Chapter 3
Matagal na pinag-isipan ni Trance kung bibigyan ba niya ng bulaklak si Miguel. Naalala niyang mahilig ito sa tulips. Pero alam niyang kahit bigyan niya ito ng paboritong nitong bulaklak ay hindi ito mapapangiti. Kaya pinili niyang huwag na lamang magdala ng bulaklak.
Alam niyang pinilit niya itong magkipag-dinner. Binigyan na rin naman niya ito ng mahabang panahon para maka-recover sa shock sa pagkawala ni Andrei. Pero magkakaroon na ito ng baby at bumabagsak na ang negosyo nito. Sa tingin niya ay hindi na siya dapat maghintay pa nang matagal.
Nangako siya kay Andrei.
Pagdating niya sa bahay ni Miguel ay inihanda niya ang sarili sa galit nito. Alam niyang hindi ito papayag nang basta-basta sa sasabihin niya. Gamit ang metal knocker, kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan. Naghintay siya pero walang lumabas kaya kumatok uli siya ng mas malakas.
"Miguel," tawag niya. Luminga siya sa paligid. Wala ni anino ni Miguel. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob at sa gulat niya ay bumukas iyon.
Iniwan nitong hindi nakakandado ang pinto.
Naalarma siya. Mag-isa na lang naninirahan doon si Miguel. Wala sa pagkatao nito ang maging pabaya. Walang pagdadalwang-isip na pumasok siya sa loob ng bahay. Madilim ang paligid.
"Miguel?"
May binuksan siya na isang pinto pero walang tao sa loob niyon. Sinubukan niya ang isa pa na buksan at ganoon din. Pagdating niya sa dulo ng hallway ay nakabukas ang pinto roon. Nagbibigay ng kaunting liwanag ang ilaw sa gitna ng kuwarto kung saan natutulog si Miguel.
Napakislot si Trance nang makita itong natutulog nang mahimbing. Suot pa din nito ang damit nito kaninang umaga. Hindi niyon naitago ang kakisigan ng katawan nito.
Minsan din niya itong minahal. Siya ang kumuha ng pagkabirhen nito noong labing-walong taong gulang ito. Ibinigay nito ang lahat-lahat sa kanya at kahit na sinubukan niyang ibigay rin dito ang lahat ng kailangan nito ay hindi niya nagawa. May iba pa siyang mahal--- ang racing. Nasa dugo niyan iyon.
Nakamit niya ang mga pangarap niya nang walang hirap. Pero binigo niya ang kanyang ama at nasaktan niya nag lalaking pinakahinahangaan at pinakamamahal sa buong mundo.
Hindi siya pumunta sa bahay ni Miguel upang alalahaninang nakaraaan nila. Ito ang naulilang asawa ni Andrei at kahit sa pagtulog nito ay makikita sa mukha ang sakit sa pagkawala ng lalaki.
Ang unang naisip niya ay umalis at i-lock ang pinto paglabas niya. Pero hindi siya makagalaw. Hindi niya maalis ang mga mata kay Miguel. Hindi nagtagal ay kumilos ito at nag-inat ng katawan. Napatiim-bagang siya ng dumako ang tingin niya sa parte ng crotch area nito na nahantad sa pagbago nito ng puwesto.
Dumilat ito at napasinghap nang makita siya sa bungad ng pinto. Napabalikwas ito at nang makilala kung sino siya ay napalitan ng galit ang takot sa mga mata nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" ang tanong ni Miguel.
"May date tayo," sagot ni Trance.
"Date?" Tila saglit itong nalito pero bumalik din agad ang galit. "Paano ka nakapasok dito?"
"Hindi naka-lock ang pinto. Hindi magandang habit 'yon , Miguel. Puwedeng makapasok dito ang kahit na sino."
"May nakapasok ngang kahit sino." Bumaba si Miguel sa kama. Sinapo nito ang noo. "Nakatulog yata ako. Ano'ng oras na?"
"Eight-fifteen."
"Tumingin ito kay Trance. "Kanina ka pa ba nakatayo diyan?"
"Hindi," pagsisinungalin nito kay Miguel. "Kararating ko lang. Lagi naman ako late."
Saglit itong pumikit. "Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Napagod ako at nakatulog nang mahimbing."
"Baka bumabawi lang ang katawan mo. Marami kang pinagdaanan sa nagdaang araw," paliwanag ni Trance.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko."
Hindi na lang pinansin ni Trance ang pakikipagtalo. "Ready ka na ba?"
Nagsalubong nag mga kilay ni Miguel. "Ready?"
"Para sa dinner."
"Oh, I don't think so. Hindi ngayong gabi. Hindi ako ---" Hinawakan nito ang ulo. "Hindi maganda ang pakiramdam ko."
"Gaganda ang pakiramdam mo kung kakain ka. Kailan ka ba huling kumain?" tanong ni Trance kay Miguel.
"Hindi ko alam..." sagot ni Miguel. "Kumain ako ng salad kaninang tanghali."
"Kailangan mo ng lakas, Miguel"
Ibinuka ni Miguel ang bibig para sumagot pero agad ding isinara iyon.
"Hihintayin kita sa sala" sabay talikod ni Trace at umalis.
Mabagal ang kilos ni Miguel habang nag-aayos siya. Nahihilo siya. Wala siyang ganang kumain pero alam pero kinakailangan niyang gawin iyon. Hindi siya puwedeng ma-depress dahil hindi siya lalo makakapag-isip ng maayos.
Pagpasok niya sa sala ay isinara ni Trance ang binabasa nitong magazine at saka ito tumayo.
"You look better. Aalis na ba tayo?" ang tanong nito kay Miguel.
"Saan mo ba ako dadalhin?"
Naunawaan agad nito ang ibig niyang sabihin. "May mga ginawa akong arrangement, Miguel. Walang makakakita na magkasama tayo."
Nauunawaan naman ni Trance ang ibig ni Miguel na sabihin. "May mga ginawa akong arrangement, Miguel. Walang makakakita na magkasama tayo."
"Paano ka nakakasiguro?" tanong ni Miguel.
"Kami nag may-ari ng kalahati ng Alberto's. Sarado iyon sa publiko ngayong gabi."
"You mean ipinasara mo iyon sa akin?"
"Alam kong ayaw mong sagutin ang mga tanong kung sakaling may makakita sa ating magkasama ngayong gabi" paliwanag ni Trance.
Muntik ng makalimutan ni Miguel na bukod sa katulad ng kanyang negosyo ay may iba pang negosyo ang mga ito gaya ng restaurant at shops.
"Hindi ito date, Trance. Para lang maging klaro ang lahat."
Tumango si ito. "Klarong-klaro."
Nauna na siyang lumabas ng pinto si Miguel. Sumunod naman ito sa kanya. Nang buksan nito ang pinto ng Porsche gamit ang car alarm ay agad na siyang sumakay roon.
"Ready?" tanong ni Trance. Nang magtama ang mga mata nila ay pinaandar na nito ang makina. "Maganda ang gabi. Okay lang ba kung ibaba ko ang bubong ng kotse?"
"Okay lang. Gusto ko ring makalanghap ng sariwang hangin," sagot ni Miguel.
Noong unang makilala niya si Trance ay inisip niyang ito ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Nasa ikaapat na antas na ito ng sekondarya nang lumipat sa public school na pinag-aaralan niya. Dati ay sa mamahaling private school ito nag-aaral pero naiinis daw ito sa lifestyle ng mga estudyante doon. Hanggang sa napilit nito ang ama na pag-aralin ito sa pampublikong paaralan.
Nagsimula sila bilang magkaibigan hanggang naging malapit sila sa isa't-isa at maging boyfriend siya nito nang dalawang taon sa kabila ng yaman nito at mataas na estado sa buhay, sa kabila ng katotohanang ang ama nito at kanyang ama ay magkaaway sa negosyo, at sa kabila ng katotohanang kahit kailan ay hindi sila naniniwalang magiging panghabang-buhay ang relasyon nila.
"Gusto mo bang magpatugtog?" tanong sa kanya ni Trance.
"Mas gusto kong tahimik lang," sagot ni Miguel. Ayaw niyang alalahanin ang nakaraan nila, lalo na iyong mga pagkakataong nasa sasakyan sila nito, nagtatawanan at nagbibiruan.
"Okay."
Kapwa sila tahimik sa loob ng sasakyan. Pagdating nila sa Alberto ay saka nagsalita si Trance. "Gutom ka na ba?" tanong nito.
"Oo,. Actually, gutom na gutom."
"Good. Naghihintay na sa atin ang pagkain."
Pagkapasok nila sa restaurant ay itinuro sa kanya ni Trance ang isang lamesa na may nakasinding kandila sa gitna. Totoo nga ang sinabi nitong nakasara ang buong restaurant. Umupo siya sa isang dulo ng mesa at upo naman sa kabilang dulo si Trance.
Ang Alberto ang isa sa pinakamahal na restaurant sa kanilang lugar. Masarap ang mga pagkain doon.
"Nagpahanda ako sa chef ng iba't ibang pagkain. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo" sabi ni Trance kay Miguel.
"Nakalimutan mo na gusto ko ng pepperoni pizza?" tanong ni Miguel.
"Wala nang ibang makakakain ng pizza kagaya mo, Miguel. Pero sa tingin ko, wala 'yon sa menu ngayon. Halika, punta tayo sa kitchen. Tingnan natin kung ano ang inihanda ng chef para sa atin."
Tumayo sila at sabay na naglakad patungo sa state-of-the-art kitchen. Nakita nila roon ang mga pagkain na natatakpan ng mga stainless steel.
Binuksan ni Trance ang isang cover. "Vela scaloppines. Mainit pa." Binuksan nito ang isa pa. "Linguine arrabiatta, black tiger shrimps na may bacon and garlic."
Lumapit si Miguel dito. "Hmmm, ang sarap ng amoy."
May binuksan pa itong dalawang cover. Pagpasok nila sa kusina ay tila bumalik ang gana niya sa pagkain.
"Parang masarap 'yang ravioli. At saka 'yang salad," sabi ni Miguel.
"Great." Kinuha ni Trance ang napili nilang mga pagkain. "Hahanap ako ng wine."
"Oh, no. Hindi ako magwa-wine," sabi ni Miguel. Nakataas ang isang kilay ni Trance ng tingnan siya nito pero hindi ito nagtanong. "Tubig na lang sa 'kin."
Habang kumakain sila ay nakatitig sa kanya si Trance.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Trance."
"Ikaw ang pinaka guwapong lalake sa lugar na ito, Miguel."
Mariin siyang napapikit. "Huwag, Trance."
Nagkibit-balikat ito. "Sinasabi ko lang ang totoo."
"Ngayon, puwede mo na bang sabihin sa akin Trance kung ano nag importanteng bagay na hindi mo masabi sa akin kaninang hapon?"
"Pagkatapos nating kumain, Miguel."
"Bakit?" ang tanong nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Trance at umiling ito. "Dahil baka masira ang gana ko sa pagkain narinig mo ang sasabihin ko."
"Bakit bigla-bigla ay concenred ka sa kalagayan ko?" tanong nito kay Trance.
"I've always cared for you, Miguel."
"Hindi, Trance. Hindi tayo aabot diyan." Masyado silang maraming pinagdaanan nito at sa tingin niya ay hinding-hindi maghihilom ang mga sugat na iniwan nito sa kanya.
"Hindi mo ba puwedeng kalimutan kahit ilang minuto lang kung sino ako at sino ka? Hindi ba tayo puwedeng magkabati muna at ma-enjoy itong masarap na hapunan?" tanong ni Trance.
Sumang-ayon siya pero nagtataka pa rin siya sa kakaibang inaasal nito. "Fine. Kakain ako bago pa lumamig ang mga ito."
"That's my boy."
Tiningna niya si Trance ng masama.
Itinaas naman nito ang mga kmay. "Sorry." Pagkatapos ay itinuon na nito ang pansin sa pagkaing nasa plato nito at uminom ng alak hanggang makaubos ito ng dalawang kopita.
Pagkatapos nilang kumain ay iniligpit na ni Trance ang mga pinagkainan nila ni Miguel. Hindi siya nagpatulong dito. Kailangan niya ng oras para makapag-isip kung paano siya magpo-propose ng kasal kay Miguel na hindi siya magmumukhang manhid at masama. Isa lang ang naiisip niya at iyon ay ang sabihin dito ang katotohanan.
Kahit kailan ay hindi niya naisip na magpakasal kahit kanino maliban kay Miguel. Noong mga teenager pa sila, lagi nilang pinapangarap ang araw na ikakasal sila. Pero nagkasakit ang ina nito at nabigyan siya ng oportunidad na makamit ang kayang mga pangarap. Naiwan si Miguel para alagaan ang maysakit na ina at para makatulong sa pagpapatakbo ng Lavender Fields. Pinakiusapan niya itong sumama sa kanya pero ayaw nitong umalis. May mga obligasyon daw ito sa pamilya. Mahal nito ang Lavender Fields. Nasa La Carmela ang buhay nito at siya naman ay sa ibang lugar.
Nasaktan niya si Miguel. No. Halos sinira niya ito.
Tuwing tinatawagan niya ito ay unit-untin itong lumalayo. Hanggang isang araw, sinabi nito sa kanya na huwag na siyang tumawag. PAgkaraan ng dalawang taon ay pinakasalan ito ni Andrei. Hindi siya imbitado sa kasal.
Lumabas siya sa kusina dala-dala ang tray na may ice cream. May kakaiba sa tingin sa kanya ni Miguel ang ilapag niya iyon sa mesa. "Ano? Kahit ano pa ang isipin mo, hindi ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kinakailangan din naming kumilos. Gusto ni Papa na matuto kami sa buhay."
"Ang nasa isip ko ay ikaw ang klase ng tao na sanay na laging sinisilbihan," sagot ni Miguel
"I am. Hindi ko dine-deny. Maganda ang buhay ko ngaun at kaya kong---"
"Ipasara ang isang restaurant para magkaroon ng private dinner?"
"Oo. Isa yan."
"Sa tingin ko, dapat siguro akong matuwa na ikaw ang nagse-serve sa akin ng dinner ngayon. Siguro ay may magandang dahilan ka, Trance."
"Oo." Inibutan ni Trance si Miguel ng ice cream."Mahilig ka sa ice cream."
Hindi na si Miguel nag-alangan. Kumutsara ito ng ice cream at isinubo. Kumuhan na rin si Trance at sinaluhan niya ito. Nang magtama ang mga mata nila ay mabilis itong binawi ni Miguel. Ilang beses na ba silang nagsalo noon ng ice cream?
Pagkatapos ng dalawang subo ay bahagya na nitong itinulak ang bowl. "Okay, Trance. Nakipag-dinner na ako sa 'yo. Wala ring ibang tao sa paligid. Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit mo ako gustong makipagusap?"
"Alam kong galit ka sa akin, Miguel."
Tumingin ito sa ibang dereksiyon. "Masyadaong mabigat na salita ang galit, Trance."
"So, hindi ka galit sa akin?" umaasang tanong nito.
Tumingin uli ito kay Trance. "Hindi ko sinasabi 'yan. Ano ang sinabi no Andrei sa 'yo bago siya namatay?"
Umayos ito ng upo. Parang hindi ito mapakali. "Labas ka na doon, Miguel."
"Fair enough. Pero kailangan kong sabihin sa 'yo kung ano ang inihabilin niya sa akin, Miguel. Kailangang marinig mo ang mga huling sinabi niya sa akin habang sakay kami ng ambulansiya."
Namasa ang mga mata ni Miguel. Sa lahat ng pinaka ayaw ni Trance ay ang makita itong umiiyak. Sa isang iglap ay nagkaroon ng takot sa mga mata nito na para bang ang mga huling dalita ni Andrei ay makakapagpasakit dito. Pero matapang itong tumango.
"Okey. Sige, gusto kong marinig kung ano ang mga sinabi niya." sabi ni Miguel.
Sinikap ni Trance na huwag pumiyok nang magsalita siya. "Sinabi niya sa akin na mahal ka niya." Napasinghap ni Miguel at nagbabanta na namang pumatak ang mga luha nito. "And you deserved a good life."
"Napakabait niyang tao," dagdag ni Miguel.
"Ikaw lang ang huli niyang iniisip," patuloy ni Trance.
May isang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.
"Salamat, Trance. Kailangan kong marinig 'yan."
"Hindi pa ako tapos, Miguel. May sasabihin pa ako."
Sumandal ito sa upuan nito. "Okay."
"Pinakiusapan niya ako na alagaan ka. Protektahan ka. At iyon ang gagawin ko, Miguel. Pakakasalan kita."
...itutuloy

No comments:
Post a Comment