Thank You For Visiting..

12 July 2014

Chasing A Prince - Book 2 Chapter 8





Chapter 8



“S--sir, may naghahanap po sa inyo sa labas,” ani ni Nancy na sumilip sa nakaawang na pinto ng opisina niya. Sigurado siya na hindi iyon si Keith dahil wala ang kilig na madalas niyang makita sa mga mata ng assistant kapag ang lalaki ang naghahanap sa kanya.


“Sino?” nagtatakang tanong niya rito.


“Engineer Sarah Ortega daw po,” sagot ni Nancy na nakapgpatayo sa kanya mula sa kayang kinauupuan. Ang tinutukoy nito ay ang kapatid na babae ni Charles.


Bakit naman kaya siya sasadyain doon ng kapatid ni Charles? Ano ang pakay nito sa kanya? Bago pa sumakit ang ulo niya sa kakaisip ng puwedeng maging sagot sa mga katanungan niya ay ipinasya na lang niyang labasin ang kanyang unexpected visitor.


Nakatalikod ang babae nang makita niya ito sa receiving area.


“H-hello!” alanganing bati niya rito.


Naniningkit ang mga mata ni Sarah nang bumaling ito sa kanya. At bago pa niya magawang umilag ay isang malakas na sampal na ang pinadapo nito sa mukha niya.


“Hello-in mo'ng mukha mo!” nanggigigil na saad nito sa kanya.


Naguguluhan at nagtatakang napatitig siya rito.


May kung ano itong dinukot mula sa bag nito at inihagis sa mukha niya. Pakiramdam niya ay lumaki
ang ulo niya nang makitan niya ang larawan nila ni Keith habang masayang kumakain sa restaurant na lagi nilang kinakainan pati ang paghahatid nito sa kanya sa apartment niya.


“I can explain this. Wala kaming relasyon ni Keith,” nagkukumahog na paliwanag niya kay Sarah.


Ngumisi lang ang babae. “I'm not that dumb, Andrew. You can fool my brother, but not me. Hindi ko nga maintindihan kung ano ba'ng nagustuhan niya sa 'yo ng kapatid ko. You're cheap. Tingnan lang natin kung ano ang magiging reaksiyon ni Kuya Charles kapag nakita niya ang mga 'yan. Boyfriend mo na siya pero nakikipaglandian ka pa rin sa iba.”


“Shut up!”


Nagkasabay pa sila ni Sarah na lumingon sa pinanggalingan ng mga salitang iyon --- si Keith. Aaminin niyang ikinatuwa niya na muli itong makita, pero sana ay hindi sa pagkakataong iyon.


“Kung makapagsalita ka, akala mo'y napakalinis mo. Bakit hindi mo muna pakinggan si Andrew bago mo siya pagsalitaan ng hindi maganda? Masama bang maging kaibigan ng isang babae ang isang lalaki? Ikaw? Wala ka bang kaibigan na lalaki?”


Umawang ang bibig ni Sarah para magsalita ngunit tila umurong ang dila nito pagkatapos makita ang madilim na anyo ng guwapong si Keith.


“Keith, please. Huwag ka nang makialam dito. You don't have anything to do with this,” pigil ni Andrew.


Binalingan siya ng binata. “Hahayaan mo lang na inaapak-apakan at iniinsulto ka ng babaeng ito? Ganito ba ang ugali ng pamilya ng lalaking pinili mong mahalin?”


“Keith!” saway niya.


“Mag-sorry ka kay Andrew,” utos nito kay Sarah.


“Why would I do that?” asik dito ng babae.


“Dahil iniutos ko.”


“At sino ka para utusan ako?”


“Ako lang naman ang lalaking handang bigyan ng leksiyon ang sino mang mang-api kay Andrew,” pahayag ni Keith.


Hindi niya magawang sumabad sa pagsasagutan ng dalawa.


“I'm not going to that,” pagmamatigas ni Sarah.


“You will apologize to her,” giit ni Keith. At sa kabila ng mahinahon na pananalita nito ay naroon ang awtoridad. Iyon marahil ang dahilan kung bakit napilitang yumukod sa kanya si Sarah upang humingi sa kanya ng paumanhin.


“Sorry,” anito at dali-dali nang umalis palabas ng shop niya.


“Bakit mo ginawa 'yon?” asik niya kay Keith nang sila na lang ang naroon sa receiving area. Mabuti na lang at wala silang customer nang mga sandaling iyon, kung hindi , malamang naeskandalo na siya nang husto.


“Ako pa ba ang mali sa ginawa ko?” naghihinakit ang boses na sabi nito.


Nalilitong tinalikuran na lamang niya ito at bumalik na siya sa kanyang opisina. Isinara niya iyon dahil gusto niyang mapag-isa. Ilang sandali at at nag-ring ang kanyang cellphone. Si Charles tumatawag.


“H—hello?” alanganing bati niya rito sa kabilang linya.


“Totoo ba?” malamig na bungad sa kanya ni Charles. At nauunawaan na niya kung ano ang itinatanong nito. Malamang na bago pa siya sinugod ni Sarah doon ay nakapag-report na ito kay Charles.


“We're just friends, Charles.” Marami pa siyang nais sabihin dito pero iyon lang ang lumabas sa bibig niya. Ang totoo, natatakot pa siyang isiwalat dito ang lahat. Ayaw niya itong saktan. He wanted to tell him everything in a subtle and proper way. Pero paano ba niya iyon gagawin kung kahit sa kahit anong paraan niya sabihin dito ang lahat, masasaktan pa rin niya ito. Kahit paano ay nagkaroon din ito ng puwang sa puso niya kaya mahirap para sa kanya ang isiping masasaktan niya ang damdamin nito.


“Mag-cool off muna tayo, Andrew.” Iyon ang unang pagkakataon na tinawag siya nito sa pangalan niya. Alam niyang galit ito sa kanya. “I think we both need time to be apart.”


“But we're already apart,” tanging nasabi niya. Dapat ay maging maluwag sa kanya na tanggapin ang mga nangyayari, dahil kahit paano ay hindi na siya mahihirapan pang makipaghiwalay rito. Pero pakiramdam niya ay mas naging mabigat iyon para sa kanya. Marahil ay dahil alam niya sa sarili na malaki talaga ang nagawa niyang kasalanan dito at inuusig siya ng kanyang konsiyensiya.


“This might be the right thing to do.”


Bago pa siya makapagsalita ay nawala na ito sa kabilang linya.


“Charles, I'm sorry....” nasabi na lamang niya at isinubsob niya ang mukha sa kanyang palad. Naramdamn niyang may kung sino ang humahagod sa likod niya upang papayapain siya. Nang tingalain niya ang taong iyon ay nakita niya ang nakatiim-bagang na si Keith.


“Calm down, Andrew. Everything will be alright,” masuyong saad nito.


“How?” tanong niya rito. How could everything turn out all right? Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin.


Namalayan na lamang niyang nakapaloob na siya sa mga bisig ni Keith. Sa mga bisig nito ay nakaramdam siya ng kapayapaan. Naglaho bigla ang kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Hindi niya lubos-akalain na ganoong klaseng comfort ang maihahatid sa kanya ng yakap nito. Katulad iyon ng unang beses na yakapin siya nito, walong taon na ang nakakaraan.


“Okay ka na?” tanong sa kanya ni Keith nang pakawalan siya nito.


“Yes, thanks.”


Inayos nito ang buhok niya na bahagyang nagulo. “Namumula ang pisngi mo,” puna nito saka hinaplos ang kaliwang pisngi niya na sinampal ni Sarah. Mukhang nahulaan ni Keith kung ano pa ang ginawa sa kanya ni Sarah. “Sinaktan ka ng babaeng 'yon?” tanong nito.


“I deserved it,” sabi na lamang niya.


“No. Wala naman tayong ginagawang masama. Hindi ba't nagkalinawan pa nga tayo na magkaibigan lang tayo? You don't deserve it because you didn't do what she accused you of.”


Hindi nga ba? Maluwag niyang tinanggap ang sampal na iyon ni Sarah dahil alam niya sa sarili na tama ang inaakusa nito sa kanya. Na totoong nagtaksil ang puso niya sa totoong kasintahan. Napahikbi siya.


“Ssshh... Stop crying. I don't want to see you like that,” pang-aalo nito sa kanya at magaan na pinunasan ang mga luha niya. “You don't have to feel guilty. Wala ka naman kasalanan. Ako ang may kasalanan. Lapit kasi ako nang lapit sa 'yo. Pero ano ba'ng magagawa ko, iyon ang inuutos ng puso't isip ko.”


“Sinubukan ko namang layuan ka, kaya lang hindi ko kinaya. Hindi ko na talaga kanya na hindi ka makita o malapitan man lang. Kaya nga nandito na naman ako at nangungulit sa'yo. Pero handa naman akong maglagay ng distansiya para hindi ka na maperhuwisyo pa. Tama ka. Mahirap pala talaga ang sinosolo ang nararamdaman, minsan kailangan din i-share. Hindi ko na kasi kayang itago na lang ito sa dibdib ko, masyado na kasing nag-uumapaw. Huwag kang mag-alala. I won't ask for anything in return.” Sunos-sunod na pahayag ni Keith.


Nagisiskip ang dibdib niya dahil sa nag-uumapaw na kaligayahang idinulot ng mga sinabi nito. Hindi tuloy niya alam kung paanong magre-reactdahil hindi pa siya nakaka-get over sa mga nangyari ay heto at nagtapat ito ng damdamin nito para sa kanya. Pero sa huli ay pinalis niya ang lahat ng mga agam-agam niya. He just let himself do what his heart was telling him to do and that was to accept Keith into his life.


“Hay! Ang sarap mabuhay,” pangiti-ngiting saad ni Andrew habang nasa harap siya ng salamin at nag-aayos ng buhok.


Naroon sila ni Enzo sa studio ni Mhelo dahil ayon kay Mhelo ay busy raw ito. Marami raw ipinapagawa ang boss nito na si Cody Adams. Nagulat na lang sila ni Enzo nang isang araw ay ipinaalam nito sa kanila na personal assistant slash photographer na raw ito ng modelo nitong si Cody. Aksidenteng nagkrus muli ang landas ng mga ito.


Sa New york nakabase ang binata bilang isang chemist pero may kung anong nangyari dito at kay Mhelo at sa pagbabalik nito sa Pilipinas ay nagbago ang propesyon ng binata.


“Tama na 'yan, 'Drew. Kahit anong style ng buhok ang gawin mo, halatang blooming ka. May nangyari ba na hindi namin alam?” puna ni Enzo.


“Oo nga. Nagblo-bloom ka. Di ka na virgin?! Sabad na tanong ni Mhelo na sa larawan pa rin ni Cody nakatitig.


Binato niya ito ng lalagyan niya ng gel pero siniguro niyang sa larawan iyon tatama at hindi sa kaibigan niya. Nabitawan ni Mhelo ang larawan ngunit bale-walang dinampot uli nito iyon.


Paano ako nade-devirginzed, eh, wala namang magde-devirginized sa akin,” angil niya kay Mhelo.


“Sandali, tatawagan ko si Keith. Sasabihan ko na pasukin ka mamaya sa apartment mo.” Umakma si Enzo na titipa sa keypad ng cellphone nito.


Mablilis niyang inagaw ang aparato mula sa kaibigan. Kilala niya ito. Ito ang tipo ng tao na sa sandaling may naisip na kalokohan ay agad na ginagawa nang hindi muna pinag-iisipan.


“Do it and I'll ruin your relationship with JM,” banta niya.


Ngumisi lang si Enzo at agad na binawi ang cellphone nito mula sa kanya. “Ikaw naman, binibiro lang kita. Nagbabagong buhay na ako. Hindi na kita ipapahamak sa mga kalokohan ko. Pero kung may mangyari man sa inyo ni Keith, pabor iyon para sa 'yo. Makukuha mo na uli ng buong-buo ang irog mo.”


“Paanong may mangyayari sa amin ni Keith, eh, hindi naman kami.”


“Hindi pa ba?” gulat na tanong ni Enzo.


“Bakit?” tanong naman ni Mhelo.


“May issue ka pa ba kay Charles? Akala ko ba cool off kayo?” saad ni Enzo.


“Oo nga. Cool off lang kami. We're giving each other time,” tugon ni Andrew sa dalawa.


“Eh, ano pala si Keith sa 'yo?” tanong uli ni Mhelo.


He sighed. For the past few days, hinayaan niya na lumapit si Keith sa kanya. Pagkatapos ng ginawa nitong pagtatapat ay tinanggap na ng puso niya ang pakikipaglapit nito. Subalit wala sila kahit anong formal commitment. Hindi niya itong magawang tanggapin nang buo sa buhay niya dahil wala pa namang formal closure ang relasyon nila ni Charles. Sa ngayon, masaya na siyang ini-enjoy ang presensiya ni Keith sa buhay niya.


“He's my handsome friend,” nakangiting pahayag niya sa mga kaibigan.


“Handsome friend? Baka naman mali ang narinig ko, hindi kaya handsome boyfriend?” panunudyo sa kanya ni Mhelo.


“Yong Cody mo na lang ang usisain mo,” sabi ni Enzo dito sa sa pintuan nakatingin.


Kasalukuyang papasok si Cody sa studio ni Mhelo na madilim ang mukha. Napatayo naman si Enzo nang makita kung sino ang sumusunod sa likuran ni Cody. Ang lakas talaga ng radar ng kaibigan niya kapag si JM na ang sangkot. Nagkaroon ng sariling mundo ang mga kaibigan niya habang wala sa sariling nakatitig ang mga ito sa nagguguwapuhang nilalang na nakatayo sa harap ng mga ito.


“Andrew!”


Napalingon siya sa labas ng pintuan. Naroon din si Keith. Ano ang nagyayari at dinumog ang mga guwapong lalaki ang studio ni Mhelo?


Habang panay sa pagbabangayan ang apat ay hinila na siya ni Keith palabas ng studio ni Mhelo.


“Sandali, paano 'yong mga kaibigan ko? Baka i-salvage ang mga 'yon n'ong dalawang guwapong lalaki.”


“Dalawang guwapo? Sa pagkakaalam ko, ako ang pinaka guwapo sa aming tatlo,” nakakunot ang noong sabi nito.


Natawa si Andrew. “Sige na nga, ikaw na ang pinakaguwapo,” pagsang-ayon na lamang niya rito bagaman iyon naman talaga ang totoong niloloob niya.


“Napipilitan ka lang yata?”


“Hindi naman. Tara, balikan natin sila.”


“Hayaan mo na sila. Kaya na nila ang mga sarili nila,” bale-walang tugon ni Keith.


Dumeretso na sila ni Keith sa motorsiklo na dala pala nito at isinuot sa kanya ang helmet.


“Paano ka?” tanong niya rito nang mapansing iisa lamang ang helmet na iyon.


“Huwag mo na akong alalahanin.” Ngumiti ito sa kanya at sumampa na sa motorsiklo. “Sakay na,” utos nito sa kanya.


“Saan ba tayo pupunta?” naguguluhang tanong ni Andrew.


“Basta sumakay ka na lang.”


Sinunod na lamang niya ang inuutos nito kahit wala pa rin siyang ideya sa kung saan sila pupunta.


“Magkakasama ba kayo nila Cody at JM?” tanong niya rito habang umaandar na sila.


“Oo. Hindi kasi namin kayo mahagilap na tatlo. Kaya nagsanib-puwersa na lang kami para mahanap kayo,” sagot nito.


“Bago yan, ah? Sanib-puwersa?” Paano kaya nagkasama-sama ang mga ito? “Paano kayo nagkakilalang tatlo?” naisatinig niya ang tanong sa isip.


“Magkakakilala na kaming tatlo sing high school, remember we used to be schoolmates.”


“Oo nga. I mean, hindi ba kayo lang ni JM ang nanatili sa university? Si Cody, ngayon lang naman iyon bumalik sa bansa.”


“Ah... Pinuntahan ko talaga si Enzo sa opisina dahil wala na siya sa bahay nila. Itatanong ko sana sa kanya kung nasaan ka dahil wala ka sa shop ninyo. Hindi rin kita ma-contact. Pero wala rin si Enzo sa opisina at naabutan ko roon sila Cody at JM na nagtatalo. At dahil pare-pareho namin kayong hinahanap naisip ko na baka magkakasama kayong tatlo at ang lugar na lang ni Mhelo ang hindi ko napupuntahan. Sinabi ko kay JM na baka doon namin kayo makikita sa photo studio ni Mhelo at hindi nga ako nagkamali.”


Bumuntong hininga ito. “Bakit pakiramdam ko, iisa lang ang ginagawa namin tatlo? Parang pare-pareho kaming humahabol sa inyo,” komento pa nito.


Nabingi ata si Andrew sa sinabi ni Keith. Hinahabol daw silang tatlong magkakaibigan ng mga ito. Hindi ba noon ay sila ang naghahabol sa mga ito.


“Naghahabol ba kayo? Hindi naman kami tumatakbo, ah,” papilosopong tugon niya kay Keith.


“You know what I mean. Huwag ka nang magkunwari na hindi mo alam,” balik sa kanya ni Keith. At sa sinabi nitong iyon ay hindi na siya nakaimik.



No comments:

Post a Comment