Thank You For Visiting..

03 January 2014

Lyrics And Me Chapter 05




One, two, three... Up,” mahinang wika ni Uno habang kinakabisa niya ang steps ng isa sa mga sasayawin nila sa concert.


Pinapakinggan niya ang kanta ng Hype na “My Sunshine” kanina. Maganda at napaka-jolly ng kanta kaya hindi iyon mahirap gawan ng choreography. Excited na siyang mag-ensayo na naman sila ng bagong kanta.


Naroon sila sa loob ng dance studio. Breaktime nila kaya nagkaroon siya ng oras para makapag-ensayo.


Ang galing-galing mo na. 'Wag ka nang mag-ensayo.”


Napalingon siya sa nagsalita. Si Nick iyon. Isa sa mga kasamahan niyang back-up dancers.


Ano ka ba, Nick? Kailangan ko pa ngang kabisaduhin ang sayaw, eh,” nakangiting wika niya rito.


Ako na lang ang turuan mo,” wika nito.


Natawa siya. “Hindi ba dapat ako ang turuan mo?”


O, sige magturuan na lang tayo.”


Napangiti siya nang magsimula itong sumayaw sa tugtog ng isinasayaw nila kanina.


Napangiti siya. Guwapo si Nick, mabait at maginoo. May-kaya ang pamilya nito pero pinili nitong maging dancer. Bakit ba hindi niya ito magustuhan bilang lalaki? Siguro ay dahil na rin sa kaibigan niya ito. Hindi niya gustong magkaroon ng boyfriend na kaibigan niya. Isa pa, wala talaga siyang maramdamang spark o kilig man lang para dito.


Katulad ng kay Chester? Sinalakay siya ng hiya sa naisip. Hayun na naman siya at nilalagyan ng malisya ang pakikipaglapit ni Chester sa kanya.


Sumikdo ang dibdib niya nang makitang nasa pintuan si Chester at nakatingin sa kanila ni Nick. Seryoso ang ekspresiyon nito. Tumango lang ito sa kanya, pagkatapos ay umalis na.


Naguguluhang napakunot-noo na lang siya.


Uno.”


Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makitang si Chester ang tumawag sa kanya. Katatapos lang ng ensayo nila para sa araw na iyon at inililigpit na niya ang mga gamit niya. Nasa restroom naman si Macky at nagbibihis.


O, Chester,” aniya.


Hindi niya ito nakita kahapon. Sinaway pa nga niya ang sarili dahil nami-miss niya ito.


Nahigit niya ang kanyang hininga nang tumabi ito sa kanya. Nanuot sa ilong niya ang pamilyar na bango nito.


Kamusta ang practice?” tanong nito.


Iniiwas niya ang tingin sa binata. Hindi niya kayang makipagtitigan dito. “O---okay lang naman.”


Hindi na nito sinundan ang tanong nito. Dati naman ayang daldal nito. Napatingin siya sa binata.


Ikaw, kamusta? Naging busy ka yata,” wika niya para may maitanong dito.


Nag-out of town kasi kami kahapon, for a show,” sagot nito.


Napatango siya. Naninibago siya sa pagiging tahimik nito. May problema kaya ito? Gawin kaya niya iyong ginawa nito sa kanya? Dalhin kaya niya ito sa mall at maglaro uli sila sa arcade.


Remember, Uno. Wala kang pera. Ibinigay niya sa tatay niya ang perang natanggap niya kahapon na allowance mula sa dalawang linggong pag-eensayo nila. Ang tanging natitirang pera sa kanya ay hindi kasya para yayain niyang mag-arcade ang binata. Isa pa, mahal ang token doon.


M---may problema ba?” lakas-loob na tanong niya rito.


Wala naman,” nakangiting sagot nito.


Ngumiti na lang din siya.


Uno?”


Napatingin siya rito. “Bakit?”


Boyfriend mo ba 'yong kasama mo kahapon sa practice?”


Napamaang si Uno. “Si Nick?”


Whatever his name is.”


Bahagya siyang natawa. “Hindi, ah. Kaibigan ko lang si Nick. Kaibigan namin ni Macky.”


Really?”


Anong 'really'? Siyempre naman.”


Napangiti si Chester. “Thank you for answering.”


Ito naman ang tumitig sa kanya. Napalunok na lamang siya. Ibig man niyang bawiin ang tingin dito ay hindi niya magawa. Nakakahipnotismo ang mga mata nito.


Wala lang.”


Sige na, sabihin mo na.”


We'll find out soon.”


Tumaas ang isang kilay niya. “We?”

Ngumiti na lamang ito. Naputol na lamang ang pagtitinginan nila nang lumabas na mula sa restroom si Macky. Napangiti na lamang siya nang kumindat sa kanya ang binata.


Bakit b ang guwapo-guwapo nito na parang gumagaan ang lahat sa paligid niya? Ano ba iyon?




Damn! Bro, this is....” Hindi na itinuloy ni Chester ang sasabihin at sinapo ang kanyang ulo. Nasa counter sila ni Phil ng Tavern at umiinom. Katatapos lang ng set nila.


What's wrong?” natatawang tanong nito.


Uno,” matipid na sagot ni Chester.


Why, is he bothering you?”


Nagkibit-balikat siya. “I don't know what's happening to me. But can you believe this? I got jealous of his friend?”


Really?”


Tumango siya. “I don't wanna see that man talking to him. It makes my eyes green with jealousy.”


Totoo iyon. Nang makita niyang nagtatawanan sina Uno at ang kasama nito sa practice ay naiinis siyang bigla. It was way out of the line but what could he do? Iyon ang nararamdaman niya.


That's new, bro,” anito at tinapik siya sa balikat. “Why don't you find out what the deal is?”


Napatingin siya rito. “Huh?”


Mararamdaman mo naman 'yon kung mahal mo na siya.”


Kumunot ang noo niya. “Mahal? Nah. You're going too far, bro.”


I'm not. It's the truth.”


Nah,” tanggi pa rin niya.


Bro, later on, baka magising ka na lang na hinahanap-hanap mo siya.”


Napailing na lamang siya at tinungga ang beer niya.


Ano ba ang sinasabi nito? Posible kaya iyon?


He could not answer it but he knew it wouldn't happen. It wasn't part of his plan. He planned to have an easy life as a single.


Yes, that's my plan.




Okay, break na muna,” anunsiyo ni Ma'am Badeth.


Kinuha ni Uno ang dalawang face towel at pinunasan ang mukha niya. Nakakapagod ang straight na pag-eensayo nila. Mabuti na lamang at hindi masyadong marami iyon.


Look who's here.”


Napatingin siya kay Macky. “Sino?”


Nasagot lamang ang tanong niya nang makitang nakalapit na sa kanila si Chester. Sa araw-araw na nakikita niya ito ay lalo yata itong gumuguwapo.


Nakangiting tumabi ito sa kanya. Na-conscious siya bigla. Ngumiti siya rito.


Let me help you,” anito. Kinuha nito ang face towel na hawak nita at ito mismo ang nagpunas ng pawis niya sa likod.


Humaba ata ng ilang pulgada ang buhok niya. “T---thank you,” aniya nang matapos ito.


Nag-iinit ang kanyang mga pisngi nang makitang ngiting-ngiti lang si Macky.


Nakakapagod ba?” tanong ni Chester kapagkuwan.


Tumango siya. “Pero masaya naman.”


You should bring a lot of towels. Baka matuyuan ka ng pawis.”


Bakit ba ang sweet-sweet nito sa kanya?


Ramdam niyang nakatingin sa kanila ang ibang mga kasama niya.


Mayamaya pa ay tinawag na sila para ipagpatuloy ang practice.


Tumingin siya kay Chester. “Magsisimula na uli kami,” aniya.


Ngumiti ito. “Okay. Dito muna ako at panonoorin kita.”


Tumango na lamang siya. Kinagat niya ang ibabang labi niya nang tumalikod na siya. Panonoorin siya nito? Ugh! Kinakabahan yata siya.


Okay, guys. From the top. Lifts to flip. Make sure na sabay-sabay,” wika ni Ma'am Badeth sa kanila.


Hinawakan niya ang partner niya sa baywang at iniangat. Ipinatong nito ang pang-upo ni Angel sa mga braso niya habang magkahawak ang mga kamay nila. Pagkatapos ng isang ikot ay lumiyad ang partner nito patungo sa kanyang likuran. Hinawakan nito ang mga binti nito, ngunit bigla silang nawalan ng balanse at natumba sila sa sahig at sa ibabaw niya bumagsak ang kanyang ka-partner. Nauntog ang ulo niya sa sahig.


Agad nagsilapitan ang lahat sa kanila.


Uno! Are you okay?” tanong ni Ma'am Badeth at sinalat ang ulo niya.


Napatingin siya kay Chester na lumapit din sa kanya. Tama ba ang nakikita niyang labis na pag-aalala sa mukha nito? Tinulungan siya nitong makabangon.


Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “I'll take you to the hospital.”


Umiling si Uno. “Okay lang ako. Hindi naman malakas 'yong pagkakabagsak namin.”


Napabuntong-hininga si Chester.


Sorry, Uno, ha? Nawalan kasi ako ng balance. Hindi ko talaga sinasadya,” wika ni Angel.


Ok lang. Aksidente naman iyon kaya wag ka mag-alala, Angel”


Dahil sa nangyari kay Uno ay pinakiusapan ni Chester si Ma'am Badeth na huwag na muna siyang isali sa susunod na practice. Pumayag naman ang choreographer nila.


Inalalayan siya ni Chester na umupo sa isang upuan.


Are you sure you're okay?” tanong nito sa kanya kapagkuwan.


Okay lang talaga ako,” nakangiting sabi ni Uno.


I'm worried, you know.”


Hindi na niya napigilang kabahan. Natatakot siya sa posibleng patunguhan ng nararamdaman niya para dito. He was so close to.... To what? To falling in love.


Isang bahagi ng pagkatao niya ang natutuwa sa bagong pakiramdam na iyon. Pero sa kabilang bahagi naman ay nalulungkot. At hindi niya alam kung bakit.



No comments:

Post a Comment