“Oy,
Andrew, bonding naman tayo minsan. Nami-miss ko na
kayo ni Mhelo. Lalo ka na. Nag-Singapore ka palang bruha ka,” pukaw
ni Enzo kay Andrew. Tapos na ang meeting at kasalukuyan na nilang
binabantayan ang mga pamangkin nilang naglalaro sa playground.
“Paano
mo nalaman 'yan? Hindi pa naman ako nagkukuwento sa 'yo, di ba?”
Nagtatakang tanong ni Andrew.
“Kay
Mhelo. Nanggaling kasi ako sa kanila noong minsang dalawin ko ang
Kuya JM niya. Alam mo namang ultimate crush ko yon...”
Sandali itong natahimik at nang malingunan niya ito ay napansin
niyang tila kilig na kilig ang hitsura nito sa kung ano man ang
iniisip nito.
Umayos ito ng upo nang mapansin nitong nakatingin siya rito. Hanggang
ngayon pala ay patay na patay pa rin ito sa kapatid ng kaibigan
nilang si Mhelo. Professional photographer na ngayon si Mhelo at
panay ang lipad nito sa iba't ibang bansa para sa mga photo exhibit
nito. Kapag nasa Pilipinas ito ay nakikipagkita siya rito para may
makasama siya sa paglalakwatsa. At dahil isa ring dakilang lakwatsera
si Mhelo ay hindi ito mahirap yayain. Malamang na kaya hindi
binabanggit ni Mhelo ang tungkol kay Enzo ay dahil alamng una na ayaw
niyang napag-uusapan ang kahit na sino na may kinalaman kay Keith.
Pero inaamin niya na nangungulila siya kapag naaalala niya ang dati
nilang samahang magkakaibigan. Na-miss niya si Enzo at ang kanilang
mga kapraningan.
“Magkasama
kami ni JM sa trabaho. Boss ko siya sa media company ng pamilya
nila,” maluwang ang ngiting
pagkukuwento nito. “Masuwerte naman ako at naabutan ko
rin si Mhelo sa bahay nila at napagkuwentuhan ka namin. Ikaw naman
kasi, na-brokenhearted ka lang sa pinsan ko, pinutol mo na rin ang
communication natin.”
“Alam
mo naman na gusto ko ko lang makapag-move on nang mabilis nang mga
panahon na iyon. It was like I lost my sanity back then.”
Gusto ko lang buuin ang puso kong nawasak.
“Nagtagumpay
ka ba sa pagmo-move on churva mo na 'yan?”
tanong ni Enzo kay Andrew.
“Well...”
He sighed. Nakakahiya naman yata kung sasabihin niyang hindi pa.
Kahit papaano naman kasi ay nagawa rin niyang hindi isipin si Keith.
Subalit ang mga alaala nito ay may iniwang marka sa kanyang puso. At
tuwing dadamahin niya ang dibdib ay aminado siyang nakakaramdam pa
rin siya ng mumunting kirot doon. And who could blame him? Keith was
his first love and his first heart break. Normal lang siguro din na
nag-iwan ito ng marka sa puso niya.
“I
am on my way to doing that. Actually, nakalimutan ko na talaga ang
mga nangyari noon. Pero dahil ang pagkalimot ko ay hindi katulad ng
nagkaroon ako ng selective amnesia sa mga nangyari noon, at ngayo'y
napg-uusapan natin siya, natural na maalala ko rin, hindi ba? But
there are no hard feelings on my part.”
“Really?!”
eksaheradang bulalas ni Enzo, at parang nais niya itong batukan. Alam
niyang nababasa nito kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya at
sigurado siya na hini niya ito basta-basta mapapaniwala sa ganoong
alibi. “Sige nga, may ipapagawa ako sa 'yo para
makasigurado tayo.”
“Ano
naman iyon?” tanong niya kay
Enzo.
“Akin
na ang cell phone mo.” Walang
paalam na kinuha nito sa bulsa niya ang kanyang cell phone.
Nagpipindot ito ng kung ano-ano roon. “Hayan, is-in-ave
ko diyan ang number ko at number ni Keith. Nagpa-missed call na rin
ako sa kanya gamit ang cell phone mo. Pero sigurado akong busy 'yon
ngayon kaya mamayang gabi ka pa niya uuriratin sa ginawa mong
pagmi-missed call.”
“Teka,
bakit mo ginawa 'yon?”
nagtatakang tanong ni Andrew.
“Just
wanted to make sure you really don't have any feelings for him and
that you can deal with him.”
“I
don't have any feelings for him,”
giit ni Andrew.
“Then
you shouldn't worry about facing him,”
sagot naman ni Enzo.
“Facing
him?”
“Paano
mo masasabing nakapag-move on ka na nga kung hindi mo naman siya
magagawang harapin, di ba?”
Enzo was right. Dapat na nga niyang harapin si Keith para makasiguro
siya sa kanyang damdamin. Para kasing unfair din para kay Charles na
pinaniniwala niyang mahal niya ito, pero hindi pa talaga siya
nakasisiguro sa estado ng puso niya para kay Keith.
Nakalimang ulit nang nag-type si Andrew ng message sa cell phone
niya, subalit ini-erase din niya agad iyon. Nagdadalawang-isip kasi
siya kung ise-send niya iyon kay Keith. Bakit kasi kailangan pa niya
itong i-text? Ano ang sasabihin niya kung sakaling magtanong ito kung
bakit siya nagpa-missed call? Saka, tama bang makipag-ugnayan pa rin
siya rito gayong may Charles na sa buhay niya?
“Mali
talaga, eh. Si Enzo kasi! Bakit ba pumatol-patol pa ako sa hamon ng
bruhang 'yon? Naku!” naiinis na saad ni Andrew sa sarili. Kahit
kailan talaga, basta pagdating kay Keith ay nabobobo siya. Hindi
gumagana nang maayos ang isip niya dahil minamanipula iyon ng puso
niya.
Ilang
minuto ang lumipas at tumunog ang Message alert tone
ng cell phone niya. Ganoon na lamang ang pagwawala ng puso niya
pagkatapos niyang makita kung sino ang sender niyon. At iyon ay
walang iba kundi si Keith. Text pa lang iyon, paano pa kaya kapag
tumawag ito? O kaya ay kapag nakaharap na niya ang binata? Malamang
ay himatayin na siya sa matinding kaba.
Pigil
ang hiningang binuksan niya ang mensaheng ipinadala ni Keith para
lang mapangiwi sa tatlong letrang laman niyon. Hu u?
Ano pa ba ang inaasahan niyang sasabihin nito sa text nitong iyon?
Hindi naman nito alam na siya ang may-ari ng number na iyon.
Andrew
here. Andrew Villanueva. Still remember me?
Ilang segundo lang ang lumipas at tumunog uli ang cell phone niya.
Magkaibigan
ba tayo? Hindi naman, di ba?
reply nito.
Aba't
ang impaktong 'to! Talagang nakalimutan na nga siya.
Parang sinaksak siya ng patalim sa ideyang iyon. Pero hindi naman
niya iyon dapat maramdaman. Dapat nga ay maging basehan niya iyon
para tuluyan na rin itong itakwil sa buhay niya, sa sistema niya.
All right. We're not friends, we were classmate before. T-in-ext lang
kita dahil nauna kang nag-text sagot ni Andrew sa reply ni Keith.
Nag-missed
call ka, kaya ako nag-text,
balik nito.
“Antipatiko!”
naibulalas na lamang niya sa sarili.
Excuse
me? It was your cousin, Enzo, who did that. Ginamit niya ang phone
ko. Ngayon, kung wala kang magandang sasabihin, huwag ka nang
mag-text, reply ni Andrew.
Nakakainis talaga ang pagkaprangka ng lalaking iyon.
Hindi na nga tumunog uli ang cell phone ni Andrew. Parang gusto niya
tuloy pagsisihan ang huling mensahe na ipinadala niya kay Keith.
Masyado ba siyang naging harsh dito? But he provoked him into doing
that. Hanggang sa makatulog siya ay dala-dala niya ang bigat sa
kanyang dibdib ng hatid na palitan nila ng mensahe ni Keith.
Nakakainis
naman kasi! Bakit ka ba ganyan, Keith.
“Bakit
ka ba nguminiti?” naiilang na saad ni Andrew kay Keith. Hindi kasi
mapawi-pawi ang maluwang na ngiting iyon ng binata habang kaharap
siya nito. Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya at lalong
nahuhumaling ang puso niya rito.
“Wala.
It's just that you're so cute when you blush. Masama bang matuwa
ako?”
Napabalikwas
si Andrew sa kanyang higaan. A dream. Darn!
Naiinis na inayos niya ang sarili at lumabas na sa kanyang kuwarto.
Umaga pa lang ay bad trip na agad siya. Paano, dinalaw na naman siya
ng mga alaala ni Keith sa kanyang panaginip. And he hated that. He
hated dreaming about him ang waking up with pain in his stupid heart.
Kailan ba matututo ang puso niya? Bakit patuloy pa rin siyang
nasasaktan sa mga alaalang akala niya ay matagal na niyang naibaon sa
limot?
“Bakit
hindi mo pa inaayos ang mga gamit mo, Andrew? Akala ko ba nagkasundo
na kayo ng Ate mo na ikaw muna ang magma-manage ng store natin sa
Maynila? Aba, ayusin mo na ang mga dadalhin mong gamit.” Patuloy
sa pagpapaulan ng paalala ang mama ni Andrew habang siya naman ay
walang pakiaalam na nilalantakan ang kanyang almusal.
Nakikinig
ka ba sa mga sinasabi ko, ha, Andrew?”
Opo,
Ma. Eh, sa isang araw na po ako pupunta roon. Paalis na po kasi si
Charles. Susulitin muna namin ang mga araw na puwede kaming
magkasama,” tugon niya rito.
Bagaman hindi umimik ang kanyang ina pagkabanggit niya sa pangalan ng
nobyo ay pinukol naman siya nito ng kakaibang tingin. Alam na niya
ang ibig sabihin ng tingin nitong iyon; tutol din ito sa relasyon
nila ni Charles tulad ng Ate niya. Malamang kaya hindi na ito
nagsalita pa dahil ikakatwiran lang niya rito na mabuting tao nag
nobyo niya.
Tumunog ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng mesa. Mabilis niya
itong sinagot nang makita niyang si Charles iyon.
“Hello,
love,” agad na bungad nito sa
kanya.
“Oh,
hi! Naku, sorry. Hindi pa ako ready. On the way ka na ba?”
May usapan kasi sila nito na magkikita at mamamasyal sa araw na iyon.
“Don't
bother, love. Kaya nga ako tumawag par sabihin na nabago ang schedule
ng pag-alis ko at mamaya na ang alis ko. Sorry talaga. Hayaan mo
gagawan ko ng paraan para makasunod ka agad sa akin.”
Pakiramdam ni Andrew ay nawalan na siyang ganang gumawa na kahit ano
nang araw na iyon. Nauunawaan naman niya kung ano ang dapat asahan sa
uri ng trabaho ni Charles. Pero minsan, pakiramdam niya ay mas
pinahahalagahan nito ang career nito nang higit pa sa ano pa man ---
higit pa sa kanya.
“Are
you still there?” pukaw nito
sa kanya nang hindi siya makaimik dito.
“Y-yeah,”
walang ganang tugon niya. “Ingat ka,”
sabi na lamang niya. Napagkasunduan nila ni Charles na hindi na siya
sasama sa paghahatid dito. Iniiwas lang daw siya nito sa pamilya
nito. Baka hindi siya pansinin ng mga iyon sa pier. Sasama lang ang
loob niya.
“I'll
call you when I get there,”
anito.
“Okay.”
“I
love you.”
“I---I
love you, too,” ganting sagot
naman ni Andrew. Nababaghan siya sa sarili. Noon pa man ay mahirap na
para sa kanyang bigkasin ang mga katagang iyon para kay Charles, pero
mas humirap pa yata ito ngayon. Hindi siya sanay magsinungaling, kaya
siguro ganoon ang nararamdaman niya. Inuusig siya ng konsiyensiya
niya dahil sa inaasal niya sa kasintahan. He didn't deserve that
treatment from him, he deserve more.
Mabuting tao si Charles at alam niyang mahal siya nito. Kaya dapat
lang na suklian din niya ng kabutihan ang mga ginagawa nito sa kanya.
“Take
care,” paalala niya kay
Charles.
“Ikaw
rin. Paano? I have to go, love. Bye,”
paalam nito.
Hindi maunawaan ni Andrew kung bakit parang mas nakahinga siya nang
maluwag pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Charles.
Mali
talaga! Maling-mali ang nararamdaman mo, Andrew. Ano ka ba naman?
Nakipagrelasyon ka do'n sa tao, tapos ganyan ka?
“Ano?”
Natahimik ka na diyan? Kung hindi na rin kayo matutuloy sa lakad
ninyo ng boyfriend mo, mabuti pang tumuloy ka na ngayon sa pagpunta
sa Maynila. Uuwi raw si Melissa sa Palawan at may emergency sa
pamilya niya. Walang tatao sa shop natin doon. Mapapagod masyado ang
ate mo kung magpapabalik-balik siya para matingnan ang shop kaya----”
“Yes,
'Ma. Mag-aayos na po ako ng mga gamit ko,”
putol niya sa mga sasabihin pa ng ina. Tama ito, wala na rin naman
siyang dahilan para hindi umalis.
No comments:
Post a Comment