Enzo
bumped into Thomas at the doorway. Dalawang baso ng mainit na kape
ang bitbit nito na muntik nang sumaboy sa kanya. And thank God, may
lid ang mga styro na hawak nito.
“Oopss!
Sorry!”
“Nandito
ka pa pala. Sorry, nakalimutan ko nang magpasalamat sa 'yo kanina.
I've been ---”
“Preoccupied
with so many things,” pagsalo nito sa sasabihin niya. “Kamusta
na ang daddy mo?”
“Thanks...
He's asleep now,” tukoy niya sa kanyang ama. “Ang haba ng
sermon ko sa kanya kanina pero tinulugan lang niya ako.”
Tumawa
lang si Thomas sa sinabi niya at umupo na ito sa mahabang waiting
chair na naroon sa labas ng silid. Sumunod siya rito.
“Bakit
nga pala nandito ka pa?” tanong niya rito kapagkuwan. Ibinaba
niya sa isang bakanteng upuan ang styro cup na hawak at umupo sa tabi
ni Thomas.
“Paalis
na rin ako. Balak ko lang talaga na dalhan ka ng kape.”
Ngumiti
siya rito. Mayamaya lamang ay nagpaalam na rin ito sa kanya.
“Paano?
Aalis na rin ako, susuyuin ko pa si Shay. Galit na naman sa akin,
eh.” Tumayo na ito.
Namilog
ang mga mata niya na sinabayan niya ng pagtayo nito. “You mean
---”
“Yes.”
Hindi pa man siya natatapos ang tanong ay sinagot na agad nito iyon
na tila alam na nita kung ano ang iniisip niya. At tama nga ang
naisip niya dati na darating ang araw na magkakaroon ng kuwento ang
bangayan ng dalawa.
“Hmmm...”
Ngumisi siya rito nang makahulugan. “Sige, lumakad ka na nga.
Pasensiya ka na at naatrasado ka pa sa lakad mo.”
“Wala
'yon.” Tumalikod na ito pero muli niyang tinawag ang binata. He
turned to him. “Yes?”
He
stepped towards him and niyakap niya ito. “Salamat uli. And
goodluck on your new life,” he teased him.
Ngumiti
ito. “Anytime, sweetie. And thank you too.”
He waved
good-bye ti him. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay saka na
niya ipinasyang pumasok sa loob ng silid ng ama. Kakahawak pa lang
niya sa doorknob ay may kung sino ang humaklit sa isang braso niya.
He looked only to see the most handsome face he had seen in his
entire life. At iyon din ang mukha na hindi niya dapat tinitingnan.
He was
gritting his teeth, but after a while, the expression on his face
softened. “Kumusta si Tito?” tanong ni JM.
Nagbawi
siya ng tingin dito. Bakit ba kasi napaka-fresh pa rin ng anyo nito
pagkatapos ng buong araw na trabaho at pakikipag-date kay Paula. Wala
ba itong kapaguran? O baka kaya ganoon ito ay dahil inspired naman
ito sa pagtatrabaho.
“He's
fine now. And still asleep. Gusto mo ba siyang makita? Pumasok ka na
lang sa loob,” sunod-sunod na sabi ni Enzo.
“Hindi
mo ako sasamahan?” nagtatakang tanong nito.
Pinagtaasan
niya ito ng kilay. “Bakit pa? Malaki ka na, kaya mo na 'yan.
Wala namang multo sa loob, si Daddy lang ang nandiyan.”
He looked
at him with a mixture of anger and confusion. “Hindi mo talaga
ako sasamahan?”
Sinimangutan
niya ito. “Paulit-ulit? Pumasok ka na nga.”
Binuksan
na niya ang pinto para makapasok na ito sa loob. And it took a lot of
guts for him not to step inside with JM. Para kasing bigla niya itong
na-miss. Parang bigla ay gusto niyang magpakulong sa mga bisig nito
tulad noon. Tila kay tagal kasi nitong nawala sa tabi niya. Paano ba
niya sasanayin ang sarili na hindi na ito sa kanya at kailanman ay
hindi naging kanya. At hindi na puwedeng gawin ang nakasanayan niyang
paglalambing dito noon. Surely, he will live the rest of his life
like he was in hell. The hell of being without him.
Ipinasya
niyang maupo muli sa waiting chair sa labas ng silid. Mamaya na lang
siya papasok sa loob kapag nakaalis na si JM. He couldn't bear to see
him and be with him pretending he wasn't hurting. Because if the
truth be told, he felt like dying right now. Ipinilig niya ang
kanyang ulo. Nagsisimula na naman yata siyang ma-stress, emotionally.
Pinagtuunan
na lang niya ng pansin ang kape na ibinigay sa kanyan I Thomas na
siya namang paglabas ni JM sa silid. Awtomatikong napatayo siya. What
was it about his presence that made her feel attentive? At bakit ba
ipinagtataka pa niya iyon? Lahat naman ng uri ng damdamin niya ay
nagagawang pukawin ng presensiya ni JM.
“Is
he still asleep?” tanong na lamang niya rito.
“Yes,”
matipid na tugon nito.
Pinilit
niyang ngumiti rito. “Salamat sa pagdalaw,” he said to him. And
he turned his back on him and headed towards the door. He didn't know
how to protect himself from the uneasiness that he felt.
Pinigilan
siya ni JM sa tnagka niyang pag-alis. “Let's talk,” he
said. Warmth was his voice. Oh, how he missed him! He wanted to grab
him. And urge him ti kiss him. But he dared not to do so.
“We're
already talking.”
“Ano
ba'ng problema mo, Enzo? Bakit parang lumalayo ka sa akin? Nagtatampo
ka ba dahil hindi agad ako nakapunta rito para i-comfort ka sa
nangyari? May dinner kasi kami ni Paula at late na nang malaman kong
---”
Nayayamot
na binalingan niya ito. “Gano'n ba ako kababaw sa paningin mo
JM? Oo, nasanay na nga yata ako na laging sumasandal sa 'yo kapag may
mga ganitong pangyayari. Pero hindi naman ako gan'n kababaw para
mag-demand ng oras mo para i-comfort ako. And besides, I don't need
your comfort,” he snapped.
Naiinis
siya rito, pero mas naiinis siya sa kanyang sarili. Dahil wala na
siyang maintindihan sa kung ano-anong mga damdamin sa dibdib niya. He
was wrapped up in jealousy and pain and he knew it wasn't right. And
he didn't have the right to feel it.
“You
don't need me dahil may iba nang nako-comfort sa 'yo, gano'n ba?
Bakit mo ba ginagawa 'yan, Enzo? Para pagselosin ako? You know, that
won't work on me. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo kaya huwag
ka nang gumawa ng mga bagay na wala rin namang magiging saysay.”
Sa sinabi
nitong iyon ay para na rin nitong dinurog ang puso niya. So, alam at
naniniwala naman pala ito na mahal niya ito, pero palagi pa rin
nitong binabale-wala ang damdamin niya. At hanggang ngayon ay wala pa
rin itong pakialam sa damdaming matagal at pilit niyang ipinararamdam
dito. Bakit pa nga ba siya umasang mapapansin nito iyon gayong may
isang babae nang nakakuha ng atensiyon nito.
“Kamusta
ang dinner?” pagbabago niya ng usapan.
“Fine.”
O,
ano? Masarap ba? Kung hindi ba naman kasi siya masokista, sa dami
ng puwede niyang itanong dito ay iyon pang tungkol dito at kay Paula.
“Okay.
Umuwi ka na, papasok na rin ako sa loob.”
“Sasamahan
kitang magbantay kay Tito,” prisinta ni JM.
Napatingala
siya rito. Tulad ng dati ay wala siyang mabasang emosyon sa mukha
nito. “Huwag na, papunta na rin dito sila Kuya para pumalit sa
akin,” tanggi niya.
“Why
have you suddenly grown colds towards me, Enzo?” Tila puno ng
hinanakit ang boses nito. At bakit naman kaya? Bakit ito pa ngayon
ang maghihinanakit sa kanya? Hindi ba dapat ay siya ang
maghihinanakit dito? He loved him so much and yet he ignored him. And
now that he had already found someone, lalo na siyang babale-walain
ng lalaking ito.
“Pasensiya
ka na, marami rin akong iniisip nitong nakaraan,” sabi na
lamang niya.
“Enzo...”
Thank
God, dumating na ang kuya niya kasama ang asawa nito.
“Kuya,”
bait niya sa kapatid.
Nagkamayan
ang dalawang lalaki at nagbatian. Hinila siya ng hipag niya palayo sa
dalawang lalaki.
“May
problema ba kayo ni JM?” tanong nito sa kanya.
“Ha?”
naguguluhang balik-tanong niya sa hipag.
“Kahapon
pa kasi siya tanong ng tanong sa amin ng kuya mo. He said you seemed
different lately. What's going on with the two of you? He seems
worried about you. Gusto ka nga ring kausapin ng kuya mo, pero
nangyari naman ito kay Daddy kaya hindi ka niya makausap.”
Umawang
ang bibig niya sa pagkamangha. Worried daw si JM sa kanya? At
naninibago raw ang binata sa kanya? Ah, hindi na naman iyon
imposible. Mula kais nang maganap ang first kiss sa paitan nila ---
at pagkatapos niyon ay palagi nang makadikit ito at si Paula ---
sinimulan na rin niyang dumistansiya sa mga ito. Nasasaktan lang kasi
siya na mamulat sa katotohanang hindi ito magiging kanya kahit
kailan.
“Wala,
Ate, I was just....” Heart broken. “Stresses out over so many
things. Nadamay lang siguro ang pakikitungo ko kay JM,”
pagkakaila niya.
Pinisil
ng kanyang hipag ang isang kamay niya, saka ngumiti. “I think JM is
right. You really seem different. Hindi ka naman dating ganyan.
You're the most cheerful woman I've ever met. Kung ano man ang
pinoproblema mo, don't hesitate to open up to me, okay?”
Naluluhang
tumango siya sa hipag. Agad naman siyang kinabig nito upang aluin at
yakapin. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na mapasinghot. He was
surrounded by all of these great people who loved him so much, yet he
still pitied himself. Still longing for something., still longing for
the love of someone.
Bakit nga
ba napakasakim naman yata niya? Nasa kanya na nga ang lahat. Marami
rin ang nagmamahal sa kanya, ang kanyang pamilya at mga kaibigan na
halos hindi na niya mabilang. Pero hayun siya, hindi makontento sa
mga taong nakapaligid sa kanya at naghahangad pa sa pagmamahal ng
iba. Kung bakit ba kasi kung alin pa ang pinakahahangad niya, iyon pa
ang hindi niya makuha-kuha. Siguro, masamang -tao siya noong
past-life niya kaya hindi siya mapagbigyan ng tadhana sa kaisa-isang
kahilingan niya.
“Sshh...
tama na, alam kong kaya mo kung anuman iyang pinoproblema mo,”
masuyong pag-aalo sa kanya ng hipag.
“What
happened?” Tinig iyon ni JM na nakalapit na pala sa kanila.
Lihim
niyang nahiling na sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya. He
shouldn't be crying here, not right now. Hindi ngayon na nasa paligid
lang si JM.
“Puwede
mo bang ihatid si Enzo pauwi? I think he really needs to rest,”
pakisuap ng hipag niya kay JM.
“Sure.
Ako na ang bahala sa kanya,” tugon naman ni JM.
“No.
Kaya kong umuwing mag-isa,” tanggi uli niya rito. Nagtatagis
ang mga bagang ni JM.
“Magpahatid
ka na kay JM, Enzo,” sabi sa kanya ng kuya niya. “At
mag-uusap tayo kapag na-discharge na si Daddy.”
“Kuya?”
baling niya rito.
“Go
ahead,” pagtataboy nito sa kanila.
Alam
niyang nag-aalala lang sa kanya ang kapatid niya. Kilalang-kilala
talaga siya ng buo niyang pamilya. Alam ng mga ito kung kailan siya
may iniindang sakit o problema.
Wala na
siyang nagawa kundi ang tahimik na sumunod na lang sa nais ng lahat.
Three against one, ano pa ang laban niya?
Inayos ni
JM ang seatblet niya pagkalulan nila sa sasakyan nito. Maging iyon ay
nakalimutan na rin niyang gawin dahil ayaw na yatang mag-function
nang maayos ang utak niya. He felt totally drained. And he hated him
for making him feel that way.
“Sleep,”
malumanay na utos nito. And he did. He closed his eyes and tried to
sleep --- leaving the truth to the earth that he was here, beside
him.
Ang
banayad na haplos sa pisngi ni Enzo ang gumising sa kanya. Bigla ang
naging pagbangon niya nang mapansin na wala na siya sa loob ng
sasakyan.
“Ano'ng
nangyari?” nagtatakang tanong niya sa lalaking nasa harap niya.
“Mahimbing
na ang tulog mo kagabi. And I didn't have a heart to wake you up,
kaya binuhat na lang kita papasok dito sa kuwarto mo,”
paliwanag ni JM.
Napansin
niyang hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Kung ganoon ay hindi pa
ito umuuwi sa bahay nito.
“Bakit
nandito ka pa?”
Tumaas
ang kilay nito, which he still found cute. “That's not your way
of giving thanks, was it?”
“Oh,
pasensiya na. Salamat,” bawi niya.
“Enzo,
hindi ikaw 'yan,” mayamaya ay sabi nito.
“Ha?”
“And
Enzo...”
Napatingala
siya rito. “Yes?”
“Naipagluto
na kita ng breakfast sa ibaba. Gusto sana kitang sabayang kumain pero
tumawag kasi si Paula at ---”
“Go
ahead.”
Nakakainis
din pala ang pagiging honest ng isang tao. Nakakainis at nakakasakit.
Pero mas maigi na iyon, para hindi malimot ng nababalik niyang puso
na hindi na ito sa kanya. Na pag-aari na ito ng iba.
“Enzo...”
“What?”
he snapped.
Tila
natigilan ito dahil sa pag-angil niya rito. “I miss the real
you,” anito at tinalikuran na siya nito, saka tinungo ang pinto
ng kuwart niya.
Hindi
mo na uli makikita ang totoong ako, JM. Hindi na. Dahil hindi ko na
uli ipapangalandakan ang pagmamahal ko sa 'yo dahil napapagod na ako.
Isa pa, wala rin naman 'yong silbi sa 'yo, hindi ba?
No comments:
Post a Comment