“Sigurado
ka ba na ito talaga ang gusto mong gawin, Enzo?”
Kasalukuyang
nag-aayos ng mga gamit sa opisina si Enzo habang hindi magkamayaw sa
pagtatanong ang kaibigan niyang si Mhelo. Naroon din si Andrew na
kinaray-karay pa ni Mhelo dahil sa biglaang pagre-resign niya sa
Santos Media. Iniisip marahil ng dalawa na magagawa nitong baguhin
ang naging desisyon niya kung pagtutulungan siyang kumbinsihin ng mga
ito.
“I'm
one hundred percent sure I want to do this,” saad pa niya.
“Pero
hindi pa naaaprobahan ni Kuya ang reisgnation mo,” sabi ni
Mhelo.
“Wala
naman akong kontrata s kompanya. So then, it's as clear as day that I
can leave the company anytime I want to. And no one can stop me.”
“Kahit
na si JM?” sabad na tanong ni Andrew.
Napahinto
siya sa pagsasalansan ng mga gamit niya sa kahon. “Yes, kahit na
si JM,” kalmanteng tugon niya sa mga ito, subalit ang totoo ay
gusto na talagang magwala ng puso niya. He always had that effect on
him. Marinig lang niya ang pangalan ng binata ay hindi na magkamayaw
ang dibdib niya. And he hated it, that he couldn't escape from that
truth.Kaya nga nais na lang niyang lumayo rito. Dahil kung mananatili
pa siya sa lugar kung saan ay naroon din ito ay baka tuluyan na
siyang mapulbos.
“Ano'ng
nangyari? Sino ka? Ano'ng ginawa mo kay Enzo? Nasaan na ang kaibigan
namin?” eksahedorang pahayag ni Andrew.
Malungkot
na ngumiti lang siya.
“It's
not you. Nasaan na ang malakas na fighting spirit ng astig at maingay
naming kaibigan?” tanong naman ni Mhelo.
“Mga
luka-luka!” Pinilit niyang pasiglahin ang boses. “Kailangan
lang talaga ako sa family business namin. After what happened to my
dad, I couldn't imagine kung mauulit uli iyon. Kaya naisip kong
tumulong na rin sa pamamahala ng mga negosyo para naman mabawasan ang
trabaho ni Daddy.”
“That
a weak alibi. Alam nating lahat na suportdao ka ng buong pamilya mo
kung ano man ang gusto mong gawin. Iyong tungkol naman sa kondisyon
ng daddy mo, kayang-kaya 'yong gawan ng paraan ng mga kapatid mo.”
Hindi
siya nagsalita. Tama naman kasi si Mhelo. Kailanman ay hindi siya
pipilitin ng pamilya niya na magtrabaho sa kompanya nila kung hindi
buo ang loob niyang pumasok doon.
“What's
the real problem, friend?” Inabot siya ni Andrew at pinaupo sa
couch sa loob ng opisina niya.
He
sighed. “Gusto kong magbagong buhay. I want to move on.”
“Hindi
ka naman kriminal kaya wala kang dapat na baguhin sa buhay mo,”
sambit ni Mhelo.
Tinapunan
niya ito ng masamang tingin. “You two, you know what I mean.”
“So,
this is all about JM, right?” ani Andrew.
“Exactly.”
Magsasalita
pa sana ang mga ito nang bigla na lang pabalagbag na bumukas ang
pinto ng opisina niya at iniluwa niyon ang madilim na anyo ni JM.
“Guys,
can you leave Enzo and I alone?” utos nito sa dalawa niyang
kaibigan.
Tumango
ang dalawa at lumabas na ng opisina niya. Siya naman ay ipinagpatuloy
na ang pagsasalansan ng mga gamit niya.
“What
is this all about, Enzo?” Bakit ka magre-resign?”
Marahas
na ibinagsak ni JM ang isang papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Surely,
it was his resignation letter that he left on his table this morning.
“Nabanggit
ko diyan ang dahilan ko, Mr. Santos.”
“Mr.
Santos? What happened to 'JM sweetheart?'” tanong ni JM.
Napalingon
siya rito. Was he trying to tease him? No, probably not. He was
actually mocking him. Mainit na naman ang ulo nito, at hindi niya
alam kung bakit. Dahil ba sa mga maiiwan niyang nakabinbing trabaho?
Tatapusin at aasikasuhin naman niya ang mga iyon bago tuluyang
lisanin ang kompanya. Ngayon, ang gusto lang muna niyang gawin at
mag-impake at iuwi na lang ang mga trabaho niya. Ayaw na niyang
manatili sa lugar na iyon, sa lugae kung saan nabuo ang napakaraming
alaala niya rito. And he doubted whether he'd be able to escape from
the ghost of his memory. He will definitely linger in his mind and
heart. Parang gusto na tuloy niyang magkaroon ng selective amnesia
para malimot niya ang mga iyon, para makalimutan na agad niya ito.
“I'm
not going to call you that again, Sir. Pasensiya ka na sa lahat ng
trouble na idinulot ko sa 'yo sa mahabang panahon ---”
“What
are you talking about, Enzo? Puwede bang linawin mo? I'm starting to
get pissed off with what I'm hearing from you, right now!”
“All
right!” he snapped. Bakit ba kasi ang manhid-manhid ng lalaking
ito? “Gusto mo nang malinaw? Sige lilinawin ko... I want to move
on. Even it if means getting away from you. Pagod na kasi ako, JM.
For the past eight years, I've been standing around and waiting for
you to love me back. Because I love you so much. Hindi ko kailanman
naisip na isuko ka dahil hindi mo naman ako pinagbawalang lumapit sa
'yo. Hindi ako nawalan ng pag-asa na darating ang araw na bubuksan mo
rin ang puso mo para mahalin ako, John Michael.”
He could
no longer keep his tears from streaming down his face. He stepped
forward to grab him but he flinched. Hindi niya kailangan ang awa
nito.
“Lalayo
na lang ako sa 'yo, hindi dahil galit ako na hindi mo ako nagawang
mahalin. I don't have the right to be mad. It's just that I realized,
I've been waiting for you for such a long time. I've been waiting for
you to put me in my place because I can't figure out where it is. You
didn't say anything, you just let me do all of those stupid things.
And now I think, I've stood around and waited long enough, it might
be the time for me to start walking away from you. Ang tanga ko 'no?
Ang tagal ko bago na-gets ang ibig sabihin ng pananahimik mo.” He
gave him sa bittersweet smile. “I don't want to be your friend
anymore, JM. All I want now is to stop this feeling I have here in my
stupid heart. I want to let go of you and stop myheart from loving
you.”
Pinahid
niya ang kanyang mga luhang hindi maubos-ubos at saka ipinasyang
talikuran ito. Kailangan na niyang lumabas sa silid na iyon dahil
pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Sumabog na ang damdmain
niya para dito. At pakiramdam niya ay mas madudurog pa siya kung
matutunghayan niya ang awa sa mga mata nito.
Subalit
hindi natuloy ang tangka niyang paglabas dahil bigla na lang siyang
kinabig at niyakap ni JM mula sa likuran.
“Sinasabi
ko na nga ba't may mali sa 'yo nitong nakaraan,” narinig niyang
bulong nito. “You've been claiming me as yours for almost eight
years and I've never stopped you from doing that. Sa 'yo na ako sa
napaka habang panahon, ano pa ba'ng inaalala mo?”
Napasinghap
siya sa narinig at awtomatiko ring huminto sa pag-agos ang kanyang
mga luha. Gusto niyang kumilos upang harapin si JM pero tila
naparalisa ang buong katawan niya. He couldn't move, or was it safe
to say he didn't want to move? Natatakot siyang matuklasan na baka
hindi totoo ang lahat ng nangyayari. Na kapag kumilos siya ay bigla
siyang magising sa isang panaginip.
“JM...”
“Tinakot
mo ako, Enzo. Inakala ko talaga na nagkakalaman na ang mga hinala
ko.”
Napakunot-noo
siya. “Hinala?”
“Nag-resign
na rin si Thomas kahapon. Akala ko, kaya ka talaga magre-resign ay
dahil gusto mo nang sumama sa kanya.”
“Bakit
mo naman naisip 'yan?” Hindi pa rin siya humaharap dito. Being
in his arms was very comforting.
“Nagbago
ka kasi bigla sa akin. Ni hindi mo sinisita ang pagiging malapit ko
kay Paula. Samantalang, usual na gawain mo na ilayo ako sa mga
babaeng dumidikit sa akin. Natakot tuloy ako sa pagiging kampante ko
na ako lang ang gusto mo. Natakot ako na baka biro lang ang lahat
para sa 'yo, ang lahat ng mga ginawa mo sa akin. Na ang pagsasabi
mong mahal mo ako ay isang paraan mo lang para masubok ang mga
manliligaw mo noon. Thomas was the most consistent of all your
suitors ---”
Kumawala
siya sa pagkakayakap nito at agad niyo itong pinatikim ng malakas na
sampal niya.
“What
was that for?”
“Para
matauhan ka,” aniya. “I've been proclaiming my feelings
about you to the world for almost eight years and yet you still
thought I was just joking? My God, JM!”
“You
were just seventeen. Still innocent. Paano ko masasabing totoo na ang
mga pinangangalandakan mo? Naisip ko, marahil dala lang iyon ng
kabataan mo. Paano pala kung nakasanayan mo na lang na gawin ang mga
bagay na iyon? At bilang pananggalang na rin sa mga manliligaw mong
hindi mo naman gusto. At first, I was glad that I could help, kaya
hindi kita sinasaway. But still I had to admit that I was horrified
when someone appeared in front of me, claiming I was his boyfriend,
pero hindi naman niya alam kung ano ang pangalan ko.”
“Having
a relationship was never my thing. Pero hindi ko rin maunawan ang
sarili ko kung bait maluwag sa dibdib ko na hayaan kang gawin ang mga
gusto mo na sangkot ako. At noong prom night na tinagka kang gawan ng
masama ni Axel, I instictively wanted to protect you. Noon ako
naliwanagan sa kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo. I didn't
want anybody to claim you. Ako lang dapat. I found out that I already
loved you. Hindi ko lang alam kung paano ipaparating sa 'yo. You were
a real mischievous and I couldn't stand the thought that you might
tease me every minute that were together. Kaya ginagawa ko,
hinahayaan na lang kita sa mga trip mo sa buhay. Masyado akong naging
kampante na mananatili ka sa tabi ko dahil mahal mo 'ko. Mahal din
naman kita. Kita mo nga at hindi naman kita pinagbabawalan sa
pag-claim mo sa akin bilang boyfriend mo.”
“But
you never confirmed it to me,” naiinis pa ring sabi niya rito.
“Kailangan
pa ba 'yon?” tanong ni JM.
He rolled
his eyes. This man was absolutely handsome yet so dumb and
impossible. How can he put up with him? “Of course! Paano ko
pala malalaman?”
“I'm
sorry.” Napakamot ito sa batok. He'd never seen him acting that
boyishly. “I've had a tough life. Ako lang ang inaasahan ng pamilya
ko, so I had to be strong, to be tough. Nakasanayan ko na yata na
hindi nagpapakita ng emosyon. Pero napansin mo naman siguro, that I
always made the exception when it came to you. Lumalambot ako kapag
ikaw na ang sangkot. I just didn't know how to put my feelings into
words. Sana, iyong mga ipinakita ko na lang sa 'yo sa napakahabang
panahon ang pagbatayan mo.”
“I
thought, you just saw me as your friend,” kiming saad ni Enzo.
“ If
I just saw you as a friend, then I shouldn't have let you cross the
line. Alam mong pribado akong tao, pero hinayaan kitang panghimasukan
ang personal kong buhay.”
“I'm
a family friend,” he reminded.
“Kahit
pa!” giit ni JM. “At
kung kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo, I should hve rebuff you from
being clingy. But I didn't. Dahil ayokong may ibang umangkin sa akin,
ikaw lang.”
“Ako
lang? Talaga lang, ha?”
Inirapan niya ito.
“May
iba pa ba?”
Nakakairita
ang kainosentehan sa mukha nito, as if he was saying that he hadn't
been out on a date. “Nakakainis ka! As if you weren't
flirting with anybody!”
“I
wasn't,” matigas na tanggi ni
JM.
“Sinungaling!”
“Hindi
ako nagsisinungaling.”
Tiningnan
ni Enzo ito ng masama. “Eh, ano pala ang ibig sabihin ng
paglabas-labas ninyo ni Angry Bird?”
“Angry
Bird?” naku-curious na tanong
nito.
“Paula,”
paglilinaw ni Enzo.
Sandali
itong natigilan, kapagkuwan ay humagalpak ito ng tawa. “You're
the most outrageous person in the whole world, Enzo. Let me guess,
dahil sa hairdress niya kaya mo siya tinawag na Angry Bird, no?”
Tumango siya. Humagalpak uli ito ng tawa hanggang sa hawakan na nito
ang tiyan nito sa kakatawa.
“Kabagan
ka, nawa,” nakasimangot pa
ring saad ni Enzo.
“Nagseselos
ka ba sa kanya kaya bigla kang nagbago sa akin nitong nakaraan?”
tanong uli ni JM nang tumigil ito sa pagtawa.
“Oo.”
“Bakit
mo naman kami napag-isipan ng kung ano-ano? At sa dinami-rami ng mga
babae at gays na hinarang mo, bakit sa kanya mo pa naisipang
magselos?”
“Dahil
siya lang sa lahat ng mga babaeng umaaligid-aligid sa 'yo ang hindi
mo itinataboy palayo. I thought you preferred a mature woman like
her. Hindi tulad ko.... err... you know, I can't change myself.”
“Who
says I want to change you? I love you for what you are. At kung
magbabago ka, hindi na ikaw ang Enzo na mahal ko. At gusto ko ring
depensahan ang huling sinabi mo. Sa lahat ng mga taong
umaaligid-aligid sa akin, ikaw lang ang hindi ko tinanggihan. Paula
was just helping me on the task you assigned me.”
“Task?”
naguguluhang tanong niya.
“Nakalimutan
mo na? Sabi mo, ihanap ko si Tito ng babae. Kaya nga nakikipagkita
kami ni Paula sa mga old friends niya. Iyon ang dahilan kung bakit
kami madalas na lumalabas. May usapan tayo, hindi ba? Na kapag
naihanap ko na si Tito ng babaeng para sa kanya, pag-iisipan mo nang
mag-settle down.”
“Isa
pa yan! Bakit ba atat na atat ka nang mag-settle down ako?”
naiinis uli na tanong ni Enzo kay JM.
“Dahil
gusto ko nang mag-settle down na kasama ka. Hindi yata kakayanin kung
makukuha ka ni Thomas sa akin.”
He
glared at him. “Bakit napasok naman si Thamos sa atin?”
“Lagi
naman siyang sangkot sa atin, di ba? Sobra ang pagtitimpi kong huwag
siyang suntukin nang sabihin ni Lolo na bibitawan na raw niya ang
kompanya sa akin kung bibitawan nita. Huh! As if naman papayag ako?”
Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Bakit parang ang gulo yata?
Anyway, ang mahalaga ngayon ay siya at si JM.
“Kaya
nga galit na galit ako noong ipinagtatanggol mo siya sa akin at
hinangaan mo pa ang pagbibitiw niya sa kompanya. I thought, naka-one
million pogi points na siya sa iyo. Pagkatapos nating mag-spelunking
at kausapin ako ni Lolo tungkol sa bagay na iyon gusto na kitang
yayain na mag-settle down. Ayokong mapunta ka sa kanya. Sa kanya na
ang kompanya at lahat ng pinaghirapan ko, huwag ka lang niyang
aagawin sa akin.”
“Bakit
hindi mo ako niyaya?”
paghahamon niya rito.
“Nakikita
kong nag-e-enjoy ka pa sa kalayaan mo eh. Ayoko namang putulin iyon
kung hindi ka pa handa. Kaya nga dumistansiya muna ako nang kaunti sa
'yo. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na na mag-propose sa
'yo. And I hated the thought that you might refuse my proposal.”
Sarap
mong pukpukin sa ulong lalaki ka!
Ngayon ay malinas na ang lahat sa kanya. “You know what,
JM, I've always dreamt you would love me back. At kung hihilinin mong
matali na ako sa 'yo, sobra-sobrang kaligayahan ang hatid n'yon sa
akin. Walang kapantay na kaligayahan ang kaalaman na akin ka na
officially. Iyon lang naman ang kaisa-isang bagay na hinihiling ko sa
napakahabang panahon. Sukdulang magdala ako ng alay sa mga anito na
nananahan sa lahat ng bundok ay gagawin ko, mapasaakin ka lang.”
Tumawa ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya. But
everything he said was true. Gagawin talaga niya iyon kung mayroon
lang nagsabi sa kanya na iyon na lang ang paraan para makuha ang puso
ng lalaking ito na mahal na mahal niya.
He
cupped his face as he faced him.”Hindi na kailangan, your
wish is granted. Wil you join me in my journey through life? Do you
want to be Mr. Enzo Samaniego-Santos and live the rest of your life
with me?”
“Of
course I will. I do. I love you, John Michael Santos.”
“I
love you more, Mr. Enzo Samaniego-Santos.”
Bababa na lang ang mukha ni JM sa kanya para halikan siya ngunit
biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagsabog ng confetti at kung
ano-ano pang dala ng grupo na bigla na lang pumasok sa opisina niya.
“Happy
New Year!” malakas na sigaw ni
Thomas habang panay ang pagsasabog nito ng confetti.
Binatukan
ito ni Shay. “Huwag ka nga diyang makulit.”
“Babes
naman, masaya lang ako para kay 'insan,”
tugon nito kay Shay.
“Congratulations
to both of you,” bati sa
kanila ng lolo nila JM na ipinagtaka niya. Bakit naroon din ito?
“Congrats!”
sabay-sabay na bati ng iba pa. Naroon sina Mhelo at Andrew kasama ang
mga partner ng mga ito.
“Teka
---”
“Salamat
naman at gumana ang plano ni Thomas,”
putol ng matandang Santos sa sinabi niya.
Sabay silang bumaling ni JM kay Thomas.
“Well,
kinuntsaba ko lang naman si Lolo,” kibit-balikat na tugon nito.
“Sinabi ko kay Lolo na palalabasin namin kay JM na gusto kong
makuha si Enzo kapalit ng pagpapaubaya ko sa posisyon ko sa
pamamahala ng kompanya. Though the truth is, I'm giving it
wholeheartedly, without any favor required. That served as a test for
JM, kung alin ang pipiliin niya. Ang kompanyang pinagpaguran niya
nang husto o si Enzo? Paraan ko na rin 'yon para tulungan kayong
dalawa na magkaunawaan sa silent commitments na mayro'n kayo. It was
obvious that you loved each other but no one has dared to clear the
issue.”
Silent commitment? So tama ung manghuhula. Bakit hindi niya napansin
iyon? Siguro ay dahil siya lang naman ang maingay sa pagpoproklama ng
damdamin niya para kay JM. Hindi tuloy niya napansin ang mga sign ng
silent claims din sa kanya ni JM.
“At
kung wala pang kikilos, hindi na kayo magkakaintindihan pa,”
dagdag ni Thomas.
“Kung
ganoon, napagkaisahan pala kami,”
sabi rito ni JM.
“'Wag
kang magalit, pinsan. It's may way of extending my hand and asking
for peace. Gusto ko nang magkasundo tayo.”
Sandaling
natigilan si JM kapagkuwan ay ngumiti kay Thomas. “Iyon
din ang matagal ko nang gusto, dude.” Niyakap
at nagtapikan ng likod ang magpinsan.
“Yehey,
Everybody happy na!” parang
batnag sigaw niya. Nakisigaw na rin ang iba pa dahil sa pagbabati na
iyon ng magpinsan.
Bumaling
uli sa kanya si JM at hinablot siya sa kanyang baywang. “Hindi
pa tayo tapos, nakisingit kasi agad ang mga asungot na 'to, eh,”
bulong nito sa kanya.
“Puwede
naman nating ituloy para lumayas na ang mga 'yan,”
tugon nito.
At walang sabi-sabing iniangat ni JM ang baba niya upang angkinin ang
kayang mga labi sa isang napakaalab na halik. Wala na siyang pakialam
sa kung ano ang pinaggagagawa ng mga tao sa paligid nila. He was lost
in this man who was kissing him in a very passionate way.
Wala na siyang pagsidlan ng kaligayahan niya. Because everything
turned out beautifully at that moment. And it was all because of the
love they had in their hearts.
No comments:
Post a Comment