Binisita
si Andrew ng
dalawang kaibigan sa apartment niya nang linggo na iyon. Araw ng
pahinga niya at si Nancy an gumagawa ng mga trabaho niya sa shop. At
tuwing darating ang araw na iyon ay nakakaramdam siya ng kahungkagan.
Hindi kasi niya makikita si Keith. Walang mangungulit sa kanya dahil
sabay na silang kumain ng lunch or mag-merienda.
Sa mga nakaraan araw ay parang naging parte na ng routine niya ang
pagyayaya sa kanya ng lalaki. Minsan pa nga ay sinasabayan din niya
ito sa pag-uwi. Walking distance lang naman kasi ang shop sa
apartment niya. Habang naglalakad ay marami silang napagkukuwentuhan
na kung ano-anong bagay at nag-e-enjoy talaga siya nang sobra kapag
kasama niya ito.
“Langhiya
naman, Andrew, bakit hindi mo sinabi sa amin?”
pukaw ni Enzo sa atensiyon niya.
“Ano'ng
hindi ko sinabi?” nagtatakang
tanong niya rito habang ibinababa niya ang mango float sa mesita na
inihanda niya para sa mga ito.
“Huwag
ka na ngang magmaang-maangan diyan! Nakita namin kayong magkasama ni
Keith. Sabi ni Nancy, araw-araw daw na sabay kayong kumakain ng
pinsan ko at inihahatid ka pa raw pauwi,”
sabi ni Enzo.
“Oo
nga. Wala namang masama ro'n, ah. Magkaibigan na kami ngayon,”
simpleng sagot ni Andrew.
“Friends
lang? Bakit nagniningning 'yang mga mata mo?”
puna ni Mhelo.
“Girl,
wala namang masama kung aaminin mo sa amin na nabubuhay muli ang
pagsinta mo para sa pinsan ko,”
dagdag ni Enzo.
“Anong
walang masama?” saway ni Mhelo
kay Enzo. “May boyfriend n itong kaibigan natin. Oo, alam
natin na naloloka 'tong si Andrew sa pinsan mo, pero hindi tamang
patulan niya si Keith dahil may Charles pa sa buhay niya.”
“Eh,
di i-break na lang niya si Charles, di ba, Andrew?”
baling sa kanya ni Enzo. “Tutal, pinababayaan ka lang
naman ng boyfriend mong iyon. Isa pa, hindi ba't ayaw naman sa 'yo ng
pamilya ni Charles? Nilalait-lait ka pa nga nila. Baka sila pa ang
maging surot sa relasyon ninyo ng boyfriend mo kaya mabuti pang
hiwalayan mo na lang siya,”
paglilitanya pa nito, saka inabot ang isang mango float na inihain
niya. “Ayos 'to, ah, masarap.”
“Lahat
naman sa 'yo masarap basta pagkain,”
komento ni Mhelo kay Enzo.
“Mahal
ako ni Charles,” sambit ni
Andrew.
“Sige,
mahal ka niya. Ang tanong, mahal mo rin ba siyang talaga?”
kapagkuwan ay tanong uli sa kanya ni Enzo.
Hindi agad nagawang sumagot ni Andrew. Kung noon ay mahirap na par
asa kayang sabihing mahal niya si Charles, ngayon ay mas naging
mahirap iyon nang sampung ulit.
“See?
Kung mahal mo talaga si Charles, madali mong masasagot ang tanong ko.
I'm sorry friend, but I think nag-U-turn na ang puso mo pabalik sa
guwapo kong pinsan. Makipaghiwalay ka na kay Charles,”
sulsol pa sa kanya ni Enzo.
“Hindi
ba parang magiging unfair ako kay Charles niyan kung basta na lang
akong makikipaghiwalay sa kanya? Masasaktan ko siya,”
sabi ni Andrew sa dalawa.
“Mas
magiging unfair ka sa kanya at lalo mo pa siyang masasaktan kung
ipagpapatuloy mo ang pakikipagrelasyon mo sa kanya pero iba naman ang
laman ng puso mo,” payo naman
sa kanya ni Mhelo.
Alam niyang tama ito. Pinilit niyang papaniwalain ang sarili na si
Charles na ang mahal niya, pero kailanman ay hindi nabura si Keith sa
puso niya. He just settled for Charles because he knew that he loved
him. And he thought it was enough, enough for it to make him fall in
love with him, too. But he was wrong. Kailanman ay hindi sapat na
mahal lang niya si Charles. Kailangang tumitibok din ang puso niya
para dito. Pero paano iyon mangyayari kung ganoong kahit ano mang
pilit niya sa sarili na mahalin si Charles ay hindi niya magawa?
“At
pagkatapos kong alisin sa buhay ko si Charles, ano naman ang
mangyayari sa akin? Maiiwan akong mag-isa.”
Napabuntong-hininga si Andrew. Nahihirapan siyang magdesisyon. Unfair
talaga kay Charles na manatili pa sa relasyon nila, lalo ngayong
pagkatapos niyang iksaminin ang sarili ay nasiguro niyang mahal pa
rin niya si Keith.
“Nandiyan
naman si Keith, 'di ba?” saad
ni Enzo.
“Ayoko
na ngang buksan uli ang sarili ko sa kanya. Okay na akong magkaibigan
lang kami. Safe ang puso ko. Alam ko kung ano lang ako sa buhay
niya,” turan ni Andrew.
Wala siyang nakuhang komento sa mga kaibigan niya, sa halip ay mas
pinagtuunan ng pansin ng mga ito ang mango float. Patunay lang iyon
na kahit ang mga ito ay walang solusyon na puwedeng imungkahi para sa
estado ng puso niya ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito kung
paano siya nasaktan sa nangyari sa kanila ni Keith noon. Labis na
umasa ang batang puso niya sa pambubuyo at suporta ng mga ito para sa
kanila ni Keith. Kaya nang hindi naging maganda ang resulta ng mga
pinaggagagawa niya ay naging malalim ang sugat na nilikha ng mga
pangyayari sa puso niya.
“Alam
ko na girls, punta na lang tayo sa isang psychic,”
mayamaya ay suhestiyon ni Mhelo.
“Psychic?”
nagkasabay pang sabi nila Enzo at Andrew.
“Oo.
May kilala akong magaling na psychic sa may Quiapo. Hinulaan na nga
niya ako. Ang sabi niya, ang lalaking nakatakda raw para sa akin ay
isang lalaki na nagtataglay ng abuhin na mata. Matagal ko na daw
siyang mahal at kung maghihintay pa ako ng kaunti pang pnahon ay
babalik ang lalaking iyon sa buhay ko. At alam kong si Cody ang
tinutukoy niya. O, di ba? Ang galing niya? Hindi ko naman sinabi sa
kanya na may crush ako noong highschool na isang Cody Adams na
nagtataglayng mga abuhing mata.”
Pagkasabi niyon ni Mhelo ay tila nagkaroon na ito ng sariling mundo
dahil pangiti-ngiti na ito sa kung no man ang iniisip nito.
Niyugyog
ito ni Enzo. “Samahan mo ako sa psychic na 'yan.
Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman kung kailan ako
yayayaing magpakasal ni JM.”
“Bakit?
Kayo na ba ni Kuya?”
“Hindi
pa. Pero magiging kami rin sa ayaw at sa gusto niya.”
“Palitan
mo nga si Kuya. Bato ang puso no'n; hindi 'yon marunong magmahal.
Tatanda kang virgin sa kahihintay sa kanya.”
Napailing na lang si Andrew sa pag-uusap ng dalawa niyang luka-lukang
mga kaibigan. Nag-iisip pa rin siya kung ano ang dapat at tama niyang
gawin sa sitwasyon niya nag hatakin siya ni Enzo palabas ng kanyang
apartment.
“Bilisan
natin, baka hindi na natin siya maabutan sa puwesto niya. Half-day
lang 'yon kapag ganitong Linggo,” naulinigan
niyang sabi ng nagmamadaling tinig ni Mhelo.
“Saan
ba tayo pupunta?”
nagugugluhang tanong niya sa mga ito.
“Kay
manghuhulang-baba,”
nakabgising tugon sa kanya ni Enzo.
Sa nakikita ni Andrew na maluwang na pagkakangiti sa kanya ni Enzo ay
nasisiguro niyang hindi na siya makakakuha ng matinong sagot mula
rito. Sigurado siya na wala na rin ito sa tamang katinuan.
Nagpatianod na lamang siya sa mga kaibigan niya kung saan man balak
ng mga ito.
“OUCH!”
Napahiyaw si Andrew nang may tumusok na tinik sa daliri niya habang
ina-arrange niya ang bouquet ng red roses. Marami silang orders nang
araw na iyon at wala nang available na tauhan nila para gumawa ng
made to order na mga bouquet at dish gardens kaya nakialam na rin
siya sa trabahong iyon.
Kahapon pa lutang ang isip niya pagkagaling nilang magkakaibigan sa
isang psychic na nakilala ni Mhelo. Hindi niya kasi mapaniwalaan ang
mga pinagsasabi ng psychic.
“You're
in the wrong relationship, Andrew. Piliin mo ang taong isinisigaw ng
puso mo dahil mas magiging maligaya ka sa piling niya. Lucky number
ang combination ng mga pangalan ninyo ng lalaking mahal mo,
twenty-nine. At kung gusto mong tunay na maging masaya ka sa piling
niya kaysa sa nobyo mo ngayon. Pero siyempre, nasa 'yo pa rin ang
huling desisyon. Ang visions ko ay guide lamang, nasa 'yo kung
susundin mo.”
Kung pakaiisipin niya ang mga sinabi ng psychic ay walang dudang si
Keith ang tinutukoy nito.
“Bakit
ba kung saan-saan ka nakatingin? Ayan tuloy, natusok ka.”
Nagulat si Andrew nang mula sa kung saan ay sumulpot si Keith at
tiningnan ang daliri niya. Napatitig tuloy siya sa binata.
Napakaguwapo talaga nito, at lalo yata itong gumuguwapo habang
pinagmamasdan niya ang kakisigan nito. Bukod doon ay napakasimpatiko
rin nito, lalo na kapag ngumingiti.
Nang
makita nito na hindi naman malalim ang pagkakatusok ng daliri niya at
hindi rin iyon dumugo ay iginiya siya nito sa pinakamalapit sa
monoblock chair sa working table. “Maupo ka muna rito,
ako na ang bahala rito sa gingawa mo,”
sabi nito.
Hindi na siya nakaimik. Hindi na rin niya mapahinto ang puso niya sa
pagwawala. Kaya pinili na lang niyang pagmasdan ang ginagawa ni Keith
nang ito na ang nagpatuloy sa pag-aayos niya ng boquet. Dahil amy
pattern naman na sinusundan ay nagawa nitong tapusin iyon ng maayos.
At mas maganda pa nga iyon kaysa sa inaasahan niya.
“Paano
ka natutung gumawa ng ganito?”
nagtatakang tanong niya pagkalapit niya rito.
“Madali
lang matutunan ang ganyan lalo't may pattern namang susundan,”
sagot nito, saka banayad nitong hinaplos ang noo niya. “May
sakit ka ba? Bakit parang ang tamlay mo?”
Nakita niyang bahagyang dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito. At
dahil doon ay tila may kung anong mainit na bagay ang bumalot sa puso
niya.
“I--I'm
fine. Marami lang akong iniisip,”
sagot ni Andrew.
“Huwag
mo kasi akong masyadong isipin,”
nakangiting saad ni Keith.
Tinampal
niya ito sa braso. “Umayos ka nga? Bakit naman kita
iisipin?”
“Hindi
ako ang iniisip mo?”
“Hindi.
Huwag ka ngang feelingero diyan,” aniyang nakapagpatahimik
dito. Para tuloy nais niyang bawiin ang mga sinabi niya. “Anong
drama 'yan, ha?” tanong na lamang ni Andrew.
“Huwag
mo na ngang isipin ang taong hindi ka naman yata naiisip,” tila
naaasar na saad ni Keith.
Ano
raw?
“Akin
na nga 'yan. Babalik na rito 'yung um-order niya,” aniya at
kunuha kay keith ang hawak nitong bouquet ng bulaklak. Tatalikuran
na sana niya ito nang muli itong magsalita.
“Gaano
mo kamahal ang boyfriend mo, 'Drew?”
Natigilan
siya sa katanungang iyon ni Keith. Nais niyang sabihin na mas mahal
niya ito kaysa kay Charles. Pero wala siyang sapat na lakas ng loob
upang gawin iyon. Isa pa ay ayaw na rin niyang basta na lang buksan
ang pinto ng puso niya para dito.
“I
don't know how to measure love. Basta ang alam ko, mahal ko si
Charles.” Minahal ko si Charles sa paraang alam ko.
“Ganoon
ba? Napakatanga naman ni Charles na 'yon para pabayaan ka.”
“Hindi
niya ako pinabayaan. Mahal niya ako at alam ko 'yon. M---mahal namin
ang isa't isa,” napakagat labing sabi ni Andrew.
Hindi na
ito nagsalita. Sa halip ay tinitigan na lang siya nito nang mataman.
Batid niyang napakarami nitong nais sabihin dahil nakikita niya ang
iba't-ibang emosyon na dumaraan sa mga mata nito, ngunit wala pa rin
itong sinabi.
Pinili na
lang ni Andrew na iwan na si Keith sa working table at hinarap na
lang niya ang iba pa nilang customer. Umalis na ito nang hindi niya
namamalayan. Hanggang sa mag-lunch time ay hindi na nagpakita pa sa
kanya si Keith. Hindi rin niya ito nakita sa shop nito nang pauwi na
siya. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib
niya.
Hanggang
sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nakita ni Andrew si Keith.
Dapat ay ikatuwa niya iyon dahil nagbubunga na ang pangdi-discourage
niya sa binata. Ngunit taliwas iyon sa nararamdaman niya.
Hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Keith --- ang bigla-biglang
pagsulpot nito sa flower shop nila --- sa working area, at maging sa
opisina niya upang kulitin siyang sumabay rito na kumain. At kapag
nakikita naman niya ito sa shop nito kapag dumadaan siya ay
bigla-bigla itong tatalikod. Halatang iniiwasan na siya nito ngayon.
Nasasaktan siya sa ginagawang iyon ni Keith pero alam niya na iyon
ang tama. Iyon ang makakabuti para sa kanilang dalawa.
No comments:
Post a Comment