Inihatid
si Andrew ng
kayang ama sa aprtment na tutuluyan niya sa Maynila. Doon din
naninirahan ang Ate niya at ang pamilya nito nang ito pa ang
namamahala ng shop nila roon. Nang isilang nito ang pangalawang anak
nito ay pinili na lang nitong ang main branch ng shop nila ang
hawakan. Para daw kahit paano ay makatuwang nito ang mga magulang
nila sa pag-aalaga sa mga anak nito habang nagtatrabaho. Ang kuya
naman niya na pangalawa sa kanilang magkakapatid ang pumalit sa Ate
niya na mamahala roon subalit nang nakaraang buwan ay pinald itong
makapagtrabaho sa Macau. Ang isa pa naman niyang Ate ang namamahala
ng branch nila sa Laguna. Kaya kumuha na lang ang mama niya ng
hahawak sa shop nila sa Maynila, at si Melissa nga iyon. Pero dahil
nakauwi na siya galing ng Singapore at wala namang pinaggagagawa sa
buhay ay sa kanya naman ipinasa ang pagma-manage niyon.
Pagkaalis ng kanyang ama ay kinuha na niya ang mga kakailanganin niya
pagpunta niya sa kanilang shop. Walking distance lang ang apartment
na tinutuluyan niya sa shop nila. Habang naglalakad siya ay hindi
niya naiwasang mapalingon sa mga one-way mirror na nagsisilbing pinto
o dingding ng mga establishment na nadaraanan niya. Karamihan sa mga
negosyong naroon ay mga computer rental, electronic trading at mga
quick service bank. Huminto siya sa tapat ng isanggusali nang makita
niya sa salaming pinto niyon na tila nagulo ang ayos ng buhok niya.
Naglagay-lagay
kayo ng one-way mirror dito, natural may mananalamin,
pangangatuwiran niya sa sarili habang walang pakialam na inayos ang
kanyang buhok. Pagkatapos ma-satisfy sa kanyang itsura ay muli siyang
naglakad patungo sa kanyang destinasyon.
Hindi pa nagtatagal si Andrew sa pag-aasikaso ng kanyang trabaho nang
pukawin ni Nancy --- ang assistant niya sa shop --- ang atensiyon
niya.
“S--Sir,
may naghahanap po sa inyo sa receiving area,”
masiglang bungad nito sa kanya na ipinagtaka niya. Kanina ay pagod na
pagod na ito sa pagtatrabaho sa dami ng mga napuna niya sa flower
shop, pero ngayon ay tila nakapag-freshen up na agad ito. Ano kaya
ang mayroon sa labas at parang may naririnig siyang mga impit na tili
ng mga empleyada niya.
“Sino
raw siya? Kung o-order siya ng flowers, pakiasikaso na lang at marami
pa akong ginagawa,” tugon ni
Andrew rito habang hindi pa rin inaalis ang atnesiyon sa nakatambak
na mga papeles sa mesa niya.
“Personal
daw po ang pakay niya sa inyo, S—sir,”
ani Nancy.
Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang nakangiti ang kanyang
assistant. Wala siyang inaasahang personal na bisita. Hindi rin niya
niyaya si Mhelo na magliwaliw dahil kasalukuyan itong wala sa bansa,
samantalang si Enzo ay hindi pa niya uli nako-contact. Kaya sino
itong tao na balak istorbuhin ang kanyang pananahimik.
“Sige,
papasukin mo na lang siya rito. Tinatamad akong lumabas sa receiving
arae dahil sa dami nitong trabahong iniwan ni Melissa,”
sabi na lamang niya kay Nancy.
Ngayon ay nauunawaan na niya ang kanyang pamilya kung bakit gayon na
lang ang pagpipilit sa kanya ng mga ito na pumunta na sa shop nilang
iyon. Napakarami na kasing naka-pending na trabaho ang dapat niyang
asikasuhin.
Ilang sandali pa at narinig niya ang pagbukas ng pinto ng opisina
niya. Wala parin siyang ineters kung sino man ang taong iyon na nais
mang-istorbo sa kanya.
“It's
you!”
Natigilan si Andrew pagkatapos marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Hindi siya maaaring magkamali. Lumipas man ang walong taon,
kilalang-kilala pa rin niya ang nagmamay-ari ng timbre ng boses na
iyon. Si Keith!
Inangat niya ang tingin mula sa sangkaterbang papeles sa kanyang mesa
upang makita ang bagong dating. Mabilis siyang napatayo nang
makumpirma niyang hindi nga siya nagkamali.
Ano ba ang ginagawa ng.... ng napakaguwapong nilalang na ito sa harap
niya? Kinalma niya ang sarili. Kung saan-saan na naman kasi
napapadpad ang isip niya.
“Hindi
mo man lang ba ako pauupuin?”
pukaw nito sa kanya.
“Oh!”
Hindi maintindihan ni Andrew ang nararamdaman niya. Masyado ba siyang
obvious na malaki ang epekto sa kanya ng muli nilang pagkikita? Was
he so affected that he could not handle himself?
Malakas ang kabog ng dibdib niya at hindi na yata mababago ang
ganoong reaksiyon niya tuwing si Keith ang sangkot.
No--- He was just shocked. Tama, na-shock lang siya dahil sa mahabang
panahon na hindi rin sila nagkikita. At talagang pinaglalaruan siya
ng tadhana dahil pagkatapos ng mahabang panahon, nananatili o mas
tamang sabihin na nadagdagan pa ang kaguwapuhan nito. Mas naging
malakas ang epekto nito sa kanya ngayon.
“As
I remember, the last time na nagkausap tayo, sinabi mo sa akin na
hindi tayo magkaibigan, Ano't nandito ka ngayon?”
Sa kabila ng pagkakagulo ng kanyang mga lamang-loob ay nagawa pa rin
niyang magsalita sa napakakaswal na tinig.
Pero ang magaling na lalaki ay hindi man lang natinag sa kalamigan
niya. Dumeretso ito sa upuan na nasa harap ng mesa niya at kampanteng
umupo.
“Gusto
ko lang siguruhin na ikaw nga ang cute na nakita ko kanina,”
nakangiting saad nito.
“Excuse
me, hindi ako cute. At sa pagkakaalam ko ay matagal na akong
maganda.” Bulag ka lang kaya
hindi mo napansin noon. “Now that you have confirmed it, you are
free to leave,” malamig ang tinig na sabi ni Andrew.
Hinagilap ni Andrew ang swivel chair niya at sumalampak doon. Para
kasing natutunaw na ang mga tuhod niya sa ginagawang pagtitig nito sa
kanya. Ano ba ang drama nito ngayon? Hindi ba kagabi lang ay
pinagsupladuhan pa siya nito sa text?
Bumaling
siya rito pagkatapos ma-absorb ng utak niya ang una nitong sinabi.
“Saan mo ako nakita?”
“Sa
shop ko,” simpleng sagot ni
Keith.
“S—shop
mo?”
“Nanalamin
ka sa one-way mirror na pinto ng shop ko. Nagulat nga ako, eh. Bigla
ka na lang sumulpot sa harap ko at nag-ayos ng buhok mo. Ginawa mo
pang parlor ang daanan sa business center,”
pahayag ni Keith.
Anak ng tinapa! Kapag minamalas ka nga naman oo! Sa malapit pa pala
nakatayo ang negosyo ng damuhong lalaking ito. Malawak naman ang
Maynila, bakit doon pa ito nagpakalat-kalat, malapit sa teritoryo
niya.
“G---ganoon
ba?” Pasensiya na, hindi na uli ako dadaan sa lugar na 'yon,”
sabi na lamang ni Andrew, saka ibinaling ang tingin sa nakatambak na
papeles sa mesa niya. Nais niyang iparating dito na masyado siyang
abala para istorbuhin lang nito.
Lumayas
ka na ngang lalaki ka. Ginugulo mo na naman ang isip ko.
“Labas
tayo mamayang lunch,” narinig
niyang anyaya ni Keith.
Pero tama ba ang narinig niya? Niyaya siya nitong lumabas? Parang
nagpiyesta ang puso niya sa labis na saya dulot ng imbitasyon nito.
At sa sobrang sya niya ay parang gusto na ng puso niyang kumawala sa
rib cage niya.
“Marami
pa akong trabaho na dapat asikasuhin,” tanggi
niya. Kahit anong saya ng puso niya ay kailangan pa rin niyang
pairalin ang isip niya sa mga ganoong sitwasyon.
“Huwag
mong sabihing hindi ka nagla-lunch?”
tanong nito.
“Hindi
ako nagla-lunch. At kung kumain man ako, depende yun sa magiging
topak ng sikmura ko.”
Naramdaman niyang tumayo si Keith pero hindi na niya ito pinansin.
Mas maigi nang lumayas na ito para hindi na nagugulo ang mundo niya.
“Babalik
ako mamayang lunch. Sabay na tayong kumain,”
pagkasabi niyon ay walang pasabing lumabas na ito ng opisina niya.
Naguguluhan na talaga si Andrew sa iniaasta ng magaling na si Keith.
Iniisip ba nito na por que head over heels siya rito noon ay madali
pa rin siya nitong makukuha? Well, ipapakita niya ritong nagkakamali
ito. Ipapakita niyang hindi siya nahuhumaling dito ngayon. Na
naka-get over na siya rito.
“Girl,
akala ko ba, marami kang ginagaw sa shop n'yo. Bakit ngayon, niyayaya
mo akong maglakwatsa?”
Kanina pa walang tigil si Mhelo kay Andrew pero ni isa sa mga iyon ay
hindi nito nabigyan ng kasagutan. Patay-malisya na lang ito habang
tumitingin-tingin sa naka-display na mga damit. Kasalukuyan silang
nasa loob ng department store ng isang mall malapit sa shop niya at
nagpapalipas-oras.
Tinawagan ni Andrew si Mhelo kaninang umaga nang malaman niyang
nakauwi na ulit ito ng bansa. Natatakot kasi siya para sa sarili.
Kahapon ay ipinagsisiksikan niya sa isip na hindi na siya ganoon
kadaling mapapasunod ni Keith. Subalit nang puntahan siya ng lalaki
sa kanyang opisina para mananghalian, hindi niya alam kung ano ang
nangyari at napapayag siya nito.
Naiinis na talaga siya dahil kahit alam niya na mali na sumama siya
kay Keith dahil may nobyo na siya ay ginawa pa rin niya. At dahil
doon ay napatunayan niya na hindi ito kailanman naalis sa puso niya.
Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Keith ang puso niya at ito pa rin
ang nananatiling may-ari niyon. Ipinilit lang siguro niya noon sa
sarili na kalimutan ito dahil iyon ang dapat niyang gawin. Pero kahit
anong pilit niyang alisin ito sa buhay niya, kailanman ay hindi na
niya magagawa. Nagiging unfair na talaga siya kay Charles.
Mabait na nobyo si Charles at hindi mahirap na mahulog ang loob niya
rito. Inakala niya na si Charles na talaga ang mahal niya. But at the
back of his mind, he thought about Keith, his first love. Napakagago
at napaka-unfair talaga niya.
Ngayong nagbabalik uli sa buhay niya ang lalaking pinag-aalayan niya
ng kanyang walang kamatayang pag-ibig, hindi tuloy niya malaman kung
ano ang gagawin niya. Natatakot siya na baka makagawa siya ng
kasalanan kay Charles --- ang lalaking nagmamahal sa kanya, ang
lalaking deserving sa pagmamahal niya.
“Andrew,
ano ba?” Kanina pa ako tanong nang tanong dito, hindi mo naman ako
sinasagot,” himutok ni Mhelo.
Naghagilap
siya ng isang polo at isinukat ito. “Maganda pala ang
lapat nito sa akin. Bibilhin ko na ito,”
bale-walang sabi ni Andrew. Dadamputin pa sana ni Andrew ang isa pang
polo para isukat nang unahan siya ni Mhelo.
“Kung
wala kang balak na sagutin ang tanong ko, iiwan na lang kita rito,”
banta nito at umakma nang hahakbang paalis.
“Sandali
lang. Ito naman! Eh, kasi.... may pinagtataguan lang ako,”
nag-aalangang pag-amin niya rito.
“Ha?
Sino? May pinagkakautangan ka ba? Bakit hindi mo na lang sabihin sa
parents mo? Tutulungan ka naman siguro ng mga iyon,”
nagpa-panic sa saad ni Mhelo.
“Sira.
Kailan ba ako nangutang?”
“Kaya
nga nagulat ako, eh. Anyway, sino ba 'yang pinagtataguan mo?”
tanong ni Mhelo.
Napakagat-labing hinarap ni Andrew ni Mhelo, at bago pa man niya
magawang magsalita uli ay may nahagip ang kanyang mga mata.
Nandidilat na mabilis niyang hinila si Mhelo patungo sa mga
naka-hanger na damit para magtago.
“Ano
ba'ng nangyayari? Bakit tayo nagtatago? Nandito na raw si Enzo baka
hindi niya tayo makita. Sabi ko ko pa naman na nandito tayo sa
department store,”
dere-deretsong angal ni Mhelo.
“Kaya
nga tayo nagtatago, eh, dahil nakita ko sina Enzo,”
ani Andrew.
“Ano'ng
problema kung makita niya tayo? T-in-ext ko nga siya na puntahan tayo
rito. Teka, si Enzo ba ang pinagtataguan mo?”
“Hindi.
Iyong kasama niya,” sagot niya
kay Mhelo.
Tumayo si Mhelo, para sipatin marahil kung sino ang kasama ng
kaibigan nila na tinutukoy niya.
“Wala
naman siyang kasama, ah?” saad
ni Mhelo nang bumalik na ito sa pagkakaupo at hinarap si Andrew.
“Are
you sure?” tanong ni Andrew
kay Mhelo.
Bakit parang nakita niyang kasama ni Enzo ang pinsan nito? O baka
naman nagha-hallucinate lang siya.
“Oo
nga. Wala nga siyang kasama. Sino ba kasi ang tinutukoy mo?”
nangungulit na tanong uli nito.
“Mamaya
ko na sasabihin. Puntahan mo muna si Enzo. Kapag sigurado na wala
talaga siyang kasama saka ako lalabas dito,” sabi
na lamang ni Andrew.
Pumalatak
si Mhelo. “Malaki siguro ang atraso mo sa taong 'yon at
ganyan na lang ang takot mong magpakita sa kanya.”
“Wala
akong kasalanan sa kanya,”
mariing sabi ni Andrew.
“Eh,
bakit ka nagtatago?”
“Natatakot
ako sa kanya, eh.” Natatakot
ako sa nagiging epekto niya sa akin.
“Bakit
ka natatakot kung wala ka naman palang atraso sa kanya?”
tanong muli ni Mhelo.
“Basta!
Puntahan mo na lang si Enzo, sige na.”
Nakukulitan na kasi si Andrew sa kakatanong ng kaibigan niya kaya
itinaboy na lamang niya ito.
Umiiling na sumunod na lamang ito sa sinabi ni Andrew. Ilang sandali
pa at lumabas na siya sa pinagtataguan niya. Sinipat niya ang
dalawang kaibigan at nakita niyang nag-uusap ang mga ito. Nakahinga
rin siya ng maluwag nang makitang wala naman palang kasama si Enzo.
“Hay!
Nahihbang ka na talaga, Andrew. Bakit mo naman naisip na magkasamang
pupunta rito sina Enzo at Keith?” pagkausap
niya sa sarili.
“Sumama
ako kay Enzo nang malaman kong papunta siya rito. Wala ka kasi sa
shop kaya naisip kong magkikita kayo.”
Muntik nang mapatalon si Andrew sa labis na gulat pagkatapos marinig
ang taong nagsalita mula sa kanyang likuran.
“Bakit
ka ba nanggugulat?” aski niya kay Keith. At paano ka nakarating
diyan nang hindi ko namamalayan? Nag-teleport ka ba?
Nais din sana niyang itanong rito.
“Hindi
naman, ah.” Lumapit ito sa
kanya, inabot ang isa niyang kamay at pinisil nito iyon. “Relax,
I won't harm you.”
Banayad ang pagkakabigkas nito ng mga salitang iyon, ganoon din ang
pagpisil nito sa kanyang kamay. Pero hindi pa rin niya napigilan ang
sariling mapaigtad. May kung anong kakaibang sensasyon na hatid ang
init na nagmumula sa mga palad nito na tumulay sa bawat himaymay ng
kanyang pagkatao --- sensasyong kailanman ay hindi niya naramdaman
kay Charles. Pero bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan nang dahil
dito ay binawi na niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni
Keith.
“Don't
you dare touch me again,” asik
ni Andrew upang pagtakpan ang sarili.
“I
was just trying ko keep you relaxed.”
“I
am relaxed. Hindi mo na ako kailangang hawakan pa.” Dahil lalo
akong nawawala sa huwisyo kapag hinahawakan mo ako.
“Talaga?
Then why are you trembling?”
“I'm
not trembling!” mariing tanggi ni Andrew.
“Bakit
ka nagtatago rito? At... sa akin?” tanong nito.
“Why
the hell would I do that? Excuse me! Wala naman akong utang sa 'yo
par pagtaguan kita.”
“Exactly!
Kaya nga nagtataka ako kung bakit ka nagtatago,” sagot ni
Keith.
“Hindi
nga ako nagtatago,” Nahagip ng paningin ni Andrew ang isang set
ng baby dress. Kinuha agad niya iyon. “Bumibili ako ng panregalo
sa inaanak ko. Eto nga, eh, dadalhin ko na sa cashier. Diyan ka na,
ha?” aniyang pilit na itinatago ang pagkataranta sa boses niya.
Utang-na-loob,
huwag ka nang sumunod! Wala ka namang magandang naidudulot sa sistema
ko.
Naglakad
na siya palayo kay Keith. Nang may mamataan siyang shoppingbasket ay
inihulog niya ang baby dress. Nagpalinga-linga rin siya sa paligid,
wala na ang dalawa --- sina Mhelo at Enzo.
Iwan
ba naman ako ng mga bruang 'yon?
“Akala
ko ba ireregalo mo 'yon sa inaanak mo? Bakit iniwan mo do'n sa
shopping basket?”
Mabilis
siyang napalingon sa pinaggagalingan ng boses na iyon. Nakasunod pa
rin pala sa kanya si Keith.
“Nagbago
na ang isip ko, uuwi na pala ako. Sa isang araw na ako bibili,”
pagpapalusot ni Andrew.
Ngumisi
si Keith na parang hindi ito naniniwala sa alibi niya.
“Sige
ha! Aalis na ako,” aniya, saka mabilis nang tumalilis palayo
rito. Wala na siyang plano na hanapin pa ang dalawang kaibigan dahil
nasisiguro niyang ipinagkanulo siya ng mga ito.
Hindi pa
rin siya tinantanan si Keith. Nakabuntot pa rin ito sa kanya kahit
saan man siya magpunta. Sinubukan na niya itong iligaw subalit hindi
siya nagtagumpay. Hindi na siya nakatiis at hinarap ito.
“Sinusundan
mo ba ako?”
“Oo,”
diretsong sagot ni Keith.
“Bakit?”
Napakamot
na lang sa batok niya si Keith at pasimpleng bgumiti kay Andrew.
Kahit simpleng pagngiti ni Keith ay naghatid pa rin ng kakaibang
damdamin kay Andrew. He can still make Andrew'w heart race fast
whenever he smiled. “Wala. Gusto lang kitang sundan,”
kapagkuwan ay sagot nito.
“Ayoko
nang sinusundan mo ako, kaya puwede ba, lumayo-layo ka na?”
pagtataray ni Andrew. Iyon na lang ang paraan na naisip nito para
hindi na siya sundan pa ni Keith.
Tumalikod
na si Andrew dito ngunit nararamdaman pa din niyang nakasunod pa rin
ito sa kanya. Hinarap uli niya ito. Ang balak niya ay bulyawan na
ito, subalit pagkatapos niyang mabungaran ang matamis nitong ngiti ay
tuluyan nang natunaw ang dapat ay pagtataray niya.
“Ano
ba talaga'ng gusto mo?” napu-frustrate nang tanong nito kay
Keith.
Simula pa
lang ay mali na ang nagiging reaksiyon niya sa dapat na attitude niya
kapag kaharap ito. Kung puwede lang sana niyang dukutin ang puso niya
at itapon sa pagmumukha nito nang sa gayon ay hindi na siya
mapapasunod niyon ay ginawa na niya. Nahihirapan na rin kasi siyang
pakitunguhan ang sariling damdamin. Taliwas sa nararamdaman niya ang
ginagawa niya rito.
“Ikaw,”
walang kagatol-gatol na sabi ni Keith.
Naihilamos
ni Andrew ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Napakabilis naman
yata na gustuhin siya nito bigla samatalang ang sabi nito sa text ay
hindi raw sila magkaibigan. Na totoo naman. Hindi sila naging mapalit
na magkaibigan noon dahil ni hindi siya nito pinagbigya na makalapit
dito.
“Drew,
galit ka pa ba sa akin dahil sa nangyari noong prom night?”
kapagdaka ay tanong nito.
Sa
dinami-rami ng puwede nitong ungkatin, bakit iyong pinakamasakit pang
parte ng nakaraan nila?
“Tapos
na 'yon. Matagal ko nang kinalimutan.”
Tatalikuran
na sana uli ni Andrew si Keith nang pigilan siya nito sa braso.
“If
that's so, then can we start anew?” Puwede ba akong manligaw?”
Ano ang
nakain ng magaling na lalaking ito at naisipan nitong sabihin iyon sa
kanya? Gusto sana niyang papaniwalain ang sarili na pinagti-trip-an
lang siya nito, na hindi naman ito seryoso sa sinasabi nito. But when
he looked into his eyes, he knew his proposal was real.
Bakit
ngayon lang nito naisip na subukan siyang gustuhin? Kung kailan hindi
na siya puwede?
“I'm
sorry. May boyfriend na ako.” Hindi niya alam kung sa paanong
tono niya iyon sinabi, dahil nararamdaman niya sa puso ang labis na
panghihinayang.
Naramdaman
niya ang unti-unting pagluwag mg pagkakahawak nito sa braso niya.
Pakiramdam niya ay tuluyan na rin siya nitong pinakawalan. Dapat ay
maging masaya siya, dahil hindi na siya mamomoroblema na baka magulo
na naman ang dapat daloy ng sistema niya. Pero hindi iyon ang
naramdaman ni Andrew. Parang nararamdaman uli niya ang hapdi ng sugat
na nilikha ng nakaraan.
Bago pa
man mailabas ni Andrew ang totoong damdamin niya ay mabilis na siyang
lumayo kay Keith. Hindi na niya kakayanin kung maipahiya pa uli niya
ang sarili rito. Kailangan niyang maging matatag upang hindi siya
tuluyang madaig ng sariling damdamin. Ano ba ang malay niya kung
magaling talagang umarte si Keith at sinusubukan lang siya nitong
pasakayin? Alam niya kung gaano ka-transparent ang mukha niya sa
totoong nararamdaman niya.
Who could
blame him for finding hard for him to trust and love the same man who
had broken his heart into tiny million pieces....
No comments:
Post a Comment