Magkadikit
na ang mga kilay ni Enzo habang nakahalukipkip na naghihintay na
makarating sa kinaroroonan nila si JM. Ito na lang kasi ang
hinihintay nila para makaalis na ang grupo patungong Palawan. Paanong
hindi siya mayayamot kung magkakalahating oras na slang naghihintay
sa iarport sa pagdating nito.
“Where
have you been?”
nakasimangot na tanong niya ng sa wakas ay dumating na ito.
Hindi nagre-react ang mga katrabaho nila kung ganoon man
siya makipag-usap sa boss nila. They knew him very well. Siya ang
tipo ng tao na sasabihin ang lahat ng napupuna niya sa lahat ng
bagay. Minsan nga ay pinagtutulakan na siya ng mga itong maging
journalist. Tutal naman daw ay matapang siya, na kahit sino ang
masagasaan niya sa pamumuna ay malamang na matakot sa kanya. Baka raw
umayos at mapatino pa niya ang mga buwaya ng bansa kung isa siya sa
magiging patrol ng bayan.
“May
inasikaso pa ako kaya medyo natagalan ako,”
saad ni JM nang makalapit na ito sa kanila.
Napansin niya ang butil-butil na pawis sa noo nito.
Posible ngang nagmamadali rin itong makarating agad doon. Kumuha siya
ng panyo at pinunasan ang pawis nito. Natural na gawain na niya iyon
na nakasanayan na rin ni JM kaya hindi na ito nagre-react pa sa mga
ginagawa niya.
“Akala
ko ba, nag-cancel ka ng mga appointmetns mo para sa activity na 'to,
bakit pahuli-huli ka pa rin?”
tanong ni Enzo.
“Nakahabol
naman ako di ba?”
sagot ni JM. Hinagip nito ang kamay niya at sinenyasan ang mga kasama
nila na sumakay na ng charter plane. “Tara
na. Maaatraso pa tayo.”
Iginaya na siya nito pasakay.
“Kasalanan
mo, late ka kasi. You always say that you hate late comers and yet
you're the one who's late.”
Napangiti na lang si JM. Gayunman ay hindi pa rin
maiwasan ni Enzo ang puso niya na tumalbog-talbog sa loob ng kanyang
dibdib. Mabibilang sa mga daliri niya ang pagkakataon na ngumingiti
ito nangwalang dahilan. At napansin niyang nangyayari iyon kapag siya
na ang nayayamot at wala sa mood.
“Sige,
ngumiti-ngiti ka pa riyan. Ano'ng akala mo, ha? Na makukuha mo ako sa
guwapong ngiti mong 'yan?” sabi ni Enzo habang sumasampa ng
charter plane. Medyo nilakasan pa niya ang boses dahil maingay ang
ugong ng airplane blades.
“Bakit
ba masyado kang highblood?” tanong nitopagkaupo nila sa loob ng
charter plane. Sa tabi niya ito umupo. Dapat lang iyon, dahil kung
hindi ay tatalsik ang kung sino man na tatabihan nito sa upuan.
“Iniisip mo ba na baka hindi ako sumipot, Enzo?”
Hindi
agad siya nakapagsalita. Tama namanito. Makailang ulit niyang
pinangambahan na baka nagbago ang isip nito at bawiin ang pagsama sa
kanila sa Palawan. Baka aksidente na nitong nalaman na wala naman
siyang achluophobia at nagbago na ang isip nito.
“Hindi,
no. Kampante akong sasama ka, because you don't break your word,
right?”
“Well,
I have to break it, now.”
“Huh?”
“My
asshole cousin is coming along with us. I don't know what is up with
him, or what it is you're up to. But I don't have a choice. Kailangan
ko na ring tumuloy kahit pa sinabi kong hindi ako sasama kung kasama
siya ---”
“Wait?
Did you think I invited him?” tanong ni Enzo kay JM.
“Bakit?
Hindi ba?”
“Of
course not!” mariing tanggi ni Enzo. “Siyempre, gusto
kitang masolo,” walang pasubaling saad niya.
“O
baka gusto mo lang talaga ng mga taong gagawa ng eksena sa loob ng
kuweba para ma-distract ka habang nasa loob.” Nauunawaan niya
kung ano ang tinutukoy nitong eksena. Iyon ay ang laging
pagbabangayan ng magpinsan tuwing magkakaharap ang mga ito. “I
am telling you, hindi mo kailangan ng distraction para malampasan ang
phobia mo sa dilim. You have to face it.”
“Teka
nga lang. Hindi ko naman niyaya si Thomas na sumama ---”
“Speaking
of the devil, he's here,” sambit ni JM habang nakamasid sa
lalaking sumampa na sa loob ng charter plane, together with his
alalay. Ang yabang talaga ng dating ng lalaking ito. Mabuti pa si JM,
kahit na mataas na ang estado nito sa buhay, nananatiling natapak pa
din ang mga paa nito sa lupa. Hindi nga lang ito showy sa pagiging
down-to-earth nito. Gayunman, alam niyang hindi ito kasingyabang ng
pinsan nito.Talagang pribadongtao lang ito kaya hindi nakikita ng iba
ang soft side nito. Suwerte siya dahil isa siya sa mga taong
nakakakita noon.
Napansin
niyang inilibot agad ni Thomas ang tingin nito sa loob ng charter
plane. Parang nais tuloy niyang sumuot sa ilalim ng mga passenger
seat para hindi siya makita ng damuhong lalaki. Ngunit sa malas niya
ay mabilis siya nitong napansin. Ngayon ay lumalapit na ito papunta
sa gawi niya.
“Enzo,
tabi na lang tayo rito sa kabilang upuan. Mas maganda ang puwesto
rito sa left side,” yaya adad ni Thomas pagkalapit nito sa
kanya. Gustong-gusto niya itong sigiawan. Ano ba ang ginagawa nito
roon? Sisirain uli nito ang mood ng irog niya.
“Ah,
ikaw na lang doon. Mas gusto ko rito,” pagtanggi niya rito.
“Paano mo nga pala nalaman ang activity naming ito?” tanong
niya.
“I
asked your assistant about your schedule for the week. Nag-volunteer
na rin akong sumama. I love adventure, hindi tulad n'ong ibang
killjoy diyan sa tabi-tabi. Kailangan pang pilitin para lang sumama.”
Pinandilatanagad
ni Enzo si Thomas. Magsisimula na naman ito ng bagay na puwedeng
pagtalunan nito at ni JM. Sa isip niya, hindi na magkakaroon ng
katahimikan sa Santos Media. Kung bakit ba kasi naisip pa ng lolo ng
mga ito na pagsamahin ang dalawa sa iisang kompanya, samantalang
hindi naman magkasundo ang mga it. Sa simula't sapul, lahat na lang
ng bagay ay nais na yatang pag-awayan ng mga ito.
“Maupo
ka na nga roon, Thomas,” paasik na utos niya sa binata ang
mapansin niyang magre-react na si JM sa sinabi nito.
Obviuosly,
the two men had no patience for each other. Hindi na iyon lingid sa
kaalaman niya. Walang sino man sa mga Santos ang magpapatalo sa kahit
na anong diskusyon hanggang mauwi na nga iyon sa pagtatalo ng mga
ito. Minsan nga, sumasakit na ang ulo niya sa pag-awat sa mga ito. Sa
lahat ng empleyado ng kompanya, siya lang ang palaging may lakas ng
loob na mamagitan sa mga ito. At siya rin lang ang pinapakinggan ng
dalawang ito.
“All
right, baby. Mamaya na lang ako babawi sa 'yo,” pagsang-ayon na
sa kanya ni Thomas..
Tinanguan
na lamang niya ito para wala nang maraming usapan.
“Yabang
talaga. Hindi ko alam kung paanong naging pinsan ko ang isang 'yan,”
pabulong na sabi ni JM.
Hinimas
ni Enzo ang braso nito. “Ikaw naman, hayaan mo na. Hindi ka na
nasanay sa pinsan mong 'yon.”
“Palagi
mo na lang siyang ipinagtatanggol sa akin,” nakasimangot na
reklamo nito. “Para mo na rin sinabi na tama siyang tawaging
killjoy ako.”
“Hindi
ko naman siya ipinagtatanggol. Ang sinasabi ko lang, huwag mo na lang
siya pansinin.”
“Mamimihasa
lang ang isang iyan.Kakaya-kayanin na niya ako kapag gano'n.”
“Ay!
Bahala ka na nga,” nauubusan ng pesensiya na saad ni Enzo. “Ang
hirap n'yo kausaping magpinsan.”
Humalikipkip
na siya at sumandal sa upuan upang makapag-relax. Umaangat na rin ang
kanilang eroplano. Nakita pa niya nang magkalkal ng kung ano mula sa
backpack nito si JM. Saglit pa at may iniabot na itong kung ano sa
kanya.
“Ano
yan?” tanong nito kay JM.
“Ham
quiche. Pinabibigay ni Mama. Kainin mo raw, siguradong magugutom ka
sa biyahe. Alam naman ni Mama na may eating habit ka.”
Inabot
iyon ni Enzo. “Salamat. Ang sweet talaga ni Tita. Marami ka bang
dala? Alukin natin sila.”
“Wala,
eh, 'yan lang para sa 'yo ang dala ko. Hayaan mo na sila, hindi naman
sila katulad mo.”
Inirapan
niya ito. Para na rin nitong ipinamukha sa kanya na matakaw siya.
Kunsabagay, totoo naman iyon. Hindi na ito nag-react, kapagkuwan ay
inabutan siya nito ng bottled water.
“Hinay-hinay
lang, baka mabilaukan ka,” saway nito sa kanya.
“Ang
sarap eh, bakit kasi ito lang ang dinala mo?”
Pumalatak
ito. “Lahat naman ng pagkain, masarap sa 'yo. Kaunti lang ang
niluto ni Mama. Para sa 'yo lang daw. Mas mahal ka pa nga ng mama ko
kaysa sa akin, ah?”
“Siyempre.
Diyosa ako, eh,” nakalabing saad ni Enzo. Ikaw lang naman
ang hindi nagmamahal sa akin. I can get everyone else's attention,
except yours.
“Kumain
ka na nga diyan. Dami mo pang sinasabi.”
“Ikaw?
Ayaw mo ba?”
“Sa
'yo na lang. Kulang pa 'yan sa 'yo eh. Bakit ba kahit sandamakmak na
pagkain pa ang kainin mo, hindi naman maimbak sa katawan mo? Payat ka
pa rin,” puna ni JM kay Enzo.
“Kasi
nga, diyosa ako ng kagandahan. Mina-magic ko ang katawan ko para
maakit kita. Kaso walang epekto ang mahika ko sa 'yo. Bato ka
siguro.” Tumawa si JM sa sinabi ni Enzo. “Ngayon ko lang
nalaman na may sense of humor din pala ako,” dagdag na komento
niya.
“Ang
totoo, wala ka talagang sense of humor. Pinipilit ko lang tumawa,
para naman bumenta 'yang joke mo kahit paano,” sagot ni JM.
Joke?
Inaakala mong joke lang ang feelings ko para sa 'yo? Kung halikan
kaya kita nang matauhan ka na?
“Yabang
mo, ah.” Ibinalik niya sa balot ang quiche at isinalampak iyon
sa kandungan ni JM, saka siya uminom ng tubig.
“Ayaw
mo na?” nagtatakang tanong ni JM.
“Ayoko
na! Nawalan na ako ng gana.”
“Bakit?”
tanong nito.
“Basta!”
“O,
sige na, may sense of humor ka na. Ubusin mo na ito,” lambing
ni JM.
“Ayoko.”
“Okay.
Maganda ka na rin.Ubusin mo na 'to.” Ikinaway-kaway pa nito sa
harap niya ang quiche. Nahalina naman agad siya sa sinabi nito kaya
inagaw niya uli ang quiche mula rito.
“Kung
hindi lang kita mahal, hindi ko 'to uubusin,” maluwag ang
ngiting saad ni Enzo.
“Kay
Mama galing 'yan,” paglilinaw ni JM.
“Kahit
na. Ikaw naman ang nag-abot kaya para sa 'yo na rin galing 'to.”
Hindi na uli ito nagsalita at hinayaan na lang siyang kumain.
No comments:
Post a Comment