“What's
wrong? Kanina ka pa tahimik, ah?”
nagtatakang pukaw ni JM kay Enzo. Pabalik na ang grupo nila sa Manila
at halos lahat ng mga kasama nila ay nakatulog na dahil sa pagod
dulot ng activity nila. Tanging sila lamang ni JM at ang piloto ang
gising.
Nakangiting tiningala niya si JM. “Nothing,” ang
matipid na saad niya.
“Hindi
yata ako sanay n tahimik ka. Akala ko pa naman ay makakabuti sa 'yo
ang activity na ito.”
“Nakabuti
naman talaga,” tugon niya kay JM. “I just realized something.”
“Ano?
Iyong hindi ka dapat matakot sa dilim?” tanong ni JM.
Heto na naman sila sa paniniwala nitong may achluophobia
siya. “Hindi iyon.”
Eh, ano pala?” makulit na tanong nito.
“Akin
na lang 'yon,” nakangiting wika ni Enzo.
Sumimangot ito. “Nah! Kailan ka pa nagtago ng saloobin
sa akin?”
Pinisil niya ang ilong nito. “Hindi naman puwedeng
lahat na lang ng bagay tungkol sa akin, alam mo.”
Pinalis nito ang kamay niya at saka umayos ng upo.
“Problem?” Ngumiti lang siya rito. “Come on, tell me,” udyok
pa nito sa kanya.
“Wala
nga, ang kulit mo talaga, JM. Gusto ko nang matulog. Can I use your
shoulder as my pillow?” malambing na tanong nito.
“Enzo,
ano'ng problema?” balik-tanong nito.
Ikaw! Ikaw, JM, ang problema ko. Ang problemako ay
mahal kita pero hindi ko alam kung paano ko pa pakikitunguhan 'tong
puso kong baliw na baliw sa 'yo, pero hindi mo naman magawang
pansinin.
“Wala
nga. Naninibago na ako sa 'yo ha? Ang bait mo yata sa akin ngayon?”
ngumiti pa siya rito.
“Kailan
ba ako naging salbahe sa 'yo?” kapagkuwan
ay tanong nito.
“Tinatanong
mo pa? Araw-araw mo kaya akong sinusungitan,”
sabi ni Enzo. Ipinikit na niya ang mga mata at gusto na niyang
matulog dahil sobrang napagod siya sa ginawa nilang activity.
“Pero
wala ka namang pakialam kahit masungit ako, di ba?”
tanong pa ni JM.
“Hmmm...”
Isiniksik pa niya ang sarili sa katawan ng binata. Naramdaman din
niyang bumalot ang isang braso nito sa kanya. “Ang
bango mo naman, JM. I love your scent,”
inaantok nang saad niya.
“Just
my scent?”
“Everything.
I love everything about you,”
aniya at tuluyan na siyang hinila ng antok.
“Tita,
thank you nga po pala roon sa ham quiche na pinadala n'yo sa akin.
Ang sarap. The best.” Kasalukuyang
nasa opisina si Enzo at gumagawa ng article tungkol sa recent
spelunking activity niya nang maalala niyang hindi pa nga pala siya
nakakapagpasalamat sa mama ni JM dahil sa pinadala nitong pagkain sa
kanya. Nakasanayan na niya na lagi siyang pinadadalhan ng ginang ng
specialty nito. At sa tuwina ay si JM ang taga-abot niyon sa kanya.
“Kailan
'yon, hija? Hindi ko pa ulit naiisipan gumawa ng quiche,”
nagtatakang saad naman ni Tita mula sa kabilang linya.
Kahit siya ay tila naguluhan rin. Kanino pala galing ang
quiche na kinain niya habang patungo sila sa Palawan.
“Tita,
may memory gap ka na, sign of aging 'yan,”
pagbibiro ni Enzo.
“Wala
talaga akong matandaan tungkol sa tinutukoy mo,”
tugon ng ginang.
“Yon
pong ipinaabot n'yo kay JM noong nag-spelunking kami last week,”
pagpapaalala niya.
“Wala
kami sa bahay last week, nasa Bacolod kami ng Tito mo para bisitahin
ung farm.”
May nabiling lupain sa Bacolod si JM at ginawang coconut plantation
upang may mapaglibangan naman ang mga magulang nito.
“Po?”
gulat na tanong niya.
“Baka
si JM ang gumawa ng quiche na sinasabi mo. Nagpaturo siya sa akin
kung paano gumawa ng favorite mong quiche bago kami pumunta sa
Bacolod ng Tito mo.”
Napangiti siya nang pagkaluwang-luwang dahil sa narinig
niya mula sa mama ni JM. Lokong JM, ito pala ang gumawa ng ham quiche
niya. Bakit idinahilan pa nitong ipinabibigay iyon ng mama nito sa
kanya.
“Naku,
Tita, ba-bye na po muna. Magtutuos muna kami ng anak n'yo,”
paalam agad niya sa ginang.
Narinig niya ang pagtawa ng mama ni JM sa kabilang linya
bago ito nagpaalam din sa kanya. Napagpasyahan niyang puntahan si JD
sa opisina nito. Alam niyang hindi sapat ang dahilan niya upan
gambalain ang binata sa kung ano mang ginagawa nito. Subalit
hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataong iyon na puwede niya
itong tuksuhin sa ginawa nito para sa kanya.
Tuwing makakadiskubre kasi siya ng mga bagay na ginagawa
nito para sa kanya ay hindi siya nagmimintis na tuksuhin ito.
Natutuwa kasi siyang makita ang nabibiglang reaksiyon nito. Dahil sa
mga ganoong sandali ay nagkakaroon siya ng pagkakataong mag-ilusyon
na gusto rin siya ng binata.
“Enzo!”
Nasa tapat na siya ng opisina ni JM nang marinig niya
ang pagtawag ng pamilyar na boses na iyon.
“Girl!
Nandito ka na pala ulit.”
Tuluyan nang naudlot ang plano niyang pagkatok sa pinto ng opisina ni
JM pagkakita niya sa kaibigan niyang si Mhelo na kapatid ni JM.
Isa nang international photographer si Mhelo at palipad
lipad na lang ito sa iba't ibang bansa para sa mga photo exhibit
nito. Ito rin ang master photographer ng GQ magazine for bachelors
section.
“Oo,
kadarating ko lang. Dumiretso na ako rito para alamin kung effective
ba 'yong spelunking activity n'yo. Sa tinagal-tagal nating
magkaibigan hindi ko man langnalaman na may achluophobia ka rin
pala.”
“Ha?”
nalilitong bulalas ni Enzo.
“Nabanggit
na sa akin ni Kuya JM 'yong tungkol sa recent activity n'yo.
Nakagalitan pa niya ako. Bakit daw hindi kita isinama noong unang
beses ako mag-spelunking. Eh, di sana sabay na tayong nakarecover.”
Napatunganga na lamang siya rito. Hindi kasi niya inaasahan na
maririnig ang tungkol sa bagay na iyon dito.
“Friend,
ano.... Ang totoo niyan ay wala naman talaga akong achluophobia.
Pinabayaan ko na lang na isipin ng kuya mo para sumama siya sa
pag-i-spelunking namin,”
pag-amin ni Enzo. Kompiyansa siyang magtapat kay Mhelo dahil sigurado
siyang hindi siya nito ibubuking sa kuya nito.
Nabigla
ito sa sinabi niya. “What?!”
“Well,
ganyan talaga, friend. Gusto kong makasama ang kuya mo, at wala akong
choice kundi ang magsinungalin,”
nakangising saad niya sa kaibigan.
Inirapan
lang siya nito. “Ewan
ko lang kung makangisi ka pa nang ganyan kapag nalaman niya ang
totoo. Naku, ingatan mong huwag niyang malaman, kung hindi katapusan
na ng maliligayang araw ng pagpapantasya mo sa kanya.”
“Huwag
ka nga.”
Tinampal niya ito sa braso nito. “Di
naman niya malalaman kung hindi mo sasabihing nagpanggap lang akong
may---”
Nahinto siya sa pagsasalita pagkatapos niyang malingunan
ang lalaking tumikhim mula sa pasilyo. Halos lumuwa ang mga mata niya
nang makitang si JM ang naroon. Kahit si Mhelo ay tila nagulat at
nag-alala rin.
“How
long have you been there?”
nagkandautal na tanong ni Enzo.
“Long
enough to hear everything,”
walang emosyong saad nito. “Bumalik
ka na sa trabaho mo. Hindi ito oras ng pakikipagtsismisan,”
sabi lang nito at naglakad na papasok sa loob ng opisina nito.
Sinundan
niya si JM sa lob. “JM....” Napakagat labi siya. Ano ang
sasabihin niya? He hust heard everything. At mismong bibig pa niya
naggaling.
“Ano
pa'ng ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nagtatrabaho ka sa opisina
mo?” paninita nito sa kanya.
Nanatili
lang siyang nakatayo sa harap ng mesa nito. Hindi naman minamadali
ang trabaho niya dahil isang article na lang ang kulang niya. Patapos
na rin ang mga ine-edit niyang write-ups.
“JM
'yong tungkol sa narinig mo—“
“I
heard everything and I've learned my lesson,” putol nito sa
sinasabi niya.
“JM
naman. Sorry na,” pangungulit niya rito.
“Bumalik
ka na sa trabaho mo. Marami pa akong kailangang gawin.” Iyon
lang at inabot na nito ang telepono para tawagan ang kung sino.
Bagsak
ang balikat na lumabas siya sa opisina nito. Ang bilis naman ng karma
niya. Minsan na nga lang siya nagsinungaling kay JM, pero agad na
siyang naparusahan.
Hindi na
nakagawa pa ng article si Enzo kaya inabala na lang niya ang sarili
sa ibang gawain. Subalit kahit ano yatang trabaho ang pag-ukulan niya
ng pansin ay hindi na siya makapagtrabaho pa nang matino. Distracted
siya masyado dahil hindi na siya pinapansin pa ni JM. Kahit ngayon na
lunchtimenila ay ni hindi siya nito tinapunan ng tingin at basta na
lang nitong nilagpasan ang mesa na inookupa nila ni Shay. Sa isang
malapit na restaurant sa building ng Santos Media kumakain ang halos
lahat ng kapwa niya empleyado.
Gusto
sana niyang yayain si JM na sa mesa na lang nila ni Shay ito
pumuwesto subalit nag-alangan siya. Baka masopla lang siya nito dahil
alam niyang maiinit pa rin ang ulo nito. Narinig kasi niya kanina ang
paguusap nito at ng mga satellite engineers nila tungkol sa problema
sa communication system ng kompanya.
“Hello,”
bati ni Thomas sa kanila ni Shay, at basta na lang ito umupo sa
tabi niya. Tinawag nito ang waiter upang mag-order ng pagkain nito.
Napakamot na lang siya sa batok niya. Naroon na naman ang makulit na
lalaking ito at nakaloloko pang ngumiti sa kanya.
“Shay,
palit nga tayo ng puwesto,” baling niya sa katabi na busy na
nagsa-soundtrip gamit ang mini iPod nito. Katapat niya ito ng upuan
sa mesa. “Shay!” tawag uli niya rito at tinapik na ang
kamay nitong nasa ibabaw ng mesa. Kasalukuyan pa nila hinihintay ang
mga pagkaing in-order nila kaya pareho silang nakatunganga pa roon.
Inalis ni
Shay ang headset nito at binalingan siya.
“Ano
'yon?” tanong nito.
“Sabi
ko, palit tayo ng puwesto. Dito ka umupo sa tabi nitong si Thomas.”
Binalingan niya si Thomas na nakangalumbaba at nakamasid sa kanya,
saka ito inirapan. Subalit tila wala naman iyong silbi sa binata.
Hindi pa rin napapawi ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
“At
bakit ko naman gagawin 'yon? Bahala ka na riyan kay Sir Thomas.”
Isinalpak uli nito sa tainga ang headset nito.
Nayayamot
na inilayo na lang niya ang tingin kay Thomas at hinanap ang
kinaroroonan ni JM. Napatayo siya bigla nang mapansin ang isang
matangkad na babae na patungo sa mesa ni JM at umupo ito sa tabi ng
irog niya.
Ang
lakas naman ng loob ng babaeng ito na lapitan ang mahal ko!
Mabilis
siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nina JM at ng dambuhalang
babae. Dambuhala kasi ang lumuluwa nitong dibdib na sa tingin niya ay
sinasadya nitong isayad sa mga braso ni JM habang nagpupumilit na
dumikit sa binata. As usual, blangko ang ekspresiyon ni JM, pero
kilala niya ang mga lalaki. They can controlled their emotions but
they cannot resist temptation. Mahirap nang makit ang JM niya sa mga
lumuluwang dibdib ng dambuhalang babae.
“Hi,
Miss?” bati ni Enzo rito nang makalapit siya sa mga ito.
Pinagtaasan
siya nito ng isang kilay. But he didn't mind. “And who the hell
are you?”
The
hell, the hell, ka pa riyan! Ingudngod ko kaya ang mukha mo sa wash
sink ng restaurant na 'to?
“I'm
Enzo, ay boyfriend ko 'yan.” Inginuso niya si JM na mukhang
wala namang pakialam. “Nagkamali ka yata ng mesang pinuntahan,”
mataray na ring saad niya.
“Boyfriend?
Talaga? Eh, bakit do'n ka sa table na 'yon nakapuwesto kanina?”
Itinuro nito ang mesa nila ni Shay. “Baka naman ikaw ang
nagkakamali ng mesang pinuntahan?”
“Aba't
ang babaeng 'to? May misinderstanding lang kami kaya hindi kami
magkasama sa iisang mesa. At sino ka ba, ha?”
Napasinghap
ang babae nang bigla na lang hablutin ni JM ang mga braso ni Enzo at
iginiya siya patungo sa kabilang mesa. “Napakaingay mo talaga.
Wala ka nang pinipiling lugar. Kahit saan ka yata naroroon, basta't
gusto mong gumawa ng eksena ay gagawa ka,” sikmat nito sa
kanya.
“Ang
babae kasing 'yon, nilalandi ka pa. Wala nang ginawa kundi idikit ang
dambuhala niyang dibdib sa braso mo. At enjoy na enjoy ka naman sa
ginagawa no'n. Sino ba 'yon, ha?” pakiwari niya ay umakto na
naman siyang jealous na karelasyon nito.
“Hindi
ko kilala. Bigla na lang siyang sumulpot sa mesa ko,” tugon
nito. Ni hindi nito pinuna ang mga inaarte niya. Mukhang nasanay na
itong binabakuran niya ito sa mga babae at baklang nais lumandi rito.
Malamang din, kahit hindi nito sabihin ay ipinagpapasalamat nito ang
mga pinaggagagawa niya. Wala naman kasi itong pakialam sa mga
babaeng lumalapit dito dahil ang nag-iisang priyoridad nito s buhay
ay ang pagpapayaman at pagpapaunlad sa Santos Media. Samakatuwid,
negbe-benifit din ito sa mga pinaggagagawa niya kung kaya hindi na
rin ito umaangal.
“Bakit
hindi mo siya pinaalis kung hindi mo naman pala kakilala?”
pagmamaktol ni Enzo.
“I
can't be rude to her.”
You
can't be rude to a stranger like her, pero sa akin na matagal mo nang
kakilala, okay lang na maging rude ka? Wait, kakilala? Oo nga pala,
isa nga lang pala siyang kakilala. At ano naman itong
ipinag-aarte ng puso niya?
“At
hindi naman siya nanggugulo,” dugtong pa ni JM.
“Hindi
siya nanggugulo o nagugustuhan mo ang ginagawa niyang paglalandi sa
'yo?”
Hindi na
ito nag-abalang sagutin ang tanong niya ng dumating na ang mga order
nitong pagkain maging ang mga order nilang pagkain. Nilingon niya
sina Shay at Thomas, kumakain na rin ang mga ito. Marahil ay si Shay
ang nagsabi na doon na lang ihatid ang pagkain niya, basta na lang
kasi niya itong iniwan sa mesa nila. Pero mukhang nakabuti naman ang
ginawa niya dahil ito na ngayon ang kinukulit ni Thomas. Gusto niyang
mapailing. Mukhang magkakaroon na rin ng kuwento ang dalawa, palagi
na lang kasing nag-aaway ang mga ito. At sa tingin niya ay nagbabago
na si Shay, hindi na kasi tulad ng dati ang pananamit nito. May
pagka-feminine na ang mga isinusuot nito ngayon, hindi tulad ng dati
na brusko pa yata sa mga staff nilang lalaki ang dating nito.
“Ano
pa bang nililingon-lingon mo riyan? Kumain ka na nga,” narinig
niyang utos sa kanya ni JM.
Sinunod
na lamang niya ito at tahimik na sinimulang lantakan ang pagkain
niya.
Hanggang
sa matapos silang kumain ay hindi na sila nag-usap pa dahil maya't
maya na itong nakikipag-usap sa kug sino-sino gamit ang cell phone
nito.
No comments:
Post a Comment