“Huwag
mo ako matawag tawag na honey diyan. Baka gusto mong pasabugin ko
'yang nguso mo?” ang matapang na banta ni Enzo sa lalaki.
Kaklase niya ito sa class IV-B at madalas rin siya nitong i-bully.
Pero kahit ilang beses na niyang sinabi na hindi niya ito gusto ay
patuloy pa rin ito sa pagpapa-cute sa kanya. Kaya pinababayaan na
lang niya ito sa trip nito sa buhay.
Kagagaling
lamang niya sa canteen at may sinusundan siyang lalaki nang humarang
si Axel sa daraanan niya. Okay lang na harangan siya nito. Sa men's
room kasi nagtungo ang lalaking hinahabol niya --- ang lalaking
nag-abot sa kanya ng isang basong tubig pagkatapos niyang mabilaukan
sa napakaraming pasta na isinubo niya.
Aminado
siyang nakaka-turnoff siya kapag kumakain dahil wala siyang pakiaalm
kung kasinlaki man ng kamao niya ang pagkaing isusubo. As long as
lulusot pa din iyon sa kanyang bibig ay walang problema. Kung may
numero uno man siyang gustong gawin sa buhay, iyon ay walang iba
kundi ang kumain. At walang makakapigil sa kanyang kumain kung gusto
niya.
Pero
kanina ay tila nahiya na siya sa sarili pagkatapos niyang matinghayan
ang guwapong lalaking nagligtas ng buhay niya mula sa mapaminsalang
pasta. Oo, mapaminsala na ang tingin niya ngayon sa pasta dahil
muntik na siyang patayin niyon.
“Ang
sweet mo naman, honey. Papasabugin mo ang puso ko? Ng ano? Pagmamahal
mo?” nakangiting tanong sa kanya ni Axel. Alam niyang sinadya
nitong magkumwari na mali ang narinig, taktika na nito iyon para
makapaglambing sa kanya.
“Tumigil
ka nga diyan. Ang corny mo! Nguso mo kaya ang pasabugin ko at hindi
ang puso mo,” angil ni Enzo.
“Sweet
mo pa rin, honey. Papasabugin mo ang nguso ko sa pamamagitan ng
halik?” balik na tanong nito.
Sasagot
na sana siya kay Axel nang may marinig siyang nagtilian.
“JM!”
“Ang
guwapo mo talaga!”
“Puwede
bang magpatulong sa 'yo sa paggawa ng speech? Magaling ka raw sa
gano'n eh.”
“Ako
rin, JM, patulong din ako sa Geometry ko. Ang hirap kasi ng subject
na 'yon.”
Naningkit
ang mga mata ni Enzo pagkatapos marinig na pinagkakaguluhan ng mga
haliparot na babaeng estudyante ang guwapong lalaking tagapagligtas
niya. Tinabig niya si Axel upang makalapit sa kumpol ng mga babaeng
nag-aabang din pala sa taong inaabangan niya. Bakit nakaligtas sa
radar niya ang guwapong lalaking ito? Hindi niya agad natunugan na
may ganito palang kaguwapong extudyante sa paaralan nila. Hindi naman
siguro ito College student kasi kung gannon eh bakit hindi ito sa
college extension nila nagpakalat-kalat.
“Excuse
me! Dadaan ang diyosa.” Mataray na hinawi niya ang mga
estudyante at agad na umabrisete sa braso ng lalaki na halatang
nagulat sa ginawa niya.
“At
sino ka namang bading ka?” mataray na tanong ng isang babae
roon.
Aba't
ang ingratang 'to. “Hindi mo ako kilala? Seneior student ako
ng paaralang ito, at ang lalaking ito --- na pinagkakaguluhan
ninyo--- ay boyfriend ko.”
“Ano?!”
sabay-sabay na sigaw ng mga babaeng naroon.
“Yes!”
ngiting-ngiting saad niya. Anak ng tinapa, huwag kang kokontra, aking
prinsipe. “This guy...” Binalingan niya ang lalaki. “What's
your name again, sweetheart.?”
“John
Michael,” sagot nito, habang parang mag-ssiang linya na ang mga
kilay nito na nakatingin sa kanya.
“Ang
haba naman, 'JM' na lang,” reklamo at suhestiyon niya. Bumaling
uli siya sa mga babaeng nasa harap nila. “This handsome JM guy
is may boyfriend.”
“No!”
tutol na sagot ng isa sa mga babae.
“Kailan
pa?” tanong naman ng isa sa nais magpatulog kay JM sa Geometry
“Hindi
kami papayag!” halos sabay-sabay na tutol ng mga babae sa
paligid nila.
“JD,
bakit ipinagpalit mo kaming mga sumisinta sa 'yo sa isang pangit na
palakang tulag niya?”
Mabilis
na kumulo ang dugo ni Enzo sa babaeng nagsabing panget siya. “Ikaw,
Miss? Sophomore ka pa lang, di ba? Hindi ka ba marunong gumalang sa
mas nakakataas sa 'yo?”
Tila
naman nabahag ang buntot ng babae. Nakonsiyensiya rin naman siya sa
ginawa niyang pambu-bully sa mga ito. Pero kailangan niyang gawin
iyon. Binalingan niya ang iba pa.
“Kayo,
ke-babae ninyong tao, hinaharass n'yo itong si JM ko. Pasalamat kayo
at pasensiyoso ito, kung hindi, malamang na matagal na kayong
naipatapon sa guidance office. Ano'ng gusto n'yo? Dalhin ko kayong
lahat doon? O gusto ninyong i-report ko na lang kayo sa mga adviser
n'yo?” pagbabanta pa niya sa mga ito. Nagsilayasan naman agad
ang mga ito.
Naramdaman
niyang kumawala na si Jm sa pagkakaabrisete niya. “So, I'm your
boyfriend, ha? Ngayon ko lang nalaman na may nagmamay-ari na pala sa
akin,” walang emosyong sad ni JM.
“Ngayon,
alam mo na. Thank you and you're welcome nga pala.” sagot ni
Enzo.
“Huh?”
“Thank
you sa pagligtas ng buhay ko kanina sa canteen. And you're welcome
dahil iniligtas kita sa pagkuyog sa 'yo ng mga fans mo.”
“Hindi
naman ako nag-thank you sa 'yo, ah?” ang nalilitong sabi ni JM.
“Oo
nga. Inunahan na lang kita. Sayang naman 'yong laway mo kung
magpapasalamat ka pa sa akin. Patas na ba tayo? Wala na akong utang
sa 'yo?”
“Wala
ka namang utang sa akin sa pagkakatanda ko,” sagot nito kay
Enzo.
“Utang
ko sa 'yo ang pangalawang buhay ko. Kaya mula ngayon, ikaw na ang
kaing prinsipeng tagapagligtas at ako ang iyong damsel in distress,”
nakangiting sabi nito kay JM.
“Honey!
Magsisimula na ang klase natin! Tara na!” tawag sa kanya ni
Axel na hindi alam na naroon pa pala.
Napalingon
siya rito. Walanghiyang lalaki ito, hindi pa nga siya tapos
maglitanya, binulahaw na siya.
“Sige,
ha, Prince Charming. Aalis na ako. May klase pa ako, eh,”
paaalam niya kay JM.
Humakbang
na siya palayo sa natitigilan pa ring lalaki. Gusto niyang matawa sa
sarili at sa mga pinaggagawa niya sa buhay. Nahawaan na yata siya sa
ka-corny-han ni Axel dahil ngaun ay siya naman ang gumagawa ng mga
pinaggagagawa nito. Hindi pa niya kailanman nagawang lumapit sa isang
lalaki at kontratahin iyong maging prinsipe niya. Pero bakit nang
makaharap niya si JM, pakiramdam niya ay napakanatural na ang ng mga
salitang lumabas sa bibig niya? Parang hindi niya maramdaman ang
pagkahiya at tuwang-tuwa pa siya sa paglilitanya niya.
“Saan
ka galing, bakla ka? Kanina pa kita hinahnap, ah?” Bungad sa
kanya ng kaibigan at kaklase na si Mhelo.
“Diyan
lang sa paligid, nakipagkilala ako sa guwapo,” tugon niya rito.
“Sinong
guwapo? Si Cody?” tanong nito.
Pinukol
niya ito ng masamang tingin, dahil ang tinutukoy nitong Cody ay ang
crush nito. “Si Sean lang ba ang guwapo sa campus na ito?”
balik-tanong ni Ezno.
“Sino
pa ba?” ganti ulit ni Mhelo.
“Huhulan
ko ang tinutukoy mo,” sabad naman ni Andrew. Kaibigan at
kaklase rin iya ito na head over heels in love sa pinsan niyang si
Ryan.
“Sino?” tanong ni Mhelo.
“Eh,
di 'yong kuya mo na saksakan ng suplado,” paismid na tugon ni
Andrew.
Gulat na
napalingon siya kay Mhelo. Maging ito man ay nagulat din sa inilahad
ni Andrew.
“Kapatid
mo si JM?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“John
Michael Santos is my elder brother. How---”
“Bruha
ka. May kuya ka palang guwapo, bakit hindi mo agad pinakilala sa
akin?” Niligon niya si Andrew na ngting-ngiti. Kasama niya ito
kanina sa canteen nang mabilaukan siya. At basta na lamang niya itong
iniwan doon dahil hinabol niya si JM upang magpasalamat. “Ikaw?
Bakit naunahan mo pa akong makilala si JM?”
“Absent
ka kasi kahapon. Kaya hindi mo nakilala noong ipinakilala sa akin ni
Mhelo ang brother niya,” sagot ni Andrew.
Napatili
siya. Abot-kamay lang pala niya ang guwapong tagapagligtas niya.
Bakit hindi agad niya nalaman?
Tinampal
siya sa braso ni Mhelo. “Hoy! Makatili ka naman diyan. Kuya ko
lang 'yon tinitilian mo.”
“He's
so guwapo, friend! And I need to know everything about him,”
kilig na kilig na saad ni Enzo.
“Mamaya
na. Nandiyan na si Mrs. Flores. Tsikahan tayo mamaya. Ibubuko ko sa
'yo ang mga secret ni Kuya.”
Maluwang
ang ngiting umayos na si Enzo ng upo sa kanyang armchair. Hindi na
yata siya makapaghintay na matapos ang klase nila. He had to know
everything about that handsome guy, John Michael Santos – his
ultimate crush.
No comments:
Post a Comment