Naglakad
lakad sila Enzo at Andrew sa mall. Napagkasunduan nilang tatlong
magkakaibigan na magkita-kita para naman makapag-bonding uli sila.
Mag-iisang buwan na kasi ang lumipas mula noong huli silang
magkasama--- nang nagpahula sila kay Manang Elsie. At nang mga
sandaling iyon ay hindi pa nagte-text si Mhelo kung nasaan na ito.
“Ang
tahimik mo ata Enzo? Ano'ng nangyari sa 'yo?”
pukas ni Andrew sa pananahimik niya. Hindi kasi ito sanay na ganoon
siya. Dapat nga ay nagkukumahog na siyang hilain ito sa kung
saan-saan. O kaya ay sinusubukan na nila ang mga free items sa loob
ng department store.
“Ikaw
rin, ang tahimik mo. Ano'ng nangyari sa 'yo?”
balik tanong niya rito. Napansin din kasi niya na tila wala rin sa
kasiglahan ito.
“Ako
ang unang nagtanong, mauna kang sumagot,”
balik nito.
Bumuntong-hininga siy Enzo. Ilang araw na ang dumaan
noong huli silang magkausap ni JM. Ang akala nga niya ay nakalusot na
siya sa pagsisinungaling niya rito. Subalit hindi pa pala. Hindi na
siya muling kinausap ni JM pagkatapos nilang sabay kumain sa
restaurant. Pakiramdam pa nga niya ay iniiwasan talaga siya nito.
Tuwing magtatangka kasi siyang kausapin ito ay bigla itong iiwas at
sasabihing may aasikasuhin pa itong importanteng bagay. Mabigat sa
kanyang dibdib na iniiwasan na siya ng lalaking mahal niya. Kung noon
nga na wala siyang nagawang kasalanan dito ay hirap na hirap na
siyang magpapansin sa binata, ngayon pa kaya na nagsinungaling siya
rito.
Hinila siya ni Andrew patungo sa isang bench.
“Ano'ng
nangyari?”
agad na tanong nito pagkaupo pa lang nila.
“May
malaki akong problema,”
pagbubukas niya ng usapan.
“Ano?
Nakapatay ka?”
eksaheradang tanong nito.
Hinampas
niya ito sa balikat. “OA
ka naman!”
“Sabi
mo kasi may malaki kang problema?”
ganti ni Andrew.
“Oo
nga, pero hindi naman gano'n kalaki.”
“Eh,
ano nga ang problema mo? 'Tagal ha!”
naiinip na sabi ni Andrew.
“Galit
sa akin si JM ko.”
Umawang
ang bibig ni Andrew sa pagtataka. Mayamaya pa ay tumawa na ito. “Ang
laki ng problema mo, girl, ha? Kasinlaki ng mundo,”
pang-aasar pa nito.
“Thanks.
You're a big help,”
sarkastikong saad niya.
“Ito
naman pikon agad,”
nakangiting umabrisete sa kanya ang kaibigan. “Bakit
ba kasi nagalit sa 'yo ang JM mo?”
“Nagsinungaling
kasi ako sa kanya,” pag-amin
ni Enzo.
“Bakit
ka nagsinungaling?”
“I
want to be with him.”
“Hmm...
Eh, di mag-sorry ka,”
payo ni Andrew sa kanya.
“Naman,
friend! Alam mo kung gaano kabato ang puso ng lalaking 'yon. Kahit
ilang bilyon beses pa ako lumuhod at humingi ng tawad sa kanya, hindi
pa rin niya ako patatawarin,”
himutok niya.
“Lumuhod
ka sa harap niya?”
nawiwindang na tanong nito.
“Hindi
pa naman, Andrew. But I think that's a good idea.”
Kapag lumuhod kaya siya sa harap ni JM, pansinin at kausapin kaya
siya nito?
“Gaga,
huwag mo ngang isipin na gawin 'yan. Iuumpog kita sa pader ng
matauhan ka na. Kung kalimutan mo na lang kaya si JM? Tutal, mukhang
wala ka namang mapapala sa kanya,”
sabi ni Andrew.
Matagal siyang nawalan ng imik. Kaya ba niyang kalimutan
si JM? Walong taon na ang pagsinta niya at minsan ay hindi pumasok sa
isip niyang isuko ang nadarama niya para sa binata. Palagi niyang
sinasabi sa sarili na may pag-asa pa siyang magkaroon ng lugar sa
puso nito dahil hindi naman siya nito itinataboy palayo. Baka
kailangan lang niyang pagbutihan ang panunuyo rito para naman
mapansin din nito ang pagsinta niya. Subalit ngayon tila ito na ang
umiiwas sa kanya ay parang gusto na niyang mawalan ng pag-asa.
Napagod na ba itong i-tolerate ang pangangalandakan niya
ng pag-ibig dito? Nasakal na ba ito sa pagiging possesive niya gayong
wala namang totoong namamagitan sa kanila? Kung bakit ba naman kasi
hindi niya mapigilan ang sarili na nagkinin si JM na tila pag-aari na
niya ito sa napakatagal na panahon. Ano ba ang magagawa niya? He was
so in love with that guy that he couldn't stop herself from feeling
jealous and of being afraid of those girls and gays who might make
him fall in love with them. Natakot siyang baka makatagpo na ito ng
ibang tao na gigising sa natutulog nitong damdamin. Alam kasi niya na
posibleng hindi siya ang taong iyon.
Walong taon na niyang sinusubukang makapasok sa puso
nito subalit nananatili pa rin iyong sarado. Paano na lang pala kung
isang araw ay makilala na nito ang taong magpapaibig dito? O baka nga
nakilala na nito kaya iniiwasan na siya nito?
Napabuntong-hininga
uli si Enzo. “Tama
ka, friend. Dapat na talaga akong sumuko. Dahil kahit ano ang gawin
ko, hindi ko masusungkit ang puso ng lalaking 'yon. I give up,”
deklara
niya.
“Tama.
Ganyan nga,”
pagpapalakas ng loob sa kanya ni Andrew.
Napaluha siya. Mukhang kailangan na niyang tanggapin ang
katotohanang hindi magiging kanya ang puso ni JM. Napakatanga talaga
niya dahil ngayon lang niya iyon natanggap sa sarili. Bakit ba niya
hinayaan ang puso niya na patuloy itong mahalin? Sana ay noon pa niya
naisip na mag0move on. Pero hindi niya iyon pinagsisisihan. Sinunod
lang niya nag nahuhumaling niyang puso kay JM. Pati na rin ang
pinagsasasabi ng manghuhula.
Ilang
sandali pa at naramdaman niyang yakap-yakap na siya ni Andrew upang
aluin. “Ayos
lang yan. Kasama 'yan sa paglaki.”
Humagikhik siya sa birong iyon ng kaibigan. Magsasalita
pa sana ito kung hindi lang nila nakita si Mhelo na tumatakbo habang
palingon-lingon. Kumawala sila isa't isa ni Andrew.
“Mhelo!”
pasigaw na tawag dito ni Andrew. Lumingon-lingon si Mhelo.
“Mhelo, here!”
tawag uli niya rito, at sa wakas ay nahagip na rin sila ng tingin ni
Mhelo. Agad na dinaluhong sila nito at pinagtig-isahang hawakan ang
mga braso nila ni Andrew at saka hinila papasok ng department store.
Nagtataka man ay nagpatianod na lang sila rito. Mayamaya ay may
nahagip ang mga paningin nito at hinila sila paupo ni Andrew patago
sa mga damit na naka-hanger doon.
“Ano
ba'ng nangyayari?”
hindi na napigilan ni Enzo na tanungin ito.
“Sshhh...
Huwag kayong maingay,” saway
nito sa kanila.
“Bakit
ba? May huma-hunting ba sa 'yo?”
tanong ni Andrew.
“Oo.”
Akmang
tatayo si Enzo nang agad na pinigilan ni Mhelo. “Sino'ng
humaha-hunting sa 'yo? Tara, magsumbong tayo sa mga pulis,”
baling niya rito.
“H-hindi
na kailangan.”
“Eh,
paano kung patayin ka ng taong 'yon?”
nag-aalalang sambit ni Andrew.
Sa nakikita kasi nila kay Mhelo ay mukhang malaking gulo
ang napasok nito.
“Hindi
naman niya ako papatayin. Baka sakalin lang niya ako,”
sagot ni Mhelo sa kanila.
Tinampal
ni Andrew si Mhelo sa braso.
“Gano'n din 'yon, no?”
ani ni Andrew.
“Sino
ba kasi ang huma-hunting sa 'yo? Kilala ba namin?”
nagtatakang tanong ni Enzo.
“Oo.
Kilalang-kilala n'yo,”
sagot ni Mhelo at tumayo ito para silipin ang kung sino mang
naghahanap dito.
“Sino?!”
duwetong tanong nila Enzo at Andrew.
“Si
Cody Adams,”
tugon nito at saka muling umupo.
“Si
Cody Adams?!”
nagduduwetong bulalas ng dalawa.
“Yeah,
it's me,”
narinig nilang sabi ng kung sino.
Sa iisang tao sila lumingon na tatlo. Si Cody Adams nga
ang masa harap nila at madilim na madilim ang mukha nito. Bumaba ang
tingin niya sa suot nitong jacket na mukhang mamahalin. May dumi
iyon. Sabay pa silang bumaling ni Andrew sa isa't isa. Mukhang
nauunawaan na niya ang nangyari. Sa isang iglap ay nakita na lang
niya na umangat si Mhelo mula sa pagkakaupo.
“You're
gonna pay for this, you lousy boy.”
Marahas na hinila ni Cody palabas ng department store si Mhelo.
Nagkatinginang tumayo na sila Enzo at Andrew.
“Sa
palagay mo ba ay tama si Manang Elsie?”
Hindi makapaniwala sa mga nangyayaring tanong niya kay Andrew. Ang
tinutukoy niya ay ang manghuhula na pinagdalhan sa kanila ni Mhelo
noon. Ang sabi kasi ni Manang Elsie ay isang blue-eyed man ang
magbabalik sa buhay ni Mhelo. At si Cody lang naman ang lalaking
natatandaan niyang may blue na mga mata ang nagkaroon ng malaking
parte sa buhay ni Mhelo. Posible kayang totoo ang mga sinabi ni
Manang Elsie? May pag-asa pa ba talaga siya kay JM? Baka may paraan
para makapasok siya sa pusong-bato ng binata.
Kibit-balikat lang ang isinagot sa kanya ni Andrew.
“Kasi,
tingnan mo, girl, bumalik nga si Cody sa buhay ni Mhelo,”
nae-excite pang wika niya.
“They're
not in good terms,”
sambit agad ni Andrew.
“Malay
mo naman na doon magsisimula ang lahat?”
“Huwag
mong sabihing magbabago na naman ang isip mo?”
nagdududang baling nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang naging
desisyon niya kanina lamang.
“Girl,
malay mo kasi, tama si Manang Elsie,”
punong-puno ng pag-asa ang dibdib na sabi niya rito. Paano kung totoo
nga ang sinabi ng manghuhula? Hindi naman yata tama na isuko niya ang
matagal na niyang pinaglalabang pag-ibig.
Hayun na naman si Enzo, sa isang iglap ay nagbago na
naman ang isip. Talaga yatang baliw na ito.
“Enzo?!”
Sabay silang napalingon ni Andrew sa lalaking tumawag sa
pangalan niya.
“OMG!
Si JM my loves,”
mahinang tili niya.
“Hello, JM. Sinusundan mo ba ako rito?”
tanong niya sa lalaki nang makalapit na ito sa kanila. Sigurado na
siya. Siguradong-sigurado na siyang tama si Manang Elsie. Nagsasabi
nga iyon ng totoo. Sa isang sulyap lang niya kay john Michael,
pakiramdam niya ay nakikita na niya nag future nila na magkasama.
“Bakit
ka naglalamyerda sa oras ng trabaho?”
nakakunot ang noong tanong nito.
“Eh,
kasi...”
“Halika
na.”
Hinablot na ni Jm ang braso niya.
“Aray!”
Napangiwi siya habang naglalakad sila palabas ng department store
nang mahawakan nito ang pulsuhan niya. Agad na bumitaw siya at
ikinubli rito ang pasa na naroon. Nangingitim na kasi iyon, masagwa
nang tingnan baka ma-turnoff pa sa kanya si JM dahil doon.
“Napaano
'yan?”
tanong nito.
“Wala.
Ano lang, ah... Napahampas lang sa door frame ng banyo kaninang
umaga,”
sagot niya.
“Patingin
nga.”
inabot uli nito ang braso ni Enzo. “Tara
na at nang maasikaso natin 'yan. Masakit ba?”
Tuluyan
na siyang napatingala rito. Masarap kasi sa pandinig niya ang
nahihimigan niyang pag-aalala sa boses nito. “Ano
pa'ng tinitingin-tingin mo riyan? Tara na!”
yakag na nito kay Enzo.
Wala sa loob na nagpatianod na lang si Enzo sa binata
habang papalabas ng mall. Naiwan na nila si Andrew sa loob ng
department store ngunit hindi na siya nababahala roon dahil sigurado
siya naiintindihan na nito ang sitwasyon niya kapag ganoong sangkot
na si JM. Malapit na din naman ang mall na iyon sa puwesto ng flower
shop na mina-manage nito.
Dumeretso na sila ni JM sa kotse na dala nito.
“Ipapakuha
ko na lang ang kotse mo sa ----”
“JM,
galit ka pa ba sa 'kin?”
putol niya sa sinasabi nito.
Pinagtaasan
siya nito ng isang kilay. “Kailan
ba ako nagalit sa 'yo?”
“So,
hindi ka na nga galit sa 'kin?”
Gustong magtatalon ng puso niya sa sobrang kaligayahan sa sinabi
nito.
“Bakit parang iniiwasan mo ako nitong nakaraan kung hindi ka talaga
galit sa akin?”
Nag-iwas
ng tingin si JM. “Maramai
lang akong inaasikaso. Tara na nga. Sinabi ko na ngang hindi ako
galit. Ang dami -dami mo pang tanong. Kanina pa kita hinahanap sa
office, bakit bigla ka na lang...”
Hindi na naintindihan ni Enzo ang paglilintanya ni JM.
Maluwag ang ngiting sumunod na siya rito. Hindi naman pala ito galit
sa kanya. Ang kaalamang iyon ay sapat na para matahimik ang dibdib
niya at patuloy na umasa na balang-araw ay mapapansin din nito ang
damdamin niya para dito. Ganoon katindi ang epekto ni JM sa pagkatao
niya. Makagawa lang siya ng kaunting pagkakamali na posibleng
ikagalit nito ay talagang restless na siya. Kaya nga ingat na ingat
siyang huwag makagawa ng kasalanan dito. Kahit naman balahura ang
pag-uugali niya, may kahinaan din siya. At iyon ay walang iba kundi
si JM.
No comments:
Post a Comment