Chapter 2
Tumutulo ang mga luha ni Miguel habang pinagmamasdan niya ang closet. Tatlong linggo na mula ng mamatay si Andrei pero ang mga damit nito ay nakasabit pa rin katabi ng mga damit niya.
"Ano na ngayon Miguel?" tanong niya sa katahiikan ng kuwarto.
Isa na siyang trienta'y dos na biyudo. Hindi siya makapaniwala. Nakaplano na sana ang lahat. Ilang linggo lang ang nakakaraan ay balak na sana niyang sabihin kay Andrei ang masayang balita na magiging magulang na sila dahil naging positve ang results ng test sa kinuha nilang sorrogate mother ng magiging anak nila.
Mahal niya ang sanggol na magiging anak sana nila kaya ipinangako niyang poorotektahan niya ito ano man ang mangyari.
Isinara niya ang pinto ng closet. Hindi pa niya kayang alising doon ang mga damit ni Andrei gaya ng plano niyang gawin. "Hindi pa ako handang pakawalan siya," wika niya. Kailangan pa niya ang mga naiwan nitong gamit upang maramdaman ang presensiya nito. Doon siya nakaramdam ng kapayapaan.
"Gusto mo bang tulungan kita sa pagliligpit ng mga gamit ni Andrei?"
Ang boses na iyon ng kaibigan niyang si Lester Melendez ang waring gumising sa diwa ni Miguel. Nilingon niya ito at nginitian. Nang mamatay si Andrei ay sinisiguro ni Lester na bisitahin siya tuwing umaga.
"Huwag na Lester. Pero salamat," wika nito.
Si Lester at ang partner nitong nitong si Josh ay nagtatrabaho sa Lavander Fields. Si Lester sa flower arrangement at si Josh naman ay sa farm. Loyal na trabahante nila ang mga ito mula pa sa panahon ng kanyang mga magulang hanggang sa silang dalawa na ni Andrei ag namamahala sa farm.
"It will take time, Michael"
"Alam ko," sagot niya kay Lester. Minsan na rin siyang nawalan ng mga magulang kaya alam niya ang proseso ng pagdadalamhati.
"Kapag dumating ang araw na okay ka na, tutulungan kita." sabi ni Lester.
Ngumiti si Miguel at nagpahid ng mga luha. "Salamat." Niyakap niya ito. Hindi lang trabahante ang turing niya rito kundi kaibigan na rin. Nangangamba siya na baka hindi niya ito mapasweldo kapag hindi inaprobahan ng bangko ang kanyang hinihinging loan.
"May mga order tayo ngayong araw," sabi ni Lester na kumawala sa yakap niya. "Sisigurihin ko na mai-deliver ang mga iyon sa tamang oras."
Tumango siya. "May appointment ako ngayon sa bangko." Kahit kaunti lang ang pag-asa niya ay kailangan niyang subukan. Kailangan niya ng loan para mabayaran ang payroll ngayong buwan at sa susunod pa. Kaunti lang ang natanggap niyang pera mula sa life insurance ni Andrei at gagamitin niya iyon sa para check up ng dapat sana magiging anak nila Andrei at trust fund ng kanilang anak. Wala pang nakakaalam ng tungkol dito. Wala pa siyang sinasabihan. Kahit na si Lester.
"Ipagdarasal ko na sana maging positibo ang resulta ng pagsadya mo sa bangko," ani ni Lester.
"Ako rin." Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa stone hallway. Nasa living room na siya nang may kumatok sa pinto. Nang buksan niya ang pinto ay si Trance ang bu ungad sa kanya. Napakurap siya. "Trance? A---anong ginawa mo rito?"
Ngumiti ito pero halata pa din ang lungkot sa mukha. "Ayaw mong saguting ang mga tawag ko," tugon ni Trance sa kanyang tanong.
"Hindi kita gustong makausap," ang asar na sagot ni Miguel.
"Siguro nga Miguel, pero kailangan kita makausap."
Humugot ng malalim na bubtong hininga si Miguel para pakalmahin ang sarili. "Ano ba'ng gusto mong sabihin sa akin?
Lumagpas ang tingin nito sa loob ng bahay. Wala pakialam si Miguel kung maliit ang bahay nila kompara sa mansiyon ng La Carmela kung saan may dalawang dosenang kwarto at ang mga mamahaling kagamitan doon ay pagmamay-ari pa ng mga kanunu-nunuan ni Trance na mga Espanyol.
"Hindi ko maaring sabihin dito ang sasabihin ko, Miguel"
Tiningnan niya nag oras sa relong pambising niya. "Paalis na ako, Trance."
"Then have dinner with me tonight, Miguel."
"Dinner?" Kailangan niyang magpokus para hindi magusot ang mukha niya. "No. Ayaw kong makipag-dinner sa iyo."
Huminga ito ng malalim. "Hindi ko naalalang ganito ka kahirap kausap," ang sabi ni Trance.
Hindi naman ganon si Miguel nang una makilala niya si Trance noong labing-anim na taong gulang pa lang siya. Sa unang tingin pa lang niya rito noon ay nahulog na ang loob niya sa binata. Naging magkaibigan sila pero inilihim niya rito ang damdamin niya. Na ngiti pa lang nito ay nakakapagpasaya na sa puso niya.
"Hindi mo na ako kilala ngayon, Trance." Itinaas niya ang kanyang noo. "Kung ito ang paraan mo para hindi ka na makonsiyensiya sa pagkamatay ni Andrei, nag-aaksaya ka lang ng oras."
Tumigas ang mikha ni Trance. Ilang saglit siyang tinitigan nito bago humugot ng malalim na hininga na parang nagiipon ito ng pasensiya. "I haven't got a guilty conscience, Miguel. Pero sasabihin ko ay tungkol kay Andrei."
Tumigin uli si Miguel sa kanyang relo. Hindi siya puwedeng mahuli sa appointment niya dahil lang nakuha ng lalaking ito ang curiosity niya. "Ano ang tungkol kay Andrei,?" tanong niya.
"Makikipag-dinner ka sa akin mamaya at sasabihin ko sa 'yo," sabi ni Trance.
"Fine. Makikipag-dinner ako sa 'yo" sabi na lang ni Miguel para makaalis na siya.
"Susunduin kita nang alas-otso."
"Okay. Kailangan ko na talagang umalis."
Tumango ito at umalis na.
Nakahinga ng maluwag si Miguel. Marami pa siyang mas importanteng mga bagay na dapat na alalahanin kaysa makipag-dinner sa Trance na iyon.
Pinaandar ni Trance ang sasakyan niya paalis ng Lavender Fields. Lumiko siya sa kanan. Ang daang iyon ang magdadala sa kanya sa Carmela estate. Halos pulos mga bulaklak ang makikita sa magkabilang gilid ng daan.
Tatlong buwan mula nang bumalik siya roon. Maganda ang tiyempo ng pagbabalik niya. Nag-champion siya sa isang international racing competition at na-enjoy niya ang bawat sandali ng kanyang career hanggang maaksidente siya. Siguro ay iyon ang senyales para huminto siya sa pakikipagkarera. Pero nang mamatay ang papa niya, doon lang niya nasiguro na wala siyang ibang choice kundi iwan ang mundo ng racing.
Mayroon pa rin siyang mga endorsement deals sa iba't-ibang kompanya. Masyadong naging mabilis ang pagbabago ng buhay niya. Ngayon ay may panibago na siyang responsibilidad sa isang tao bilang asawa't at ama sa magiging anak nito. Handa na ba siya para doon?
Kinukuwestiyon niya iyon. Aaminin niya sa sarili na tama si Miguel. Kung hindi siya umuwi at nakipagkaibigan uli kay Andrei ay buhay pa sana ang kaibigan niya.
Pagdating niya sa Carmela estate ay inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng garage house bago siya bumaba ng kanyang kotse. Nakasalubong niya si Nick. Tinapik siya nito sa balikat.
"Parang nakakita ka ng multo," wika nito.
Parang ganoon na nga. Hindi maalis sa isip niya ang aksidenteng nangyari kay Andrei mula nang umalis siya sa Lavender Fields.
Maganda ang sikat ng araw nang hapong iyon. Iyaong klase ng sikat ng araw na matutuwa ka dahil buhay ka pa. Iyon ang naisip ni Trance bago niya masaksihan ang pagkabangga ni Andrei.
Ang sunod niyang naalala ay nasa tabi na siya ni Andrei sa loob ng ambulansiya.
"Sa tingin ko ay postive yung resulta ng pregnancy test para doon sa surrogate mother na kinuha namin" bulong ni Andrei sa kabila ng paghihirap nitong magsalita.
"Ssshhh... Hang on, Andrei. Please ipunin mo ang lakas mo."
Tila hindi naman ni Andrei narining ang pakiusap niya at nagpatuloy ito.
"Andito ako." Alam niyang importante ang kung ano mang sasabihin nito.
"Huwag mo siyang iwan. He deserves a good life. Ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya. Ang ang magiging baby namin."
"Ipinapangako ko Andrei," sabi ni Trance. "I'll take care of Miguel," bulong niya habang nakatingin nang direstso sa mga mata nito.
"Pakasalan mo siya." Hinawakan ni Andrei nang mahigpit ang kamay niya. "Ipangako mo sa akin..."
"Pakakasalan ko siya," tugon naman ni Trance. Hindi na siya nagdalawang-isip na sabi niya, saka pinisil ang kamay nito.
Bahagya itong tumango. "Sabihin mo sa kanya Trance na mahal na mahal ko siya."
"Hang on, Andrei. Darating siya. Sabihin mo 'yan sa kanya."
Pagdating nila sa ospital ay sinalubong agad sila ng nagpapanic na si Miguel. Nagkaroon ng oras na magkausap ang dalawa, nagpalitan ng huling paalam. Nang hugutin ni Andrei ang huling hininga nito ay umiyak ng malaks si Miguel. Ang nakakabinging hagulhol nito ay nagpayanig sa buong pagkatao ni Trance; umabot iyon hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso. He'd nver seen a man fall apart like that.
Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Trance at tiningnan ang kapatid. "Nakita ko si Miguel kanina."
Nalukot ang ilong ni Nick. "Kaya naman pala may haunted look diyan sa mga mata mo. Iniisip mo rin ba si Kuya Andrei?" nag-aalalang tanong nito.
"Oo. Hindi naman siya naalis sa isip ko. Ako ang race car driver, ako ang laging nagri-risk ng buhay pero si Andrei ang namatay sa aksidente."
"Araw-araw ay may namamatay na tao dahil sa car accident." Biglang napahinto si Nick. "Sorry, I didn't mean to sound callous. Pero hindi mo naman siya in-encourage. Askidente lang talaga ang nangyari."
"Sana, ganyan din ang nararamdaman ni Miguel," sabi ni Trance. "Mas magiging madali sana ang kailangan kong gawin."
"So, hindi naging maganda ang pag-uusap n'yo kanina?" tanong ni Nick.
Nagkibit-balikat na lang si Trance. "He blew me off. Pero may dinner kami mamaya."
"That's a start. Magiging madali na siguro ang lahat pagkatapos niyan." sabi ni Nick na parang binibigyan ng lakas ng loob ang kapatid.
"Hindi ko alam, Nick. Ma-pride at matigas si Miguel."
Nagpaalam na si Nick na pupunta sa opisina sa downtown. "Good luck kay Miguel mamayang gabi."
"Thanks, Nick. Sana, ilihim muna natin ito." Hindi maganda kung kakalat ang balitang idine-date niya ang asawa ng namayapa niyang kaibigan.
Inihinto ni Miguel ang kotse niya sa labas ng kanyang bahay. Nanigas ang mga kamay niya sa manibela habang tahimik na minamasdan ang bahay na kailangan na ng bagong pintura at bubong. Ang hardin niya ay napabayaan na rin. Ang tanging nakakapagpaganda sa paligid ay ang mga bulaklak sa paligid.
"Ang mga bulaklak na iyan na lang ang natitira sa akin," bulong niya na nanginginig na boses. "Ano'ng gagawin ko?"
Hindi maganda ang balitang natanggap niya mula sa bangko. Kung hindi pa niya ito pinilit na sabihin ang totoo ay wala pa rin siyang kaalam-alam sa ginawa ni Andrei para lang maisalba ang farm. Nakita niya ang pagsisisi at awa sa mga mata ni Mr. Castro at alam niyang ayaw nito sabihin sa kanya nag katotohanan. Naging malapit ang pamilya nila noon; maliit na komunidad lang naman kasi ang La Carmela. out of respect na lang siguro sa pagdadalamhati niya.
Nawala na ang kahuli-hulihang pag-asa niya. Bukod sa hindi na siya qualify na mag-loan ay baon pa siya sa utang.
Namasa ang mga mata niya sa kawalan ng pag-asa. May isang hikbing kumawala sa bibig niya. Alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at napakasakit niyong isipin. Hindi niya mapapasuweldo sina Lester at si Josh. Napaalis na niya ang ibang trabahante at akala niya ay mapapanatili niya ang mga kaibigan niya. Pero ngayon ay klaro nang maging ang mga ito ay kailangan na ring umalis.
Durog ang pusong umibis siya sa sasakyan at pumasok sa bahay. Patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niyang kayang mawala sina Lester at josh. Not after losing Andrei so abruptly.
Pero alam niyang makakakita rin agad ng trabaho sa ibang farm ang dalawa. Mahusay ang mga ito sa trabaho.
Pabagsak niyang isinara ang pinto at nagtungo na sa kanyang kuwarto. Pinahid niya ang mga luha habang hinuhubad ang mga sapatos at saka siya nahiga sa kama. Tumingala siya sa kisame at nag-sip kung paano maisasalba ang kanyang negosyo. Ano pa ba ang hindi niya nagagawa? Sino ang mga puwedeng niyang lapitan? Pagkalipas ng kalahating oras na pag-iisip ay nakaisip na siya ng solusiyon. Wala na siyang iba pang option.
Kailangan niyang ibenta ang Lavender Fileds.
... itutuloy

No comments:
Post a Comment