“Halika
na, Uno.”
“Naku,
ayoko. Kayo na lang,” tanggi
niya kay Amanda. Kanina pa siya niyayaya ng mga ito na mag-swimming
sila sa dagat. Huling araw na nila iyon sa resort.
Pagkatapos ng kasalan kahapon ay umalis na ang mga bagong kasal
kinagabihan para sa honeymoon ng mga ito. Papunta sa France sina Alex
at Courtney, samatalang sa Venice naman si Jun at Toni.
“Kayo
na lang, Amanda. Wala akong dalang pampaligo,” ani
Uno.
“Walang
problema, may mga pang-swimming akong dala para asawa ko,”
anito.
Napangiwi na lang si Uno. Mukhang wala siyang kawala.
Inilapag ni Amanda ang mga trunks ng asawa niya sa kama. Napatingin
si Uno sa mga ito.
“This
black one will suit you,” ani
Amanda.
Napatingin siya roon. Napangiwi siya ng makita na medjo may
pagka-skimpy ang dating noon.
“Isuot
mo na, Uno” ani Natalie sa
kanya.
Tumayo na lamang siya at pumasok sa banyo upang isuot ang swimming
trunk. Pagkatapos ay nahihiyang lumabas na siya.
“Hindi
ba pangit tingnan?” tanong ni
Uno kay Amanda.
Umiling
ito. “Hindi, no? Ang ganda nga, eh. Bagay na bagay sa
'yo. Ang ganda pala ng katawan mo, Uno.”
Sabay-sabay na silang nagtungo sa beach.
Hiyang-hiya siya habang naglalakad. Hindi pa siya nakakapagsuot ng
ganoon sa buong buhay niya.
“Relax,
Uno. Ang hot mo and you have a nice body.”
ani Amanda.
Ngumiti na lamang siya rito.
Nasa isang cabana na ang mga kasama nila.
Kumabog ang dibdib niya nang makita si Chester.
Hey
there, hottie,” bati nito sa
kanya.
Ngumiti siya rito at pabirong inirapan ito. Itinago na lamang niya
ang nararamdaman niyang kaba. Nakaka-tense ang mataman na
pagkakatitig nito sa kanya. Para siyang yelo na nabilad sa araw at
handa nang matunaw.
Lalong nag-init ang mga pisngi niya nang pasadahan niya ng tingin ang
binata. Wala itong suot na pang-itaas kaya naman nahantad sa panigin
niya ang katawan nitong pang-billboard sa Edsa.
“Do
you like what you see?” pabirong
tanong ni Chester sa kanya.
Napangiti
siya. “Oo naman.”
Natawa
ito. “Your smile is brigther than the sun.”
“Kanta
ba 'yan?” ani Uno.
“No,
but I can turn it into a song. I will dedicate it to you.”
“Bakit
ba ang hilig mo akong bolahin?”
natatawang tanong ni Uno.
“Hindi
naman kita binobola. When I say something, I mean it.”
Napatingin
siya rito. You mean everything you say? Pati ba iyong
sinabi mong nililigawan mo ako at pati na rin iyong sinabi mong kahit
saan ka magpapakasal basta ako ang nasa tabi mo?
Ngali-ngaling itanong niya rito.
Ibinaling na lamang niya ang tingin sa mga kasama nila na noon ay
naglulunoy sa tubig.
“'Wag
muna tayong maligo. Maglakad-lakad muna tayo,”
suhestiyon ni Chester. Bago pa siya makasagot ay kinuha na nito ang
kamay niya.
Nagpatianod na lamang siya rito.
Nakarating sila sa isang malaking hammock na nakasabit sa dalawang
puno sa dulong bahagi ng resort malapit lamang sa cottage nila. Umupo
sila roon. Napaigtad siya ng magdikit ang mga balat niya. Hindi pa
rin nawawala ang koryenteng dumadaloy sa kanya kapag nagkakadikit
sila ni Chester.
Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nakatingin sa kanya si
Chester. Napatingin siya rito nang hawakan nito ang kamay niya at
dalhin nito iyon sa mga labi nito. Nanuot sa bawat himaymay ng
katawan niya ang init na nagmumula s halik nitong iyon.
“I
don't know where to begin and what to say...”
Napatitig
siya sa binata. Bahagya siyang natawa. “Ikaw? Hindi mo
alam?”
Ngumiwi
ito. “ Ewan ko, natotorpe ako sa 'yo.”
“Hindi
bagay sa 'yo ang matorpe,”
natatawang komento ni Uno.
Ngunit hindi ito natawa sa sinabi niya. Seryoso ang ekspresiyon nito.
Napatitig siya rito. At parang may sariling isip na kusang pumikit
ang mga mata niya. Kasabay ng marahang pagdapo ng hanging-dagat sa
balat niya ay lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya.
Marahan ang ginawang paghalik ni Chester sa kanya. Napahawak siya sa
mga braso nito.
Bahagya
nitong inilayo ang mga labi nito sa kanya at marahang pinisil ang
pisngi niya. “Relax and open your mouth,”
utos nito at hinalikan uli siya.
Sinunod niya ang sinabi nito.
Nang maramdaman niya sa loob ng bibig niya ang dila nito, pakiramdam
niya ay lalagnatin siya sa init na lumukob sa buong katawan niya,
lalo na nang maramdaman niya ang kamay nito sa balat niya. Ginaya
niya ang ginagawa nito. Gusto rin niyang matikman ang mga labi ng
binata.
Mahal na mahal kita Chester. Sana pagmamahal din ang kahulugan ng
ginagawa mo sa akin ngayon.
Nais pa niyang umangal nang itigil nito ang halik. Ngumit ito sa
kanya. Napaigtad siya nang ibaon nito sa leeg niya ang mukha nito at
marahan iyong kinagat.
“You
taste like honey,” wika nito
sa kanya.
Napangiti
siya. “And you taste like Coke. Nakakaadik.”
Natawa ito sa sinabi niya at marahan siyang pinisil nito sa
tagiliran.
Tumayo
ito at inalalayan siya. “Let's get my camera. I want to
take pictures of us together in every corner of this resort.”
He smiled. Corny na kung corny pero wala siyang pakialaman basta ito
ang nagsabi niyon.
Tinatunton nila ang daan patungo sa cottage nito. Ito na lang ang
pumasok sa loob. Sinabi na niya rito na pupunta muna siya sa cottage
niya para kunin ang sunblock niya. Ngunit natagalan siya sa
paghahanap dahil hindi niya makita iyon.
Napatingin siya sa pintuan nang may pumasok doon.
Ang
bilis naman ng guwapong ito.
“Hindi
ko pa nakikita ang hinahanap ko,”
aniya kay Chester.
“Let
me help you then,” anito.
Pumasok ito sa kuwarto niya at naghanap. “Ito ba?”
anito pagkalipas ng ilang sandali.
“Saan
mo nakita?” tanong niya kay
Chester.
“Under
your bed,” sagot nito.
“Akin
na. Ako na ang magdadala.”
Tumitig
ito sa kanya. “Wala ba akong premyo?”
Sinalubong
niya ang titig nito. “Wala, no?”
Kunwari
nasaktan ito. “Ang damot. Pero ako na ang magdadala
nito.” Humakbang na ito
patungo sa pintuan.
Napatingin siya rito at napabuntong-hininga.
“Ches....”
Lumingon ito sa tawag niya.
Tinawid niya ang distansiya sa pagitan nila at sinalubong ito ng
halik. He had no idea whether he was doing it right. Wala na siyang
pakialam. Maiintindihan naman siguro nito na wala siyang alam kung
paano humalik.
Hindi siya nabigo nang tugunin nito ang halik niya. Inihagis nito ang
lotion at ang dala nitong camera sa malambot na sofa na naroon.
Hinapit nito ang baywang niya at panalalim pa ang halik.
Kumapit si Uno sa mga balikat nito dahil biglang nanlambot ang mga
tuhod niya. Dahan -dahan sito nitong inilakad patungo sa kamang nasa
likuran niya habang magkahugpong pa rin ang mga labi nila.
Nabuwal si Uno sa kama habang nasa ibabaw pa rin niya si Chester.
Pinaliguan nito ng halik ang mukha niya hanggang sa leeg at balikat
niya. Kumawala ang mahinang ungol mula sa lalamunan niya nang mahina
nitong kagat-kagatin ang tainga niya. Malakas ang kiliti niya roon.
Mabuti na lamang at ibinalik nito ang mga labi nito sa mga labi niya.
Napapikit siya sa sensasyong nararamdaman niya.
Nakagat
niya ang ibabang labi niya nang tanggalin nito ang towel na nakasabit
sa leeg niya at simulang haplusin ang dibdib niya. “Ches....”
paungol na sambit niya sa pangalan nito.
“Your
so handsome, Uno....” Yumuko
ito at kinukob nito ang isang nipple niya.
Nalulunod na siya sa sensasyong idinudulot ng mga labi nito nang
bigla siyang mapaigtad nang mag-ring ang cell phone niya.
“Ignore
it,” sabi ni Chester.
Ngunit patuloy sa pag-ring ang cell phone kaya lumayo siya rito at
inabot iyon sa bag niyang nakapatong sa kama. Ang pangalan ng
madrasta niya ang nakita niya sa caller ID.
Napakunot-noo si Uno. Hindi siya tinatawagan ng madrasta niya kung
hindi rin lang importante.
Agad
na singao niya ang tawag. “Hello, Tiyang?”
“Ano
pa ba'ng ginagawa mo riyan. Puwede ba, umuwi ka na! Nasa ospital ang
tatay mo.”
Namutla siya sa sinabi nito.
“Isinugod
namin siya kanina. Kaya umuwi ka na. Hindi ko na alam ang gagawin
dito.” Naputol na ang tawag.
Nanginginig na ibinaba niya ang kanyang cell phone.
“May
problema ba, Uno?” tanong ni
Chester.
Napatingin
siya rito. “N---nasa ospital daw si Tatay. Kailangan ko
nang umuwi.”
Nagi-guilty at naguguluhan siya at the same time. Nagi-guilty dahil
nandoon siya sa resort at nagpapakasaya. Naguguluhan dahil sa
pagkakaalam niya ay wala namang sakit ang tatay niya. So, wala siyang
ideya kung ano ang nangyari at isinugod ito sa ospital.
“Everyting
will be all right.”
Tumango lang si Uno kay Chester, kapagkuwan ay pumasok na siya sa
silid kung saan naroroon ang kanyang ama. Nakita niyang nakahiga sa
kama ang kanyang ama, payapang natutulog at may mga aparato na
nakakabit sa katawan nito. Nasa tabi nito ang kanyang madrasta,
kasama ang dalawang kapatid niya.
“Sa
labas lang muna ako,” paalam
ni Chester.
Tumango
lang siya rito. Kapagkuwan ay bumaling siya sa kanyang madrasta.
“Tiyang, ano'ng nangyari?”
Napabuntong-hininga ito. Hawak-hawak nito ang kamay ng ama niya.
“Umuwi
siya kaninang tanghali sa bahay. Masama raw ang pakiramdam niya.
Akala ko naman, simpleng kondisyon lang iyon kaya hinayaan ko na muna
siyang matulog. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay bigla ko na lang
narinig ang sigaw niya mula sa kuwarto. Agad namin siyang dinala
rito. Doon ko lang nalaman na may sakit na pala siya sa bato. Malubha
na kaya kailangan nang operahan.”
Napatingin siya sa tatay niya. Bigla siyang nanghina at napaupo.
Bakit hindi man lang sinabi ng itay sa kanila na may sakit pala ito.
Parang gusto na lang niyang umiyak doon.
“Hindi
ko alam kung ano'ng gagawin. Ang mahal-mahal ng operasyon. May mga
gamot pa na kailangang bilhin.” Pumiyok
ang boses ng madrasta niya at napahagulhol.
Nilapitan niya ito at inalo. Pumatak na rin ang mga luha niya. Saan
kaya sila kukuha ng perang pampaopera?
Nakagat niya ang ibabang labi niya. Lalapit siya sa puwede niyang
malapitan basta maoperahan lang ang tatay niya. Hindi niya puwedeng
hayaan na wala man lang silang gawin tungkol sa kalagayan nito.
Mayamaya ay nagpaalam muna siya sa madrasta niya upang bumili ng
makakain nila. Nang tingnan niya ang wallet, nadismaya siya nang
walang makitang limandaan at limang piso lang ang laman niyon.
Nakagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang sarili niyang
umiyak.
Paglabas niya ng silid ay nakita niyang nakaupo roon si Chester. Agad
na nilapitan siya nito. Nang makalapit na ito ay hindi na niya
napigilan ang sarili na yumakap dito at mapahikbi.
Kailangan niyang mailabas ang nararamdaman niya kung hindi ay sasabog
ang dibdib niya.
Naramdaman
niyang hinalikan nito ang ulo niya. “Shhh... Nandito lang
ako.” Hinila siya nito sa
upuan na nandoon habang hawak pa rin siya nito. Sinabi niya sa binata
ang napag-usapan nila ng tiyang niya. Sa bawat paghikbi niya ay
naroon naman ito at niyayakap siya. “'Wag ka nang umiyak,
please,” anito habang hinahaplos ang likod niya at nakasubsob ang
mukha niya sa dibdib nito. “Your father will survive. Ako na ang
bahala sa magiging gastos n'yo rito sa ospital.”
Napaangat
siya ng tingin dito. “Chester?”
Ngumiti
ito at pinunasan ang mga luha sa mga pisngi niya. “I'll
take care of everyting, so stop worrying. Let's just pray for your
father's quick recovery.”
“P---pero...”
Alam niyang hindi niya maaaring tanggihan ang tulong nito dahil wala
naman siyang ibang mahihingan ng tulong. “Hindi ko alam
kung paano kita pasasalamatan, Chester,”
aniya. “Pangako, babayaran agad kita kapag nagkapera
ako.”
Tumitig
ito sa kanya. “Just your gratitude is enough.”
Umiling
siya. “Nagpapasalamat ako sa 'yo, Ches. Pero babayaran
kita. Kahit matagalan siguro ako sa pag-iipon basta babayaran kita. O
puwede mo akong kunin bilang katulong sa bahay n'yo.”
Pinisil
nito ang kamay niya. “ Hindi naman puwede 'yan.”
“Babayaran
kita,” desididong wika ni Uno.
He
sighed. “All right, kung ikagagaan ng loob mo. Fine,
babayaran mo 'ko in time.” ani
Chester.
Ngumiti
siya rito. “Salamat. Maraming salamat.”
Niyakap siya nito.
Ano kay ang gagawin niya kung wala ito sa tabi niya?
Agad na naoperahan ang ama ni Uno sa tulong ni Chester. Palagi itong
nakaalalay sa kanila. Lahat ng gastusin ay ito ang sumagot.
Dahil sa nangyari, unang pagkakataon niyang nakitang hindi
nagsusungit ang madrasta niya. Pormal pa rin ang pakikitungo nito sa
kanya pero mas okay na iyon sa kanya kaysa nakasinghal ito palagi sa
kanya. Buong-puso rin itong nagpasalamat kay Chester sa tulong ng
lalaki sa kanila.
Tulong-tulong sila ng madrasta niya sa pagbabantay at pag-aasikaso sa
tatay niya. Kapag walang gig o trabaho si Chester ay bumibisita ito
sa ospital. Kaya pagkatapos ng halos isang linggo mula noong
maoperahan ito ay umuwi na ito sa bahay nila at doon na tuluyang
magpapagaling.
“Salamat
sa tulong, hijo” anang tatay
ni Uno kay Chester nang makauwi na sila ng bahay. Ang binata na ang
naghatis sa kanila roon.
“Walang
anuman po,” magalang na wika
ni Chester at ngumiti rito.
Inihatid na niya ito sa labas pagkatapos.
“Salamat
talaga sa tulong. Basta babayaran nita, ha.”
Bahagya
itong natawa. “Don't stress yourself about it, okay? Kung
kaya mo na, saka ka na magbayad.”
Napatitig
siya rito nang haplusin nito ang mukha niya. “I don't
want to see you sad because I feel tem times more miserable. Kaya
ngumiti ka na,” anito.
“Bakit
ang bait-bait mo sa akin?”
tanong ni Uno.
He
let a soft laugh. “Mabait naman talaga ako. Pero mas
mabait ako pagdating sa 'yo.”
Umingos siya kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Hinalikan
siya nito sa pisngi. Naramdaman niya ang mainit na pakiramdam na iyon
nang dumampi sa kanyang balat ang mga labi nito.
“Aalis
na ako,” paalam ni Chester at
sumakay na sa kotse nito.
Napa-”hay” na lamang siya habang tinatanaw ang papalayong
sasakyan. Kapag hindi siya nakatiis ay baka ikumpisal na niya rito
ang nararamdaman niya.
No comments:
Post a Comment