“Ches,
ayoko. Hindi ko naman kilala ang mga ikakasal.
Nakakahiya. Hindi naman ako invited,” ani
Uno.
Kanina pa siya nito kinukulit na sumama rito sa kasal ng mga kaibigan
nito. Isang beach wedding iyon. Siyempre ay tumanggi siya dahil na
rin sa paulit-ulit na rason na sinasabi niya kay Chester. Una, akward
para sa kanya na pumunta sa kasal ng dalawang kaibigan nito dahil
hindi niya personally kilala ang mga ito. Pangalawa, hindi siya
invited.
“But
here's your invitation. Kanina lang ibinigay sa akin nina Jun.”
Iniabot nito sa kanya ang invitation na may motiff na sky blue.
Napatingin
siya rito. “Nanghingi ka para sa akin? Nakakahiya
talaga.”
Natawa
si Chester ng bahagya. “No, I didn't ask for that. Sila
mismo ang nagbigay niyan sa akin. Kilala ka nila.”
Hindi
naniniwalang tiningnan ni Uno si Chester. “Hindi nga?”
“Kilala
ka nila. Alam kasi nila na ikaw ang parati kong kasama. Alam din
nilang isa ka sa mga backup dancer sa concert namin.”
Hindi
na nakahirit si Uno sa sinabi nito. Parang kinilig siya sa sinabi
nitong siya ang palagi nitong kasama. Parang boyfriend
lang.
“So,
it's a 'yes'?”
Napangiwi
siya. “Eh, paano naman sina Tatay at Tiyang? Alam mo
namang pahirapan ag pagpapaalam sa mga iyon.”
Saglit na natahimik ito bago sumagot.
“Ipagpapaalam
kita.”
Hindi makapaniwala si Uno habang nasa loob siya ng sasakyan ni
Chester. Araw ng kasal ng mga kaibigan nito at papunta sila sa Hidden
Paradise Resort kung saan gaganapin ang eksklusibong okasyon.
Hindi pa rin niya lubos akalain na pumayag ang Tatay niya na sumama
siya kay Chester. Hindi naging madali para ditong gawin iyon. Sa
katunayan, gabi na ito nakauwi ng condo unit nito dahil apat na oras
yata itong nakipag-usap sa tatay niya.
Noong umpisa ay hindi pumayag ang tatay niya. Pero sa kalaunan at
napa-oo rin ito ni Chester.
Kinausap din siya ng kanyang ama pagkaalis ng binata. Napangiti siya
nang maalala iyon....
“Boyfriend
mo ba si Chester?”
Nag-angat
siya ng tingin sa tatay niya. “Hindi po.”
Halatang
hindi ito naniniwala. “Manliligaw?”
Umiling
siya. “Hindi rin po.” Hindi siya sure sa saot niya.
“Nanliligaw
'yon,” anito. “Basta, malaki ka na. Alam ko naman na responsible
ka kaya nagtitiwala ako sa 'yo at kaya kita pinayagan na sumama sa
kanya. Pakiramdam ko naman ay mabait ang batang iyon.”
“Salamat,
'Tay.”
“Naku,
malamang ang saya-saya mo ngayon dahil makakalakwatsa ka na at
makakaiwas ka na naman sa gawaing-bahay rito.”
Napatingin
siya sa madrasta niya. Nawala tuloy ang ngiti niya sa sinabi nito.
“Hayaan
mo na, hindi rin naman gaanong nakakapamasyal si Uno,” anang tatay
niya rito.
Hindi
na ito sumagot bagaman alam niyang nagngingitngit ito. Pero masaya
siyang marinig ang sinabi ng tatay niya sa kanya.....
“Uno”
Napatingin
siya kay Chester. “Ha?”
“Why
are you smiling?”
Nag-init
ang pisngi niya. “Ah.... Eh, wala. May naalala lang akong
nakakatawa.”
Napapitlag siya ng hawakan nito ang kamay niya habang ang isang kamay
nito ay nakahawak sa manibela. “Your father asked me if I was
courting you,” anito
Napatingin siya rito. Ano kaya ang isinagot nito? Kinakabahan siya.
“I
answered 'yes'.”
Napamaang
siya rito. “Gano'n?”
Natawa
si Chester. “Yes.”
“Bakit?”
“Yon
naman talaga ang ginagawa ko.”
Natunaw
yata ang puso ni Uno sa sinabi ng binata. Nanliligaw pala ito sa
kanya.
Nakagat
na lamang niya ang ibabang labi niya upang pigilin ang tili na nais
kumawala mula sa lalamunan niya.
“Hi
Ches! Hi Uno! “Bati sa kanila ni Emma nang makapasok na sila sa
resort. Kasama nito si Amanda na parang manyika sa ganda.
Kilala
niya ang mga misis at fiancee ng mga kaibigan ni Chester dahil
ipinakilala na siya nito noong dumalaw ang mga ito sa studio.
“Lalo
yata kayong gumaganda, ah,” papuri ni Chester sa mga ito.
“Nakakaganda
anf may minamahal, ano ka ba?” pasagot na biro ni Emma.
“Nasaan
nga pala si Nat?” tanong ni Chester.
“Nasa
room pa nila, pinapatulog si baby Nathan,” nakangiting sagot ni
Amanda.
Kilala
rin ni Uno si Natalie kahit hindi pa niya ito nakikita. Asawa ito ni
Enrique.
“Kailan
naman ang baby n'yo ni Phil?” nakangiting tanong ng binata kay
Amanda.
“Hopefully,
this year.”
Napangiti
na lamang siya sa mga ito. Mabuti pa ang mga ito, happilly married
na. Pumunta na sila sa loob ng isang malaking hall para kumain.
Naroon na raw ang lahat ng kaibigan ng binata. Bigla siyang inatake
ng hiya. Gusto tuloy niyang huwag na lang magpunta doon.
Kinuha na
ng isa sa mga caretaker doon ang mga gamit nila ni Chester. Sinabi sa
kanya ng binata na magkatapat lang ang cottage na tutuluyan nila.
“Hey,
are you okay?” tanong ni Chester kay Uno.
Napabuntong-hininga
siya. “Kinakabahan ako, nahihiya ako sa mga kaibigan mo.”
Napaigtad siya ng hapitin siya nito palapit at akbayan siya.
“Don't
worry, nakilala mo naman na sila, hindi ba?” Mababait ang mga 'yon.
You don't have to be shy or get nervous. Just feel right at home.
Kaibigan mo na rin sila, all right?”
Tumango
na lang si Uno.
“Ang
cute naman,” ani Uno habang hawak niya ang maliliit na kamay ng
anak nina Natalie at Enrique. Sumama siya kay Natalie pagkatapos
nilang makapananghalian sa kuwarto ng mga ito upang tingnan ang baby
boy nito. Si Chester ay nakikipag-usap kay Andy.
“Manang-mana
sa ama, right?” natatawang wika ni Nat. “Kilay ko lang ang
nakuha sa akin.”
“Guwapong-guwapo
pa rin naman, o?” aniya.
Ngumiti
ito at dahan-dahang hinaplos ang ulo ng anak nito. Bilib siya kay
Natalie. Kapapanganak pa lang nito pero slim pa rin ang figure nito.
Para lang itong dalaga.
“Kailan
naman kayo ni Chester?” tanong nito sa kanya mayamaya.
Napatingin
siya rito at mahinang natawa. “Naku, anong kasal? Hindi ko naman
siya boyfriend.”
“Hindi
ba? The boys told me that Chester's been talking about you often. So
I thought you were together.”
Siya,
bukambibig ni Chester? Umiling siya.
“Hindi.”
Ngumiti
ito. “He likes you, or maybe more than that. Maybe he loves you
already.”
Sunod-sunod
na iling ang ginawa niya. “Naku, hindi. Close lang kami ngayon,”
natatawang wika ni Uno.
“Goodness,
bro! You mean hindi mo pa siya boyfriend? What's stopping you?”
“No
idea,” matipid na wika ni Chester kay Andy. Tinanong kasi siya
nito kung sila na ba ni Uno.
“Bakit
ang kupad-kupad mo nang kumilos ngayon?” nakangising tanong ni
Andy.
“Sira!
Hindi naman ako makupad, ah!”
“Eh,
ano ang tawag mo riyan? Akala pa naman namin kayo na.”
“I
don't know what to do, bro. Honestly, I don't,” pag-amin ni
Chester.
Totoo
iyon. Hindi talaga niya alam ang gagawin. Ngayon lang yata nangyari
sa buhay niya na hindi niya alam ang gagawin, lalo pa at may
kinalaman iyon kay Uno.
Whenever
he was with Uno, things were wonderful, and easier. Parang ang gaan
ng pakiramdam niya tuwing kasama niya ito. Lalo na kapag napapangiti
niya ito, ibang klaseng fulfillment ang nararamdaman niya.
It wasn't
what he planned. From the beginning, he had known he was attracted to
him. But now, it was not like that anymore. Mas malalim pa sa
attraction ang nararamdaman niya pero natatakot siyang harapin iyon.
“Why
don't you tell him what you feel before it's too late?”
suhestiyon ni Andy.
“Tell
him what?”
“You
bloody well know what.”
Napamaang
si Chester rito. “Ronald Weasley, is that you?”
Nagkatawanan
sila. “Sira.”
“But
seriously, bro. I know you love her.”
“Wait,
what? Love?”
“Yes,”
walang kaabog-abog na sagot ni Andy.
Chester
sighed. Yes, Uno was different from all the guys he had ever met. He
was precious. But he was afraid of his own feelings.
Mayamaya
ay sinamahan na sila ni Jun.
“How's
the groom feeling?” tanong niya rito nang umupo ito sa harap
nila.
“Great.
Just great,” nakangising sagot ni Jun.
“Kausapin
mo nga itong si Chester, bro. Hindi pa pala sila ni Uno,” wika
ni Andy.
“What?”
Bumaling si Jun sa kanya. “Ang hina mo naman, bro. Go tell him
what you feel. And stop being such a pussy.”
Napatingin
si Chester rito. “Hell, I'm not.”
“Then,
do it.” magkasabay na wika ng dalawa.
“Are
you having fun?”
Tumingin
si Uno kay Chester na nasa tabi niya at ngumiti rito. Naglalakad sila
sa beach. “Oo naman. Ang babait nilang lahat. Feeling ko nga,
bestfriends ko na rin sila.” He chuckled.
Ngumiti
ito. “Mabuti naman.”
Tumingin
si Uno sa dagat.
Bukas ng
alas-nuwebe ng umaga gaganapin ang kasal. Naiinggit siya sa mga ito,
kasi nga nakita na ng mga ito ang mga makakasama ng mga ito sa buhay.
“Puwede
ko bang malaman kung ano ang iniisip mo?” tanong ni Chester.
Bumaling
siya kay Chester. “Iniisip ko lang ang mga ikakasal bukas.
Masaya ako para sa kanila.”
“Gusto
mo rin bang ikasal?”
Natawa
siya sa tanong nito. “Sino ba naman ang taong may ayaw? Kaya
lang sa sitwasyon ko tanggap ko na walang simbahan ang
magpapahintulot para ikasal ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki.”
“Kung
halimbawa ikaw ang ikakasal? Ano'ng gusto mo, beach wedding din?”
tanong ni Chester.
Bakit ba
ito nag-uusisa tungkol sa dream wedding niya?
O, Uno
baka mag-presume ka na naman diyan.
“Okay
naman beach wedding, pero mas gusto ko sa garden. Mas solemn. And
then ang reception, sa beach na,” sagot ni Uno sa tanong ni
Chester.
Napangiti
ito. “That's nice.”
“Eh,
ikaw ba?” kapagkuwan tanong ni Uno.
Nagkibit-balikat
ito. “Kahit saan basta nasa tabi kita.”
Biglang
kumabog ang dibdib niya. Magtatapat na ba ito ng pag-ibig sa kanya
pero idinadaan lang nito sa mga hirit nito?
“Let's
go, malamig na. Kailangan mo pang magpahinga para bukas,” ani
Chester.
Nadismaya
si Uno. “Mabuti pa nga,” aniya at nagpatiuna na rito sa
paglalakad. Nang makarating na sila sa harap ng pinto ng cottage niya
ay saka lang niya hinarap ito. “Goodnight.”
Ngumiti
ito. “Goodnight. Siyanga pala, ipapahatid ko na bukas ang
susuotin mo para sa wedding.”
“Ha?”
naguguluhang sagot ni Uno.
“Yon
ang isusuot mo. I'm sure, bagay na bagay 'yon sa 'yo.”
Napatango
na lamang si Uno. Ang susuotin sana niya bukas ay isang simpleng polo
lang at broad short na binili niya noong nakaraang buwan sa
Divisoria.
“Sige
matutulog na 'ko,” paalam niya. Akmang papasok na siya sa silid
niya nang biglang pigilan siya sa braso ni Chester at iniharap siya
rito. Hindi siya nakahuma nang halikan siya nito sa mga labi.
Napasinghap
si Uno. Iyon ang unang halik niya dahil hindi siya nagpapahalik sa
naging nobyo niya noon.
Patuloy
siyang hinalikan nito. Siya naman ay parang naengkanto lang at hindi
na malaman kung tutugon. Pero bago pa niya napag-isipan ang gagawin
ay pinakawalan sa siya nito.
Habol
niya ang kanyang hininga. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang
pisngi.
Walang
ano-ano ay niyakap siya ni chester. “Matulog kang mabuti,”
bulong nito sa kanya, pagkatapos ay pinakawalan na siya nito at
lumakad na patungo sa cottage nito na nasa tapat lang ng cottage
niya.
Wala sa
sarili na pumasok na rin si Uno sa loob. Nang maisara niya ang pinto
ay hinaplos niya ang mga labing hinalikan ni Chester. Napangiti siya.
“Uno,
you look so handsome,” nakangiting papuri sa kanya ni Natalie.
Nasa isang silid sila. Kasama rin nila roon ang dalawang bride.
Suot niya
ang white long sleve na hapit sa kanyang katawan at floral broad
short na ibinigay sa kanya ni Chester. Hindi siya sanay magsuot ng
ganoong damit, na-build naman ang confidence niya dahil sa mga
papuring natanggap niya mula sa mga kasama niya.
Ilang
sandali pa ay nagsimula na ang seremonya. Na-conscious si Uno nang
makita niyang nakatingin sa kanya si Chester. Bigla niyang naalala
ang halik na pinagsaluhan nila kagabi.
Kumabog
nang husto ang dibdib niya nang makitang palapit na ito sa kanya..
Ang guwapo-guwapo nito sa suot nito.
Hinalikan
siya nito sa pisngi.
“Ang
guwapo mo,” anito.
Ngumuso
siya upang pagtakpan ang kilig na nararamdaman niya sa papuri nito.
Natawa lang ito.
Magkasabay
silang pumunta patungo sa lugar kung saan gaganapin ang kasalan.
Tumabi siya kina Amanda, Natalie at Emma. Nang sulyapan niya si
Chester sa kabilang panig, ngumuso ito sa kanya na animo ay hahalikan
siya. Natawa siya.
“Ang
sweet n'yo, ah,” puna ni Emma kay uno.
“Hindi
naman masyado,” pabirong sagot niya.
Sa
reception, naaliw si Uno habang nakatingin sa anak ni Natalie. Nang
magpaalam ito upang pumunta sa restroom ay nagprisinta siyang siya
muna ang hahawak sa baby. Inilagay niya ang bata sa kandingan niya na
payapang natutulog.
“Puwede
ka nang maging daddy.”
Napatingin
siya kay Chester na siyang nagsalita. Umupo ito sa puwesto ni Natalie
at mataman siyang tiningnan.
Bigla
siyang na-conscious. “Grabe ka nman makatingin.”
Natawa
naman si Chester. “Can't blame me. Ang guwapo mo kasi.”
Nagulat
siya nang biglang may nag-flash na camera sa harap nila.
“Bagay
na bagay, ah,” ani Phil sa kanila na siya palang kumuha ng
litrato nila.
“Hindi
ka man lang nagsabi na pi-picture-an mo kami,” reklamo ni
Chester.
Natawa si
Phil. “Tayo muna kayo. Mabuti at karga ni Uno si baby Nath.
Mukha kayong happy family.”
Nagkatinginan
sila ni Chester at ngumiti sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment