Nasa
studio si Uno kasama ang iba pang napiling backup dancers para
saconcert ni Hype. Labinlima silang lahat. Doon muna sila
magpa-practice nang ilang linggo. Sa susunod ay doon na mismo sila sa
venue kung san gaganapin ang concert.
Malaki
ang studio kaya hindi sila mahihirapang mag-ensayo roon. Ipinakilala
sa kanila ang kanilang choreographer na si Badeth. Sa tingin niya ay
nasa early thirties ang edad nito. Sinabi na rin sa kanila ng
management na magkakaroon sila ng allowance habang nagpa-practice
sila. Malaki rin ang suweldong tatanggapin nila pagkatapos ng
concert. Siyempre, natutuwa siya. Malaking pera iyon at makakatulong
iyon sa pamilya nila.
Mayamaya
pa ay nagsimula na ang practice. Basic routine lang muna ang gagawin
nila dahil tatlong buwan pa mula ngayon ang concert. Mas pabor iyon
sa kanila para makapag-ensayo sila nang mabuti.
Mabait na
ang choreographer nila. May kanya-kanya silang partner para sa bawat
routine katulad ng mga lifting. Ang kapareha niya ay si Angel na
kaibigan din nila ni Macky at nakakasama niya noon sa pagsasayaw.
Half day
lang ang practice nila. Pagsapit ng tanghalian ay sabay-sabay na
silang nag-uwian.
Nagulat
pa si Uno nang makita niya sa labas ng studio si Chester. Ngumiti ito
nang makita siya. Pumintig ang puso niya. Ang guwapo-guwapong tingnan
nito habang nakasandal ito sa kotse nito.
Marahan
siyang siniko ni Macky. Lalo siyang kinabahan nang lumapit ito sa
kanila. Ngumiti ito.
“Pauwi
na kayo?” tanong ni Chester.
Napatingin
siya sa nakangiting kaibigan niya. Ito na ang sumagot sa tanong ng
binata.
“Ihahatid
ko na kayo.”
Bumilis
ang pintig ng puso niya.
Nagprisinta
na naman itong ihatid sila.
Sobrang
bait lang ba ng guwapong ito o may gusto ito sa kanya?
Masyado
kang feeling Uno.
Siguro ay
mabait lang talaga ito. Ayaw niyang mag-presume na may gusto ito sa
kanya dahil malayo iyon sa realidad.
Naramdaman
niyang mahina siyang siniko ni Macky. Ano ba ang nangyayari sa kanya
at natatameme siya?
Nang
mapatingin siya kay Chester ay nakangiti ito sa kanya. Napalunok
siya. Ilang sandali pa ay binuksann na nito ang pinto ng kotse nito.
“Halika
na,” yaya ng kaibigan niya. “Doon ka sa passenger's seat.”
Nauna na itong pumasok sa kotse.
Napabuntong
hininga siya. Wala na siyang choice kundi doon pumuwesto sa tabi ng
bintana. Nakakahiya kung doon silang dalawa ng kaibigan niya sa
backseat. Magmumukha itong driver nila.
Guwapong
driver.
Dahan-dahan
siyang sumunod. Nagwala ang puso niya nang mapadaan siya sa tapat ng
binata. Ngayon pa lang yata siya tinamaan ng ganoon kagrabeng
paghanga sa isang lalaki na halos nawawalan na siya ng ulirat at
konsentrasyon.
Susme!
Nang nasa
daan na sila ay halos ang kaibigan niya ang sumasagot sa lahat ng
tanong ng binata. Sumasagot lang siya tuwing may itatanong ang binata
tungkol sa kanya. Hindi na nga niya halos marinig ang sariling boses
dahil sa lakas ng pintig ng puso niya.
Kung
kailan siya nagtapos ng kolehiyo ay saka siya kinakabahan nang ganoon
sa isang kalahi ni Adan.
Ibig
niyang mapapikit dahil nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng
binata. Ang sarap siguro nitong yakapin.
Umayos
ka nga, Uno, saway niya sa sarili.
Unang
madaraanan ang bahay nina Macky kaya ito ang unang bumaba ng kotse.
Ngiting-ngiti pa ang bruha sa kanya, samantalang siya ay parang hindi
makahinga sa sobrang kaba.
“You
know, you can talk to me like we've known each other for a long time.
Hindi naman ako suplado or what.”
Napatingin
si Uno kay Chester na nakangiti habang nagmamaneho.
“Alam
ko naman,” pakli niya at ngumiti rito.
Madali
lang silang nakarating sa bahay nila dahil hindi naman iyon kalayuan
sa bahay nina Macky. Ibig niyang mapangiti nang bumaba ng kotse ang
binata at pinagbuksan siya nito ng pinto.
“S---salamat,”
aniya.
“You're
very welcome, Uno.”
Kinilig
siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Parang ang
lambing-lambing ng pagkakabigkas nito roon.
“B---baka
gusto mo munang pumasok sa loob,” alok niya.
Ngumiti
ito. “Next time na lang siguro. May pupuntahan pa kasi ako.”
Nagpaalam
na ito sa kanya ngunit bago ito pumasok ay kumindat pa ito sa kanya.
Hindi na yata nagpa-function ang sistema niya. Hanggang sa makaalis
na ang binata ay kinikilig pa rin siya.
“Sino
naman 'yon?”
Napapitlag
siya nang marinig ang boses ng madrasta niya. Naroon ito sa pintuan
ng bahay nila at nakatingin sa kanya. Naglakad na siya patungo roon
at nagmano rito.
“Miyembro
po 'yon ng banda kung saan kami magba-back-up dancre,” sagot
niya.
Umismid
ito. “Aba, at natuto ka na palang maghanap ng mayaman.
Kunsabagay, nasa dugo mo naman. Wala ka ring ipinagkaiba sa ina mo,”
anito at tinalikuran siya.
Nagpanting
ang mga tainga niya sa sinabi nito. Kahit ganoon ang ginawa ng
kanyang nanay ay ina pa rin niya iyon.
“'Wag
n'yong isali rito si Nanay at 'wag na kayong magsalita ng laban sa
kanya, Tiyang,” nagtitimping wika niya rito.
“At
ngayon ay ipinagtatanggol mo pa siya? Eh, iniwan nga niya kayo.
Mag-isip-isip ka nga,” anito.
Hindi na
siya sumagot. Malabo nang magkasundo pa sila ng madrasta niya.
Masyado itong maldita. Mabuti na lamang at hindi na pumasok si
Chester sa bahay nila at baka mapahiya lang siya.
Tumuloy
na siya sa kuwarto niya.
Maagang
nagpunta si Uno sa rehersal nila, kasama si Macky. Alas-tres pa ng
hapon ang practice nila at ala-una pa lamang. Nagpaalam muna ang
kaibigan niya na lalabas dahil magpapadala raw ito ng pera sa kapatid
nitong nag-aaral sa probinsiya.
Pagkaalis
ni Macky ay nagsimula siyang mag-warm up.
Napatingin
siya sa repleksiyon niya sa floor-to-ceiling na salamin na nasa harap
niya at napabuntong hinigna. Bigla niyang naalala ang kanyang ina.
Hindi man lang siya nito nakitang lumaki. Hindi man lang nito nakita
na tulad nito ay mahilig din siyang sumayaw. Hindi pa rin niya
maiwasang manikip ang dibdib niya tuwing naiisip niya ang kanyang
ina.
Napauopo
na lamang siya sa sahig at marahang pinahid ang mga luhang pumatak
mula sa mga mata niya. Ang aga-aga ay nagdadrama siya.
Napapitlag
siya nang maramdaman niyang may humawak sa likod niya. Napalingon
siya at nakita ang guwapong mukha ni Chester.
“May
problema ba?” tanong nito.
Nahihiyang
umiling si Uno. Nakita pa nito na nag-e-emote siya. “W---wala.”
Ngumiti
ito. “Cheer up.”
Ngumiti
na lamang siya. “A---ano'ng ginagawa mo rito?”
“May
meeting kami mamaya,” sagot nito.
Napatango
na lang siya. Napatingin siya sa kamay nito nang iabot nito ang isang
panyo sa kanya.
“Salamat,”
aniya.
“Halika.”
Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo. “Let's
go out. Maaga pa naman. Mamaya pa naman ang practice n'yo, right?”
Wala sa
sariling tumango si Uno.
Sumakay
sila sa kotse nito. Kahit wala siyang ideya kung saan sila pupunta,
panatag naman ang loo niya na sumama rito.
Huminto
ang kotse sa tapat ng isang mall. Nakakunot-noong tiningnan niya si
Chester. Ngumiti lang ito sa kanya.
Nasagot
ang tanong sa isip niya nang igiya siya nito sa arcade.
“Maglaro
na muna tayo,” anito sa kanya.
Napangiti
na lamang si Uno. Naglalaro pa pala ito ng ganoon?”
Ang una
nilang nilaro ay ang basketball. Pagkatapos ay hinila naman siya nito
sa Dance Dance Revolution.
Todo-ling
ginawa niya. “Naku, ayoko.”
“Come
on! I know you know how,” anito at naghulog ng token.
Naiiling
na pumayag siya at sinimulang maglaro.
Sa
kalaunan ay ine-enjoy na niya ang ginagawa at nakalimutang nanonood
si Chester. Isa talaga ang pagsasayaw na nakakawala ng stress niya.
Nang
matapos iyon ay nakatawang lumapit na siya kay Chester na
pinapalakpakan pa siya.
“Ang
galing mo talagang sumayaw,” anito.
Hindi
naman, eh.”
“Magaling
nga. Come, may premyo ka.”
Lumapit
ito sa isa na namang mga laro kung saan may maliliit na teddy bear na
nasa loob at kailangan lang kunin gamit ang mechanical hands.
“Marunong
ka niya?” tanong niya kay Chester. Sa tingin niya ay mahirap
iyong laruin.
Nagkibit-balikat
ito. “I'll try to get one,” anito.
Pinanood
na lamng niya ito habang buong ingat ito na naglalaro. Nang unang
beses ay hindi nito nakuha ang teddy bear na target nito, ganoon din
sa pangalawa at pangatlong subok nito.
“'Wag
mo nang pilitin,” nakatawang wika niya.
“Nah.
I've got to win,” anito at ipinagpatuloy ang paglalaro.
Sa
panlimang subok, hindi siya makapaniwalang nakuha nito ang teddy
bear.
“See?
Never give up,” mayabang na wika nito. Ibinigay nito sa kanya
ang teddy bear.
Napangiti
siya. “Thank you. Ang galing mo.”
Ngumiti
lang ito nang matipid na tila rpoud na proud sa nagawa nito. Hindi
naman niya napigilan ang ngumiti dahil ang cute nito --- guwapo and
at the sme time, napaka-cute.
Nagpasya
na silang bumalik sa studio nang makitang malapit nang mag-alas-tres.
Naalala niya si Macky. Baka nakabalik na ito sa studio.
“Did
you have fun?” tanong ni Chester kapagkuwan.
Tumango
siya. “Oo. Salamat talaga.”
Hindi ba
nito alam na wala pang nakakagawa niyon sa kanya? Pakiramdam niya ay
umabot hanggang Mindanao ang buhok niya dahil sa haba niyon. Makasama
lamang niya si Chester ay isang malaking karangalan na para sa kanya.
May mga
nagpa-picture pa rito kanina ang palabas na sila ng mall. Ang isiping
siya ang kasama nito ay nakakapagpasaya na sa kanya.
At ano
naman kaya 'yon?
Napailing
na lamang si Uno. Nababaitan lang siya sa lalaki. Miyembro ito ng
isang sikat na banda, samantalang siya ay isang ordinaryong lalake.
Basta ang importante ay alam niya kung saan siya dapat lumugar.
Napakaambisyosa naman niya kung iisipin niyang may gusto sa kanya si
Chester.
“Your
album is still number one at all music stores, nationwide.”
Napangiti nang maluwag si Chester sa masayang balita ni Sir Larry sa
meeting nila.
“Apir,
mga bro,” nakangiti ring wika ni Jun sa kanilang lahat.
Nag-high-five
sila at tinapik ang balikat ng bawat isa.
Ang
balita pa, baka magkaroon na naman sila ng award next week dahil sa
magandang sales ng album nila. Napakalaking achievement niyon para sa
kanila.
They had
worked hard on their first album and it all paid off. It wasn't just
about the sales, but it was more about the happiness that comes from
knowing that people liked their album.
Sa
susunod na linggo ay luluwas na sa Maynila si Enrique kasama ang
misis nitong si Natalie na nakapanganak na dalawang buwan na ang
nakakalipas. Dito na muna sa Maynila ang mga ito maninirahan para na
rin matutukan ni Enrique ang nalalapit nilang concert. May special
guest appearance ito sa concert bilang dating bokalista nila.
Pagkaalis
ni Sir Larry ay napag-usapan naman nila ang mga personal na buhay
nila. Napagkasunduan nina Alex at Jun na sabay na ang mga itong
magpapakasal sa susunod na buwan.
“Hindi
na ba talaga kayo mapipigilan?” tanong niya sa himig na
nagbibiro.
“Hindi
na, bro. Wala nang makakapigil pa sa amin,” sagot ni Jun.
Napailing
na lamang si Chester. “What can I say.... Congratulations and
good luck.”
“Luko-luko,”
nakatawang wika ni Alex.
“Mag-asawa
ka na rin kaya, bro?” suhestiyon ni Phil.
Umasin
ang mukha ni Chester. “Matagal pa siguro.”
“Matagal
pa? Eh, panay na nga ang dikit mo sa isa sa mga dancer. What's his
name again?” tanong ni Jun.
“Uno,”
nakangiting sagot ni Andy.
Napailing
na lamang siya. “'Wag n'yo nang usisain ang love life ko, mga
bro.”
Ngunit
humirit pa rin ang mga ito. “Malakas ba ang tama mo kay Uno?”
tanong ni Alex.
Napangiti
lang si Chester.
“Yuck,
bro, nagba-blush ka na pala ngayon?” pang-aasar ni Andy na
mukhang hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanya.
Humagalpak
ng tawa ang mga ito.
“I'm
not blushing,” naiiling na wika na lamang niya.
Naalala
niya ang ginawa nila ni Uno kanina. He could not imagine that it
really happened. Hindi siya ang tipo na nag-e-enjoy sa mga arcade.
Ngunit kanina ay siya pa ang nagdala roon kay Uno. Nakita kasi niyang
mukhang malungkot ito kaya niya ito dinala roon.
Ano ba
ang mayroon si Uno?
Well,
he's sweet, charming, simple at very masculine in a very unique way.
“Bro,
sagutinmo nga kami. How do you find him?” tanong ni Phil.
Napatingin
siya rito at sa iba p niyang mga kaibigan bago sumagot. “He's
just.... simply amazing,” sagot niya.
Nagkatinginan
ang mga ito.
“Iyon
lang?” Pumalatak si Andy. “Hindi ka pa rin nagbabago.”
Napangisi
siya at nagkibit-balikat na lang.
No comments:
Post a Comment