“Niyayaya
mo akong lumabas?” hindi makapaniwalang
tanong ni Uno kay Chester na kausap niya sa telepono. Nasa loob siya
ng kanyang silid at nakahiga sa kama.
Tumawa
ito. “You sound so surprised. Hindi ba puwede? May ginagawa ka
ba?”
“W---wala
naman.”
“O,
wala naman pala. So, payag ka na? We'll just roam around the city.
Joyride.... something like that.”
Napangiti
si Uno. May nalalaman pa itong joyride.
Napatingin
siya sa wall clock. Alas-otso pa lamang ng umaga.
Nakagat
niya ang ibabang labi niya. Paano kaya siya magpapaalam sa madrasta
niya? Siguradong tatalakan na naman siya nito. Sinabi pa naman niya
rito na wala silang practice nang araw na iyon at maglalaba siya.
“Ah....
Ches... may gagawin kasi ako, eh. Sorry. Next time na lang siguro,”
aniya. Nanghihinayang siya pero hindi niya puwedeng pabayaan ang
gagawin niya. Baka lalo lang magalit sa kanya ang madrasta niya.
“Masyado
bang importante? Hindi ba puwedeng i-cancel mo muna ang gagawin mo?”
tanong nito.
Nakagat
niya ang ibabang labi niya. “Hindi, eh.”
Bumuntong-hininga
ito. “Sige, next time na lang siguro. Bye, Uno.”
“Bye.”
Napaupo siya sa kama. Nanghihinayang siya sa paanyaya nito. Gusto
niya itong makita. Pero ano ang magagawa niya?
“Uno!
Ano ba? Hindi ka pa ba maglalaba?”
Napabuntong-hininga
siya nang marinig ang tinig ng madrasta niya. “Maglalaba na po!”
Nagpunta
na siya sa likod-bahay at nagsimulang maglaba.
Nasa
kalagitnaan na siya ng kanyang ginagawa nang makarinig siya ng mga
papalapit na yabag. Nang lumingon siya ay napamaang siya nang makita
si Chester.
Nagha-hallucinate
ba siya dahil sa kakaisip sa binata? “Chester?”
“Hi,”
nakangiting bati nito sa kanya. Lumapit ito at umupo sa tabi niya.
“A---ano'ng
ginagawa mo rito?”
“I'm
here to help you.”
“Ano?”
Ngumiti
ito. “You heard me me.”
“Ano
ka ba? Umuwi ka na. Bakit ba kasi nagpunta ka pa rito?”
Pinapasok
ba ito ng madrasta niya?
“Sige
na, tutulungan na kita para makapamasyal na tayo pagkatapos,”
anito.
“Paano
ka nakapasok dito?”
Ngumiti
ito. “Pinapasok ako ng mama mo. She's strict, huh. Mabuti na
lang at nadaan ko sa pakiusap. I told her I was your friend. Mukha
ngang ayaw pa talaga akong papasukin, nakulitan lang siguro siya sa
akin.”
Napangiwi
si Uno. Nakakahiya rito.
“Chester,
'wag mo na akong tulungan. Kaya ko na ito,” aniya.
“'Wag
mo akong tanggihan, Uno.”
Napanguso
siya. “Para namang marunong ka.”
Natawa
ito. “ I could learn. At saka, puwede naman kitang tulungan sa
paglalagay ng tubig. Para hindi ka na tumayo.”
Napailing
na lamang siya. Bagaman nahihiya siya ay hindi na siguro niya ito
mapipigilan.
Tumango
na lamang siya.
Nagsasampay
na si Uno ng mga nilabahan nila ni Chester. Mabuti na lamang talaga
at naroon ito. Napadali ang paglalaba niya. Ito na ang nag-abot ng
mga damit habang nagsasampay siya.
“Uno!
Hindi ka pa ba tapos diyan?”
Napanguso
siya nang marinig ang boses ng madrasta niya. Hindi ba nito nakikita
na nagsasampay na siya?
“Malapit
na po!” sagot niya. Tumingin siya kay Chester. “Psensiya
na kung palaging nakasigaw at nakasimangot si Tiyang.”
Kumunot
ang noo nito. “Tiyang?”
Tumango
siya. “Hindi ko siya tunay na ina. Pangalawang asawa lan siya ng
tatay ko.”
“Really?
Kaya pala hindi kayo magkamukha.”
Natawa
siya.
“Ah,
Uno. If you don't mind my asking, where's your real mom?”
Uno
sighed. “Iniwan niya kami ni Tatay no'ng sampung taong gulang pa
lang ako.”
“I'm
sorry to hear that.”
“Okay
lang 'yon. Tanggap ko naman na ang nangyari. Mas pinili niya ang
magandang buhay sa Amerika. Isa rin siyang dancer. Nang may nag-offer
sa kanya na pumunta sa London para magtrabaho sa isang theater
company roon ay pumayag agad siya. Kayan 'ayun, naiwan kami ni Tatay.
Wala na kaming balita sa kanya mula noon.” Hinawakan siya nito
sa balikat bilang pakikisimpatya.
Nang
matapos sila ay pumasok na sila sa loob. Nagluluto ng tanghalian ang
madrasta niya. Naglalaro sa sala ang kapatid niya. Ang isa pa niyang
kapatid ay nasa eskuwelahan.
“Papayag
ba siyang umalis tayo?” pabulong na tanong ni Chester sa kanya.
Napaigtad
siya sa ginawa nito. Ang init ng hininga nito ay tumama sa tainga at
leeg niya na nagdulot ng bolta-boltaheng koryente sa sistema niya.
“S---susubukan
ko,” aniya. “Maupo ka muna.”
Tumango
ito.
Lumapit
siya sa madrasta niya. “Tiyang, puwede po bang samahan ko si
Chester na lumabas muna?” aniya. Kinakabahan siya sa isasagot
nito.
“Ang
sabihin mo, mamamasyal kayo,” anito.
“Iyon
na nga po. Pero sandali lang po kami.”
“Sige,
papayag ako dahil tinapos mo na ang labahin. Pero sandali lang, ha.
Umuwi ka agad dito.”
Napangiti
siya. “Salamat po.”
Hindi
siya sinagot nito bagkus ay binalingan nito si Chester na nakaupo sa
sala. “Narinig mo ang sinabi ko? Dapat makauwi na agad dito si
Uno. Marami pa kaming gagawin dito at hindi kasali ang pamamasyal,”
seryosong wika nito.
Tumango
si Chester.
Umakyat
na siya sa kuwarto niya at nagbihis.
Ang ganda
ng ngiti ni Chester nang makita nito ang ayos niya.
“Ang
guwapo mo talaga,” papuri nito sa kanya.
Nag-iinit
ang mga pisngi niya sa tahasang pamumuri nito. Nag-iinit hindi lang
ang mukha niya kundi pati buong katawan niya.
“Tiyang,
aalis na po kami,” paalam niya.
“Aalis
na po kami,” paalam din ni Chester.
“Is
hse really rude to you?” tanong nito nang nasa loob na sila ng
kotse nito. Pinaandar na nito iyon.
Nagkibit-balikat
siya. “Oo, pero sanay na ako. Ganoon talaga siya. Wala na akong
magagawa.”
“Pero
hindi ka dapat nagpapaapi sa kanya.”
Natawa si
Uno. “Hindi naman niya ako inaapi. Mabigat lang talaga ang dugo
niya sa akin.”
“Same
thing,” anito. “Nakakainis lang isipin na gano'n ang
treatment niya sa 'yo. Kapag gano'n siya palagi, baka itakas na lang
kita sa inyo.”
“Anong
itatakas?” Natawa siya nang bahagya.
Ngumiti
ito. “Meaning, ako na lang ang mag-aalaga sa 'yo.”
Kasabay
ng pagsilay ng ngiti sa mga labi niya ay ang pag-iinit ng kanyang mga
pisngi. Kasabay rin niyon ay parang bumukas ang dibdib niya upang
i-reveal ang tunay na nilalaman ng puso niya; he was in love with
him. Noon pa mang una niya itong nasilayan ay alam niyng doon na ang
tungo niya. Iyon ang dahilan kung bakit palagi na lang itong laman ng
isip niya. At lahat na yata ng ginagawa nito sa kanya ay
nakakapagpasaya sa kanya.
Gayuman,
nahihiya siya sa rebelasyong iyon. Baka mamaya ay siya lang ang
nakakaramdam ng ganoon.
“Dito
tayo?” tanong ni Uno kay Chester nang makababa sila ng kotse
nito.
Puno ng
paghanga na inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa isang flower
farm sila na si kalayuan sa siyudad. Ang daming sari-saring bulaklak
doon.
“Yes,”
sagot ni Chester.
“Wow!
Ang ganda! Hindi ko alam na may ganitong lugar dito sa Maynila. Sino
kaya ang may-ari nito? Mukha kasing hindi ito open sa public.”
“Actually,
kaibigan ko ang owner nito. Come, pumasok na tayo. May butterfly
garden do'n.”
Na-excite
si Uno sa sinabi nitong butterfly garden.
Kahit
tanghali ay hindi masyadong maiinit ang sikat ng araw, palibhasa ay
marami ring puno sa paligid.
“Halika,
pasok tayo,” yaya nito nang nasa harap na sila ng entrance ng
butterfly garden. Isang estraktura iyo na nababalutan ng malaking net
upang ptotektahan ang nasa loob na mga bulaklak at paruparo.
Lalo
siyang humanga nang pumasok na sila sa loob. Ang ganda-gandang
tingnan ng mga nagliliparang paruparo.
“Ang
ganda 'di ba?” ani Chester sa kanya na noon ay hindi pa rin
binibitawan ang kamay niya. Gustong-gusto naman niya ang pakiramdam
na hawak nito iyon.
“Oo
nga, eh. Salamat, ha? Kung hindi dahil sa 'yo hindi pa ako
makakapunta sa ganitong kagandang lugar.”
Ngumiti
ito sa kanya kasabay ng pagpisil sa kamay niya. Pakiramdam niya ay
nanlalambot ang mga tuhod niya. Pero ang sarap ng feeling.
Umupo
sila sa wooden bench doon.
“Dito
na rin tayo mag-lunch,” wika ni Chester kapagkuwan.
“May
restaurant dito?”
“Yes,
nasa kabilang street lang. Ang owner nitong flower farm ang may-ari
rin ng resto,” anito.
Napatango
na lang siya.
Ibinaling
niya ang tingin sa paligid. Bakit kaya doon siya nito dinala?
Napakaespesyal ng lugar na iyon. Pakiramdam tuloy niya ay
napakaespesyal din niya.
Mayamya
ay narinig niyang mahinang umaawit ang binata. Ang kinakanta nito ay
“Marry You” ni Bruno Mars.
Napatingin
si Uno dito.
“I
like that song,” anito sa kanya a ngumiti.
Napagiti
ni Uno. Sino naman ang gusto mong pakasalan.
“You're
very handsome,” pahayag nito.
Idinaan
na lang ni Uno sa pagngiwi ang kabang nararamdaman niya. “Bolero.”
Tumawa
ito nang mahina. “No. Hindi ako marunong niyan.”
Napayuko
na laang siya. Baka tuluyan na siyang malugmok sa panghihina ng mga
tuhod niya.
Hindi na
rin ito nagsalita. Parang ang lalim ng iniisip nilang dalawa. Ilang
sandali pa ay tumayo na ito at niyaya siyang kumain.
Napuno ng
saya ang puso ni Uno nang hindi nito kinalimutang kunin ang kamay
niya habang palabas sila ng lugar na iyon.
Lord,
mahal ko na po talaga si Chester. Ano po ang gagawin ko?
Nang
makarating sila sa harap ng restaurant ay napatigil sila nang may
bumusinang kotse sa gilid nila. Napatingin sila roon. Bumaba mula sa
driver's seat ang isang matangkad na lalaki.
“Hi,
Ches!” bati ng lalaki at lumapit sa kanila. Humalik ito sa
pisngi ng binata.
Bigla
siyang nanliit nang tingnan niya ang lalaki. Ang guwapo-guwapo nito
at ang puti-puti. Para iton prinsipe. Hindi niya malaman ang gagawin.
Gustong-gusto niyang pumasok na lamang sa loob ng restaurant.
“Hi
Jeff. This is Uno,” pagpapakilala sa kanya ng binata sa lalaki.
“Uno, si Jeff.”
“Hello,”
nakangiting bati ni Jeff.
“Hi,”
ganting-bati niya.
“Saan
ang punta mo?” tanong ni Chester sa binata.
“I'm
going home na. Katatapos ko lang mag-lunch sa loob. Syang at hindi
tayo nagpang-abot,” sagot ni Jeff.
Pakiramdam
niya ay bigla siyang na-out of place. Halatang close sa isa't-isa ang
dalawa.
“Bye,
Uno. Nice meeting you,” narinig niyang paalam ni Jeff.
Napatingin
siya rito at ngumiti.Hindi niya namalayan na tapos na palang mag-usap
ang mga ito.
“Sory,
ah,” nakangiwing wika ni Chester sa kanya pagkaalis ng kotse ni
Jeff.
“Ano
ka ba? Okay lang,” sagot niya. Okay lang kahit na-insecure
ako bigla.
Nawala
ang nararamdamang negative feeling ni Uno nang kumakain na sila ni
Chester sa restaurant. Panay kasi ang kuwento nito ng nakakatawang
experience kasama ang mga kabanda nito. Kaya naman nang matapos na
sila ay magaan na ang pakiramdam niya.
Palabas
na sila ng restaurant nang maalala niyang itanong dito kung sino si
Jeff.
“Boyfriend
mo ba siya?” lakas-loob na tanong niya kay Chester.
Napakunot-noo
siya nang tumawa ito nang mahina.
“Si
Jeff? He's just a friend, Uno.”
“Friend?”
Tumango
ito. “Okay, nagkaro'n kami ng relasyon, pero for a short time
lang naman.”
Binawi
niya ang tingin dito. So ex-boyfriend nito ang lalaki. Ang guguwapo
siguro ng mga nagiging nobyo nito.
“Don't
get me wrong,” biglang bawi nito. “Gusto ko lang sabihin
sa 'yo na nagkaroon kami ng relasyon ni Jeff. Iyon lang naman.”
Ngumiti
si Uno. “Okay lang. Wala naman akong sinasabi, ah.”
“Well,
I just wanted to make sure na wala kang iniisip na nakaka-bother sa
'yo. I don't like it.”
“Ayaw
mong naba-bother ako?”
Tumango
ito. “Yes. Gusto ko, may peace of mind ka lagi.”
“Bakit?”
“Bakit
na naman?” natatawang wika ni Chester.
“Halika
na nga.” Humakbang na si Uno patungo sa kotse ni Chester.
“Becasue
I care for you.”
Napahinto
si Uno sa sinabi ni Chester. Nilingon niya ito.
Ngumiti
ito sa kanya.
Lumapit
ito sa kanya at inakbayan siya. “Let's go.”
Pakiramdam
niya ay nagwala ang puso niya. Siyempre narinig niya ang sinabi
nitong “I care for you.” At kinilig siya dahil doon. Parang
alagang-alaga ang pakiramdam niya. Parang noon lang uli niya
naramdaman ang ganoong kasaya --- na may concerned sa kanya --- mula
noong iwan sila ng nanay niya at nag-asawa uli ang tatay niya.
Ang
saya-saya ng pakiramdam ni Uno pagkatapos niyon. Mas naging handa na
siyang aminin sa sarili niya na hulog na hulog na ang puso niya kay
Chester.
No comments:
Post a Comment