“I GLADLY nominate James Keith Montenegro for President,” pahayag ni Andrew sa harap ng mga kaklase sa 4A class.
Unang linggo ng pasukan at kasalukuyan silang naghahalal ng class
officers nila. Siyempre, hindi-hindi siya makakapayag na matalo ang
kanyang pinaka-iirog na si Keith. Third year high school sila nang
una niya itong mapansin habang gumagawa sila ng group activity sa
Chemistry. Nag-e-experiment sila nang araw na iyon at muntik na
niyang mabitawan ang test tube na naka-assign sa kanya. Mabuti na
lamang at mabilis kumilos si Keith. Nasalo nito ang test tube at
ibinalik sa kanya.
Mula nang araw na iyon ay hindi na niya ito nakalimutan. Sa tuwina,
palagi niyang tinitiyak na magiging magkagrupo sila sa lahat ng
projects at activities nila sa classroom. Tuwing pabibilangin na sila
ng teacher nila para sa groupings, binibilang na agad niya kung ano
ang magiging grupo nito at saka siya kukuha ng puwesto upang maging
magkagrupo sila. Minsan naman ay nakikiusap siya sa mga kaklase nila
upang makipagpalit sa kanyan gn grupo, makasama lang niya ito.
Subalit sa lahat ng pagkakataong iyon, ni minsan ay hindi siya nito
pinag-ukulan ng pansin. Bale-wala lang dito ang mga pinaggagagawa
niya mapansin lang siya nito. Ayos lang naman iyon sa kanya, ang
mahalaga ay wala itong nililigawan sa napakaraming babae sa campus
nila na nahihibang dito. May pagkasuplado kasi si Stephen kaya
talagang mahirap sungkitin ang puso nito.
“I
second the motion,” segunda
agad ni Enzo upang wala nang makapaghain ng objection.
Wala nang sino man ang nagtangka na magpasok pa ng nominasyon kaya
awtomatikong ito ang nahalal bilang President. At dahil silently
proclaimed na yata ang damdmin niya para kay Keith sa klase nila ay
nagkaisa ang mga kaklase niya na ihalal siya bilang Vice-President.
Siyempre, masayang-masaya siya sa ginawa ng mga ito. Sa lahat kasi ng
programs sa school na nangangailangan ng magkaparehang
representatives ng klse ay parating sila ni Stephen ang
representative ng kanilang klase. Ang dami tuloy niyang souvenir
pictures.
“Nasaan
na naman si Mhelo?” pukaw ni
Andrew kay Enzo. Nasa canteen sila at kasalukuyang nagme-merienda.
“Nasa
library,” bale-walang tugon ni
Enzo sa kanya sabay kagat sa cheesecake na binili nito. Minsan
talaga, hindi niya mapaniwalaan ang katakawan ng kaibigan niya.
“Bago
'yan, ah? Kailan pa natutong pumasok ni Mhelo sa library?”
nagtatakang komento ni Andrew. Sa pagkakaalam niya, mas gustong
pumunta ni Mhelo sa photography room sa college department kaysa ang
pumunta sa library.
“Since
that gray-eyed guy walked in front of her,”
sagot ni Enzo na nasa pagkain pa rin ang atensiyon.
“Who?”
naku-curious na tanong ni Andrew.
“Cody
Adams.”
Kilala na niya kung sino ang tinutukoy nito. Si Cody ay ang
Danish-Filipino guy na nag-transfer sa eskuwelahan nila nang taong
iyon. Naging maingay agad ang pangalan ni Cody dahil sa taglay nitong
kagwapuhan. Nakadagdag pa sa features nito ang pagkakaroon nito ng
dugong banyaga, pure Danish ang ina nito. At dahil minsan lang
magkaroon ng half Danish-half Filipino sa eskuwelahan nila ay
talagang pinagkaguluhan ito, lalo na ng mga babaeng estudyante.
“Paano
nagpang-abot ang alikabok na si Mhelo at ang prinsipe na hindi yata
sumasayad ang mga paa sa lupa?”
nagtataka pa ring tanong ni Andrew. Mayaman si Cody, palagi itong may
kasamang taga-silbi at bodyguard mula noong kuyugin ito ng mga
babaeng estudyante sa paaralan nila.
“Aba,
malay ko! Siya na lang ang tanungin mo,”
tugon ni Enzo habang patuloy pa rin ito sa pagkain. Ang pasta na ang
nilalantakan nito. Hindi na nagtaka si Andrew nang mayamya lamang ay
nabilaukan ito sa dami ng pagkaing isinubo nito.
“Ayan
kasi, ang takaw-takaw mo,”
bale-walang sabi niya rito. Pero nagpanic agad siya nang makitang
nahihirapan na itong huming, kaya agad siyang naghagilap ng tubig na
maiinom ng kaibigan. Subalit bago pa man siya makahagilap ng tubig ay
nasa harap na nito si John Michael --- kapatid ng kaibigan nilang si
Mhelo na naging ka-year level nila dahil huminto ito sa pag-aaral---
na nag-abot ng isang basong tubig kay Enzo.
Matagal nang alam ni Andrew na luka-luka ang kaibigan niya pero bakit
nang sandaling iyon ay tila sumobra na yata ang sayad nito sa utak.
Dahil hayun ito at ngiting-ngiti kay JM. Ni hindi nito alintana ang
kumalat na sauce ng pasta sa nguso nito. Binato niya ito ng tissue
paper na hindi niya alam kung kaninong tray niya iyon nakuha. Nang
lumingon sa kanya si Enzo ay agad niya itong sinenyasan na punasan
nito ang nguso. Haharapin na sana niya ang may-ari ng tray na
kinuhanan niya ng tissue paper upang pagpasalamat. Pero napatanga
siya sa lalaki na nasa harap niya. Si Keith. OMG! Ito ba ang
napagkuhanan niya ng tissue paper?
“H-hi!”
nauutal na bati niya rito.
Pinagtaasan
lang siya nito ng isang kilay. “You're blocking my way.”
“Ah,
oo nga pala, sorry.” Gumilid
siya para makadan ito. “Dumaan ka na...” Aking
prinsipe.
Napabuntong-hininga
na lamang si Andrew pagkadaan ni Keith pagkadaa ni Keith sa tapat
niya. Ang guwapo-guwapo mo talaga, mahal ko.
Napakasimpatiko mo pa! Hay!
Magpapatuloy pa sana siya sa pangangarap nang gising nang mapansin
niyang nakakunot ang noo ng mahal niya habang palinga-linga ito sa
loob ng canteen. Marahil ay naghahanap ito ng bakanteng mesa na
maookupa nito.
Nilingon
niya ang mesa nila ni Enzo. Wala na roon ang kaibigan niya. Nilayasan
na siya nito nang hindi man lang nagpapaalam. Pero okay lang iyon sa
kanya dahil puwede niyang yayain doon si Keith.
“Yo!
Keith!” tawag niya sa pansin nito. Lumingon agad ito sa kanya.
Napigil niya ang paghinga nang makita uli niya ang guwapo nitong
mukha. Pakiramdam niya at aatakihin siya sa puso kahit wala naman
siyang sakit sa puso dahil sa tindi ng pagririgodon niyon sa kanyang
dibdib.
Lumingon
ka lang, nandito ako lagi sa tabi mo... Lumingon ka lang...
“Dito
ka na lang s table namin ng pinsan mo. Nilayasan na niya ako eh,”
yaya ni Andrew kay Keith.
Napansin
ni Andrew na tila nagdadalawang-isip pa ito kung pauunlakan siya o
hindi. Pero hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong tumanggi.
Kuniha niya ang tray nito at dinala ito iyon sa mesa niya.
“Huwag
ka nang mahiya sa akin. Ako lang naman ito, kapalan mo na lang ang
mukha mo,” nakangiting sabi Andrew.
Hindi na
ito umimik pero nakangiting sumunod na ito sa kay Andrew. Dahil sa
pagngiti nitong iyon ay muling nagramblan ang mga kung ano sa loob ng
dibdib ni Andrew. Minsan, pakiwari niya ay normal na ang ganoong
pakiramdam kapag nasa paligid niya ito. Ganoon kasi palagi ang
reaksiyon ng sistem niya kapag si Keith na nag sangkot.
Pareho
silang tahimik habang kumakain ng merienda nila. Pero dahil likas ang
pagiging madaldal ay hindi niya napigilang magbukas ng usapan.
“Keith?”
Bahagya
siyang nilingon nito. “Bakit?”
“Kamunsta
na 'yong mga ticket mo? Nakarami ka na ba?” Ang tinutukoy ni
Andrew ay ang mga ticket na kailangang ibenta nito para sa gaganapin
na Mister and Miss Campus. Dahil sa taglay nitong kagwapuhan kaya ito
ang napiling representative para sa gaganaping event. Popularity
contest iyon, paramihan ng maibebentang ticket.
“Okay
naman. Ikaw, kamusta?”
Kinakamusta
niya ako?! Parang nais magtitili ni Andrew na animo ay kinikili
ang puso niya.
“Ikaw
naman! Araw-araw naman tayong nagkikita at kita mo mo naman na okay
na okay ako,” malapad nag ngiting tugon nito.
“Yong
ticket ang kinakamusta ko. Baka makulelet tayo sa final counting kung
hindi mo sineseryoso ang pagbebenta.”
“Ah....”
tanging nasabi na lang ni Andrew.
“Ayusin
mo ang pagbebenta para hindi mapahiya ang klase natin,” sabi
nito at nagpatuloy na sa pagkain.
Sa ilang
sandali ay tila bigla siyang nakaisip ng isang win-win idea. “Kung
gusto mo samahan kita pagbebenta ng mga ticket para makarami tayo?”
“Ano?”
Tila naguluhan ito sa suhestiyon niya.
“Sabay
na tayong magbenta ng mga ticket sa mga kakilala natin,”
paglilinaw ni Andrew.
Sandali
itong tila nag-isip. “Sige,” mayamaya ay pagpayag nito sa
suhestiyon niya.
Pakiramdam
ni Andrew ay tila namilog ang mga mata niya sa sobrang tuuwa dahil
pumayag ito. “Talaga? Talagang-talaga?” tanong pa niya kay
Keith. Napalakas yata ang boses niya sa sobrang excitement at
kasiyahan dahil napalingon ang ibang mga estudyante sa kanila.
“Oo.
At huwag ka ngang maingay riyan. Baka kung ano pa'ng isipin ng mga
estidyante rito,” saway ni Keith sa kanya.
“Sorry
naman,” aniya, saka nag-peace sign sito.
Umiling-iling
na lamang sa kanya si Keith at masaya siyang nagpatuloy sa kanyang
pagkain.
“Pawis
na pawis ka na, Keith,” puna ni Andrew at kinuha ang panyo sa
loob ng bag niya, saka pinunasan ang pawisang noo ni Keith.
Papunta
sila sa isang subdivision sa Laguna kung saan nakatira ang mga
kamag-anak daw nito. Dahil napagkasunduan nilang magtulungan sa
pagbebenta ng mga ticket para sa nalalapit na last counting, ipinasya
nilang sa araw na iyon ng Sabado ay libutin nila ang mga kamag-anak
nila upang aluking bumili ng mga ticket nila. At marami-rami na rin
ang naibenta nila.
“Ayos
lang ako. Normal na magpawis dahil mainit ang panahon,” anito,
saka inagaw ang panyo sa kay Andrew.
Nagulat
si Andrew nang ilapat nito sa kayang noo ang hawak na panyo. “Pawisan
ka na rin. Inuna mo pa akong punasan ng pawis kaysa sa sarili mo,”
sabi pa nito habang pinupunasan nito ang noo niya.
Kinikilg
na napangititi si Andrew. “Okay lang naman ako eh,” Idinikit niya
ang sarili rito dahil magkasukob sila sa iisang payong. Hindi
kalakihan ang dala nitong payong at kung hindi sila magdidikit ay
hindi sila magkakasya roon. Naunawaan marahil iyon ni Keith kung kaya
napilitan itong akbayan siya at kabigin palapit dito. Muli ay
nag-tumbling ang puso ni Andrew habang pinupuno niya ang kanyang baga
ng napakabangong amoy nito. Ilang buwan lang ang tanda nito sa kanya
pero kung mag-isip ito ay para na itong matanda. Nakikita na niya na
magiging responsible itong lalaki sa hinaharap. At sigurado siyang
magiging maganda ang future nila kapag sila ang nagkatuluyan.
Mayamaya
ay narating na rin nila ni Keith ang isa sa mga kamag-anak nito sa
subdivision na iyon.
“Aba!
Kapogi naman ng bata nito,” puri ka kanya ng Tita Bettina ni
Keith nang makaharap na nila ito at papasukin sa loob ng bahay.
“Naku,
Ma'am, thank you po. Kayo rin po, ang ganda-ganda po ninyo,”
ganting-puri naman ni Andrew dito. At hindi siya nagsisinungaling,
totoong maganda ang tiyahin ni Keith.
“Don't
call me 'Ma'am.' 'Tita na lang din since ang guwapo mo namang bata.
At tutal bagay naman kayo ng pamangkin ko.” panunuksong pahayag
nito sabay tingin kay Keith na nang-aasar.
Nag-iinit
ang magkabilang pisngi niya sa sinabing iyon sa kanya ni Tita
Bettina.
“Wala
pa po akong girlfriend, Tita. At lalo po, wala din akong boyfriend.”
sabat naman ni Keith.
“Ah,
hindi mo pa siya boyfriend,” nakangiting saad ni Tita Bettina
pagkatapos ay bumaling uli ito kay Andrew. “Kailan mo ba
sasagutin itong pamangkin ko?” ang natatawang biro ng Tita ni
Keith.
“Eh,
Tita, kailangan po dumaan muna siya sa maraming pagsubok. Hindi naman
po ganoon kadali masungkit ang kagandahan at alindog ko,”
nakangiting tugon ni Andrew rito.
Pinukol
siya ng masamang tingin ni Keith pero hindi niya iyon pinansin.
Nag-e-enjoy kasi siyang sakyan ang pagbibiro ng tiyahin nito. Kahit
na nga ang pakiramdam niya ay ang kapal-kapal ng mukha niya.
Narinig
niyang tumawa ang ginang. “I like you, hijo,” nakangiting
sabi nito kay Andrew.
“Tita,
nandito nga po pala kami para magbenta ng ticket para sa Mister and
Miss Campus,” ani ni Keith. “Ako po kasi ang
representative ng klase namin. Kaya para hindi naman mapahiya ang
section namin, nagtutulungan na lang po kaming magbenta ng mga ticket
namin.”
“Totoo?
Teka, may sponsor ka na ba Keith para sa mga susuotin mo? Puwede
akong mag-volunteer,” ani ni Tita Bettina.
Natuwa
sila ni Keith sa sinabing iyon ni Tita Bettina at masaya nilang
tinanggap ang tulong nito.
Coronation
Night
“Your
picture doesn't do you justice.”
Handa
nang batuhin ni Andrew si Keith na nasa likuran niya dahil sa sinabi
nitong iyon. Napakaganda nga ng kuha niya sa larawang iyon na
pinagmamasdan niya pero sinabi nito na hindi raw iyon tumutugma sa
kanya. Ibig sabihin niyon ay pangit siya. Pero naudlot ang akma sana
niyang gagawin dito nang matunghayan niya na tila isa itong prinsipe
sa suot nitong tuxedo.
He was
caught off guard when he looked at this drop-dead gergeous guy who
was in front of him. Even his smile was perfect.
He
cleared his throat and smile at him. “Ang guwapo mo naman!”
hindi napigilang komento niya rito.
“Matagal
na!”
“Ako?
Hindi mo ba ako bobolahin?” aniyang hindi inaalis ang masuyong
tingin dito.
“Hindi
ako marunong mambola, eh.” Parang natatawa ito nang manghaba
ang nguso niya sa pagsimangot. “Mas guwapo ka pa sa akin kapag
nakangiti.” sabi ni Keith.
“Akala
ko ba hindi ka marunong mambola?” kapagkuwan at tanong ni
Andrew.
“Hindi
nga.”
“Eh,
bakit mo sinabi na mag guwapo ako kung nakangiti ako. Hindi pa ba
pambobola iyon?” tanong ni Andrew.
“Totoo
'yon.” sagot naman ni Keith.
Noon
napangiti si Andrew. Kahit alam niyang matamis na pambobola lamang
iyon ni Keith ay pinaniwalaan na rin niya. Magsasalita pa sana siya
ng biglang dumaan sa harap nila ni Keith ang mga nagtitiliang babae.
Maghahagilap sana siya ng puwedeng tanungin kung ano ang nangyayari
nang makita niyang nagtititili rin ang luka-lukang kaibigan niyang si
Mhelo. Nauunawaan na niya kung ano ang nagaganap. Takaw-atensiyon
naman talaga ang kaguwapuhan ni Cody.
“Wala
ka bang balak makigulo sa mga 'yon?” nagtatakang pukaw ni Keith
sa pananahimik niya.
“Bakit
naman ako makikigulo sa kanila?” sagot ni Andrew. Eh,
nandito ka na. Nandito na sa harap ko ang aking prinsipe. “Masisira
lang ang ganda ko, no?”
“Kahit
kailan ka talaga....” Ngumiti na lamang ito at inayos naman
niya ang nagulo niyang buhok. Wala na yata itong balak na ituloy ang
sinasabi nito.
“Kahit
kailan ano?” udyok ni Andrew rito para ituloy nito ang
sinasabi.
“Wala.
Akin na lang 'yon,” sagot naman ni Keith.
“Nagu-gwapuhan
ka sa akin, ano?” panunukso niya kay Keith.
Hindi ito
umimik at tinitigan lan siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari
sa kanya. Nang mga sandali kasing iyon ay tila nagulumihan siya sa
sarili. Nakadama siya ng pagkailang sa pagkakatitig ni Keith sa
kanya. Iniiwas niya ang tingin palayo rito. Narinig niya ang pagtawa
nito.
“Ikaw
ang naguguwapuhan sa akin,” panunudyo nito sa kanya.
“Hindi
ko naman itinatanggi.” Pilit niyang ipinarating dito ang lahat
sa himig ng pagbibiro upang kahit paano at matabunan ang transparency
ng damdamin niya para dito. Nag-uumapaw na kasi ang nadarama niyang
paghanga rito.
“Why,
you're....” Hinaplos ng isang kamay ni Keith ang pisngi niya.
“.... blushing?”
“Huh?”
Hinawakan niya ang pisnging hinaplos nito. Mainit nga iyon.
Nagba-blush siya? Patay na! “Ahmm... Mainit kasi kaya ganito.”
Ang
linaw naman ng mga mata niya. Kahit gabi nakikita pa rin niya ang
pamumula ko.
“Funny
but this is the first time I've ever seen you blush, even though
we've known each other for a long time. And you know what.... it's
cute.”
Lalong
nag-init ang mukha niya sa sinabi ni Keith. “I'm not cute, I'm
gorgeous,” aniya.
“You're
cute.”
He
sighed. “All right,” pagbibigay na lamang niya huwag na
lang humaba pa ang usapan. Hindi raw siya guwapo or maganda, at cute
lang siya sa paningin nito.
Pinisil
nito ang pisngi niya. “And you're blushing.”
“No.
I am not.”
“Yes,
you are.”
Bigla
siyang natawa. Wala naman kasing snese ang pinagtatalunan nila. Pero
hayun si Andrew at enjoy na enjoy ang pakikipag-usap dito. Malala na
talaga ang saltik niya.
Nagkulitan
na lamng sila ni Keith hanggang sa magsimula ang coronation. Nakuha
ni Keith ang Mister Photoghenic title. At hindi na nahintay pa ni
Mhelo na ibato dito ang papuri sa ginawa nitong pagkuha ng larawan ni
Keith na nakabandera sa paaralan nila dahil ito na mismo ang
nagpangalandakan sa lahat tungkol doon.
Nakakuha
agad ito ng magagandang feedbacks, lalo na sa mga judge na
hangang-hanga sa angking galing nito sa paghawak ng camera.
Pagkatapos
ng napakalaking event na iyon sa paaralan nila ay back to square one
na uli sila ni Keith. Hindi na naman siya nito gaanong pinapansin.
Naiisip nga niya na kaya lang ito napipilitang makipaglapit sa kanya
dati ay dahil lamang sa mga event na kailangan nilang magsanib
puwersa.
No comments:
Post a Comment