Nanlalamig
ang mga kamay ni Uno. Naroon na siya sa loob ng studio kung saan
gaganapin ang audition para sa backup dancers ng Hype.
Hinati sa
dalawa ang grupo ng mananayaw. Napabilang sila ni Macky sa ikalawang
grupo sa huling magpapakita ng galing sa pagsasayaw. Labinlima lamang
ang kukunin kaya naman kanina pa siya nagdarasal na sana ay kasama
siya sa labinglimang iyon.
Katatapos
pa lamang nilang magtanghalian ni Macky. Ala-una na ng hapon. Number
fifty pa ang kasalukuyang nasa harap ng mga hurado at ang numero niya
ay seventy-three; sunod siya kay Macky. Kasama nila ang iba nilang
kaibigan na kasama nila tuwing iniimbitahan silang sumayaw sa
iba't-ibang okasyon.
“Ano
ka ba, Uno? Relax ka lang. Hindi ka dapat kabahan dahil magaling ka.
Sigurado nang pasok ka,” ani Macky na katabi niya sa upuan.
Tumawa
siya ng pagak. “Anong magaling? Hindi, 'no? At saka, nakita mo
naman. Ang gagaling ng mga nag-audition.”
“Ano
naman ngayon? Magaling ka rin naman, ah.”
Napailing
na lamang si Uno. Ayaw niyang maging kampante at baka mabulilyaso pa
ang gagawin niya mamaya. Pero gusto talaga niyang makasama sa mga
pipiliin. Sa sinabi niya sa kanyang ama, malamang iyon na talaga ang
huli niyang pagsasayaw. Kailangan din niyang tuparin ang sinabi niya.
Napatingin
siya sa loob kung saan ginaganap ang audition. Nakikita iyon dahil
salamin ang dingding. Nasa harap ang mga hurado --- ang manager ng
Hype at tatlong choreographer.
Napahugot
siya ng hininga.
Mayamaya,
napakunot-noo siya nang mapadako ang tingin niya sa pintuan ng studio
kung saan may pumasok na isang matangkad at mestizo na lalaki.
Kumabog ang dibdib niya nang mapatingin din ito sa kanya. Pati mga
kasamahan niya roon ay nakatingin din sa lalaki na animo alien ito.
Isang napakaguwapong alien. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya
nakakita ng ganoong kaguwapong lalaki sa personal. Kasunod nito ang
dalawang guwapo ring binata na may kasamang magagandang babae.
Panaka-nakang
nakatingin si Chester sa lalaking nasa waiting area. Kung hndi siya
nagkakamali ay isa ito sa mg mag-o-audition. Nang pumasok siya kanina
ay nakuha agad nito ang atensiyon niya kahit walang masyadong
espesyal dito. He looked very-delicate. Simple lang pagkaguwapo nito
pero charming. Nakatali ang obvious na mahabang buhok nito. Naka-blue
checkered polo na may nakapailalim na putting panloob na hapit sa
katawan nito. Six-pocket jeans na katamtaman lang ang luwag, at
sneakers.
Wow, I
can really tell what he's wearing.
Ngumiti
siya. Bakit ba ganoon na lamang siya sa-engrossed sa lalaki? What was
his name, anyway? Ang tanging alam niya ay number seventy-three ito.
“Bro,
naman. Baka matunaw na lang bigla si number seventy-three sa katitig
mo,” kantiyaw sa kanya ni Jun.
Ngumisi
siya. “Look at him. He's handsome.”
Napailing
ito. “Masyadong mabait ang mukha, bro. Hindi ka puwede. Masyado
kang salbahe para sa kanya.”
Pabiro
niya itong sinko. “Mabait ako, hindi n'yo lang alam.”
Natawa
ito sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nagyaya na ang mga kasamahan niya na umalis na sila.
“Mauna
na lang kayo. Dito na muna ako,” ani Chester.
Nagkatinginan
sina Andy at Jun.
“Ang
sabihin mo, may natitipuhan ka na naman dito,” nakangising wika
ni Andy.
Ngumiti
lang siya nang pilyo.
Nauna
nang umalis ang mga ito. Siya naman ay nanatiling nakaupo roon at
sinusulyapan ang lalaking kanina pa niya tinitingnan. Napangiti siya
nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Agad na nagbawi ito ng
tingin sa kanya.
Pangiti-ngiting
umayos siya ng upo. He could not wait to see him dance later. Sana
rin ay matanggap ito.
Matagal-tagal
pa ang numero ng lalaking hinihintay niya kaya inabala na muna niya
ang kanyang sarili sa pakikinig ng music sa cell phone niya. Mayamaya
pa ay tinawag na si number seventy-three. Umayos na siya ng upo at
napaangat ang tingin nang pumasok sa loob ang lalaki.
“Hi,
Mr. Uno Domingo,” wika ni Sir Larry.
So,
his name Uno. Uno Do --- Do....
Hindi na
niya maalala kung ano ang buong apelyido nito. Basta ang alam niya at
“Uno” ang pangalan nito. Bagay rito ang pangalan nito.
Noon lang
niya natitigan nang mabuti ang lalaki. Ano ba ang mayroon ito at
ganoon na lang siya kainteresado rito? Maybe it was his charm, he had
that glowing aura. That innocent-looking profile. The gentleness of
his personality. Kahit hindi pa niya ito nakikilala ay nababaitan na
siya rito.
Napangiti
siya nang tumingin ito sa kanya. He looked nervous.
I
know. You like me, man.
“You're
amazing. You did great.
Napamaan
si Uno kay Chester dahil sa papuring sinabi nito sa kanya. Katatapos
lang ng sayaw niya at naghihintay na lang siya ng result.
“Thank
you po.”
Bahagya
itong natawa. “Drop the 'po.' Magkaedad lang naman siguro tayo,”
anito. “By the way, I'm Chester.” Iniabot nito ang kamay
sa kanya.
Tinanngap
naman niya iyon kahit nanlalamig siya. Kapagkuwan ay si Macky naman
ang kinamayan nito. Nagpakilala silang dalawa rito.
“Godluck
sa resulta, but I'm sure makukuha kayo,” ani Chester bago ito
nagpaalam at lumabas ng studio.
Saka pa
lamang siya nakahinga nang maluwag. Nakakataranta talaga ang
kaguwapuhan ng lalaking iyon.
Nang
makauwi siya sa bahay nila ay agad na sinalubong siya ng madrasta
niya.
“Ikaw
ang magluto dahil buong araw kang wala rito sa bahay. Pagod na pagod
ako rito,” nakasimangot na utos nito sa kanya.
Tumango
na lamang siya at dumeretso na sa kuwarto niya upang magbihis. Hindi
na talaga yata babait ang asawa ng itay niya. Palagi na lang talaga
itong kontra sa kanya.
Napabuntong-hininga
si Uno. Gusto na niyang makita at makasama ang nanay niya. Sana lang
ay balikan pa siya nito.
Pagkabihis
niya ay nagtungo na siya sa kusina upang magluto. Mahirap na at baka
umarangkada na naman ang bibig ng madrasta niya.
“I'm
just admiring him, pare. Ang cute kasi, eh. And I musst say, He's
really a good dancer,” natatawang paliwanag ni Chester kay Jun.
Nasa Tavern sila at nagkayayaang mag-inuman.
Napansin
pala nito ang ginawa niyang pagmamasid kay Uno noong audition at
ngayon ay tinutukso siya nito.
Biglang
bumalik sa isip niya ang ginawa ni Uno sa audition. Napaka-graceful
gumalaw nito. Matagal na rin simula nang makakita siya ng ganoon
ka-talented na sumasayaw na lalaki. So far, si Uno pa lamang ang
nakapagpa-impress sa kanya nang ganoon.
“Bro,
mamili ka na ng seseryosohing lalaki. You can't jump from one bed to
bed forever,” payo ni Jun.
“I'm
not, okay. Sila lang talaga ang lumalapit sa 'kin.”
“I
know I've been there, kaibahan nga lang eh mga babae ang lumalapit sa
akin,” nakangising wika nito. “Pero ang ibig kong sabihin,
matuto ka na sanang tumanggi sa mga lumalapit sa 'yo at mag-stick to
one ka na.”
Napangiti
si Chester. “Darating din tayo riyan. Sa ngayon, mas-e-enjoy pa
ako sa ganitong buhay.”
Napailing
na lamang ito.
Napakunot-noo
si Chester pagbaba niya ng kotse niya. May guwapong lalaki kasi sa
labas ng condominium building niya na ngumiti sa kanya nang makita
siya. Mukhang siya ang hinihintay nito. He looked familiar but he
could not remember his name.
“Hey,
handsome....” anito ka kanya at agad siyang hinalikan sa mga
labi.
“Hey....”
nakangiting wika niya.
He
flashed him with sa flirtatious smile. “'James,' remember? We
met last week.”
Napangiti
siya. Naalala niya ito. “Yes, James.”
Bahagya
itong natawa at lumapit sa kanya. Sabay silang umakyat sa unit niya.
For him, that was life at its finest. Sigurado siyang papaligayahin
siya ng lalaki ngayong gabi.
No comments:
Post a Comment