“Helmet,
check, Headlight, check. Life vest, check. Isa na lang ang kulang...
goodluck kiss ko,”
nakangising saad ni Enzo kay JM habang tsine-check ang kanyang
outfit. Naghahanda na silang lahat na pumasok sa loob ng kuweba. Walo
hanggang sampu lang ang puwedeng pumasok doon dahil limitado rin ang
daloy ng oxygen sa loob.
“Enzo,
ako na lang ang magbibigay sa 'yo ng good luck kiss. Garantisadong
epektibo,”
saad ni Thomas na lumapit pa puwesto nila ni JM.
“Get
a life Thom!”
paasik na saad ni JM at kinabig si Enzo palapit sa katawan nito. Kung
hindi lang niya kabisado ang palaging pag-aaway ng magpinsan kahit na
mga walang kakuwenta-kwentang bagay ay baka isipin niyang
nakikipag-agawan si JM sa pinsan nito nang dahil sa kanya.
“What's
wrong with you man? Hindi ba't wala ka namang pakialam kay Enzo?
Bakit palagi ka na lang humaharang sa pagitan naming dalawa?”
tanong ni Thomas kay JM.
Gustong pukpukin ni Enzo sa ulo si Thomas. Wala na kasi
itong ibang ginawa kundi ang ipagdiinan na kahit kailan ay wala
siyang halaga kay JM.
“Ah,
excuse me, Thomas. Hindi sa pumapagitan sa atin si JM sweetheart ko.
Siya talaga ang mahal ko. Kaya, gora ka na lang malayo sa amin, ha?”
Pagtataboy niya rito. “Tara
na, swetheart.”
Niyaya na niya si JM papasok sa lobb ng kuweba dahil nagsisimula na
rin pumasok ang iba sa mga kasamahan nila. Narinig pa niyang
bahagyang nagmura si Thomas at ang sumunod na napagbalingan nito ay
si Shay. Ngayonay nag-aangilan nag dalawa. Parang bale-wala kay Shay
na si Thomas ang vice president ng kompanya for accounting at
posibleng maging presidente ng kompanya kung makipag-argumento ito
kay Thomas. Gusto niyang pagsisihan ang naging pagtrato niya kay
Thomas, pero kailangan din niyang gawin iyon dahil hindi naman niya
gustong bigyan pa ito ng pag-asa sa kanya.
Nagulat at naramdaman ni Enzo ang mahigpit na pagkabig
sa kanya ni JM. Napahinto at napalinga tuloy siya.
“Huwag
kang matakot, nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan,”
sabi nito.
Lihim na napangiwi si Enzo. Muntik na niyang makalimutan
ang dapat na pag-arte niya. Dapat nga pala ay natatakot siya ngayong
papasok na sila sa madilim na kuweba.
“Oh,
yeah,”
pilit siyang ngumiti rito. Kinakabahan siya na baka hindi niya
magampanan ang role ng isang may achluophobia.
Ginantihan na rin niya ang pagyakap nito. Damang-dama
niya ang init ng katawan nitong nanunulay patungo sa bawat himaymay
niya. Hindi niya maintindihan kung bakit lalo siyang kinabahan sa
sitwasyon nilang iyon. Maybe because this was the first time --- in
their eight years of being together --- that they became that
intimate. Kahit magkasama kasi sila sa iisang kompanya,
bihirang-bihira pa rin na magkasama sila ng matagal na oras.
Nagkakaroon lang sila ng pagkakataon na magkasama nang lagpas isang
oras kapag may mga event na kailangan nilang daluhan pareho o di
kayaay kapag nalaman niyang nagbabangayan ito at si Thomas.
“You're
shaking. Ibang klase ka palang matakot. Tahimik lang,”
narinig niyang komento ni JM.
“Hindi
ako takot,”
hindi na niyang napigilang sabihin. Maling-mali talaga na hinayaan
niya itong maniwala sa maling akala nito.
“All
right, sinabi mo, eh,” saad
nito na halata namang hindi naniniwala sa sinabi ni Enzo.
Tumahimik na lang siya at nagmasid sa paligid habang
naglalakbay sila sa loob. Wala na rin namang silbi kahit aminin pa
niya rito ang totoo, dahil ayaw rin nitong paniwalaan.
Sa kakalingon ni Enzo sa paligid--- dahil naaliw siya sa
mga virgin stones at mga column ng stalactites at stalagmites--- ay
bigla na lang siya lumubog sa malalim na parte ng tinutungtungan
niya. Mabuti na lamang at nakakapit siya kay JM. Subalit mukhang
hindi rin nito napaghandaan ang nangyari kaya magkasama silang
lumubog sa malalim na parte. Napatili si Enzo. Hindi sila lulubog
nang husto dahil suot naman silang life vest pero nag-panic pa rin
siya.
“Calm
down. I'm here,”
saad ni JM, saka siya hinila patungo sa mababaw na parte.
Nagsibalikan papunta sa kanila ang iba pa nilang mga
kasama upang marahil ay alamin kung ano ang nangyari at tumili siya.
Nangungunang sumaklolo sa kanila si Thomas.
“Ano'ng
nangyari Enzo? Ok ka lang?”
ang nag-aalalang tanong nito.
“Oo,
okay lang. Huwag kayong OA riyan,”
ang nasabi na lamang niya nang mabakas niya ang pag-aalala sa mga
mukha ng mga ito.
“Wala
ka talagang kuwentang kasama, John Michael. Ako na lang ang aalalay
kay Enzo,”
sikmat ni Thomas kay JM, saka hinawi ito.
Agad na umalma si JM at itinulak si Thomas palayo kay
Enzo. Kinabig din siya nito gamit ang isang braso papunta sa likuran
nito. Siguro, kung magkakasya lang siya sa bulsa ng jeans nito,
malamang ay isinilid na siya nito roon, maitago lang siya mula kay
Thomas.
“Hindi
ko ginustong mahulog si Enzo,” angil nito sa pinsan. “Aksidente
'yon. Accidents happen anytime.
“Puwedeng
maiwasan ang aksidente kung iniingatan mo siya. Ako na lang ang
aalalay sa kanya. Mapapahamak lang si Enzo kapag ikaw ang katabi
niya,”
sagot naman ni Thomas.
“At
sa palagay mo, mas safe siya kapag ikaw ang nasa tabi niya? Dream on,
Man! You're worse than I am.”
Heto
na naman po sila,
nasabi na lamang ni Enzo sa isip.
Pumapalatak na ang iba nilang kasamahan. Kung bakit kasi
hindi magkasundo ang dalawang ito.
“Tumigil
na nga kayo,”
saway ni Enzo sa magpinsan, pero tuloy pa rin ang mga ito sa
pagtatalo. Hanggang sa mauwi iyon tungkol sa pamamahala ng kompanya.
“Diyan
na nga kayong dalawa. Nakakaasar na kayo, ha? Shay, tara na. Iwan na
natin ang mga iyan,”
baling niya sa isa pa niyang kasamahan.
Lumapit sa kanya si Shay at nagpatuloy na sila.
“Kung
bakit kasi ayaw mo pang pumili sa dalawang 'yon, Enzo. Nang matigil
na ang pag-aaway ng magpinsan,”
mayamaya ay saad ni Shay. Ito ang kumkuha ng footage at photographs
sa activity nilang iyon.
“Ano'ng
sinabi mo?”
tanong ni Enzo.
“Sabi
ko, pumili ka na kina Sir Thomas at Sir JM para tumigil na sila sa
pag-aagawan sa 'yo.”
Kumunot
ang noo ni Enzo. “Hindi
ako ang pinag-aagawan nila, kundi ang kompanya. Nagiging alibi lang
ako ng mga 'yan sa pababangayan nila. At isa pa, matagal na akong
nakapili. At alam n'yong si JM iyon. Lagi ko namang sinasabi iyon,
hindi ba?”
ani ni Enzo at ibinalik na ang atensiyon sa totoong pakay nila roon,
ang pag-explore sa kuweba.
“Yeah,
right. Kaya nga walang naniniwala sa 'yo. Dahil araw-araw mong
ipinoproklama ang undying love mo kay Sir JM, it appears to a joke.”
Nanibagong bigla si Enzo sa sinabi ni Shay. Bakit parang
biglang naging issue rito kung araw-araw man niyang ilantad ang
damdamin niya para kay JM; at hindi na iyon paniwalaan ng mga
kasamahan nila sa trabaho? Huwag nitong sabihin na may gusto rin ito
kay JM niya. Na nagbago na ang taste nito at gusto nang magpakababae.
“Sandali
nga, Shay. May gusto ka rin ba kay JM ko? Binabalaan kita, huwag mo
siyang masulot-sulot sa akin, ha?”
Saglit
na napatunganga ito kay Enzo, kapagkuwan ay agad din nitong binawi.
“Hindi
si Sir JM ang gusto ko. Don't worry, Enzo. Wala naman akong kakayahan
na mapaibig ang isang bato.”
Sandali silang huminto dahil nasa mabatong parte na sila
ng kuweba. Magiging mahirap ang pag-akyat pagdaan sa maliliit na
espasyo ng mga naglalakihang bato na naroon. Mukhang napag-iwanan na
nga sila ng iba nilang mga kasamahan.
“So,
kung hindi si JM, si Thomas ang gusto mo, tama ba?”
Natigilan uli ito. Mukhang
tama nga siya. Gusto mo s'ya 'no?”
panunudyo niya rito.
“Ay,
ewan ko sa 'yo, Enzo. Diyan ka na nga.”
Pagkasabi nito niyon ay mabilis na siya nitong ununahan paglalakad.
Nakangiting pinagmasdan ni Enzo si Shay habang papalayo
sa kanya. Mukhang may paraan na siyang magagawa para layuan na siya
ni Thomas.
Pagtutuunan na sana ni Enzo ng atensiyon ang trabaho
niyo roon nang may maramdaman siyang malamig na bagay na nakakapit at
gumagapang paitaas ng kanyang binti. Nang tingnan niya ang binti niya
ay napapikit siya ng mariin, saka pinakawalan ang napakalakas na
tili. May itim na ahas na pumulupot sa binti niya.
“Enzo!”
“Enzo!”
Naririnig niya ang mga tumatawag sa kanya pero hindi
niya nakikita ang mga ito dahil ayaw niyang idilat ang mga mata niya.
Ayaw niyang makita ang ahas na nararamdaman niyang gumagapang na
paitaas sa kanyang binti. Sa lahat pa naman ng uri ng hayop ay iyon
ang labis niyang kinatatakutan. At dahil naka-shorts lang siya ay
alam niyang wala siyang proteksiyon kapag tinuklaw na siya nito.
Maymaya ay hindi na niya naramdaman ang ahas na nasa binti niya at
kasabay niyon ay nag pagyugyog sa mga balikat niya kung sino.
“You're
safe. Enzo. Rat snake lang 'yon. Wala 'yong kamandag.”
Dumilat siya nang marinig ang nag-aalalang tinig ni JM.
Bigla siyang kinabig nito upang yakapin. At wala rin siyang ibang
gusto kung hindi ang magpakulong sa mga bisig nito, kaya gumanti rin
siya ng yakap dito.
“Nasaan
ba si Shay? Akala ko ba, magkasama kayo?”
tanong pa nito habang hinahagod ang kanyang likod.
“Tinukso
ko siya, kaya hayun, iniwan ako,”
Humihikbinh saad niya. Medyo kumakalma na siya mula sa matinding
takot niya sa ahas kanina. Pakiramdam niya ay safe na siya habang
yakap-yakap siya ni JM.
“Akala
ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. I was worried,”
sabi ni JM at pinakawalan na si Enzo. “Okay
ka na?”
“Talaga?
Nag-alala ka sa akin, JM sweetheart?”
nakangiting tanong niya rito.
“Okay
ka na nga, nakakapagbiro ka na uli.” Sumimangot
siya sa sinabi nitong iyon. “Halika
na. Huwag ka ngang lalayo sa tabi ko. Pinag-aalala mo ako,”
sabi pa nito.
“Kung
hindimo inuna ang pakikipag-away kay Thomas, eh, di sana hindi ako
lalayo sa inyo,”
ganting paninisi niya rito. “And
spaeking of your cousin, where is he?”
“I
don't know and I don't care. Huwag mo na nga siyang hanapin. Kaya na
niya ang sarili niya.” Iginiya
na siya nito pausad mula sa kinaroroonan nila upang makasunod na ang
mga kasama nila. Noon niya narinig ang pagtawag sa kanya ni Thomas
mula sa likuran nila.
“Ano'ng
nangyari, Enzo?”
hinihingal na tanong nito.
“Wala,
ayos lang ako, “
sabi niya rito.
“Nasaan
si Shay? Siya ba ang tumili o ikaw?”
tanong uli nito.
Tumaas ang kilay niya sa tanong nitong iyon. Nag-aalala
ba ito na baka may nangyaring masama kay Shay? May nangyayari ba sa
pagitan ng mga ito na hindi niya alam?
“Ako
ang tumili. Nauna na siyang umalis sa akin.”
“Ah.”
Bumuntong-hininga ito. “Okay
ka lang talaga?”
“Oo
nga. Kita mo naman na ayos lang si Enzo,”
pagsusupladong tugon ni JM dito. “Tara
na nga.”
Nagulat na lang Enzo nang sumunod na rin si Thomas sa sinabi ni JM
nang walang sabi-sabi at nauna pa ito sa kanila. Ni hindi na nito
pinatulan ang pagsusuplado ni JD. Ano kaya ang nangyari sa pagtatalo
ng mga ito kanina?
“Ano
ang nangyari do'n?”
nagtatakang baling niya kay JM.
“Ewan
ko. Hayaan mo na nga siya. Kanina ka pa tanong nang tanong ng tungkol
sa kanya, ah?”
nayayamot na sabi ni JM.
At ano'ng problema ng isang 'to? Bakit nag-iinarte
ito ng ganito?
“Nagseselos
ka ba kay Thomas?”
pabirong tanong niya.
“Bakit
naman ako magseselos? Pakialam ko sa kanya? Nagkasundo lang kami na
pansamantalang mag-cease-fire habang nasa loob tayo ng kuweba. Pero
kapag bumalik na tayo sa Maynila, hindi ko na palalagpasin ang
katalasan ng dila---”
“Tama.
Hindi ka dapat magselos sa kanya, kasi ikaw naman ang mahal ko,”
putol niya sa sinasabi nito. Ngumisi pa siya rito.
“Tara
na nga,”
sabi na lang ni JM.
“Hay!
Ang sarap talaga makakita ng liwanag pagkatapos ng mahabang panahong
nasa dilim, parang buhay lang.”
Nakatayo na si Enzo sa labas ng bunganga ng kuweba
habang malayang sinasamyo ang sariwang hanging humahaplos sa kanyang
mukha. Mas na-appreciate yata niya ang buhay niya ngayon pagkatapos
nilang sumabak sa pag-i-spelunking.
“I
agree.”
Napilitan siyang dumilat nang marinig niya nag boses ni
JM. Nasa tabi na pala niya ito at pinagmamasdan din ang kapaligiran
sa ibaba mula sa kinaroroonan nila. Isang malawak na lawa ang
natatanaw nila mula roon. Sa paligid naman ng lawa ay may iba't-ibang
uri ng mabeberdeng puno at halaman. Halatang nape-preserve nang
maayos ang lugar na iyon.
Ngumit siya kay JM. Umakbay naman ito sa kanya habang
malaya nilang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin. Ilang sandali
pa at may naririnig na silang mga sumisipol mula sa kanilang likuran.
Nang lingunin nila iyon ni JM ay natukalasan nila na ang mga
kasamahan nila iyon at pawang nakangisi sa kanila. Agad silang lumayo
sa isa't-isa. Hindi niya maunawaanang sarili kung bakit ganoon ang
ikinilos niya. Sa ordinaryong sitwasyon ay dapat na mas maging
agresibo pa siyang lumapit kay JM para lalo silang tuksuhin ng mga
kasamahan nila. Subalit bigla siyang nailang na gawin iyon.At
hindiniya talaga maunawaan kung bakit siya nagkakaganoon. Parang
tinalaban na siya ng hiya pagkatapos maalala ang pag-uusap nila ni
Shay kanina. Bigla niyang na-realize na mali ang mga natural niyang
iniaakto sa harap ng mga staff nila patungkol sa pagsinta niya kay
JM. Nagmumukha lang talaga siyang mapagbiro sa pangangalandakan ng
pag-ibig niya rito.
No comments:
Post a Comment