Hindi
napigilan ni Uno ang mapasigaw pagkatapos niyang makatanggap ng tawag
mula sa assistant ng manager ng Hype. Sinabi nito sa kanya na isa
siya sa mga nakapasa sa audition. Napuno ng excitement ang dibdib
niya sa natanggap na balita. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa
kaibigan niyang si Macky at sinabi nitong nakapasa rin ito. Dobleng
saya iyon para sa kanya.
“Ano
ba! Ang ingay-ingay!” narinig niyang bulyaw sa kanya ng
madrasta na nasa kusina.
Nakagat
niya ang ibabang labi niya. Bahala ito sa buhay nito. Basta siya ay
masayang-masaya.
Magsisimula
ang practice nila sa susunod na linggo. Excited na siya.
Kinagabihan,
agad na ibinalita niya iyon sa kanyang ama pag-uwi nito.
“Nakapasa
po ako, 'Tay. Makakatulong po ito sa atin,” masayang wika niya
rito.
“Naku
bakit? Pang-CEO ba ang suweldo mo riyan?”
Napatingin
siya sa madrasta niya na nasa sala at nanonood ng telebisyon kasama
ang mga kapatid niya.
:Hindi
naman po, pero kahit papaano po ay makakatulong iyon. Next week po
namin malalaman kung magkano ang suweldo namin,” mahinahong wika
niya.
Hindi na
ito nagkomento bagaman nakasimangot pa rin ito. Hindi na lang niya
ito tiningnan upang hindi na siya ma-high-blood.
“Sige,
basta sinasabi ko sa 'yo. Huli na 'yan,” anang ama niya.
Tumango
si Uno. “Siyempre naman po. Hindi ko naman po nakakalimutan ang
sinabi ninyo sa akin.”
Tumango
ang ama niya.
Kahit
wala itong ipinapakitang suporta sa hilig niya ay kuntento na siya na
pumayag ito. Iyon lang, dapat niyang isiksik sa isip niya na huli na
niyang pagsasayaw iyon. Pagkatapos ng concert ng Hype ay maghahanap
na siya ng isang regular na trabaho. Para na rin mapagbigyan na niya
ang gusto ng ama niya at hindi na siya talakan ng kanyang madrasta.
Kinabukasan,
gamit ang kanyang naitabing pero ay nagpunta si Uno sa mall upang
bumili ng maisusuot niya para sa practice. Napaglumaan na rin kasi
ang mga damit niyang isinusuot sa mga sayawan noon. Baka konti galaw
lang niya ay mapunit na ang tela.
Dalawang
pants at tatlong pang itaas ang binili niya. Sa tantiya niya ay six
hundred ang mababayaran niya sa mga iyon.
Pumila pa
muna siya dahil may tatlong katao ang nauna sa kanya roon. Ilang
sandali pa ay siya na ang inasikaso ng nasa cashier. Nakita niyang
five-hundred pesos ang babayaran niya. Kinuha na niya ang wallet sa
bag niya para lamang mamutla nang hindi niya iyon matagpuan sa loob.
Bakit
wala rito ang wallet ko?
Namumutlang
tiningnan uli niya ang loob ng bag niya ngunit wala talaga roon.
Napatingin siya sa tindera na noon ay nakatingin din sa kanya.
“Miss,
wala rito ang wallet ko,” nahihiyang wika niya.
“Naku,
Sir, paano po iyan, na-punch ko na po 'yang binili ninyo,”
anito.
Nakagat
niya ang ibabang labi niya. Bakit ba ngayon pa niya nakalimutan iyon?
“Ako
na ang magbabayad, Miss.”
Napalingon
siya sa malambing na baritonong boses na iyon. Napamaang siya nang
tumambad sa kanya ang guwapong mukha ni Chester. Iyong lalaki na
labis na nagpakaba sa kanya noong audition.
Hindi na
siya nakahuma nang ito na ang magbayad ng mga pinamili niya. Nakita
niyang ang credit card nito ang ginamit ng lalaki. Napalunok siya
nang malanghap ang mabangong amoy nito.
“Heto
na po.”
Napatingin
siya sa tindera na todo-ngiting nakatingin kay Chester. Siya na nag
kumuha ng mga plastic bag.
Sumikdo
ang dibdib niya nang maramdaman na nakahawak sa braso niya ang lalaki
at iginiya siya palayo roon.
“S--
salamat. Babayaran na lang kita. Naiwan ko kasi ang wallet ko sa
bahay,” aniya kay Chester.
Nakangiting
umiling ito. “Don't worry about it. And please, huwag mo na
akong bayaran. Just think of it as my gift.”
Napatango
na lamang si Uno.
Kinakabahan
siya habang kasabay ang lalaki sa paglalakad sa mall, lalo na at
amaraming mga mata ang napapatingin sa kanila.
“Uno.”
“H--
ha?”
Ngumiti
ito. At hayun na naman ang pagsirko ng tiyan niya.
“Kumain
muna tayo,” anito.
Bigla
siyang nag-panic. Hindi na nga siya magkandaugaga ngayong naglalakad
lang sila paano pa kaya kung kaharap na niya ang guwapong binata sa
pagkain?
“Naku,
'wag na. Uuwi na akasi ako,” pagdadahilan niya rito.
“Come
on. Malapit na ang tanghalian. Mamaya ka na lang umuwi,” anito
habang nakatitig sa kanya.
Nanlambot
ang mga tuhod niya. “Eh, kasi....”
“Please?”
anito.
Napaka-adorable
tingnan nito nang sabihin nito ang “please” kaya
napatango na lamang siya. Iniligtas siya nito sa problema niya kanina
sa cashier kaya wala sigurong masama kung papaunlakan niya ang
paanyaya nito.
Pumasok
sila sa isang mamahaling restaurant na nasa loob din ng mall. Sa
buong buhay niya ay hindi pa siya nakakapasok sa mga ganoong klaseng
kainan. Hanggang Jollibee lang siya na palagi pang libre sa kanya ng
mga kaibigan niya. Kung hindi sa mga ito ay hindi pa niya
mararanasang pumasok sa mga fast-food restaurant.
Agad na
lumapit sa kanila ang waiter nang makaupo sila.
“Ano'ng
gusto mo?” tanong ni Chester.
Hindi
makasagot si Uno. “Ikaw na lang ang um-order para sa akin,”
nahihiyang pakli niya.
Ngumiti
ito sa kanya at sinabi na sa waiter ang order nila.
Pasimpleng
inilibot niya ang mga mata sa loob ng restaurant. Halos lahat ng
kumakain doon ay halatang mayayaman.
“So,
did you get a call?” tanong ni Chester sa kanya na nagpabalik
ng atensiyon niya rito.
Tumango
siya. “Oo.”
Ngumiti
ito. “See? I told you.”
Napangiti
rin si Uno. Ang sarap sa pakiramdam na parang tiwalang-tiwala ito sa
talento niya. Miyembro ito ng Hype. Siyempre, karangalan para sa
kanya na bilib ito sa kanya.
Dumating
ang order nila. Ang bango ng mga pagkaing inilapag ng waiter sa mesa.
Mukhang masasarap iyon.
“Let's
eat,” ani Chester sa kanya.
Tumango
siya.
Tama
siya, masarap ang mga pagkain. Habang kumakain sila ay napansin
niyang panaka-nakang tumitingin sa kanya si Chester. Sumikdo ang puso
niya. Hindi ba nito alam na nako-conscious siya sa ginagawa nito?
Tumikhim
siya upang ipaabot dito na hindi siya komportable sa ginagawa nitong
pagtitig sa kanya.
Ngumiti
si Chester kasabay ng pagbawi ng tingin niya kay Uno. He knew it
wasn't proper to stare at him like thatm but he couldn't help it.
Gustong-gusto kasi niyang tingnan ito.
Guwapo na
si Uno ngunit habang tinititigan niya ito ay lalo pa itong
gumuguwapo. Kaya naman hindi niya maalis ang tingin dito.
“Matagal
ka na bang sumasayaw?” tanong niya rito.
Nag-angat
ito ng tingin sa kanya. “Matagal na rin. Since elementary ay
sumasayaw na ako,” sagot nito.
“Well,
that explains why you dance so well,” aniya.
Namula
ito. Matagal na rin mula nang makakita siya ng lalaking nagba-blush.
“Salamat,”
anito sa kanya.
Pagkakain
nila ay inalok niya itong ihatid sa bahay nito.
“Naku,
huwag na,” tanggi nito. “Dadan pa kasi ako sa bahay nina
Macky.”
“Ihahatid
na kita kung saan ka pupunta,” alok ni Chester.
Mukhang
nag-isip pa muna si Uno.
“Let's
go, Uno.” Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya.
Walang
nagawang sumunod na lang ito at lumulan ng kotse.
Satisfied
na ngumiti siya. Bago iyon sa kanya. After years of getting boys
without any affort, heto siya ngayon. Uno was a bearth of fresh air.
Hindi ito katulad ng mga lalaking nakakasalamuha niya. He was
reserved and handsome type. Sa Maynila ay mahirap nang makahanap ng
ganoong klaseng lalaki.
Pagdating
nila sa bahay ng kaibigan nito ay agad na umibis siya sa kotse upang
pagbuksan ito ng pinto. Saglit na napapikit siya nang pagdaan nito sa
harap niya ay nasamyo niya ang mabangong amoy nito. Simpleng amoy na
pinaghalong natural na bango at ng bango ng shampoo nito.
Chester
smiled when he looked at him.
“Salamat”,
anito sa kanya at simpleng ngumiti.
Ginantihan
naman ito ni Chester ng ngiti.
Nagpaalam
na siya at pumasok na siya sa kotse niya. Chester was loving the
moment. Naguguwapuhan talaga siya kay Uno. Hindi naman siguro masama
kung mapapadalas ang paglapit niya rito, lalo na ngayong kasama ito
sa napiling backup dancer nila. He would be seeing him every now and
then.
“Uno...”
mahinang sambit niya kasabay ng pagguhit ng mga ngiti sa labi niya.
“Sino
iyon?”
Napalingon
si Uno sa nagsalita. “Macky? Akala ko ba may lakad ka?”
tanong niya rito.
“Oo
nga, kadarating ko lang. Nakababa na ako ng tricycle at lahat, hindi
mo man lang ako napuna dahil busy ka sa pagtanaw sa kaaalis lang na
kotse ni Chester,” tudyo nito.
Hindi
siya nakasagot kasi tama ito. Na-flatter lang siya sa ginawa ni
Chester. Sino ba siya para ihatid ng isang tulad nito.
“Uuuuy...
natahimik siya,” tudyo pa rin ni Macky sabay sundot sa
tagiliran niya.
Napaigtad
siya at ngumiti rito. “'Wag mo akong itukso kay Chester,
nakakahiya. Baka sabihin pa eh, napakaambisyosa ko.”
Umingos
ito. “Ano ka ba? Eh, siya nga ang naghatid sa 'yo, no?”
Nagkibit-balikat
na lamang siya. Baka mabait lang talaga si Chester. Wala naman
sigurong ibig sabihin ang ginawa nito.
“Bakit
ba dito ka nagpahatid sa amin?” tanong ni Macky kapagkuwan.
“Kung
sa bahay kasi ako, malamang na sermon na naman ang aabuting ko kay
Tiyang. Sabihin na naman n'on na nakikipaglandian lang ako. Alam mo
namang may pagka-OA 'yon,” sagot ni Uno.
Natawa na
lamang ito sa sinabi niya. Totoo iyon. Kaya nga hiniwalayan agad niya
ang unang nobyo niya noong kolehiyo siya ay dahil dito. Kung
tutuusin, hindi talaga iyon seryoso para sa kanya. Alam niyang dapat
niyang unahin ang kanyang pag-aaral. Na-curious lang talaga siya kaya
niya sinagot ang manliligaw niya. Hanggang halik sa pisngi lang ang
nagawa nito sa kanya.
Hindi
niya napigilan ang mapangiti nang maalala si Chester. Alam niyang
hindi siya bagay rito pero hindi niya maiwasang kiligin dahil sa
ginawa nito sa kanya kanina.
“Hala!
Napapangiti ka na riyan ng mag-isa.”
Natawa
siya. “Uuwi na nga ako. Kitakits na lang tayo sa practice,”
aniya kay Macky.
Nakangiting
tumango lang ito sa kanya.
No comments:
Post a Comment