“How
was your lunch date?”
Napalingon
si Enzo. Ang madilim na mukha ng nagsasalitang si JM ang nalingunan
niya. Papalabas na siya ng building patungo sa parking lot.
Nakakapagod ang buong maghapon na iyon at gustong-gusto na niyang
makauwi agad. He was really worn out, not just mentally and
physically, but also emotionally. Mas stresses out pa yata ang dibdib
niya kaysa sa isip at katawan.
Kumunot
ang noo niya. “Date?”
“Nag-lunch
kayo nang sabay ni Thomas kanina, di ba?” paglilinaw nito.
What
is it with you?! Gusto niyang isigaw rito. Pero pinigilan niya
ang sarili.
“Ah,
oo. Nagutom kasi ako kaya napaaga ang paglu-lunch ko.”
“Wala
namang problema sa akin kung maya't maya ay gusto mong kumain. Pero
bakit kailangan si Thomas pa ang kasama mo?” walang emosyong
tanong nito.
Ano na
naman kaya ang problema nito? Ang buong akala niya ay nagkaroon na ng
cease-fire ang magpinsan. Hindi nga ba at nagpaubaya na si Thomas?
Tinanggap na nito ang pagkatalo nito.
“Wala
akong nakikitang masama kung sabay kaming kumain ni Thomas. And I
thought, okay na kayo?”
“We
will never be okay!” paasik na saad ni JM.
Nayayamot
na humarap na siya rito. “Ano pa ba'ng problema mo? Nagpaubaya
na nga sa 'yo 'yong tao. Tinanggap na niya na sa 'yo mapupunta ang
kompanya, ano pa ba'ng gusto mo?”
“Paano
mo nasabi 'yan? Wala pa namang desisyon ang Lolo,” namamanghang
saad nito.
Kung
ganoon, kaya pala itong nananatiling inis sa pinsan nito ay dahil
hindi pa rin ito kompiyansa na makukuha nito ang pamamahala ng Santos
Media. Wala na talagang ibang mahalaga rito kundi ang trabaho nito at
ang Angry Bird na Paula na iyon --- palagi kasing may naka-design na
feathers sa hairstyle ng babae kaya pinangalanan niya itong Angry
Bird sa isip niya. Para kasi maging magkapantay ang dalawa, kailangan
ni JM na makuha ang posisyon. Paula was the former president of
Valencia Communications. Ngayon na nag-merge na ang dalawang kompanya
posibleng mas maging sabik si JM na makuha ang buong pamamahala sa
Santos Media para hindi naman ito maging alangan kay Paula.
“Thomas
told me that he had already given up what's his. Tanggap na niya na
sa 'yo mapupunta ang kompanya. Hindi na siya makikipag-agawan sa 'yo.
Kaya kahit wala pang lumalabas na desisyon ang lolo ninyo, makampante
ka nang magiging sa 'yo ang kompanya,” he said coldly.
Magsasalita
pa sana si JM nang marinig nilang tinatawag na ito ni Paula.
“Let's
go, babe. Torch restaurant is waiting for us.”
Umabrisete
agad ang babae kay JM pagkalapit nito. Napatingin siya sa mukha ni
JM. Wala iyong emosyon habang nakatitig sa kanya. Tila hinihintay
nito na mag-react siya sa ginawa ng babae. Bumaba ang paningin niya
sa nakalingkis na braso ng mga ito.
Gusto
niyang alisin ang braso ni Paula palayo kay JM subalit hindi niya
ginawa. At kahit kailan ay wala naman talaga siyang karapatang ilayo
si JM sa mga taong lumalandi at lumalapit dito. Isa pa, paamo kung
ang babaeng ito na pala ang siyang hinihintay ni JM? Sa nakikita
niyang pagiging malapit ng dalawa, imposibleng isipin niya na hindi
gusto ni JM si Paula.
Pinilit
niyang ngumiti kay Paula at saka tumango. “Mauna na po ako sa
inyo, Ma'am, Sir. Enjoy the night.”
Hindi na
siya nag-abalang sulyapan pa si JM at tumalikod na siya sa mga ito.
Malamang na masaktan lang siya sa posibleng blankong ekspresiyon na
makikita niya sa mukha nito. Kung noon ay binabale-wala lang niya ang
malamig na ekspresiyon nitong iyon, ngayon ay hindi na yata iyon
maaatim ng puso niya. Thinking about the two was really tormenting
her heart.
“Enzo!”
Nagulat siya nang biglang na lang siyang pinigilan ni JM sa isang
braso.
Nilingon
niya ito at tiningnan sa mga mata. Pero hindi rin niya natagalan ang
nakikitang ekspresiyon sa mga mata nito at nagbawi rin agad siya ng
tingin dito.
“May
problema ka ba, Enzo? You seem different.”
Tinatanong
mo pa? Ikaw lang naman ang lagi kong pinoproblema. Ikaw at ang
estupida kong puso na ayaw huminto sa pagtibok para sa 'yo.
Umiling
siya. “Wala. I'm just exhausted, that's all.”
“Can
you drive?” tanong ni JM. He nodded.
“I
should drive you home. If only we hadn't made a reservation for
dinner ---”
Ikinumpas
niya ang kamay upang putulin ang sinasabi nito. Naririndi na kasi ang
mga tainga niya na sa mismong bibig pa nito nagmumula ang mga
salitang humihiwa sa puso niya.
“Ayos
lang ako. Just go ahead and enjoy.”
“JM,
let's go!” tawag dito ni Paula.
Tinatawag
ka na ni Andgry Bird mo, ngalingali niyang isigaw rito.
“We'll
talk after dinner, okay? I know you're not fine,” pagkasabi
nito niyon ay pinisil nito ang kamay niya.
Gusto
niyang umiyak. Kilala talaga siya nito. Lalo na kapag may iniinda
siya. He'd always been there for him. Pero alam niyang wala itong
ibang ibig sabihin. Tulad ngayon, ang ipinapakita nitong concern sa
kanya ay wala ring ibang ibig sabihin. They were just long-time
friends and colleagues, that's all. Iyon lang ang dahilan kaya
nasanay na itong sinasamahan siya sa mga depressing moment ng buhay
niya. Iyon ay kapag nagkakaroon siya ng problema sa pamilya niya.
Pero ngayon na ito ang dahilan sa pagbigat ng dibdib niya, hindi niya
yata gugustuhin na ito rin ang dumamay sa kanya sa ganoong estado ng
kanyang puso. Lalo siyang mahihirapan. He was so near, yet so far. He
couldn't reach him anymore. Not now, not ever.
Pinilit
niyang ngumiti rito. “Go ahead. Gusto ko na rin talagang umuwi,”
pagkasabi niyan niyon ay nagpasya na siyang dumiretso sa kotse niya.
Pagkasakay niya sa loob ng sasakyan niya ay pinauna muna niya ang mga
itong umalis. Masakit mang tanggapin na tuluyan nang mawawala sa
kanya ang lalaking minahal niya nang mahabang panahon ay wala na
siyang magagawa. Kailangan na talaga niyang mag-move on. Matagal
siyang naghintay kay JM. Umaasang darating ang araw na mamahalin siya
nito tulad ng pagmamahal niya rito.Inihanda rin naman niya ang sarili
na posibleng hindi siya ang taongs gigising sa natutulog na damdamin
nito. At ang akala niya ay handa na siya sa sakit na idudulot niyon.
He thought he could stil bear the pain of that truth. But the reality
of it was he couldn't.
Gayunman,
wala siyang pinagsisisihan sa lahat ng ginagawa niya para rito. She
will treasure the moments they had, he will keep it in his heart
forever.
Hinayaan
ni Enzo na umagos ang masaganang luha sa kanyang mga pisngi. Hindi
naman siguro masama kung iyakan niya ang naging kabiguan niya kay JM.
After all, he was just a person, who had fallen in love with a man
who can't love him back. Silently, he just cried. Sana kapag naubos
na ang mga luha niya ay wala na rin ang sakit na nararamdaman niya.
Pero hindi nga lang niya alam kung kailan mauubos iyon.
Nang
kumalma na siya ay ipinasya na niyang paandarin ang kanyang sasakyan.
Papaalis na siya nang humarang si Thomas sa daan niya. Binusinahan
niya ito para gumild subalit panay ang pagsenyas nito sa kanya na
bumaba siya. Wala siyang nagaw kundi sundin ang binata.
“Have
you been crying? Alam mo na?” nag-aalalang tanong nito nang
makalapit ito sa kanya.
“A-ano'ng
alam ko na?” Lumunok siya upang pawiin ang kung anong nakabara
sa kanyang lalamunan.
Hinawakan
siya ni Thomas sa magkabilang niyang balikat. “About your dad.”
“What
about my dad? May nangyari ba?” kinakabahang tanong ni Enzo.
“Hindi
mo pa nga alam? Pero ano'ng iniiyakan mo ngayon?”
“Thomas,
tell me first what happened to my dad? Thomas, please!”
nagsusumamong saad niya.
Kinabig
siya ni Thomaspalapit dito upang pakalmahin. “Get in the car.
I'll bring you to him,” mahinahong saad nito.
“Thomas,
could you please tell me what's going on?”
“Tumawag
ang kuya mo para ipaalam na nasa ospital ang daddy mo. Hindi ka raw
nila ma-contact,” paliwanag nito habang iginigiya siya papasok
sa loob ng kotse niya. Ito ang pumuwesto sa driver seat.
“Patay
ang phone ko, kanina pa,” nasabi na lang niya. Nakalimutan
niyang i-charge iyon, o baka mas tamang sabihn na hindi na niya
pinag-iintindi ang ibang mga bagay sa paligid niya. She was
preoccupied with one thing, one thought and one man.
Hindi na
siya nagsalita nang umandar na ang sasakyan nila. Nag-aalala siya sa
kung ano ang nangyari sa kanyang ama. Kailanman ay hindi pa isinugod
sa ospital ang kanilang ama. He'd always been in the pink of health.
Kaya hindi birong kaba ang dinaranas niya ngayon.
Walang
tigil sa pag-iyak si Enzo sa loob ng private hospital room kung
nasaan ang daddy niya. May malay na ang kanyang ama nang dumating
siya roon. Naroon sin ang ate at kuya niya pati ang mga asawa ng mga
ito. Alalang-alala siya pagkatapos malaman na nagkaroon ng mild heart
attack --- sakit na hindi niya lam na dinaramdam pala nito.
“Sshhh....”
masuyong saway sa kanya ng daddy niya habang hinahagod nito ang
kanyang likod. Nakahiga ito at nakayakap siya rito. Ang mga kapatid
niya ay nagpaalam muna upang asikasuhin ang mga anak ng mga ito. “I'm
fine son. Huwag ka nang umiyak,” sabi nito.
“Tinakot
n'yo naman kasi ako. Sabi ko na nga sa inyo na sa bahay na lang kayo
at magdala kayo ng babaeng magpapaligaya sa inyo. Hayaan na ninyo
sina Ate at Kuya ang mag-asikaso ng mga negosyo. Kahit hindi na kayo
kumilos, hindi namin kayo gugutumin na magkakapatid,” humihikbing
sermon niya rito.
“Ano
naman ang mangyayari sa akin, anak? Para na akong imbalido kapag
gano'n. Mas manghihina ako kapag walang ginagawa. Nasanay na ako na
araw-araw na nagtatrabaho. At kung pahihintuin mo ako, para mo na rin
akong pinarusahan.”
Kumalas
siya sa pagkakayap sa ama at saka pinamaywangan niya, “Napakarami
po ninyong puwedeng gawin, Daddy. Mag-cruise kayo sa halip na
magpakamatay kayo sa mga work load n'yo. Try the European cruise,
ihahanap pa namin kayo ng date. Take a leisure trip, Dad, para naman
makapag-relax kayo. You're old enough for such work. Kaya na namin
iyong magkakapatid. Naitaguyod na po ninyo kami sa marangyang
pamumuhay and you're done with us. It's about time na kami naman ang
magbigay sa inyo ng royal treatment.”
Inabot ng
daddy niya ang kanyang kamay at pinisil iyon. “Hindi sa
pagpapalaki at pagtugon sa responsibilidad natatapos ang pagiging
ama, Enzo. Habang nabubuhay ako, hindi matatapos ang pagiging ama ko
sa inyo. Kaya hayaan mo na akong gawin ang trabaho ko. As for finding
me a date on a leisure trip, masyado n'yo naman yata akong bibigyan
ng luho kapag ganoon. Hindi ko kailangan ng babae sa buhay ko, ang
ate mo at mommy mo lang ang mananatiling babae sa buhay ko.”
Hindi
alam ni Enzo kung ngingiti o malulungkot siya para dito. Masaya siya
na ang mommy niya ang nananatiling nag-iisang babae na nagmamay-ari
ng puso ng kanyang daddy. Subalit sa kabilang banda ay gusto rin
niyang malungkot para dito. Matikas pa ang kanyang ama sa kabila ng
edad nito at nakakapanghinayang na maburo lang ito mag-isa sa buhay.
Malungkot
ang mag-isa sa buhay, tulad ng nadarama niya ngayon. Malungkot na
tinatanggap niya sa sariling mag-iisa na rin siya pagdating ng araw
dahil wala na siyang balak magmahal pa ng iba bukod kay JM. At dapat
na talaga niyang sanayin ang sarili. Katulad na kung paano natutuhan
ng kanyang ama na mamuhay nang mag-isa mula nang mawala sa kanila ang
kanyang ina.
Naisip
niya, iyon pala ang isa sa napakaraming bagay na namana niya sa
kanyang ama --- ang isang beses lang na magmahal. At mananatiling ang
tao lang iyon ang mamahalin niya habang siya ay nabubuhay.
Paano ba
niya ito mapipilit na maghanap ng babaeng puwede nitong mahalin kung
alam niya kung gaano iyon kahirap gawin. Higit kanino man, siya ang
dapat na mas makaunawa sa pinagdadaanan ng kanyang ama.
Ngumiti
siya sa kanyang ama. “Bah! Kung 'yan ang gusto n'yo, eh, di
sige. Binibigay ko na nga ang basbas ko sa inyo na kumuha ng other
woman, ayaw n'yo pa, eh, di 'wag na,” nakangusong pagbibiro
nito sa ama.
Tumawa
ang daddy niya. “Bad ka, anak. Hindi matutuwa ang mommy mo
niyan.”
“Hindi
rin po matutuwa si Mommy na sinasayang n'yo ang katas ng kagwapuhan
n'yo kung puwede n'yo namang ipamahagi.”
Tumawa
uli ito at tinapik ang gilid ng kama. “Dito ka nga uli, anak.”
Sinunod niya ang gusto nito. “Ikaw Enzo, kailan mo ba balak
maghanap ng taong makakasama mo habang buhay?”
Napatuwid
siya sa pagkakaupo. Wait. Who was supposed to ask him that question?
No comments:
Post a Comment