Chapter 10
Three months later
Pagod
na humiga si Uno sa kama. Kagagaling lang niya sa New York para dumalo sa
opening ng branch ng jewelry store nila roon. Jewelry business ang negosyo ng
kanyang ina at katulong siya nito sa pagpapatakbo niyon. Nang dumating siya
roon ay halos wala siyang ideya kung paano mag-manage niyon. Mabuti na lamang
at naroon ang nanay niya at ginagabayan siya.
Hinabol pa niya ang huling flight
para makabalik agad siya sa Los Angeles kung saan sila nakatira. Naiwan naman
sa New York ang kanyang ina at sa susunod na araw pa uuwi.
Pagkasara niya ng lahat ng pinto
at bintana sa kuwarto niya ay bumalik sa siya sa pagkakahiga. Ngunit bago niya
hinayaang tangayin siya ng antok ay kinuha na muna niya ang picture frame na
nasa tabi niya. Iyon palagi ang ginagawa niya bago siya matulog.
Titingnan niya nang halos sampung
minuto ang litrato at saka siya matutulog.
Kahit ilang beses niyang pagalitan
ang sarili niya, hindi pa rin niya mapigilan ang sariling tingnan ang litrato
ni chester na dinala talaga niya nang umalis siya ng Pilipinas. Sinanay na rin niya ang sarili
niyang huwag umasa. Pero maligaya na siya tuwing pinagmamasdan niya ang larawan
nito.
Naalala niya nang umalis siya ay
todo-iyak pa ang ginawa niya sa airport. Tumitingin din siya sa paligid at
nagbabaka-sakaling pupunta roon si Chester kahit hindi naman nito alam na aalis
siya. Hindi na rin kasi siya nito na-contact. Pero para pa rin siyang timang na
nagbabaka-sakali. Pero wala talaga.
Napabuntong-hininga siya. Siguro
ay kailangan niya ang mahaba-habang panahon para makapag-move on nang tuluyan.
“Uno, let's hang out tonight.
I'll be haing a pool party.”
Napatingin na lamang siya kay
David na halatang inaabangan talaga siya sa labas ng bahay nila. Nahahalata
niyang gusto siya nito pero hindi niya ito gusto. Una, hindi pa siya
nakakapag-move on kay Chester. Pangalawa, masyado itong straightforward. Ganoon
siguro talaga ang mga Amerikano.
“I'm sorry, but I'm busy,”
aniya rito. “If you don't mind, I'll be going now.”
Tumango ito. Pumasok na siya sa
kotse niya at nag0drive patungo sa jewelry shop nila. Ang kanyang ina rin ang
nagturo sa kanya kung paano mag-drive.
Sa pamamalagi niya sa Amerika ay
natuto na rin siya sa paraan ng pamumuhay ng mga tag roon. Kahit wala pa siyang
isang taon doon ay marami na siyang ntutuhan, at ipinagpapasalamt niya iyon sa
kanyang ina.
Ang hindi lang niya natutuhan ay
kung paano kalimutan ang lalaking sinaktan ang damdamin niya. Napailing na
lamang siya. Gustuhin man ng isip niya ay suwail naman ang puso niya. Gusto
talaga niyong makatuluyan si Chester. Paano iyon? Sinabi na nga sa kanya ng
binata na hindi pa ito handa. Mahal na mahal nito ang kalayaan nito at ang
pa-easy-easy nitong buhay. Ano pa ang magagawa niya?
Mag-move on ka kaya?
Nanggigigil na utos niya sa sarili.
Ang tanong at paano? Kung palagi
na lamang siyang nakatitig sa litrato ng binata? Kahit iniiwasan na niyang
manood ng balita sa Pilipinas ay wala pa ring saysay iyon dahil sa ginagawa
niyang pagtingin sa litrato nito gabi-gabi. Hindi rin naman niya maatim na
itapon iyon.
He sighed in frustration.
Nasa grocery store si Uno isang
araw. Malapit na kasing maubos ang supply nila sa bahay kaya kailangan na niyan
mag-grocery. Siya na rin ang magluluto para sa hapunan nila.
Palabas na siya ng grocery nang
may tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nabigla nang makita sina Emma at
Andy.
Nakangiting lumapit ang mga ito
sa kanya. Yumakap naman sa kanya si Emma.
“Oh, my God! Nandito ka lang
pala,” ani Emma sa kanya.
Natawa si Uno. “Oo. Kayo,
ano'ng ginagawa n'yo rito?”
“We're on our honeymoon,”
sagot ni Andy sa tanong niya.
Napatingin siya sa mga ito. “Ikinasal
na kayo?”
Sabay na tumango ang mga ito. “Last
week lang. Three days na kaya kami rito. Bigla ka na lang kasing
nag-disappearing act kaya hindi ka naka-attend sa kasal namin. Sayang,” ani
Emma.
Hindi niya naiwasang malungkot.
Gusto-gusto pa naman niyang masaksihan ang kasal ng mga ito.
Niyaya niya ang dalawa sa bahay
nila. Doon sila sa garden umupo habang pinagsasaluhan nila ang inihanda niyang
pancake kanina.
“Congratulations sa inyong
dalawa,” aniya.
“Pasensiya na talaga at wala
ako sa kasal ninyo.”
“It's okay, naiintindihan
namin.” Ngumiti si Emma sa kanya.
“May communication pa rin ba
kayo ni Chester?”
Napatingin siya kay Andy na
siyang nagtanong.
Umiling si Uno.
Pumalatak ito. “So that's why
he's been acting really weird these past few months.”
Kumunot ang noo niya. “Ha?”
“Si Chester. Kaya pala
masyadong masungit at hindi na naglalalabas at hindi na nakikipagkita sa amin,”
ani Andy.
“Bakit naman?”
“Because you, girl,” ani
Emma.
Dahil sa kanya?
“Pakiramdam ko, ayaw sabihin
ng tatay mo kung nasaan ka. Pabalik-balik na siya sa inyo pero ganoon pa rin
siya. Kung sinabi ng tatay mo sa kanya, malamang na lumipad na iyon dito at
hindi na nagsusungit.”
“Naaawa ako sa kanya.”
Napatingin siya kay Emma.
“Wala naman kasing maitulong
si Andy kasi hindi naman namin alam kung nasaan ka.”
Napailing si Uno. “Wala na
kami. I mean, hindi naman talaga naging kami. Kaya tama lang ang nangyari sa
'min. Hindi rin naman siguro ako ang rason kung bakit siya nagkakaganoon.”
Sabay umiling ang mag-asawa.
“You're the reason,” ani
Andy. “I thought kayo na. Sinabi ko kasi sa kanya na kumilos na, iyon pala,
hindi niya ginawa. Chester is an asshole, ako na mismo ang magsasabi niyan para
sa 'yo, Uno. But he's in love with you. Kahit na hindi niya sinasabi sa amin,
alam naming hindi iyon ang sinasabi niya sa 'yo. Kaya nga gustong-gusto ko
siyang kutusan.”
Hindi siya nakapagsalita. Bakit
naninikip ang dibdib niya sa narinig niya. Umaaasa ka na naman?
Ano ba kasi at sinabi iyon ng
mag-asawa sa kanya? Napabuntong-hininga siya. Pero hindi siya puwedeng maging
ipokrita sa sarili niya dahil alam niyang masaya siya.
“You both have suffered
enough. Mas mabuti kung makakapag-usap kayo,” suhestiyon ni Andy. “He's
like a brother to me kaya nalulungkot din akong makita siyang miserable.”
“Think about it,” ani Emma
habang tumatango.
Parang hindi na siya
makakapag-isip pa dahil gusto niyang magkausap sila ni Chester.
Inubos na ni Chester ang agahan
niya. Narooon siya sa beach kung saan ikinasal ang mga kaibigan niyang sina Jun
at Alex. At kung saan din sila nakapag-bonding ni Uno.
Hindi niya alam pero bigla siyang
nagdesisyon na umalis muna ng Maynila at magtungo roon. Sinabi niya iyon sa mga
kaibigan niya. Trip lang niya ang kalmadong paligid, sabihin nang nag-e-emote
siya dahil iyon talaga ang giangawa niya. Magpapahinga rin muna siya sa
pabalik-balik na pagpunta sa bahay nila Uno. Ayaw pa rin kasing sabihin ng
tatay nito kung nasaan ang binata. Alam niyang umalis ito, ang hindi niya alam
ay kung saan ito nagpunta.
Dalawang araw pagkatapos nilang
mag-usap ni Uno ay kinnalma niya ang sarili. At sa dalawang araw ding iyon ay
na-realize niyang hindi niya kayang harapin ang araw-araw kung hindi niya
nakikita ang binata. So he made up his mind.
Sianbi niya sa kayang sarili na
susuyuin niya ito, kahit bumalik uli siya sa first step. O kahit matagalan pa
ang panunuyo niya basta bumalik lang ang pagsasama nila. He would make things
right. He would tell him that he loved him. That he had fallen deeply in love with
him.
The problem was, he was a jerk,
an asshole, an idiot and a coward. Natakot siya sa magiging consequence kung
magpapadala siya sa pag-ibig. But he ended up blaming himself dahil wala na si
Uno. Hindi rin niya alam kung nasaan ito. His life had become miserable when he
left.
Napailing siya. It was fine, he
desserveed the mes he'd made. He just had to work things out. He was not going
to give up until Uno forgive him.
Ngayon ka pa ganyan, ngayong
wala na siya? panunuya niya sa sarili.
Napatingin siya sa harap ng
resort nang may huminto roong isang pulang kotse. Bumaba mula roon ang isang
lalake. Naka-cargo short ito, fitted shirt at sandals. Kung ang old Chester pa
rin ang nagningibabaw sa kanya, he would surely have approached the hottie guy.
But he wasn't the old Chester anymore. Mula noong hindi na niya nakita si Uno
ay wala nang appeal sa kanyan ang ibang lalake.
Ibinalik na lamang niya ang
tingin sa dagat. All he wanted was Uno. Just him.
Kung hindi lang nakakahiya sa mga
staff ng resort na nasa di-kalayuan ay iiyak siya katulad ng ginagawa niya
kapag inaatake siya ng sobrang pangungulila sa binata.
Biglang may tumayo sa harap niya.
Napatingin siya sa pares ng mga paa. Napabuntong-hininga siya. Hindi siya
interesado rito o sa kung sino mang nilalaang ang lumapit sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin at
ganoon na lamang ang pagrigidon ng puso niya nang makita si Uno.
Hindi malaman ni Uno kung
ngingiti o ano sa paraan ng pagkakatingin ni Chester sa kanya. May iba pa ba
itong inaasahan at nadismaya nang makita siya?
“Uno” wika ni Chester.
Napatingin siya rito. Namayat
ito. Pero kahit ganoon ay ang guwapo pa rin nito. Patunay roon ang mabilis na
pagtibok ng puso niya habang nakikipagtitigan siya rito.
“Oo, ako nga,” sagot ni
Uno.
Tumayo ito at hinarap siya. Bigla
siyang napaurong nang makitang ang lapit-lapit lang nila sa isa't isa. Sa
pagkabigla niya ay niyakap siya nito. Napapikit siya. Na-miss niya ito. Pero
dapat muna niya itong kausapin.
“Teka... teka,” ani Uno at
bahagya itong itinulak. “Hindi ako nagpunta rito para makipagyakapan. Gusto
kong mag-usap tayo.”
Lihim na napangiti si Uno nang
makitang nalumo si Chester. Hinila niya ito sa wooden bench na inuupuan nito
kanina. Magkatabi silang naupo roon. Napatingin si Uno rito. Bakit ang
lungkot-lungkot nito? Hindi ba ito masayang makita siya?
“I'm sorry about what happened
between us,” anito. “Gusto sana kitang kausapin kaya lang, ayaw namang
sabihin ng tatay mo sa akin kung nasaan ka. Pero okay lang iyon sa sakin. If I
have to come back there every day, gagawin ko.”
“Chusero ka,” ani Uno.
“What?”
Napangiti siya. “Wala. Sige,
continue.”
Bumuntong-hininga ito. “Kaya
ko lang naman sinabi sa mgareporter na kaibigan lang kita because I was,”
anito saka bumuntong-hininga. “Iwas a coward. Natakot akong magmahal. I felt
stupid. Matagal na rin kasi akong walang seryosong relasyon. Kaya nang dumating
ka, I didn't know what to do. For the first time, naduwag ako. Hindi ba sinabi
ko sa 'yo na natotorpe ako pagdating sa 'yo?”
Umingos si Uno at hindi
nagkomento. Mas gusto niyang makinig dito. Kinikilig siya habang nagpapaliwanag
ito.
“I was too afraid to tell you
that I loved you.”
Noon siya napatingin dito. “Mahal
mo ako?”
Tumango ito. “Yes, I love you,
Uno. Matagal na. Hindi ko lang maamin, kasi nga --”
“Kasi nga you were a jerk. You
love your freedom and you hate commitment,” ani Uno.
“But that was before.”
Sinimangutan ito ni Uno.
“Whatever.”
“Look at me.”
Nagdalawang-isip siya kung
susundin niya si Chester. Pero naisip niyang mas mabuti iyon para makita niya
kung sincere ba talaga ito. Tumitig siya rito.
“Naniniwala ka ba sa akin?”
tanong ni Chester.
Hindi siya makasagot. Mas feel
niyang tumitig na lamang dito kaysa sa sumagot siya sa tanong nito.
“Uno?”
Bumuntong-hininga siya. “Naniniwala.
Pero sana hindi mo 'yon ginawa sa akin. Ang sakit kaya.”
“I'm sorry. Alam ko namang
mali ako kaya nga pupuntahan na sana kita at susuyuin kaya lang wala ka na.
Saan ka ba nagpunta?”
“Sa Amerika,” ani Uno.
“What?”
“Bumalik na ang nanay ko,
isinama niya ako sa Amerika. Hindi naman sana ako sasama sa kanya kung hindi mo
ako sinaktan nang sobra,” may halong paninisi na wika niya kay Chester.
Napailing ito. “Ang layo naman
pala ng pinuntahan mo. Ayaw pang sabihin sa akin ng tatay mo.”
Natawa si Uno. “Alam kasi
niyang pupuntahan mo ako kapag nalaman mo.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Forgive
me, please?”
Agad na tumayo si Uno. “Pero
sana, alam mo ang pagkakamali mo. Nakakainis ka. Kung hindi mo 'yon sinabi sa
'kin at nagkaliwanagan tayo, hindi sana ako aalis at hindi na sana tayo
nahirapan. Ang hirap naman kasi sa 'yo, masyado kang ---” Naputol ang iba
pa niyang sasabihin nang bigla siya nitong halikan.
Hindi na nanlaban pa si Uno.
Hinayaan na lamang niya ang sarili na namnamin ang halik na iyon. Pagkatapos
niyon ay mahigpit siyang niyakap nito.
“Hindi ko alam ang gagawin
kapag nawala ka na naman sa tabi ko,” ani Chester.
Napangiti si Uno.
Inilayo nito ang katawan nito at
tinitigan siya. “At natuto ka na palang magsuot ng ganyang istilo ng damit
ngaun, ah. 'Yan ba ang natutuhan mo sa Amerika?”
Napasimangot siya. “Hindi,
'no? Naisip ko lang na magsuot ng ganito, nagbabaka-sakaling kapag nakita mo
ako ay magbago ang isip mo at magiging ready ka nang makipagrelasyon sa akin.”
Bahagya itong natawa at dinampian
ng halik ang pisngi niya. “Matagal na akong naging handa. Iyong mga araw pa
lang na hindi kita nakasama, sapat na ang mga iyon para mawala ang karuwagan
ko.”
Napangiti si Uno. “Naks! I
love you.”
“Dito tayo magpapakasal.”
Napatingin siya rito. “Kasal?”
“Oo. Will you marry me?”
Siyempre ay “oo” ang isasagot
niya. Pero teka... “Nasaan ang singsing?”
Natawa ito. “Ibibigay ko rin
sa 'yo. Hindi ko naman kasi alam na magpapakita ka sa akin dito. O, ano na?
'Yes' na?”
“Atat ka rin, 'no?”
natatawang wika niya. “Oo, pakakasalan kita.”
Agad na niyakap siya nito. Ngunit
agad din silang naghiwalay nang may marinig silang nagpalakpakan.
Ang mga kaibigan pala nito iyon.
Kasama niya ang mga itong pumunta roon.
“Nakamasid lang ba kayo habang
nagdadrama kami rito?” natatawang tanong ni Chester.
“Just for a bit,” sagot ni
Natalie habang karga ang anak nito.
Nagkatawanan sila.
Ginugol nila ang mga sumunod na
araw sa pagre-relax sa resort. At pagkalipas ng ilang buwan ay ikinasal na sila
ni Chester.
Jihi...
ReplyDeleteSorry... Kasi all along akala ko eh na-Post ko na ang Finale nito. Naka-sched kasi mga stories ko dito. Pasensiya na talaga ha? Anyway, I hope nagustuhan mo...
Thanks
Kayo din po ba ang gumawa ng "Ang Matalik na Magkaibigan" sa site ng zildjianstories?
ReplyDeleteHindi po... Ang Fisrt full story na publish ko kay Zildjian eh ung "TAKING CHANCES".
ReplyDeleteSalamat po sa pagbabasa at pagbibigay ng oras para basahin ang stories ko...