Thank You For Visiting..

09 August 2014

Chasing A Prince - Book 2 Chapter 10 Finale





Chapter 10



“Manong, bakit po tayo tumigil?” tanong ni Andrew sa driver ng taxi na sinakyan niya. Patungo siya sa meeting place nila ng mga kaibigan nang umagang iyon. Late na siya sa napag-usapan nilang oras. Nag-aalala tuloy siya na baka iwan na siya ng mga ito.


Napagpasyahan niyang sumama sa mga kaibigan papunta sa isang beach resot sa Palawan. May photo shoot kasi roon ang kaibigang si Mhelo at si Cody ang modelo nito. Naisip nilang ituloy na rin iyon sa pagbabaksyon upang magkasama uli silang tatlo.


“May humarang po kasi sa daraanan natin, Sir,” tugon ng taxi driver.


“Sino ba ang balasubas na 'yan?” naiinis na tanong niya.


Nanggigigil na bumaba siya ng taxi. Susugurin niya ang kung sino mang sakay ng kotse na humarang sa kanila. Kung kailan naman kasi nagmamadali siya ay saka pa naisipan ng kung sino mang nilalang na ito na humarang sa kanila. Subalit hindi pala siya dapat bumaba ng taxi, dahil ang nilalang na humarang sa kanila ang dahilan kung bakit araw-araw ay magulo ang takbo ng isip at puso niya.


Mula nang mangyari ang insidente sa restaurant ay wala na siyang ganang gawin ang dapat gawin sa araw-araw. Hindi na niya naaasikaso nang maayos ang kanilang flower shop at nagkukulong na lamang siya sa kanyang apartment. Kung hindi lang talaga siya pinilit ng mga kaibigan na sumama sa mga ito papunta ng Palawan ay talagang magbuburo na lang siya sa apartment niya. Nagpapasalamat din siya kina Mel at Nancy na hindi pa siya isinusumbong ng mga ito sa pamilya niya, kung hindi, malamng sinugod na siya roon ng mga magulang at kapatid niya.


Pagkakita niya kay Keith ay balak niyang pumasok agad sa loob ng taxi ngunit mabilis siyang nahawakan nito sa kanyang braso. Hinila siya nito patungo sa sasakyan nito.


“Ano ba? Bitiwan mo nga ako.” Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak sa kanya ni Keith subalit hindi pa rin siya makawala rito.


“Huwag kang susunod!” matigas na banta nito sa taxi driver na bumaba na rin sa sasakyan. Hindi iyon nakapalag dahil may hawak na baril si Keith. Kinabahan siya. Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip nito at ginagawa nito iyon? Ginawa na nga niya lahat upang hindi na magtagpo ang mga landas nila nang sa gayon ay wala na silang maging problema. Pero hayun ito ngayon at... kini-kidnap siya?


Pinaharurot ni Keith ang sasakyan nito palayo sa lugar na iyon pagkatapos siya nitong maisakay sa kotse nito. Nagulat pa siya nang itapon nito ang hawak na baril sa labas ng sasakyan.


“Bakit mo itinapon?” hindi niya napigilang itanong dito. Dapat ay matuwa siya na wala na itong hawak na armas.


“Hindi 'yon totoong baril,” kaswal lang na tugon nito. “Props lang 'yon.”


“Props?! Puwede ba, Keith, ibaba mo na ako. Male-late na ako. Hinihintay na ako nina ---”


“Hayaan mo siyang maghintay. O mas magandang umalis na lang ang Charles na 'yon na hindi ka kasama,” nakatiim-bagang na saad nito habang patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. At bakit parang ang tinutumbok nilang destinasyon ay ang sadya rin niya?


“Si Charles? Bakit naman nadmay si Charles dito?” kapagkuwan ay tanong niya rito. Nalilito na siya sa mga pinaggagagawa nito.


“Don't make a fool of me, Andrew. Alam kong ngayon na kayo sasakay sa barko. At sa palagay mo ba papayag akong ilayo ka niya sa akin? Nasimulan ko na rin lang umeksena sa relasyon ninyo, hindi na ako makokonsiyensiyang patuloy na paghiwalayin kayo. Matira na lang ang matibay sa aming dalawa.”


Totoong nang araw ring iyon ang alis ni Charles at nawala na iyon sa isip niya. Isa lang naman kasi ang umookupa sa buong sistema niya.


“Teka, hindi naman talaga ako sasama sa kanya. Oo at ngayon din kami aalis, pero sila Mhelo ang kasama ko papunta ng Palawan.”


Biglang iginilid ni Keith ang kotse at muntik na siyang mapasubsob kung hindi lang niya naitukod ang kanyang mga kamay sa dashboard.


“Sorry, Drew. Are you okay?” nag-aalalang tanong agad ni Keith at ininspeksiyon siya kung may masakit sa kanya.


“I'm fine. Puwede ba, pababain mo na ako? Hinihintay na ako nina Mhelo,” pakiusap niya rito.


“Doon naman talaga tayo pupunta. Oh, God! Thank goodness, you're not leaving with him.” Kinabig siya ni Keith at niyakap ng mahigpit. Tila balisang-balisa ito at natatakot sa kung ano.


“Saan mo nakuha ang ideya na sasama ako kay Charles? Of course I wasn't planning to come with him.” Dahil sa totoo lang, wala na akong kaplano-plano sa buhay ko dahil sa 'yo. Ikaw ang salarin!


“Saan ka ba nagtago nang mga nakaraang linggo? I've been searching for you the whole week. Hindi kita nakikita sa flower shop, saradong-sarado rin ang apartment mo. Pinuntahan kita sa bahay ninyo, pero wala ka rin do'n. Halos mabaliw na ako kakahanap sa 'yo. Wala ring magturo sa akin kung nasaan ka. Kahit sa mga kaibigan mo, wala akong mapala.


Nalaman ko kagabi mula sa kapatid ni Charles nang makita ko siya sa isang restaurant na ngayon ang alis ng kuya niya. Nagkahinala akong bigla na posibleng sasama ka sa kanya. Naisip ko na baka pinagtataguan mo lang ako kaya nag-abang ako sa labas ng apartment mo.”


Nagulantang si Andrew sa mga nalaman niya mula kay Keith. Kumawala siya rito. “B—bakit?”


“Ano'ng bakit?” nagtatakang tanong nito.


“Bakit mo ako hinahanap?” tanong ni Andrew.


“Dahil gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. Hirap na hirap na ako sa bawat sandali na naiisip kong masaya kayong magkasama ng boyfriend mo. Nakakainis lang dahil wala akong magawa. Wala akong karapatang makialam at manghimasok sa kung anumang ginagawa ninyong dalawa dahil karapatan ninyo iyon. Karapatan niyang halikan ka dahil boyfriend mo siya. But still, I felt like I could just die just thinking about it. Lalo pa noong harapan ninyong ipinakita kung gaano kayo kalambing sa isa't-isa. Hindi ko kakayanin na makita kang hinahawakan ng iba, Andrew. Pero mas masakit ay ang katotohanang na nadiyan ka lang, abo't-kamay lang kita kaya lang, hindi kita puwedeng hawakan. Gusto kong angkinin ka pero pag-aari ka naman ng iba. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na tanggapin iyon? O mas tamang sabihin na kailanman ay hindi ko magagawang tanggapin 'yon.”


He was speechless. Was that real? Palihim niyang kinurot ang sarili. Baka kasi nananaginip lang siya. Pero kung panaginip lang iyon, sabi nga sa kanta: ayoko nang magising.


“Hey? Wala ka man lang bang sasabihin?” pukaw ni Keith sa kanya. “Wala lang ba sa 'yo lahat ng ipinagtapat ko? Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo?” sunod-sunod na tanong nito.


“Hindi kasi kita maintindihan, Keith. Is that your way of saying that you love me?”


“Hell! I don't just love you, I love you so much!”


“Sinungaling ka!” Muntik na niyang pakawalan ang sincerity na nababanaag niya sa mga mata nito kung hindi lang niya naalala ang mga tagpong kasama nito si Bryan..


“I'm not!”


“Bakit na ganyan, Keith? Ang sama-sama mo. Bakit ba gustong-gusto mo akong nasasaktan?” puno ng hinanakit na saad niya rito. “Bakit mo sinasabi 'yan? Alam naman natin pareho na si Bryan lang ang nag-iisang umookupa diyan sa puso mo. Na kahit pagbali-baligtarin natin ng mundo, siya at siya pa rin ang nandiyan. You just see him in me. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa may kaunti kaming pagkakahawig o ano? Pero hindi ko puwedeng  bale-walain na minsan mo nang sinabi sa akin na nakukuha ko lang ang atensiyon mo dahil may mga pagkakatulad kami. But that doesn't mean that I can replace him in your heart because I can't.” Dinuro niya nag dibdib nito habang lumuluha. Masamang-masama ang loob niya rito dahil nonng nakaraan ay wala na itong ginawa kundi ang saktan at pahirapan ang kalooban niya.


“What are you talking about?” namamanghang tanong sa kanya ng binata. Parang gusto na niyang maghurumentdao sa kainosentehan ng mukha nito.


“Huwag ka ngang magmaang-maangan diyan. Iniharap mo ako sa pamilya mo para ipamukha sa akin na mas higit na nakakalamang sa akin si Bryan. Alam mo, hindi kita maintindihan, eh. Nandiyan na nga si Bryan sa tabi mo, tapos gusto mo pa akong pasakayin sa mga pakulo mo. Bakit? Dahil alam mo na mahal pa rin kita hanggang ngayon? Na kahit na ano'ng gawin kong paglimot sa 'yo hindi ko magawa? Kaya ba paglalaruan mo na lang ang damdamin ko, gagawin mo akong substitute kapag not in good terms kayo ni Bryan? Hindi ba puwedeng patahimikin mo na lang ako? Hayaan mo na lang akong mahalin ka, pero huwag mo nang paglaruan ang damdamin ko, Keith,” lumuluhang sabi niya.


“Hindi kita pinaglalaruan.” Inabot siya nito sa magkabilang balikat at saka pinaulanan ng mabibining halik sa kanyang mukha. “I swear, hindi ko alam na nandoon siya. Nagulat na lang ako nang halikan niya ako. Kung alam ko lang na nandoon siya, hindi muna sana kita dinala roon para hindi ka napormahan ng magagaling kong pinsan.”


“Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na magkapagpaliwanag sa 'yo nang araw na iyon, kasi masyadong makulit si Bryan at may ipinakikiusap siya sa akin tungkol sa negosyo. He was giving me a big time client. And I couldn't be nasty to him and shoo him away. Kahit paano naman ay may pinagsamahan din kami. Bukod doon, sinimulan mo na rin akong iwasan. And then, I saw you and Charles sa restaurant. Naisip ko, malamang na nagkaayos na kayo. I tried hard to get away from you, but you're always on my mind, in my heart.”


“Paano naman akong mang-aabla sa isip mo, eh araw-araw na nasa shop mo si Bryan?” sarkastikong tugon ni Andrew.


“Tungkol lang sa negosyo ang dahilan kung bakit kami nagkakasama,” anitong sinasabunutan pa ang sariling buhok na parang nahihirapan na itong magpaliwanag sa kanya. Parang nais na niyang maawa sa ikinikilos nito.


“Then why is he that clingy and sweet to you?”


“Okay. Honestly, nakikipagbalikan siya sa 'kin. Naisip daw niya na baka sa puntong ito ay mag-work out na ang relasyon namin.”


“Kita mo na! Kita mo na! And you were so responsive!” pinaghahampas ni Andrew ang dibdib ni Keith.


“Sandali muna!” Hinablot nito ang mga kamay niya para pigilan siya sa paghampas dito. “Nakikipagbalikan siya for the nth time pero hindi ko siya tinanggap at nilinaw ko na sa kanya na ikaw ang mahal ko. Noon pa man ay ikaw na ang mahal ko.”


“Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan sa 'yo, Keith. You told me before that you didn't like me, na si Bryan ang gusto mo. Pero heto ka ngayon at sinasabi sa akin ang kabaligtaran ng lahat ng sinabi mo noon.”


“Hindi ko sinabi sa 'yong hindi kita gusto.” Bumuntong-hininga ito at tumingin ng marubdob sa kanyang mga mata. “I was confused back then. Inaamin ko, hindi ikaw ang unang babaeng ginusto ko noon. I took notice of you because you shared the same thing, you were bubly and sweet. I enjoyed your company like I enjoyed being with Bryan. But I stayed with the fist man I liked.


“Kaya lang, after our high school days, nalito na ako. Pakiramdam ko kasi parang hindi ko na gustong i-pursue si Bryan. At kung kailan kami na, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako masaya. I was with him but I longed for you. Palagi na lang kitang naiisip. Ewan ko, pero pakiramdam ko, hindi na ako buo pagkatapos ng nangyari noong gabi ng prom.


“Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, iniwasan mo na ako kaya hindi na rin ako mapakali. It seeed like there was a piece of a puzzle in my heart that I happened to lose. Ang akala ko, si Bryan ang makakabuo ng kahungkagan na nadarama ko, since he was my dream man. But my heart was never whole again. Ginusto kong lapitan ka noon, just to make sure you weren't the one who can complete the puzzle of my heart.”


“But you never approached me. You didn't even contact me.”  Kahit paano ay nabibiggyan ng kasagutan ang napakaraming tanong sa kanyang puso.


“Nagdalawang-isip ako. I knew I hurt you so much that I knew it wouldn't be easy for you to face me.”


“You should have tried harder.”


“I tried. I swear to God I tried. I tried to contact you when I finally made up my mind and my heart had decided. Nalilito pa ako sa sarili ko noong mga panahon na kami pa ni Bryan. Kaya nga madalas na on and off kami. Noong una, inaakala ko na baka naiimpluwensiyahan lang ako ng mga pangit na feedback ng pamiya ko tungkol sa kanya kaya parang nananamlay ako sa relasyon namin. So, I tried to work things out between Bryan and I because I had already chosen him over you. We tried to fix our broken rlationship. Dahil pinaghirapan kong suyuin siya noon, siguro pinanghihinayangan ko na lang ang mga naging effort ko sa kanya, that's why I still chose to stick with our relationship. Kaya lang, umabot na sa punto na hindi na talaga namin maayos. Maraming bagay ang hindi namin napagkakasunduan, so we decided to finally end it.


“At that time, I was still thinking about you. Kaya siguro hindi ako masaya, dahil baka hindi na naman talaga si Bryan ang hinahanap ko. Na pinangarap ko lang siya pero ibang tao na pala ang umookupa sa puso ko. At kung kailan naman may lakas na loob na akong humarap sa 'yo, saka ko nalaman na umalis ka na ng bansa. Binalaan din ako ng ate mo na huwag ka nang guluhin dahil masaya ka na. Na tahimik na ang buhay mo. Na sa wakas, nakalimutan mo na raw ako.”


Natatandaan pa ni Andrew na bago siya umalis ay kinumpirma ng Ate niya ang estado ng puso niya. Hindi kasi lingid sa kaalaman nito noon na kaya hindi niya magawang makipagnobyo ay dahil hindi pa niya magawang alisin sa sistema niya si Keith. At para mapanatag ang Ate niya, sinabi niyang nakalimutan na niya ang damdamin niya para kay Keith.


“At kung magpakita uli ako sa 'yo, baka raw magulo ko lang uli ang tahimik mong buhay. I couldn't risk your peace and happiness, para lang mapanatag ako. Pinilit ko na lang kalimutan ka. Inaakala ko talaga na nakalimutan na kita dahil nag-focus na ako sa trabaho at negosyo. Muntik ko na ngang makasanayang mag-isa. But on that day, when I saw you again, I didn't know what happened to me. I was dumbstruck just by looking at you. At parang ang saya-saya ko na hindi ako makapaniwalang biglang susulpot sa harap ko ang isang napakaguwapong lalaking matagal kong inasam na makaharap uli. Kaya nga sinundan agad kita. Gusto ko kasing makasigurado na hindi ako nananaginip lang.


“And when I saw you, ayoko nang mawala ka pa uli sa paningin ko. Kung alam mo lang, gusto na kitang yakapin ng mahigpit ng mga sandaling iyon. Alam kong malaki na ang ipinagbago mo, lalo na sa damdamin mo sa akin. But I still promised myself, I will make you love me again.”


“Bakit noong nagka-text tayo, parang galit ka sa akin?” Iyon na lang talaga at maniniwala na siya sa lahat ng mga sinasabi nito.


Sandali itong tila nag-isip. “Ah... yun ba?” Ngumiti ito. “It was because of my mischievous cousin, Enzo. Palagi niya kasi akong pinagti-trip-an noon. Gumagamit siya ng iba't-ibang numbers para i-missed call or i-text ako at nagpapakilalang ikaw. Kung kailan namang paniwalang-paniwala na ako, saka niya aaminin na siya iyon. Tuwing gagawin nito iyon, nasasaktan at lalo akong nangungulila sa 'yo. Kaya kapag may nagte-text sa akin at nagpapakilalang ikaw, pinagsusupladuhan ko na agad, napu-frustrate na kasi ako.


“Dumagdag din sa frustration ko nang malaman kong may Charles ka na. Alam mo, ilang beses kong ginustong sapakin ang sarili ko kung bakit pinakawalan pa kita noon. Nasa akin ka na, but I just let my real love slip away from me. At kahit alam kong mali na lapitan ka dahil amy boyfriend ka na, tinawid ko pa rin. Pinanindigan ko na ang pagpasok sa buhay mo. Besides, all is fair in love. I couldn't just stand there and watch you being with that ass.”


“We're no longer together. Nagkasundo na kami na maging magkaibigan na lang. I told him I didn't love him anymore. That I have never fallen out of love with the man who has resided in my heart from the very start. And that man is you. I can't stop myself from loving you. Kahit pilitin ko pa ang puso ko na magmahal ng iba, hindi ko magawa,” pag-amin ni Andrew.


“If that's so, then why did he try to kiss you? Bakit ang sweet n'yo pa r'on sa restaurant?” tanong naman nito. Maybe it was time for him to confess, too.


“Gusto lang niya akong tulungan. Pinagseselos n'yo kasi ako ni Bryan nang sobra. Isinama mo pa talaga siya roon para saktan ako.”


“Hindi ko siya dapat kasama. Basta mo na lang kasi ako iniwan habang bumibili ako ng bulaklak na ibibigay ko sa 'yo bilang peace offering. Sinundan ko na kayo nang makita ko siya na isinama ko na rin sa restaurant. Nagngingitngit talaga ako no'n. Bigla mo na lang ako binale-wala dahil sa Charles na 'yon!” naiinis na sabi ni Keith.


“Para sa akin ang bulaklak?” namamanghang sabi ni Andrew.


“Kanino pa ba? Wala naman akong ibang sinusuyo kundi ikaw. Sobrang pinahihirapan mo na kasi ang kalooban ko dahil hindi ko magawang lumapit sa 'yo. Ni ayaw mo akong kausapin nang maayos. Palagi ka na lang umiiwas. Muntik na talaga akong mawalan ng pag-asa,” sabi pa ni Keith.


“Hindi ka naman kasi nagpaliwanag agad,” depensa ni Andrew.


“Paano ako magpapaliwanag, palagi kayong magkasama ng Charles na 'yon? At pinagtataguan mo pa ako.”


“Nasa loob lang ako ng apartment ko. Wala na kasi akong maisip na ibang gawin. Ikaw na lang ang laman ng isip ko. Dahil sa 'yo, hindi ko na magawang kumilos nang maayos. Kaya nagkulong na lang ako. Tumatawag na lang ako sa shop para kamustahin ang takbo niyon. Isipin ko pa lang kasi na makikita ko na naman kayong magkasama ni Bryan, masakit na sa akin.”


“Sana pala, pinasok ko na lang ang apartment mo,” nakangiting turan ni Keith.


“Malilintikan ka naman kay Papa kapag ginawa mo 'yon. Mapuputol agad ang kalayaan mo at matatali ka sa akin,” ganti niya.


“Yon nga ang gusto ko, eh, ang matali na sa 'yo, para hindi na ako maagaw pa ng iba,” nakangiting turan nito.


“Yabang mo.”


“Totoo. Gusto mo humarap na tayo sa parents mo ngayon?” Umakma itong bubuhayin ang makina ng kotse.


“Sa ibang araw na lang, dumeretso muna tayo sa Palawan,” nakangiting pigil niya rito.


“Ah, oo nga pala. Baka hinihintay na tayo nina Enzo.”


Nagsimula nang umusad ang kanilang sasakyan, subalit muli rin iyong huminto.


“O bakit? Naubusan ng gasolina?” nagtatakng tanong ni Andrew.


“Hindi. Parang may kulang kasi.”


“Ha?” nagtatakang tanong uli niya.


“I've always wanted to do this.” Sa isang iglap ay inabot siya nito at kinabig, at walang sabing inangkin nito ang mga labi niya. They kissed like there was no tomorrow. At mukhang hindi na sila makakapunta pa sa Palawan ni Keith. Bahala nang mamuti ang mga mata nina Enzo at Mhelo sa kakahintay sa kanila. Ang nais lang niyang gawin ngayon ay namnamin ang masarap na halik ng nag-iisang lalaking kanyang minahal at mamahalin habang buhay....




1 comment:

  1. Babae po ba sina andrew? Bakit "her" at "she" po ang ginagamit sa kanila? Tsaka bryan ba o trisha ung pangalan ng niligawan dati ni keith? Nalito lang po ako kasi pero nagandahan naman po ako overall... Sorry po... Nalilito lang talaga ako...

    ReplyDelete