“Masama
bang tumigin sa 'yo?”
“Ayoko
nang tingin ka nang tingin nang tingin sa akin.”
“Bakit
ka namumula?”
Napapangiti
na lang si Enzo habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang away ng
dalawang bata na sina Arianne at Josh Marvin – kung away ngang
maituturing iyon. Para kasi sa kanya ay kakilig-kilig ang sagutan ng
dalawang bata tuwing maghaharap ang mga ito.
Arianne
was JM niece while Josh Marvin was her only nephew, mga babae na kasi
ang anak ng isa pa niyang kapatid. Kapag nais niyang pumunta sa bahay
nina JM ay isinasama niya si Josh Marvin para may alibi siya tuwing
pupunta roon. Ayon kasi sa mga magulang ng kaibigan niyang si Mhelo,
kapag hindi raw niya ipinapasyal doon ang pamangkin niyang si Josh
Marvin ay hinahanap ito ng batang babae. Arianne was the first
grandchild of Santos Family na bunga ng early pregnancy ng kasintahan
ng isang kapatid nina Mhelo at JM. Gayunman, labis ang pagmamahal ng
mga ito sa bata.
Si Mhelo
ang nagbigay ng pangalan ni Arianne, and he did the same for Josh
Marvin. Nakialam siya sa pagbibigay ng pangalan sa kanyang pamangkin.
At dahil sa haling na haling siya kay JM na iniirog ay ibinatay niya
ang pangalan ng pamangkin dito. Alam kasi niya na hindi siya
magkakaroon ng anak.
“Hindi
ako namumula. Maganda lang talaga ang cheeks ko sabi ni Mommy at Lola
at ni Tito Mhelo,” narinig niyang tugon ni Arianne.
“Sa'n
ang mommy mo? Wala ka namang mommy,” pang-aasar ni Josh Marvin.
Alam kasi ng pamangkin niya na iniwan si Arianne ng mommy nito.
Umiyak si
Arianne. Dadaluhan na sana niya ang dalawa nang marinig niya na
inaalo na ito ng pamangkin niya.
“Sorry
na, binibiro lang naman kita.” Hinaplos ni Josh ang likod ni
Arianne. “Halika, sakay ka sa likod ko, bibili kita ng ice cream
do'n sa labas.”
“Totoo?”
nagningning ang mga matang tanong ni Arianne.
“Oo.
Basta huwag ka nang iiyak, ha?” Bumaling sa kanya si Josh.
“Tito, do'n lang kami sa labas ng gate. Bibili kami ng ice
cream,” paalam sa kanya ng pamangkin.
Ngumiti
at tumango siya rito. “All right. But don't go too far, okay?”
Sabay na
tumango sa kanya ang dalawa at nag-piggyback ride na si Arianne kay
Josh. Napabuntong hininga na lamang siya habang pinapanood ang mga
ito. Mabuti pa ang mga bata, kay daling magkasundo. Kay daling mabasa
ang mga damdamin. Hindi tulad nila ni JM, mga gurang na, pero hayun
at hindi pa rin magkasundo. Hindi nga niya maunawaan kung tanga lang
ba si JM o talagang bato ito dahil hindi man lang nito pinapansin ang
damdamin niya para dito. Guwapo naman siya, fit at matalino. Pero
wala pa rin itong ginagawang aksiyon para ligawan siya, rather,
sagutin ang pagsinta niya.
Walong
taon na nanliligaw si Enzo kay JM, pero wala pa ring magandang
improvement ang pagpapa-cute niya sa lalaki. Sa buong panahon ng
pag-aaral niya ay wala na siyang ginawa kundi bakuran ang lalaki sa
mga babae at bading na nagkakadarapa dito, patuloy pa rin siya sa
kanyang ginagawa. Pinagtatawanan na nga siya ni Mhelo pero hindi niya
iyon alintana. Wala na siyang pride sa ginagawa niyang
pangangalandakan ng pag-ibig niya para kay JM. Aanhin niya nag pride
kung mawawala naman sa kanya ang lalaking sinisinta?
Sabay
silang nagtapos ni JM sa pag-aaral sa iisang university. Naging
ka-year level nila ni Mhelo si JM dahil dalawang taon itong huminto
sa pag-aaral nang bumagsak ang kabuhayan ng mga ito.Ngunit nagsikap
si JM na makapagtapos at magtagumpay sa buhay. Ngayon nga ay nasa
magandang estado na muli ang pamumuhay ng mga Santos.
Sa media
company rin ng mga Santos niya napiling magtrabaho kahit kailangan
din siya ng pamilya niya sa food business nila. Wala sa pagnenegosyo
ang hilig niya. Ang pagiging writer ang totoong passion niya. Kaya
ngayon, sa edad na biente-singko, isa na siyang head editor and
writer ng GQ magazine --- ang magazine line ng mga Santos Media na
pansamantalang pinamamahalaan ni JM.
Dahil
panganay na apong lalaki si JM, sinubukan ng lolo nitong ipahawak dito
ang media company na iyon na minsan ng tinanggihan na ama ng binata.
Iyon ang heritage company na pamilya ng mga ito. At kasalukuyan pang
pinag-aaralan ng lolo nito kung dito na ba tuluyang ipapasa ag buong
pamamahala sa kompanya. May kaagaw kasi ito sa posisyon, ang pinsan
nitong si Thomas. At kaagaw rin ni JM si Thomas sa puso niya kung
sakaling makipag-agawan si JM.
Nililigawan
siya ni Thomas, pero palagi niyang ipinangangalandakan na si JM ang
mahal niya. Hindi nga lang iyon pinapansin ng mga ito, lalo na si JM.
Kaya sa huli, panay pa rin ang paglalandi sa kanya ni Thomas. Pero
ano man ang gawin ni Thomas na panunuyo ka kanya ay wala iyong silbi
dahil sa isa lang ang laman ng puso niya, si JM. Patuloy pa rin
siyang maghihintay na dumating ang araw na papansinin din siya nito.
Nakadagdag pang pampatibay ng loob niya ang pagpunta nilang tatlo
nila Mhelo at Andrew sa isang psychic na nagngangalang Elsie.
“Mahal
ka rin ng lalaking mahal mo. Hindi niya iyon aminin sa 'yo pero
darating ang araw na bababa siya sa pedestal na kinaluluklukan niya
para hingin ang kamay mo. Sa nase-sense ko kasi, may silent
communication na kayo ng lalaking ito.”
Napangiti
siya pagkatapos maalala ang sinasabing iyon ni Elsie.Ang hindi lang
niya maunawaan ay kung ano ang tinutukoy nitong silent commitment daw
nila ni JM. Paanong nagkaroon sila ng silent commitment, kung ang
tingin sa kanya ni JM ay tinik sa buhay nito. Parati kasi niyang
pinakikialaman ang buhay nito, lalo na pagdating sa mga babaeng
umaaligid dito.
“Ano
na naman ang ginagawa mo rito?”
Napalingon
siya sa nagsalitang si JM. Hayun na naman ito, lagi na lang
nakasimangot kapag dinadalaw niya ito sa bahay.
“Na-miss
kasi kita, JM sweetheart. Dalawang araw kang wala sa office.
Nag-aalala ako sa 'yo na baka lumala na pala ang sakit mo.”
Dalawang
araw itong hindi nakapasok sa opisina dahil natrangkaso ito. At dahil
Linggo nang araw na iyon, dinalaw na lamang niya ito. Hindi na siya
makapaghintay hanggang sa kinabukasan para muling masilayan ang
kagwapuhan nito.
Dahil
kaibigan niya si Mhelo ay naging close na rin isya sa pamilya nito
kaya ayos lang kahit maglabas-masok siya sa villa ng mga Santos.
Kakapasok lamang sa loob ng mama ni JM nang iwan sa kanya ng ginang
ang dalawang bata para tawagin ang binata at labasin siya roon sa
garden.
“Magaling
na ako. Pero siguradong mabibinat ako dahil sa dal-dala mo na namang
complaint sa trabaho mo.” Nakasimangot na naghila ito ng upuan,
saka umupo. “What now?”
Napangiti
si Enzo. Kabisado na talaga siya nito. Tuwing dadalaw siya roon ay
hindi na siya nawalan ng hihilingin dito na may kaugnayan sa kanyang
trabaho. Pero ang totoo ay paraan lang naman niya iyon para hindi
gaanong nakakahiya na siya pa ang dumadayo sa bahay ng mga ito. At
kahit naiinis ito sa mga complaint niya ay pinagbibigyan pa rin siya
nito sa bawat hilingin niya.
“May
hihilingin sana ako sa 'yo.”
“Palagi
ka namang may hinihiling sa akin. Ano na naman ba 'yan?” tanong
ni JM.
“Ang
sungit,” nakangusong sabi ni Enzo.
“Matagal
na. So, ano nga 'yon?” balik ni JM.
Ngumiti
muna si Enzo nang ubod tamis kay JM bago nagsalita. “Puwede ka
bang sumama sa amin na mag-spelunking sa Palawan?”
Ang
spelunking ay isa sa mga latest activity na ipi-feature nila sa GQ
para sa sports section nila na pinangalanan nila na E&E o Explore
and Experience. Wala silang available writer kaya wala siyang choice
kundi siya ang gumawa ng project.
“Bakit
naman ako ang sasamang mag-spelunking? Trabaho mo 'yan. Dapat lang na
ikaw ang tumapos niyan,” tanggi ni JM.
Eh,
kasi... ano... First time kong papasok sa kuwebang madilim, tapos
halos puro lalaki pa ang mga makakasama ko. Natatakot kasi ako.
Paano na ang puri ko kapag sinaniban ang mga kasama naming lalaki ng
masasamang ezpiritu na naninirahan sa loob ng kuweba?”
Tumahimik
si JM. Mukhang pinag-iisipan nito ang mga sinabi niya. Mabait naman
ang mga staff na makakasama niya. Pero siyempre, kailangan niyang
magdrama para mapasunod ito. Unang beses siyang sasabak sa
pag-e-explore sa likas na yaman ng bansa at nais niya na sa lahat ng
bagay na susubukan niyang pasukin ay kasama niya si JM.
“Lalaki
rin ako. Bakit ako ang niyayaya mo?” kapagkuwan tanong nito.
“Alam
ko naman na wala kang pagnanasa sa akin kaya nakakasiguro akong safe
ako kapag kasama ka. Kaya sige na, sumama ka na. Isa pa, kung ikaw
naman ang gagahasa sa akin, okay lang, hindi ako sisigaw.”
Sinundan pa ito ni Enzo ng halakhak ang mapansing napanganga si JM sa
mga pinagsasasabi niya. Sanay na siya sa ganoong mga reaksiyon
nito.Tinatablan din naman siya ng hiya sa pagiging blunt niya rito.
Kaya para hindi naman maging awkward ang mga sandali sa pagitan nila
ay idinadaan na lang niya sa pagbibiro ang pagtatapat niya ng
damdamin sa lalaki.
“Shut
up!” asik ni JM. “Hindi ako sasama. Mukhang ang puri ko
ang manganganib kapag sumama ako,” seryosong saad nito.
Napangiti
si Enzo. Napakaguwapo talaga nito. Kahit nakasimangot at halos
mag-isang linya na lang ang mga kilay nito ay guwapo pa rin ito sa
paningin niya.
Hay!
Ang gandang lalaki mo talaga, mahal. Gusto na kitang halayin sa isip
ko. Huwag kang sumimangot, lalo mo lang ako napapaibig, aking
prinsipe.
“Ang
arte mo naman!” kapagkuwan ay saad ni Enzo. “Kailangan ko
lang talaga ng kasamang mapagkakatiwalaan. Alam mo kasi, takot akong
sumabak mag-spelunking. Madilim sa mga kuweba paano kung lumindol? O
kaya biglang tumaas ang tubig? Baka kami malunod sa loob ng kuweba. O
kaya---”
“Magtapat
ka nga sa akin, Enzo. May achluophobia ka ba?” putol nito sa
paglilintanya niya.
“Ha?”
“Ganyan
ang epekto ng dilim kay Mhelo dahil may achluophobia siya. Kung
ano-ano ang naiisip n'on kapag madilim hanggang sa mag-freak-out na
siya.”
“Ah...”
Ano ang sasabihin niya? Wala naman siyang ganoong phobia. Kung
ano-ano lang naman ang sinasabi niyang alibi dito para samahan siya
nito sa proyektong iyon. “Eh kasi... Hahanap na nga lang ako ng
ibang gagawa sa project na 'yan. Makikipagpalit na lang ako sa mga
writer natin,” nakasimangot na saad ni Enzo. Mukhang mahuhuli
pa siya nito na nag-aalibi lang siya kung ipipilit pa niyang samahan
siya nito.
“The
best ang spelunking para sa mga may claustrophobia at achluophobia. Ginawa
na 'yan minsan ni Mhelo. So, you's better deal with it.”
“Pero---”
“Kung
nalaman ko nang mas maaga ang kondisyon mo na 'yan, sana pinasama na
kita kay Mhelo noon. Teka bakit nga ba hindi ko agad nalaman 'yan?”
tanong ni JM sa sarili.
Hindi
nakaimik si Enzo. Eh, kasi, wala naman talaga akong achluophobia.
Bakit ba biglamong naisip 'yan?
“Sasamahan
ko kayong mag-spelunking kung nag-aalala ka pa rin. That activity
will help you a lot.”
“Talaga?”
hindi makapaniwalang tanong ni Enzo. Ibig ba nitong sabihin ay
pumapayag na itong sumama sa kanilang mag-spelunking?
“Oo.
Kailan ba ang punta n'yo sa Palawan para naman maayos ko ang schedule
ko?”
“Totoong
gagawin mo 'yon para sa akin, JM sweetheart?” Pakiramdam niya
ay nagningning ang mga niya.
“Kailangan
kong sumama para tumuloy ka sa activity na iyan. At nang maka-get
over ka na rin sa takot mo sa dilim. Hindi ko alam na katulad ka ni
Mhelo na nagpi-freak-out kapag nawawalan ng power sa gabi.”
“Ha?”
naguguluhang tanong ni Enzo.
“Iyong
achluophobia mo ang tinutukoy ko. Kaya nga tumuloy ka sa activity at
sasamahan na nga kita, ano pa ba'ng gusto mo?” paliwanag ni JM.
Hindi na
si Enzo nakaimik. Kapag itinama pa niya ang maling akala nito,
malamang na hindi na ito sumama. Pagkakataon na niyang makasama sa
isang adventure si JM. Posibleng makatsansing pa siya rito. At kapag
binago pa niya ang maling akala nito, mawawalan na siya ng
pagkakataong makasama ang kanyang irog --- sa isang madilim at
malamig na kuweba.
Napangisi
siya sa naisip. Hahayaan na nga lang niya ito. Magpapanggap na lang
siya na takot sa dilim para makayakap siya rito. Maraming plano ang
naglalaro sa isip niya nang tapikin siya ni JM.
“Ano'ng
inginingiti mo riyan? Mukhang may masama na namang naglalaro sa isip
mo, ah. Don't ever think of bringing Thomas into the activity, or
else, magba-back-out ako kahit nasa site na tayo,” banta ni JM.
Ano
raw? Bakit nadawit si Thomas? Wala naman talaga siyang balak na
paeksenahin ang pinsan nitong mahangin sa activity nilang iyon. Gusto
niyang masolo ang binata at hindi iyon mangyayari kapag nasa paligid
si Thomas. Kung hindi man lalayo si JM sa kanya, mag-aaway lang ang
magpinsan sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay.
No comments:
Post a Comment