“FRIEND, ano ba naman 'yang pinsan mo? Wala man lang pakiramdam. Magdadalawang taon na nga akong nagpaparamdam ng pagsinta ko sa kanya, wa epek pa rin,” ani ni Andrew sa kaibigang si Enzo.
“Paano,
bato naman yata 'yang sinisinta mo,”
nakangising sabad naman ni Mhelo.
Nasa CR silang tatlong magkakaibigan at nagpapaganda habang
nagtsitsismisan. Araw-araw ay ganoon ang routine nila, pagkatapos
mananghalian ay diretso sila sa comfort room. Iyon ang lugar na
nagsisilbing tambayan nila after ng lunch.
“Pinsan
ko lang si Keith at hindi ko hawak ang puso niya, kaya hindi ko
masasagot ang tanong mong 'yan,”
tugon ni Enzo pagtapos nitong maghilamos. “Ang tanging
magagawa ko na lang para sa iyo ay suportahan ang pagsinta mo sa
kanya.”
“Parang
gusto na yatang sumuko,”
malungkot na sabi ni Andrew.
“Loka!”
duwetong asik ng dalawa niyang kaibigan.
“Ngayon
mo pa naisip 'yan? Todo na ang effort na ibinuhos mo,”
ani Enzo.
Wala talaga siyang planong isuko ang pag-ibig niya kay Keith. Pero
kahit kasi isang tingin lang nito sa kanya ay hindi niya mahagip ---
puwera na lang siguro kung talagang kailangan at wala itong choice.
Hindi na kasi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang gawin,
mapansin lamang siya nito.
Araw-araw
tuwing makakasalubong niya si Keith ay todo ang ngiting ibinibigay
niya rito. Minsan nga, pakiramdam niya ay nagmumukha na siyang
lukring sa kakangiti
rito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi siya nito
ginagantihan ng ngiti.
Officer si Keith ng student organization ng school nila na
nagbabantay sa tapat ng gate tuwing umaga para sitahin ang mga
estudyante na incomplete sa uniform at walang ID. Kaya kapag ito ang
nakatoka sa pagbabantay ay sinasadya niyang alisin ang ID o kaya ay
ang necktie niya upang sitahin siya nito at tapunan ng atensiyon.
Subalit hindi umeepekto iyon. Minsan nga ay naulingan pa niya ang
sinabi nito sa kasama nito ang hindi siya nito sinita dahil hindi
niya suot ang kanyang ID>
“Complete
'yon. Mamaya niya isusuot ang ID niya kapag nasa classroom na siya.”
Mukhang alam ni Keith na sinasadya niya ang mga ginagawa niya
mapansin lamang siya nito.
“Ayoko
na talaga. Suko na ako,”
dekalara ni Andrew.
“Ano
ka ba naman? Ngayon ka pa ba susuko?”
nababahalang pigil ni Enzo sa sinabi niya. “Malapit na
ang JS Prom. Dapat nga, mas todo effort kang magpapansin sa kanya
para ikaw ang yayain niyang ka-date.”
dagdag pa nito.
“Wala
akong care sa prom na 'yan,”
bale-walang sabi ni Andrew.
“Sigurado
ka?” nananantiyang tanong pa
ni Enzo.
“O-oo...
Yata? Ah, basta! Kakalimutan ko na ang pagsinta ko sa kanya. Tara na
nga,” yaya niya sa mga ito at
naglakad na siya palabas ng comfort room. Napansin niyang
umiling-iling na lang na sumunod sa kanya ang mga kaibigan. Bngunit
bigla rin siyang napahinto sa paglalakad at umakmang babalik sa loob
ng comfort room.
“O,
bakit?” tanong ni Mhelo.
“Naiihi
ako. Manuna na kayo. Hintayin n'yo na lang ako ro'n sa pathway.”
Tinangnuan lang si Andrew ng dalawa at pumasok uli sa loob ng
banyo.Palabas na siya ng comfort room nang makasalubong niya si
Keith. Papunta rin ito marahil sa comfort room. Gayon na lamang ang
pagririgudon ng puso niya pagkatapos mapansing ngiting-ngiti ito sa
kanya. Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Bakit bigla nitong naisipan
na ngitian siya? Nadagdagan ba ang mga pabrika na nagbubuga ng
masamang usok sa lugar nila at naapektuhan ang isip ng kanyang irog?
Kung ganoon nga, aba, imumungkahi pa niya sa pamahalaan na magpatayo
pa ng mga pabrika at nang lalong ma-pollute ang utak ng kanyang
sinisinta.
“Hello,
Keith,” pasimpleng ikinaway
niya ang kamay bilang pagbati rito. Ang guwapo mo talaga,
my loves, honey bunch, honey bebe, honey ko. I love you na talaga.
Kinikilig nang todo ang puso ni Andrew habang inihahatid ng tanaw ang
kanyang sinta. Hanggang makalagpas si Keith sa kinatatayuan niya ay
para pa rin siyang baliw na naglalakad at hindi mabura ang ngiti sa
kanyang mga labi.
“Hoy!
Andrew. Ayusin mo nga 'yang zipper ng pantalon mo. Kitang-kita ang
suot mo na brief, o!” hiyaw ni
Enzo habang palapit ito sa kanya.
Tiningnan niya ang sinabi nito. Nakakahiya nga ang itsura niya.
Nakabukas ang zipper niya at kitang-kita ang sponge bob na design ng
kanyang brief.
Naalala niya ang eksena nila ni Keith habang ngiting-ngiti ito sa
kanya. Iyon ba ang dahilan ng pagngiti nito sa kanya? Kung ganoon
nga....
“A---ah!”
Inuntog niya ang ulo sa dingding ng pathway sa labas ng comfort room
dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi sa ganoong hitsura niya nais
magpakita kay Keith. Malamang lalo itong na-turn off sa kanya. Baka
isipin pa nito na lousy mover siya.
“Ano
ba'ng problema mo? Bakit ka sumisigaw riyan?”
tanong ni Mhelo. Dinaluhan siya ng mga kaibigan.
“Hoy,
bruha! Ano bang drama 'yan ha? Baka mabasag na ang bungo mo diyan
kakaumpog mo sa sarili mo. Kung balak mo rin lang basagin 'yan,
magpatulong ka na lang sa amin.”
Hindi na Andrew pinansin ang pang-aasar sa kanya ni Enzo at
nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa. Napilitan tuloy ang dalawa na
pigilan siya.
“Si
Keith kasi.... Nakakahiya!”
sumbong ni Andrew sa mga kaibigan. Ikinuwento niya sa dalawa na
nagkasalubong sila ni Keith at ang naging reaksiyon nito sa nakitang
hitsura niya. At ang dalawang bruha, sa halip na suportahan at
pagaanin ang loob niya ay pinagtawanan pa siya ng mga ito.
Nakatambay sina Andrew at mga kaibigan niya sa tapat ng science
building habang nagpapatila ng ulan. Uwian na at malakas pa rin ang
buhos ng ulan.
“Ay!
Nakalimutan ko na may payong nga pala ako rito,”
mayamaya ay bulalas ni Enzo at kinalkal ang mga gamit sa loob ng bag
nito.
“Buti
na lang at may dala kang payong. Makakaalis na rin ---”
“Oh
my gollygawgaw! Si JM ko, nababasa ng ulan. Diyan muna kayo mga
bruha, ire-rescue ko lang ang Prince Charming ko.” Hindi
pa natatapos ni Mhelo ang sinasabi nito ay kumaripas na ng takbo si
Enzo palayo sa kanila.
“Tingnan
mo' tong bruhang 'to. Inuna pa ang kuya ko kaysa sa atin na kaibigan
niya,” ani ni Mhelo.
“Ganyan
talaga, lumalandi ang heart ng friend natin eh,” tugon
ni Andrew kay Mhelo.
“Friend
ba talaga natin ang bruhang 'yon? Tama ba na iwan ---”
Biglang huminto si Mhelo sa pagsasalita nang mahagip nito ng tingin
si Cody. “Ang aking prinsipe, here he comes,”
patiling sumugod sa ualn si Mhelo at nakigulo sa mga babae at baklang
kumukuyog kay Cody Adams.
“Tama
bang iwan ako ng mga kaibigan ko?” himutok
ni Andrew habang pinagmamasdan niya ang dalawa niyang kaibigan na
hindi magkamayaw sa paglapit sa mga prinsipe ng mga ito.
Napailing at napabuntong-hininga na lamang siya sa kanyang
kinatatayuan. Iniangat niya ang kanyang kamay para alamin kung puwede
nang sumugod sa ulan. Mayamaya ay nagpasya na siyang umalis dahil
hindi pa siya kikilos ay gagabihin na siya sa pag-uwi. Baka
maghuramentado pa ang kanyang mga magulang kung gagabihin siya.
Ang tangka niyang pagsugod sa ulan ay hindi natuloy nang may isang
kamay na pumigil sa braso niya. Lumitaw ang isang pamilyar na payong
sa harap niya. It was Keith's umbrella.
“Keith?”
Bigla niyang naalala ang tagpo nila sa comfort room kanina. Dala ng
kahihiyan ay pumiksi siya mula rito.
“Huwag
ka na ngang mag-inarte diyan. Umuulan, o. Alangan namang hayaan
kitang sumugod kung puwede naman kitang isukob,”
paangil na sabi nito sa kanya.
Nilingon
ito ni Andrew. “Eh kasi... nahihiya ako sa 'yo,”
pag-amin niya.
“Bakit
ka naman nahihiya?”
nagtatakang tanong ni Keith.
“Dahil
doon sa hitsura ko kanina sa ---”
“Yon
lang ba? Isipin mo na lang na hindi tayo nagkasalubong sa comfort
room kanina para hindi ka na mailang sa akin,”
nakangiting saad nito. Pero sa sinabi nitong iyon ay lalo siyang
nakaramdm ng pagkapahiya rito.
How could he pretend that it didn't happen when he was smiling from
ear to ear as if he just reminded him of what happened this
afternoon.
“Eh,
bakit ka ngumingiti?” angil
niya kay Keith. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya.
“Wala.
It's just that you're so cute when you're blushing.”
Grrr...
Nahalata na naman nito ang pagba-blush niya.
“Hindi
kasi ganoon ang dating sa akin. It seems to me like you're grinning
because you're thinking of ---”
Hindi
na ni Andrew naituloy ang sinasabi niya nag tumawa ito at inakbayan
siya. “Sabi ko sa 'yo, huwag mo nang isipin 'yon, di ba?”
Ano ang nangyari? Bakit bumait ito sa kanya.
“Tara
na nga.” yakag ni Keith sa
kanya.
Hindi pumalag si Andrew nang iginiya na siya ni Keith palabas ng gate
ng kanilang eskuwelahan. At dahil medyo malaks pa rin ang ulan ay
lalo pa siyang hinapit ni Keith palapit sa katawan nito. Napangiti
siya at isiniksik din ang sarili rito. Masarap sa pakiramdam niya ang
nadaramang init na angmumula sa katawan nito. Siguro ay dahil sa
malamig na klima nang mga sandaling iyon. O baka dahil ganoon talaga
ang reaksiyon ng isang tao kapag nalalapit sa taong mahal niya.
Masyado pa siyang nag-e-enjoy sa presensiya ni Keith kaya parang nais
niyang magprotesta nang pasakayin na siya nito ng tricycle. Kung
puwede lang niyang hilingin na sana ay maging milya-milya ang layo ng
terminal ng tricycle mula sa science building ay baka ilang beses na
niya iyong hiniling sa nasa Itaas. Pero alam niyang imposible na
iyong mangyari, dahil hayun na siyaat nakasakay sa tricycle, palayo
kay Keith.
“May
'Date' ka na ba sa Prom?” tanong ni Andrew sa kaklase niyang si
Taylor.
Kasalukuyang
silang nagpa-practice para sa cotillion na sasayawin nila sa kanilang
JS Prom sa makalawa.
“Wala
pa,” matipid na tugon niya rito habang ang tingin ay nakatutok
pa rin kina Keith at sa babaeng kapareha nito.
Nagsisintir
talaga siya dahil hindi niya puwedeng maging kapareha si Keith dahil
babae at lalaki ang magkakapareha. Kasali rin kasi ito sa mga piling
estudyante na magpe-present ng cotillion. Pero sa kasamaang palad ay
si Lucille ang ipinareha dito. Ang babaeng tood na patay na patay kay
Keith. Pakiramdam tuloy niya ay lalong wala na siyang pag-asa na
makalapit kay Keith. Dalawang buwan na lang at graduation na nila.
Pero lahat yata ng effort na ginagawa niya, mapansin lang nito ay
wala nang saysay.
“Puwede
bang ako na lang ang 'Date' mo?”
Noon niya
nilingon si Taylor. Maganda rin naman ito at hindi siya manhid para
hindi maramdaman na noon pa man ay may gusto na ito sa kanya. Ibinuko
ng isa nitong kaibigan ang damdamin nito para sa kanya. Subalit kahit
anong pilit niyang ibaling dito ang damdamin niyang hindi rin naman
pinapansin ni Keith ayhindi pa rin niya makuha na gustuhin ito. Isa
lang talaga ang pinagsisigawan ng nahihibang niyang puso --- ang
manhid na si Keith.
“Kasi...”
Hindi
talaga niya alam ang isasagot kay Taylor nang bigla uli itong
magsalita.
“You
have a day to think about it. Bukas mo na lang sabihin sa akin ang
sagot mo,” putol nito sa sasabihin niya.
Sandali
siyang nag-isip. Kung hindi pa niya tatanggapin ang alok ni Taylor
bilang date niya malamang baka wala siyang ka-date sa prom night
nila. Kaya pinagbigyan na lang niya si Taylor kaysa naman mag-isa
lang siya sa isa sa pinakaimportanteng okasyon na iyon sa buhay niya.
Sina Mhelo at Enzo ay may mga date na rin sa prom. Sa kanilang tatlo
ay siya na lang talaga ang wala. At masakit iyon sa beauty niya. Siya
na hindi patatalo sa kagandahan ng mga kaibigan niya ang siya pang
walang date? Aba, hindi yata makatarungan iyon. Kung hindi siya
yayain at kung talagang ayaw ni Keith sa kanya, eh, di huwag.
“Sige.
Payag na ako,” sabi ni Andrew kay Taylor.
“Totoo?”
parang hindi makapaniwalag pagkukumpirma sa kanya nito.
“Oo
nga. Ayaw mo yata, e. Gusto mo bawiin ko pa?” kunwari ay
nakasimangot na sabi niya.
“Naku,
hindi! Yayayain ba kita kung hindi ko gusto.”
Hindi na
nagsalita pa si Andrew at nag-focus na sa kanilang practice. Pero
kahit ano yata ang gawin niyang pagpo-focus ay lumilipad pa rin ang
pansin niya kung ano ang ginagawa ni Keith.
Nakakainis
naman kasi. Why can't I take my eyes of you, Keith? Kahit pa nga
pakiramdam ko, nagdurugo na ang puso ko sa nakikita kong paglingkis
sa 'yo ni Lucille.
Sa hindi
malamang dahilan ni Andrew ay nakita niyang lumingon si Keith sa gawi
niya. May ilang pagkakataon na nahuhuli niya itong nakatingin sa
kanya. Subalit iba ang tingin nitong iyon sa kanya ngayon. Mas
matagal at kakaiba, parang hinihigop ng mga mata nito ang kanyang
kaluluwa. Kung ano man ang dahilan ng pagtitig nito sa kanya ay wala
siyang balak alamin pa. Ang importante sa kanya ay tinapunan siya
nito ng atensiyon. Dahil lang doon, pakiramdam niya ay nagpi-fiesta
na ang puso niya.
Pauwi na
ang lahat galing sa final practice ng cotillion nang marinig ni
Andrew na parang may tumatawag sa pangalan niya. At parang kilala
niya kung sino iyon hindi lang dahil sa boses nito kundi pati na rin
sa pamilyar na pagwawala ng puso niya.
“Bakit?”
tanong niya kay Keith nang makalapit ito sa kanya.
“Kung
wala ka pang date sa prom bukas, I'm free. Since wala naman ako
inimbitahan eh plano ko sana na sabay na lang tayo pumunta bukas,”
sabi nito.
Letse!
Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan. Nakakainis ka na, ha. Bakit ba kasi
ngayon lang?! Gusto niya itong bulyawan sa pagmumukha nito pero
kawawa naman ang kaguwapuhan nito kung pauulanan lang niya ng kanyang
laway.
“Kasi...
Naman! May date na ako.” Ayaw sana niya iyong sabihin kay
Keith, pero magiging unfair siya kay Taylor kung iiwan niya ito sa
ere. Sinabihan naman kasi siya nito na pag-isipan muna niya subalit
bigla-bigla na lang din siyang nagdesisyon.
“Gano'n
ba? Sige, enjoy your date.” Pagkasabi niyon ni Keith ay mabilis
na itong nawala sa paningin niya. Gusto tuloy niyang magduda kung
seryoso ito sa ginawang pagyaya sa kanya. Baka kasi gino-good time
lang siya nito. Bakit noon lang siya nito niyaya?
Habang
pinagmamasdan niya ang papalayong pigura ni Keith, na-realize niya na
simula't sapul ay malayo na talaga ito sa kanya. At hindi niya ito
kayang habulin. Hanggang tanaw na lang siya rito. Kaya hindi na dapat
siya magpatuloy na mahalin ang lalaki. At hindi na sana niya
hinayaang patuloy na mahulog ang damdamin niya rito.
Prom
Night
“Kung
ako sa 'yo, friend, magtapat ka na ngayong gabi. Tutal heart night
naman ngayon,” suhestiyon ni Enzo kay Andrew.
Pagkatapos
ng cotillion presentation ay dumiretso silang tatlo nina Mhelo at
Enzo sa comfort room para mag-ayos uli ng sarili. Pagkatapos kasi ng
presentation ng mga teacher ay magaganap ang first dance.
“Bakit
ko naman gagawin 'yon? Siguradong mabibiyak lang ang puso ko,”
nakasimangot na tanggi ni Andrew sa dalawa.
“Ano
ka ba? Di ba, sabi mo nga, niyaya ka niya? Di mo lang tinanggap kasi
may date ka na,” katuwiran sa kanya ni Mhelo.
“If
I know, kaya lag niya ako niyaya dahil wala siyang choice. Taken for
granted lang talaga ako. Mabuti nga at may date na ako, naisalba ko
ang pride ko,” aniya.
“Gaga!
Walang niyaya si Keith na i-date ngayong prom. Nagulat nga ako nang
sabihin mong niyaya ka niya,” saad ni Enzo habang inaayos ang
suot nito na damit.
Napaisip
siya. Kung wala niyaya si Keith na i-date ngayong gabi, ibig sabihin
may pag-asa pa siya sa puso nito. Baka nga nakakalabog na rin niya
ang pusong-bato nito.
Pinasilong
siya nito sa payong noong umuulan. Sinabi rin nito na naku-cute-an
ito sa kanya. Baka iyon ang paraan nito sa pagsasabing may pagtingin
na rin ito sa kanya.
“Ano'ng
gagawin ko mga bru?” nagpa-panic na baling niya sa mga
kaibigan. Nabuhayan uli siya ng pag-asa rito dahil sa mga naisip
niya. Magtatapat na siya ng kanyang damdamin para kay Keith. Hindi
rin naman siya matatahimik kung pagkatapos ng mga huling sandali nila
sa high school ay hindi pa rin niya nagawang magtapat ng damdamin
niya rito. Ano ang malay niya baka hinihintay lang din pala siya
nito.
“May
plano ako,” nakangiting saad ni Enzo.
“Paano
si Taylor?” tanong niya sa mga ito.
“Kami
na ang bahala kay Taylor,” sabi ni Mhelo.
Limang
minuto lang na naghintay si Andrew sa tabi ng fountain at namataan na
niyang paparating sila Enzo at Mhelo bitbit si Keith.
“Ano
ba 'to? Bakit ninyo ako dinala rito?” nagtatakang
pinaglipat-lipat ni Keith ang tingin nito sa tatlong magkakaibigan.
“Mag-uusap
lang kayo ni Andrew,” si Enzo ang sumagot nito.
“Wala
naman kaming dapat pag-usapan, ah. Tara na sa gym. Magsisimula na ang
first dance.”
Nang
umakmang tatalikod na si Keith ay bigla si Andrew nag-panic. He had
to hold on to this chance. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang
mawalan ng pag-asang makapagtapat ng damdamin niya rito.
“Wait,
Keith. May sasabihin ako,” pigil niya rito.
“See?
Maiwan muna namin kayo. Baka hinahanap na ako ni Cody, my
sweetheart,” paalam sa kanila ni Mhelo.
“Ako
rin, baka maghagilap pa ng ibang babaeng isasayaw ang JM ko. Dito na
muna kayong dalawa. Magsolo kayo diyan,” sabi naman ni Enzo.
“Hindi
n'yo naman kailangang umalis. Ano ba 'yong napakaimportanteng
sasabihin mo, Andrew? Puwede mo namang sabihin kahit nandito sila,”
ani Keith.
Mababakas
na ang pagkainis sa mukha nito dahil sa pinaggagagawa nilang tatlo.
At kahit ganoon na nagpapapkita na ito ng kagaspangan ng ugali ay
hindi pa rin niya alam kung bakit hindi pa rin maalis ang pagkagusto
niya rito. Ito pa rin ang isinisigaw ng puso niya.
“Mahirap
kasi para kay Andrew na sabihin kung ---”
“Ano
ba'ng mahirap do'n? Sasabihin lang naman niya sa akin na gusto niya
ako,” putol ni Keith sa sasabihin ni Mhelo.
Napasinghap
si Andrew ng malakas at hindi niya alam kung magpapatuloy siyang
makipagtitigan kay Keith o iiiwas na niya ang tingin palayo rito.
Pinili niya ang huli dahil hindi na niya kayang salubungin pa ang mga
titig nito.
“Hindi
naman ako manhid, Andrew. Third year pa lang tayo, alam ko na ang
dahilan ng pakikipaglapit mo sa akin. But I think you're not that
dumb to notice that I don't have anything to do with your feelings
for me.”
Pakiramdam
ni Andrew ay paulit-ulit siyang sinampal dahil sa sakit ng mga sinabi
nito. Tama naman ito. But she couldn't get used to his bluntness.
Hindi man lang siya nito dinahan-dahan. Kungsabagay, mukhang naiinis
na ito dahil sa kaartehan ng pakulo nilang magkakaibigan.
Napalunok
muna siya, saka ito tiningnan nang diretso sa mata. Wala na siyang
pakialam kung hindi man niya magawang itago rito ang sakit na
nararamdaman niya. After all, he was just a person who definitely
falen inlove with the guy who refused to accept his love.
“I'm
sorry. Naabala ka pa namin, pasensiya na talaga.” Pumiyok siya
sa huling salitang binitiwan niya. Kaya bago pa makapagbigay ng
reaksiyon ang kahit na sino sa kanila ay pinili niyang kumaripas na
ng takbo. Alam niyang hinahabol siya ng mga kaibigan niya. Naririnig
niya ang pagtawag ng mga ito sa pangalan niya, subalit hindi na siya
nagtangkang lingunin pa ang mga ito. Nagpatuloy lang siya sa
pagtakbo. Sa katatakbo niya ay hindi na niya napansing may tao palang
nakaharang sa daraanan niya at nabunggo niya ito. Madilim kasi sa
lugar na iyon.
“Andrew,
I'm sorry. I don't mean to be rude, It's just that....”
Nagulat
siya ng mabosesan niya kung sino ang nagsalitang iyon. Paanong
nahabol agad siya ni Keith? Bakit pa siya nito hinabol? Hindi ba
nasabi na nito ang nais nitong sabihin? Gusto pa ba nitong ipagdiinan
sa harap niya na napakalaking kahihiyan ang mga pinaggagagawa niya sa
loob ng dalawang taon?
“You're
blocking may way, Keith,” mahina at sa pinakamalamig na boses
na saad niya.
“Listen
to me first. Hindi kita gustong saktan. Ayoko lang bigyan ka pa ng
pag-asa dahil ---”
“Dahil
hindi mo ako gusto at hindi mo ako magugustuhan kahit kailan,”
putol niya sa sinasabi nito. Hindi na niya napigilan ang kanyang
mga luha. Nasasaktan pa rin siya kahit sa kanya na nagmula ang
salitang iyon. Na kailanman ay hindi siya nito magugustuhan.
“Andrew,
napakaraming tao na puwedeng magkagusto sa 'yo. You're nice.
Nagkataon lang na hindi ako 'yon.”
“Naiintindihan
ko na at hindi mo na kailangang ipagdiinan pa. Isa pa, hindi ko naman
hinihiling na gustuhin mo rin ako. I just want you to know that I
like you and just... deal with it. Ang hirap lang din kasi na
sinosolo ko ang damdamin ko. Hindi ako maramot kaya ishini-share ko
'yon sa 'yo.” Idinaan na lamang niya sa biro ang sakit na
nadarama. Dahil hindi niya gustong patuloy na makita ang awa sa mga
mata nito.
“Andrew...”
Bumuntong-hininga ito at saka marahan pinahid ang kanyang mga
luha. “I have to admit, you're special to me. I feel happy and
alive whenever were together. But....” Bumuntong-hininga muli
ito. “May nagugustuhan na kasi akong iba kaya diniretso na kita
bago mo pa sabihin ang matagal nang halatang damdamin mo para sa
akin. Ayokong saktan ka pero ayoko rin na magpatuloy pa kung anuman
ang nararamdman mo sa akin.
The
person is a bit older than you and you have things in common. Kaya
minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. At hindi ko
naman akalain na mabibigyan mo iyon ng ibang kahulugan. I'm sorry, it
was my fault. Kasalanan ko, pesensiya ka na. You deserve someone
better than an inconsiderate fool like me.”
“S---sino?”
tanong ni Andrew. Pakiramdam niya ay napakatanga niya dahil pati ang
kaunting enerhiya na natitira sa kanya ay ginamit pa niya sa
pagtatanong kung sino ang taong gusto nito na alam niyang lalong
ikawawasak ng puso niya.
“Wala
siya rito sa campus kaya hindi mo siya makikilala kahit sabihin ko pa
sa 'yo,” ani Keith.
Kaya pala
wala siyang nakikitang pinopormahan nito, dahil wala sa school ang
taong gusto nito. Kung nalaman lang sana niya nang mas maaga, hindi
na sana nagpakalunod ang puso niya rito.
He
reached out for his hand ang hugged him so tightly he could no longer
flinch. Huling beses na hahayaan niya ang sarili na magpakagago sa
lalaking ito. Para naman kahit paano at kahit sa huling sandali ay
maramdaman niya ang presensiya ng lalaking napakahalaga sa kanya. And
then he realized their bodies were already swaying to the music.
Kahit paano ay natupad pa rin ang kahilingan niya. He was dancing his
first dance with the guy he truly loved.
No comments:
Post a Comment