Chapter 1
Sampong taong gulang si
Trance ay mahilig na siya sa mga sasakyan at ang panganib na hatid ng
mabilis na pagpapatakbo niyon. Ang mga burol sa La Carmela Valley ang
siyang naging playground niya. Kahit na ilang beses na siyang natumba
sa pagpa-practice sa kanyang scooter ay hindi siya sumusuko. Hanggang
sa na-master niya iyong mga burol gamit ang kanyang scooter,
bisekleta at motor.
Ngaung retired na siya sa
racing, wala nang kinalaman sa mga sasakyan ang kanyang
pinagkakainteresan.
Si Miguel Sebastian
Alegre.
Tinitingnan niya ang
gwapong biyudo sa kabilang bahagi ng sementeryo kung saan maraming
tao ang nakikiramay sa paglisan ng asawa nito. May malungkot na
ekspresyon sa mukha nito. Galit ito sa kanya at may magandang dahilan
kung bakit.
Tiningnan niya ang mga
burol sa paligid ng sementeryo at sa lupain ng mga La Carmela, ang
lupain na dati ay kinaiinisan niya at ang sakahan na bumuhay sa
pamilya niya sa mahabang henerasyon. Ngaun ay responsibilidad na niya
iyon. Namatay ang kanyang ama ilang buwan na ang nakakaraan at naiwan
sa kanya at kapatid niya ang emperyo nito.
Tiningnan uli niya sa
Miguel. Wala nang emosyon sa mukha nito. Tila ubos na rin ang mga
luha nito. Lumapit ito sa kabaong. Blangko ang mukha nito na para
bang sinasabig hindi ito makapaniwala sa nagyari. Hindi ito
makapaniwala na ang minamahal nitong common law partner na si Andrei ay wala na.
Napakislot siya at
pinigil ang sariling mga luha. Bestfriend niya si Andrei. Mula noong
bata pa sila ay lagi itong naroroon para sa kanya. Pinagtibay nila
ang pagkakaibigan kahit na may alitan ang kanilang mga pamilya.
At kahit na siya ang
unang minahal ni Miguel.
Nagtama ang mga paningin
nila ni Miguel. Tiningnan niya ito at sa kaunting sandali ay
nagkasundo sila sa sakit na nararamdaman nila sa pagkawala ni Andrei.
Kumurap ito at tumalikod.
Umusal ito ng huling paalam sa namayapang asawa bago naglakad
papalayo sa libingan habang ang lahat ng mga mata ay nakatingin dito.
Lumapit kay Trance ang
kayang kapatid na si Nick.
“Mami-miss ko siya.
Mabait na tao si Kuya Andrei,” sabi ni Nick.
Tumayo siya at tiningnan
ang sasakyan ni Miguel na minamaneho nito palabas ng sementeryo.
“Mag-isa na lang ngayon si Miguel,” sabi ni Nick. “Mas mahihirapan siya ngayong i-manage
ang Lavender Fields.”
Humugot ng malalim ng
hiniga si Trance, iniisip ang susunod na gagawin. Ilang taon na
silang magkaribal sa negosyo pero nalulugi ang alakan nito.
“Hindi na niya
kailangan iyon,” wika ni Trance.
“Bakit, pinaplano mo ba
na bilhin ang taniman niya ng mga bulaklak? Hindi siya papayag kuya.
Alam mo naman na napaka-stubborn niya. May mga nag-offer na sa kanya
dati---”.
“Hindi katulad nito,
Nick” putol ni Trance sa kapatid.
Nilingon siya ng kapatid
nito. “Bibigyan mo siya ng offer na hindi niya matatanggihan?”
“Parang ganoon na nga.
Papakasalan ko siya.,” sagot ni Trance.
Mag-isa lang si Miguel sa
sasakyan. Tinanggihan niya ang alok ng mga kaibigan at kapitbahay
niya na ihatid siya sa bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit
kailangang magtipon ang mga tao pagkatapos ng libing. May catering pa
at umaapak ang alak. Pinupuno ng mga ito ng pagkain ang kanya-kanyang
mga plato at nagtatawanan pa na tila nakalimutan na ang totoong rason
kung bakit sila naroroon.
Hindi magawang tumawa ni
Miguel sa pagkawala ni Andrei. Masyado pa itong bata para mamatay.
Mabait itong tao. Mapagmahal na partner. Hindi niya maipagdiwang ang
pagkawala nito dahil masyado pang maraming taon na dapat ay nabuhay
ito.
Tahimik siyang umiyak.
Natagpuan niya ang sarili na binabagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan
ng madaanan niya ang Hacienda La Carmela. Napakalaki niyon at
natataniman ng maraming mga puno at bulaklak.
Alam niya kung bakit siya
pumunta roon. Kung bakit inihinto niy ang sasakyan sa tapat ng gate.
Sinisisi niya si Trance sa pagkamatay ni Andrei at gusto niya iyong
isigaw.
Nang may humintong
sasakyan sa likuran niya saka niya naisip na isang malaking
pagkakamali ang pagpunta niya roon. Tiningnan niya sa rear view
mirror ang pagbaba ni Trance ng kotse nito at paglapit sa kanya.
“Oh, no.” Hinigpitan
niya ang pagkakahawak sa manibela at saka isinandal ang noo roon.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at binawi ang kagustuhang sumigaw.
Wala na siyang lakas.
“Miguel?” tawag sa
kanya ni Trance.
Naging magkarelasyon sila
nito noon. Minsan ding umikot dito ang mundo niya. Pero ngayon, ang
tanging nakikita na lang niya ay isang napaka gwapong estranghero na
hindi na dapat bumalik pa sa La Carmela Valley sa kanilang probinsya.
“Okay lang ako,
Trance,” sabi niya ng magtaas ng ulo sa manibela.
“Hindi ka okay,
Miguel.”
“Kakalibing lang ng
asawa ko,” paalala ni Miguel kay Trance. Ayaw niya itong tingnan.
Binuksan ni Trnce nag
pinto ng kanyang sasakyan at inilahad ang isang kamay nito. “Kausapin
mo ako.”
“No... I can't.”
Umiling siya.
“Maglakad-lakad lang
tayo,” suhestyion ni Trance. “May rason kung bakit ka pumunta
rito.”
Pumikit na lang uli si
Miguel pero hindi pa rin nawawala sa isip niya kung paano namatay si Andrei. Nabuhay ulit ang galit sa puso niya at saka lumabas sa
kotse. Nilagpasan niya si Trance. Naglakad siya sa isang maliit na
kalsada na napapalibutan ng mga puno. Mula sa itaas ng burol ay
makikita ang ang boung lambak sa ibaba. Nagkalat doon iba't ibang
klase ng mga bulalak at mga bahay na iba't iba rin ang laki.
Noon naghihingalo pa si Andrei nangako si Miguel na hindi niya bibitawan ang Lavender
Fields. Mahal niya ang Lavender Fields. Minana pa niya iyon sa mga
magulang niya.
Sinadya niyang bilisan
nag paglalakad para maiwan si Trance.
“Damn it, Miguel.
Kaibigan ko din si Andrei at hindi lang basta kaibigan, bestfriend
ko siya. Mahal ko rin siya”
Huminto saglit si Miguel
at ipinikit ang mga mata, bago niya hinarap ang lalaki. “Mahal mo
siya? Paano nasasabi iyan? Namatay siya ng dahil sa iyo!” Parang
bulkan na sumabogang galit niya. “Hindi ka na sana bumalik pa
dito. Masaya na siya bago ka uli nagpakita.”
“Hindi ko kasalanan ang
pagkamatay niya, Miguel.”
“Hindi sana siya
nagmaneho ng araw na iyon kung hindi ka umuwi. Noong malapit ka nang
umuwi wala ibang bukambibig si Andrei kung hindi ikaw na bestfriend
niya. Hindi mo ba nakikita ikaw ang dahilan ng lahat ng iyon. You ran
away from the farm," sumbat ni Miguel.
Umiling si Trance.
“Aksidente ang lahat Miguel.”
“Ang pababalik mo rito
ang nagpabalik din sa mga pangarap ni Andrei na binuo natin nung mga
bata tayo,” sumbat ni Miguel.
“Nang mamatay ang papa
ko two months ago. Nagplano na ako noon na bumalik dito para
patakbuhin ang negosyo” sabi ni Trance.
Tiningnan siya nito ng
mabagsik. “Ang ama mo...”
Mabagsik at mapagmataas
na tao si Senior Carlos. Ginawa nito ang laha para mapalago ang
emperyo nito. Sinubukan nitong bilhin ang lahat ng maliliit na
bukirin sa paligid ng lupain nito. Kapag tumanggi ang mga may-ari,
sinisira nito ang mga negosyo ng mga iyon. Hindi nakaligtas ang
Lavender Fileds sa mga kamay nito, pero lumaban ang mga magulang ni
Miguel.
“Hindi ako magsasalita
nang masama sa patay na pero...”
“Alam kong galit ka sa
kanya,” putol ni Trance sa sinasabi ni Miguel.
“Umalis ka na.”
pakisuap ni Miguel.
“Ipinapaalala ko lang
sa iyo. Lupain ko ito.” natatawang sagot ni Trance.
Halos malaglag naman
ang mga balikat ni Miguel. “Oo, nga pala.” Humugot siya ng
malalim na buntong hininga at lihim na pinagagalitan ang sarili dahil
sa pagpunta roon. Mabilis niya itong dinaanan pero nahawakan nito ang
isang braso niya.
“Hayaan mo akong
tulungan ka Miguel.”
Tila may bumara sa
lalamunan ni Miguel. Hindi niya alam ang sinasabi nito. Nunca niyang
tatanggapin ang alok na tulong nito. Mabilis siyang umiling. “Please,
huwag mo akong hawakan.
Tiningnan nito ang kamay na nakahawak sa braso niya. Masuyo pa siya nitong hinaplos. "I mean it, Miguel. Kailangan mo ako."
"No. Hinding-hindi kita kakailanganin," sabi ni Miguel sabay bawi niya ng kanyang braso. "Gusto mo lang mawala na guilt mo."
Naging matigas at matalim ang mga mata ni Trance.
Good.
Hindi niya kailangan ang tulong o awa nito. Sa loob ng halos sampung-taon ay nakaya niyang wala ito. Ang tanging gusto niya ay humiga sa kama at mapanaginipan ang araw na mahahawakan na niya ang baby sana nila ni Andrei.
Hinilot-hilot ni Trance ang nananakit na balikat niya at saka iniunat ang kanyang mga binti bago isinara ang book of account ng La Carmela.
Hindi sumasang-ayon noon si Senior Carlos sa desisyon niyang umalis sa La Carmela. Mas pinili niya ang racing kasya sa family business at iniwan ito halos sampong taon na ang nakakaraan. Hindi siya niyo kinausap nang umalis siya.
Tinupad niya ang mga pangarap niya sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama. Panganay siyang anak at umaasa itong siya ang magpapatakbo ng negosyo nila balang araw. Pero wala ni isa sa kanilang magkapatid ang nanatili roon para patakbuhin ang La Carmela empire.
Ngayong wala na ang kanilang ama, walang choice si Trance kundi bumalik sa La Carmela. Nasa last will and testament ng kanyang ama na bawat isa isa sa mga anak nito ay maglaan ng panahon para patakbuhin ang kompanya. Nakasaad din doon na bago nila makuha ang kanilang mana ay kailangan may isa sa kanila ang papayag na maging bagong CEO sa loob ng anim na buwan.
Isa iyon sa pagmamanipula ng ama nila. Pero hindi siya bumalik sa La Carmela para sa pera. Marami na siya noon. Bumalik siya upang ilibing ang kanyang ama at para mapahinga ang katawan niya sa mga injury na natamo niya sa sinalihan niyang racing ilang buwan na ang nakakaraan. Pinabalik na rin niya roon ang kanyang nakababatang kapatid.
Pumasok sa opisina ng La Carmela si Nick. "So, kailan ang kasal?" tanong nito.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
"Sabi mo ikakasal ka na" wika ni Nick.
"Pero kailangan ko ng tao na willing maging partner ko para maikasal" tugon nito sa kapatid.
"Bakit si Miguel ang pinili mo? Ang Lavander Fields ba ang dahilan or may iba pa?" tanong uli ni Nick kay Trance.
Napabuntong-hininga na lang si Trance at ska hinilot ang kanyang sentido. "Siguro gusto ko lahat."
Gusto o kailangan?
Naniningkit ang mata ni Trance habang tiningnan niya nag kapatid matapos sa huli nitong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat na lang si Nick. "You've never spoken of marriage before. Ang pinaka huli kong iniisp na maririnig sa libing ni Kuya Andrei ay gusto mong pakasalan ang partner niya. Kahit pa si Miguel iyon. We all know he's not exactly your biggest fan."
Tumawa si Trance ng pagak. Alam niya iyon. "Hindi iyan."
"So, ano nga? Mahal mo ba siya?" tanong ng kanyang kapatid.
Nagusot ang mukha ni Trance. Ang totoo ay minahal niya si Miguel noong kabataan nila pero mas minahal niya ang racing. Nadurog ang puso nito nang iwan niya ito para tuparin ang mga pangarap niya.
Ngayon ay may pagkakataon sa siyang ayusin iyon at gawin ang ipinangako niya kay Andrei. Nang bitiwan niya ang pangakong iyon ay hindi siya nag-sip. Naghihingalo na si Andrei at nakiusap ito sa kanya na alagaan niya si Miguel at ang sanggol na hinihinala niya na nabuo sa sorrogate mother na kinuha nila.
Gusto ba niyang pakasalan si Miguel at palakihin ang isang sanggol ba hindi sa kanya? Hindi niya alam. pero iyon ang plano niya.
"Hindi. Hindi ko siya mahal," sagot ni Trance sa kapatid. "This goes no further."
Tumango si Nick.
"Nangako ako kay Andrei na aalagaan ko si Miguel, ang flower farm, at.... ang magiging anak nila," paliwanag ni Trance.
Saglit namang nag-isip si Nick at pagkatapos ay tumango.
"Got it. Wala pang alam si Miguel tungkol dito?"
"Wala pa."
"Nakausap mo na ba siya kuya?" tanong ni Nick.
Napaigtad siya ng maalala ang mga excuse na ibinigay sa kanya ni Miguel. "Ilang beses kong sinubukang pagkatapos ng libing ni Andrei."
Hindi siya nakikipag-operate ano?"
"Oo." sagot naman ni Trance.
"Hindi ko maisip kung bakit ayaw niyang simulan muli ang hindi n'yo natapos twelve years ago," pangungutya ni Nick. "Nagawa niyang buuin uli ang sarili niya pagkatapos mo siyang iwan. It was a hard fall, kuya. Nang mahulog siya kay Kuya Andrei, iniisip ng lahat na iyon ang nararapat niyang gawin. Masaya ang lahat para sa kanya. Sorry, pero matagal na naging pangit ang pangalan mo rito. Pagkatapos ay nanalo ka sa mga racing at nakalimutan ng mga tao ang sakit na idinulot mo kay Miguel. Except Miguel. Hindi niya iyon nakalimutan. Minahal talaga niya si Kuya Andrei, at ngayong wala na ito, hindi mo masisisi si Miguel kung naging matigas ang damdamin niya."
"Hindi ko siya sinisisi, Nick. Pero tutuparin ko ang ipinangako ko kay Andrei."
Ngumiti si Nick. "Nirerespeto ko ang dterminasyon mo, Kuya. Paano mahuhulog sa charm ang isang taong halatang---"
"Galit sa akin? Napabuga siya sa hangin. Hindi na kailangan ng charm ang iniisip niyang gawin. Just blackmail. Ibibigay niya kay Miguel ang pinakagusto nito. "May plano ako."
Umiling si Nick. "Lagi naman."
"Panahon na para gawin ko ang plano kong iyon, Nick."
...itutuloy
Tiningnan nito ang kamay na nakahawak sa braso niya. Masuyo pa siya nitong hinaplos. "I mean it, Miguel. Kailangan mo ako."
"No. Hinding-hindi kita kakailanganin," sabi ni Miguel sabay bawi niya ng kanyang braso. "Gusto mo lang mawala na guilt mo."
Naging matigas at matalim ang mga mata ni Trance.
Good.
Hindi niya kailangan ang tulong o awa nito. Sa loob ng halos sampung-taon ay nakaya niyang wala ito. Ang tanging gusto niya ay humiga sa kama at mapanaginipan ang araw na mahahawakan na niya ang baby sana nila ni Andrei.
_____________________________
Hindi sumasang-ayon noon si Senior Carlos sa desisyon niyang umalis sa La Carmela. Mas pinili niya ang racing kasya sa family business at iniwan ito halos sampong taon na ang nakakaraan. Hindi siya niyo kinausap nang umalis siya.
Tinupad niya ang mga pangarap niya sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama. Panganay siyang anak at umaasa itong siya ang magpapatakbo ng negosyo nila balang araw. Pero wala ni isa sa kanilang magkapatid ang nanatili roon para patakbuhin ang La Carmela empire.
Ngayong wala na ang kanilang ama, walang choice si Trance kundi bumalik sa La Carmela. Nasa last will and testament ng kanyang ama na bawat isa isa sa mga anak nito ay maglaan ng panahon para patakbuhin ang kompanya. Nakasaad din doon na bago nila makuha ang kanilang mana ay kailangan may isa sa kanila ang papayag na maging bagong CEO sa loob ng anim na buwan.
Isa iyon sa pagmamanipula ng ama nila. Pero hindi siya bumalik sa La Carmela para sa pera. Marami na siya noon. Bumalik siya upang ilibing ang kanyang ama at para mapahinga ang katawan niya sa mga injury na natamo niya sa sinalihan niyang racing ilang buwan na ang nakakaraan. Pinabalik na rin niya roon ang kanyang nakababatang kapatid.
Pumasok sa opisina ng La Carmela si Nick. "So, kailan ang kasal?" tanong nito.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
"Sabi mo ikakasal ka na" wika ni Nick.
"Pero kailangan ko ng tao na willing maging partner ko para maikasal" tugon nito sa kapatid.
"Bakit si Miguel ang pinili mo? Ang Lavander Fields ba ang dahilan or may iba pa?" tanong uli ni Nick kay Trance.
Napabuntong-hininga na lang si Trance at ska hinilot ang kanyang sentido. "Siguro gusto ko lahat."
Gusto o kailangan?
Naniningkit ang mata ni Trance habang tiningnan niya nag kapatid matapos sa huli nitong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat na lang si Nick. "You've never spoken of marriage before. Ang pinaka huli kong iniisp na maririnig sa libing ni Kuya Andrei ay gusto mong pakasalan ang partner niya. Kahit pa si Miguel iyon. We all know he's not exactly your biggest fan."
Tumawa si Trance ng pagak. Alam niya iyon. "Hindi iyan."
"So, ano nga? Mahal mo ba siya?" tanong ng kanyang kapatid.
Nagusot ang mukha ni Trance. Ang totoo ay minahal niya si Miguel noong kabataan nila pero mas minahal niya ang racing. Nadurog ang puso nito nang iwan niya ito para tuparin ang mga pangarap niya.
Ngayon ay may pagkakataon sa siyang ayusin iyon at gawin ang ipinangako niya kay Andrei. Nang bitiwan niya ang pangakong iyon ay hindi siya nag-sip. Naghihingalo na si Andrei at nakiusap ito sa kanya na alagaan niya si Miguel at ang sanggol na hinihinala niya na nabuo sa sorrogate mother na kinuha nila.
Gusto ba niyang pakasalan si Miguel at palakihin ang isang sanggol ba hindi sa kanya? Hindi niya alam. pero iyon ang plano niya.
"Hindi. Hindi ko siya mahal," sagot ni Trance sa kapatid. "This goes no further."
Tumango si Nick.
"Nangako ako kay Andrei na aalagaan ko si Miguel, ang flower farm, at.... ang magiging anak nila," paliwanag ni Trance.
Saglit namang nag-isip si Nick at pagkatapos ay tumango.
"Got it. Wala pang alam si Miguel tungkol dito?"
"Wala pa."
"Nakausap mo na ba siya kuya?" tanong ni Nick.
Napaigtad siya ng maalala ang mga excuse na ibinigay sa kanya ni Miguel. "Ilang beses kong sinubukang pagkatapos ng libing ni Andrei."
Hindi siya nakikipag-operate ano?"
"Oo." sagot naman ni Trance.
"Hindi ko maisip kung bakit ayaw niyang simulan muli ang hindi n'yo natapos twelve years ago," pangungutya ni Nick. "Nagawa niyang buuin uli ang sarili niya pagkatapos mo siyang iwan. It was a hard fall, kuya. Nang mahulog siya kay Kuya Andrei, iniisip ng lahat na iyon ang nararapat niyang gawin. Masaya ang lahat para sa kanya. Sorry, pero matagal na naging pangit ang pangalan mo rito. Pagkatapos ay nanalo ka sa mga racing at nakalimutan ng mga tao ang sakit na idinulot mo kay Miguel. Except Miguel. Hindi niya iyon nakalimutan. Minahal talaga niya si Kuya Andrei, at ngayong wala na ito, hindi mo masisisi si Miguel kung naging matigas ang damdamin niya."
"Hindi ko siya sinisisi, Nick. Pero tutuparin ko ang ipinangako ko kay Andrei."
Ngumiti si Nick. "Nirerespeto ko ang dterminasyon mo, Kuya. Paano mahuhulog sa charm ang isang taong halatang---"
"Galit sa akin? Napabuga siya sa hangin. Hindi na kailangan ng charm ang iniisip niyang gawin. Just blackmail. Ibibigay niya kay Miguel ang pinakagusto nito. "May plano ako."
Umiling si Nick. "Lagi naman."
"Panahon na para gawin ko ang plano kong iyon, Nick."
...itutuloy

No comments:
Post a Comment