Naalerto naman siya sa balak nito.


“Charles....” mahinang saway niya rito.


“Don't worry hindi ito matutuloy,” paniniguro nito sa kanya.


Hindi pa man tuluyang bumababa ang mukha ni Charles sa mukha niya ay umangat na siya mula sa kinauupuan niya. Hinaklit siya ni Keith palayo kay Charles. Namamanghang napatitig lang siya rito.


“Ano ba'ng problema mo?” asik niya rito.


“Ikaw. Ikaw ang problema ko. Wala naman sanang kaso kung maghalikan kaya hanggang gusto ninyo. But please, don't do it in front of me.”


“At ikaw? Puwede mong halikan ang kahit sinong lalake na gustuhin mo sa harap ko?” mapaklang ngumiti siya rito. Gustong-gusto na talaga niyang bayuhin ang dibdib nito sa mga ginagawa nito s kanya. O kaya naman ay patikimin ito ng malakas na sampal. Kaya lang ay hindi niya magawa. Hindi niya ito kayang masaktan. Kung para dito ay walang anuman kung masaktan nito ang damdamin niya, sa kanya ay napakahalagang huwag niya itong masaktan sa kahit anong paraan.


“Hindi ko gagawin 'yon kung hindi ka nagpapayakap sa kanya?” asik din ni Keith.


“Ano namang pakialam mo? Kahit yakapin niya ako at ng kahit na sino ay wala kang pakialam. Sino ka ba sa akala mo, ha?”


Natigilan ito. “Tama, wala dapat akong pakialam.” Iyon lang at mabilis na itong naglakad palabas ng restaurant. Humabol dito si Bryan.




2 comments:

  1. Asan po ung story? Bat wala po pati ung part 8?

    ReplyDelete
  2. Anonymous... Sorry di ko napansin na hindi ko pala nailagay ung story kasi naka sched na ito eh at naging busy lang po sa work... Sana eh nagustuhan mo ang story... Thanks for reading....

    ReplyDelete