Naiinis
na ibinagsak ni
Andrew ang sarili sa kanyang swivel chair. Tatlong linggo na ang
lumipas mula nang sumakay sa barko si Charles. Pero hanggang sa mga
sandaling iyon ay dalawang beses pa lamang itong tumawag sa kanya.
Kapag siya naman ang sumusubok na tawagan ito ay palaging out of
coverage ang linya nito. Gusto na sana niyang magreklamo dito. Kung
kailan kasi na mas higit niyang kailangan ang presensiya nito ay saka
naman ito hindi nagpaparamdam sa kanya. Idagdag pa na palaging naroon
sa shop niya si Keith at umaaligid-aligid sa kanya. Higit niyang
kailangan si Charles ngayon upang maitaboy ang tukso sa puso niyang
si Keith.
“Sir,
nasa receiving area po uli si Sir Keith. Hihintayin daw po niya kayo
for lunch,” sabi sa kanya ng
kanyang empleyado nang pumasok ito sa opisina niya. Sa luwang ng
ngiti nito ay natitiyak niyang nag-uumapaw na naman ito sa kilig
dahil nasilayan uli nito ang guwapong lalaki na naghihintay sa kanya
sa receiving area.
“Pakisabi
sa kanya na umalis na siya dahil hindi ako magla-lunch,” utos
niya dito habang nakapikit pa rin ang mga mata at hinihilot ang
kanyang sentido. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa dami ng mga
iniisip niya sa buhay.
“You
wouldn't skip meals just to avoid me. Tumayo ka na diyan. It's almost
lunch time.”
Napilitang
dumilat si Andrew. Nasa opisina na naman niya si Keith at prente nang
nakaupo sa harap ng mesa niya. “Ano na naman ang ginagawa
mo rito?” nagtitimping tanong
ni Andrew.
“Yayayain
lang kitang kumain.”
“Kaya
kong kumain mag-isa. At kakain ako sa oras na gusto ko, hindi sa oras
na gusto mo. Kaya puwede ba? Lumayas ka na sa harap ko?”
pabulyaw na sagot ni Andrew kay Keith.
“Why,
are you so being rude?” tila
masama ang loob na tanong ni Keith.
Kinalma ni andrew ang sarili. Sa inasal niya ngayon, lalo lang siyang
napaghahalata na apektado pa rin siya ng nakaraan. Pero ganoon lang
naman ag attitude niya dahil gusto na niya itong lumayo sa kanya.
Dahil tuwing nasa paligid niya ito ay lalo lang siyang nahihirapan.
At nahihirapan siyang gawin ang tama.
“Pasensiya
na. Marami lang akong iniisip,”
hinging-paumanhin niya rito. At bakit ba nakokonsiyensiya siya sa
pagtrato niya rito ng ganoon? He deserved it. At kailangang gawin
iyon ni Andrew para ma-discourage na rin si Keith sa paglapit-lapit
sa kanya.
“You
should refresh your mind first before you dive into your work,”
ani Keith. Tumayo ito at lumapit kay Andrew, saka inalalayang tumayo.
At dahil sa gentleness na ipinakita nito kay Andrew ay hindi naging
mahirap para dito ang sundin si Keith. “Kumain muna tayo.
Kung naiilang ka sa sinabi ko noong nakaraan, just pretend that it
didn't happen. Huwag ka na lang sanang mailang at huwag mo na sana
akong tarayan,” nakangiting
sabi nito.
“Isipin
mo na lang na hindi tayo nagkasalubong sa comfort room para hindi ka
mailang.”
He was still the same handsome and thoughtful guy. Ang lalaking
ipinagwawalang-bahala ang kahit na anong nangyari para lang maging
komportable siya. Kaya paanong hindi mahuhulog ang loob ni Andrew
dito noon, at maging ngayon? He was so handsome and so kind and....
“Nami-miss
ko na kasi 'yong dating ikaw,”
pukaw ni Keith.
Natigilan si Andrew. Nami-miss daw nito ang dating siya. Nami-miss ba
nito ang dating Andrew na patay na patay sa kanya noon? The same
person who was still passionately, desperately, insanely, and madly
in love with him.
“I'm
not the same person, Keith. Hindi na ako ang dating tao na kilala mo
na patay na patay sa 'yo,” Liar! “I've changed a lot. Kung
iniisip mo na madali mo pa rin akong makukuha ----”
“Wala
akong iniisip na katulad ng inaakala mo. Sabi ko nga, kung hindi ka
komportable dahil sa sinabi ko nitong nakaraan, kalimutan mo na lang.
I still want to befriend you even if you reject me,” seryoso
at nawalan ng siglang saad ni Keith.
Ano ang nangyari? Bakit tila bigla itong nawalan ng buhay?
Samantalang nang nakaraang mga araw kahit na pinagsusungitan din niya
ito ay palagi pa rin itong nakangiti sa kanya na tila hindi
pinapansin ang pagkainis niya rito. Pero ngayon inangilan lang niya
ito ay nawalan na agad ito ng sigla. Para tuloy gusto niyang kutusan
ang sarili. Ano ba ang ginawa niya rito?
“Tara
na nga.” Naaasar na hinablot
ni Andrew ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa. Nilalamon na kasi
siya ng konsiyensiya niya.
Dinala siya ni Keith sa pinakamalapit na restaurant. Hinayaan na lang
din niya na ito ang um-order para sa kanila. Nang mag-aabot na siya
rito ng share niya para sa bayad ng pagkain nila ay tinapik nito ang
kamay niya sa paraang naiinsulto.
“I'm
the one who invited you here. Kaya ako ang dapat na magbayad,”
sabi nito. Hindi na lang niya ito pinansin. Marahil nasaling talaga
niya ang male ego nito.
“Alam
mo, Keith, mali 'to eh,” pukaw
niya rito nang hindi na siya komportable sa ginagawa nitong pagtitig
sa kanya habang hinihintay nila ang pagkaing in-order nito – titig
na pakiramdam niya ay may ibang kahulugan para dito.
“Ano'ng
mali?” kunot-noong tanong nito
kay Andrew.
“Ito.
Itong ginagawa natin. I'm not supposed to go out with you. I have a
boyfriend.”
“Kung
may boyfriend ka, nasaan siya?”
bale-walang tanong nito.
Kung ganoon ay hindi pala ito naniniwala na may nobyo na siya. Kaya
pala patuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya. Ano ang akala nito, na
hindi pa siya nakapag-move on sa loob ng walong taon?
Totoo
naman, ah? You've never moved on,
anang isang bahagi ng isip niya.
But I
wouldn't let him know it, sagot
naman ng isa.
“Kakasakay
lang niya ng barko. Pina-process na rin ang application ko at sa
susunod na uwi niya, kasama na niya ako pag-alis niya,”
malumanay na saad niya. Gusto niyang ipabatid dito na mali ang
iniisip nito. At gusto rin ni andrew makita kung ano ang magiging
reaksiyon nito sa sinabi niya. Pero bakit parang nais niyang bawiin
ang sinabi nang makita niya ang lambong sa mga mata nito?
“Hindi
ka niya mahal,” kapagkuwan ay
saad ni Keith.
Nagpanting
ang tainga ni Andrew. “Ano'ng sinabi mo?”
nagtitimping tanong niya kay Keith.
“He
doesn't love you.”
Aba't
talagang inulit pa!
“At
sino ka para sabihin, 'yan? Mahal niya ako. Alam kong mahal niya ako.
Huwag mo ngang itulad sa 'yo si Charles! Hindi lahat ng taong
mamahalin ko ay hindi ako kayang mahalin,”
bulyaw niya rito at umakmang tatayo nang agad siyang pigilan nito.
“Hindi
pa tayo kumakain,” sabi na
lang nito.
“Wala
na akong gana. Kumain kang mag-isa mo,”
asik pa rin ni Andrew.
Umakma sa siyang tatayo ngunit buong puwersa yati ni Keith ang
ginamit nito upang pigilan uli siya.
“Pakinggan
mo muna ako, puwede ba? Lagi mo na lang nami-misunderstand ang mga
sinasabi ko. Hindi ko intensiyong saktan ka sa sianbi ko, okay?”
“Ah,
talaga? Hindi mo intensiyon? Kaya naman pala gusto mong ipagduldulan
at ipagpilitan na hindi ako mahal ng boyfriend ko. How dare you?!”
“Totoo
naman, eh. Kung mahal ka niya, hindi ka niya iiwan. Hihintayin niyang
map-process ang application mo at sabay kayong aalis. At higit sa
lahat, dapat maya't maya ka niyang kinakamusta dahil magkalayo kayo
ngayon. Pero sa nakikita ko, at araw-araw na minamanmanan kita, ni
hindi ko pa nakitang kinausap mo siya sa cell phone o sa kahit anong
means of communication. Anong klase siyang boyfriend? He couldn't
find time for you so the two of you could talk? Oh, what a brute!”
naaasar na pahayag ni Keith. At
hindi maunawaan ni Andrew kung bakit mas apektado pa ito ng ganoon sa
kanya si Charles.
“Nag-uusap
kami, okay? Hindi nga lang madalas dahil busy siya. And I
understand,” pagdedepensa ni
Andrew sa boyfriend nito. “At saka, ano ba'ng pakialam
mo? Buhay ko 'to. You can't just interfere with my life and take hold
of everything that concerns me.”
Natigilan ito. Kapagkuwan ay muli itong nagsalita.
“Yeah,
right. Wala naman talaga akong pakialam. Wala akong karapatang
makialam. So let's drop the subject and eat.”
Pagkasabi nito niyon ay binitiwan na nito ang braso niya at dumating
na rin ang waiter na nag-serve ng mga pagkain nila.
Wala nang nagawa si Andrew kundi ang sumunod sa sinabi ni Keith.
Tahimik silang kumain. Hindi tuloy ni Andrew alam kung ano ang
iisipin niya pagkatapos ng naging pag-uusap nila. Hindi na talaga
niya ito maintindihan. Ano ba ang gusto nitong palabasin?
Kamakailan lang ay sinabi ni Keith na gusto siya nitong ligawan,
ngayon naman ay tila wala raw itong pakialam sa kanya. Nalilito na
tuloy siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat na paniwalaan niya.
Pero mas tama na tanggapin niya ang huli, dahil iyon ang dapat. Wala
itong pakialam sa kanya, dahil sino ba ito? Bahagi na lang ito ng
nakaraan niya. Hindi siya dapat magpaapekto sa presensiya nito.
He wanted to befriend him, and he was going to give what he wanted.
After all, wala namang masama kung maging magkaibigan sila.
“Payag
na ako,” kapagkuwan ay sabi ni
Andrew.
Napaangat
ng mukha si Keith mula sa pagkain nito. “Ano 'yon?”
“Sabi
ko payag na akong maging magkaibigan tayo,”
ani Andrew at nginitian pa ito.
Lumiwanag
ang mukha nito. “Mukhang dapat kong pasalamata ang chef
ng restaurant na ito.”
“Ha?”
“Pagkatapos
mo kasing matikman ang pagkain nila rito, biglang nagbago ang mood mo
sa akin. O baka talagang gutom ka lang kaya ang taray-taray mo
kanina,” nakangiting sabi ni
Keith. “Dapat kasi hindi ka nagpapalipas ng gutom.
Matatakot ang mga empleyado mo sa 'yo kapag nagta-transform ka bilang
tigre,” komento pa nito.
Iniangat niya ang kutsara niya at umakmang ihahampas iyon dito.
Awtomatiko naman itong umilag.
“O?
Wala pa, umiilag ka na.”
Tumawa lang si Keith sa kanya.
“Mabait
kaya ako sa mga empleyado ko. Kahit itanong mo pa sa kanila,”
kapagkuwan ay sabi ni Andrew.
“Siyempre
o-oo lang ang mga 'yon, takot lang nilang masesante mo.”
“Gano'n
ka siguro sa mga empleyado mo. Tine-threaten mo sila na sesesantehin
mo kapag hindi sila nagbigay ng magandang feedback sa 'yo,”
ganti ni Andrew.
“Kahit
hindi ko sila takutin, maganda pa rin ang feedback nila sa akin.”
Umingos
si Andrew. “Yabang talaga.”
“Pawang
katotohanan lamang po iyon,”
nakangiting turan ni Keith.
Ngayon na-realize ni Andrew na tama ang naging desisyon niyang
tanggapin ang pakikipagkaibigan ni Keith. Naging magaan kasi ang
daloy ng usapan nila at nawala ang bigat sa dibdib niya.
Iniumang
ni Keith sa kanya ang kutsara na may lamang chocolate pudding cake.
“Try this one, masarap ito.”
Nahiya
siyang hindi ito pagbigyan kaya ibunuka na rin niya ang kanyang
bibig. “Masarap, ah,”
komento niya.
“That's
how life should be, sweet like dessert.”
Pinagtaasan
niya ng kilay si Keith. “Why do I have this feeling that
there's something behind those words?”
tanong niya rito at kumutsara din sa plato nitong may chocolate
pudding cake.
“There
is,” deretsong pag-amin nito.
“Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit ka
bitter.”
“Bitter?
Ayan ka na naman, ha? Hindi ako bitter, no? May boyfriend nga ako
ngayon, sasabihin mong bitter ako. Gusto mong bugbugin kita riyan?”
Natawa
naman si Keith sa pagbabanta ni Andrew. “Hindi ka naman
kasi dating ganyan. Hindi ka naman dating mataray.”
“Sabi
ko nga sa 'yo, nagbago na ako. Lahat naman puwedeng magbago, walang
permenente sa mundo.”
“Tama
ka,” sagot ni Keith.
“Lahat puwedeng magbago. Even feelings can change. Sayang lang at
mukhang nahuli 'yong sa akin.”
Nakaramdam siya ng pagkailang sa nabuksan nilang usapan kaya pinili
niyang mag-segue.
“Kamusta
naman kayo no'ng nililigawan mo dati?”
kapagkuwan ay tanong ni Andrew.
“Oh,
si Brian, I presume.”
“Who
else? May iba ka pa bang nililigawan noong mga panahong... Basta,
alam mo na 'yon.”
Nag-iwas
ng tingin si Keith. “Matagal na kaming hiwalay.”
“How
long have you been together?”
tila nahihiwagaang tanong ni Andrew.
“I
don't know. On and off kami noong college. And a few months after our
graduation, naghiwalay na kami nang tuluyan.”
“Ganoon
ba?” sabi na lamang ni Andrew.
“Who was next after Brian?”
hindi niya napigilang tanong kay Keith. Gusto kasi niyang malaman
kung ano ang nangyari dito sa loob ng walong taon.
“Wala
na. Hindi ko na uli sinubukang makipagrelasyon,”
tugon nito.
Bakit?
Dahil walang puwedeng makapalit sa kanya diyan sa puso mo?
nais pa sanang itanong ni Andrew.
Bigla
niyang naalala ang sinabi nito sa kanya noon. “He's a bit
older than you and you have things in common kaya minsan ay hindi ko
mapigilan ang sarili ko na titigan na.”
Ibig sabihin kaya lang ba ito nakikipaglapit sa kanya ngayon ay dahil
nakikita nito sa kanya si Brian? Parang nais ni Andrew na paliguan ng
ice tea ang lalaking kaharap niya. Second choice lang talaga siya ng
hinayupak. As if he would settle for second choice. No way! Kay
Charles na lang siya. Kay Charles, nag-iisa lang siya.
And speaking of his boyfriend....
“I'm
done,” pahayag ni andrew
pagkatapos punasan ng tissue paper ang kanyang bibig. Napansin niyang
pinaglalaruan na lang din ni Keith ang pagkain nito. “Tara
na?”
Tinanguan siya nito, saka tumayo at inalalayan siya sa pagtayo niya.
Sa ginawa nitong iyon ay parang nagpapaka-gentleman ito sa kanya,
nararamdaman niya ang kasiyahan sa puso niya.
Napasinghot siya nang parang biglang bumango ang hanging nilalanghap
niya.
“Pawis
ko lang 'yan,” nakangising
saad ni Keith na napansin yata ang ginawa niya.
Tinampal
niya ito sa braso upang maalis ang pagkapahiya niya. “Nabibili
ba 'yang pawis mo, ang bango kasi. Baka puwedeng makabili rin ako
niyan,” pakikisakay ni Andrew.
“Hindi
ako for sale, eh, paano ba 'yan?” nakangiting
turan ni Keith.
Inakbayan siya nito at iginiya na palabas ng restaurant. Tinangka
niyang pumiksi rito ngunit naudlot iyon dahil lalo siya nitong
hinapit palapit sa katawan nito. Mukhang naramdaman ng talipandas na
lalaki ang balak niyang kumawala rito.
Ano ba
naman kasi itong ginagawa mo sa 'kin, Keith? Nagkakasala na ako dahil
sa mga ikinikilos mo.
No comments:
Post a Comment