"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
NO
PAIN. NO GAIN. Ito ang nakalagay sa gym kung saan siya ini-enroll ni
Andrew. Maganda naman ang kanyang katawan kaya lang base sa sabi ni
Andrew eh kulang ito sa muscle tone.
Since sa gabi lang siya
available dahil na rin may trabaho siya sa umaga ay sinusundo siya ng
van nito.
Unang araw niya sa gym at
isang lalaking trainer ang naghihintay sa kanya. Pagkatapos nitong
kuhanin ang kanyang timbang at taas ay pinasadahan siya nito ng
tingin. Maya maya ay tinuruan siya nito ng warm up exercises.
Pagkatapos ay dusa naman ang inabot niya.
Kung tutuusin eh medyo
magaan lang naman ang timbang na ipinagamit sa kanya pero
nakakangalay ay kung ilang repetition ang ipinagagawa sa kanya.
Pagkatapos ng dalawang oras ay tagaktak na ang pawis ay halos murahin
na siya ng kanyang mga kalamnan sa sakit.
Crunches naman ang
ipinagawa sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng penitensya at konting
konti na lang at talagang aayaw na siya ng dumating si Andrew.
“Kumusta?”
“Mamatay na!”
Huwag kang makaimik imik diyan at baka hindi ako makapagpigil at
ihagis ko sa iyo ang weights na nasa tabi mo” ang singhal niya
dito.
“Mukha nga! Pero ganyan
lang talaga yan sa simula. At para hindi na magreklamo na ikaw lang
ang nahihirapan ay sasabayan kita.”
Napansin niya na nakapang
exercise din itong suot. Nagsimula naman itong magwarm-up at
pagkatpos ay sumabak na din ito sa pagbubuhat.
“Hilig mong gawin
ito? tanong niya.
“Hindi naman, pero
kinakailangan eh. Hindi naman ako model, dapat alam ko ang
pinagdadaanan nila na hirap. Para tulad mo eh hindi sila
makapagreklamo. “
Natameme naman siya sa
sinabi nito.
“Nahanap mo na yung
pendant?” tanong niya dito.
“Oh.... sorry
nalimutan ko kasi masyado lang ako naging busy sa trabaho ngaun eh.”
“Baka naman wala ka
talagang balak hanapin iyon.”
“Ofcourse hahanapin
ko yun. Anong akala mo sa akin?”
“Malay ko... Baka
kasi...-”
“Baka kasi... ano?
Na ginagamit kong alibi yun para mapapayag ka sa gusto ko?"
" Ok ka lang? He-ll-o... pumayag ka na nga di ba? Anyway, has anybody told ever
told you that you look good when you're sweaty?”
“Huh? Ano na naman
nasinghot mo?”
“It's true!”
and YUMMY too dagdag na lang nito sa kanyang isip. Kung alam lang
nito bihirang bihira lang siya mabigay ng ganung klase ng komento.
But what he said is true. Kahit na pawis na pawis si Juancho ay
parang mabango pa din itong tingnan. In fact, it made him look so
manly. His body wasn't that bad kulang lang talaga ito sa batak.
Hindi rin ito mahihirapan papintugin ang mga iyon.Inalis niya ang
tingin dito para kasing masyado na siyang nawiwili na pasadahan ang
katawan nito at kung ano ano kasing kalokohan ang naglalaro sa
kanyang diwa.
He acted like a flirt.
May iba pa ngang nag-iisip na playboy siya to the max. Pero iyong mga
nakakakilala sa kanya talaga ng tunay ay alam na hanggang salita lang
siya. Wala ni isa man nagbigay sa kanya ng motibo ang pinatulan niya,
wala maka-score sa kanya. Naiiling at natatawa na lang siya dahil
ngaun eh kabaligtaran ang sitwasyon na kanyang kinakaharap. Siya ito
ngaung gustong maka-score sa lalaki.
“Kita mo,
piagtatawanan mo ako. E di niloloko mo nga ako” sabi ni
Juancho.
“Huh?” ang
nagpabalik sa kanyang diwa. “Oh.... hindi ikaw ang
pinagtatawanan ko. May naalala lang ako. At ikaw naman, dapat mong
malaman na hindi ko ugali ang magbigay ng papuri kaya kapag ginawa ko
yun sa iyon, magpasalamat ka na.”
“May girlfriend ka
na ba?”
Tumingin ito sa kanya na
parang nagulat, saka ito umiling.
“You're not gay, are
you?”
“Por que walang
girlfriend, gay agad? Hindi ba pwedeng choosy lang?”
“Hindi ka naman
siguro pari.”
Tumawa ito. “Nagbabalak
pa lang, kaso nagbago rin ang isip ko. Gusto ko magkaroon ng pamilya
eh, ang saya kaya n'ong uuwi ka ng sasalubungin ka ng mga anak mo.”
Napangiwi na lang siya.
Magkaiba pala ang gusto nila sa buhay kung ganoon. So what? As if
naman eh he was planning to hook up with him.
“Kung ganun, walang
problema kung...” Kung halahin kita.... Muntik
na niya iyong mabigkas sa harap nito. Hindi pa nga pala ito sanay sa
bagong mundo nitong ginagalawan.
“Kung....?”
“Kung maghapunan
tayong magkasama. As long as you won't misinterpret my intentions”
“Bakit ko naman
gagawin iyon. Imposible namang isipin ko na may gusto ka sa akin.”
“Ang baba naman ng
confidence mo sa sarili.”
“Hindi naman,
realistic lang akong tao. Isa pa hindi kita type.”
Napasinghap
na lang siya. Namangha at nainsulto siya sa sinabi nito.
“Teka lang.... bago
mo ako batuhin ng dumbbell, ang ibig kong sabihin ay realistic lang
din ako sa paghahanap ng taong makakasama ko habang buhay.”
Ibinaba
nito ang hawak na dumbbell at humarap sa lalaki. “So tell
me, ano ba ang qualities na hinahanap mo sa magiging partner mo?”
Tumigil
muna ito sa pagka-crunches. “Alam mo naman na laking
probinsya ako. Napilitan lang naman ako para magtrabaho at tulungan
ang mga magulang ko. Iyong simple lang na kagaya ko.”
“Hindi mo ba naisip
na pwedeng magbago ang pagkatao mo, ang pananaw mo habang nag-iiba
ang estado ng buhay mo?”
“Magbago man siguro
ang istura at kilos ko, by heart eh probinsyano pa din ako.
“OK. So, tapusin na
natin ang pagdurusa na ito at ng makakain na tayo.” Bumalik
na ito sa pagbubuhat at siya naman ay bumalik na sa pagka-crunches.
Sabay
silang pumunta ng showerroom. Nauna siya natapos kaya naisipan niyang
antayin na lang si Andrew sa lobby. Natanaw niya sa pintong salamin
na naghihiwalay mula sa exercise room at sa lobby ang paglabas nito
galing ng locker room ng gym. Papunta na ito sa kanyang kinaroroonan
ng may lumapit dito na isang lalaki. Halata sa kilos nito na
nagpapalipad hangin ito sa kausap at mukha naman hindi ito binabara
ni Andrew. Humahagikhik pa nga ito na tila natutuwa.
Isa pang gusto niya sa
magiging partner niya at ung hindi flirt,
kumento niya sa isip. Mabuti na lang pala at wala siyang ambisyon
pagdating kay Andrew at bakit ba ikunukumpara niya ito dito eh imposible namang mangyari yun.
Tumingin si Andrew sa gawi niya, bahagyang nakakunot-noo, saka muling
bumaling sa kabolahan tila nagpapaalam na.
“You look so glum”
salubong nito.
“Ha?”
Nahalata pala sa istura niya ang pagkairita sa kanyang nakita. Wala
siyang rason para maramdaman iyon pero ganoon na nga ang kanyang
nadama ng makita itong nakikipaglandian sa ibang lalaki.
“May.... may naisip lang akong hindi maganda.”
“Then alisin mo yan
sa isipan mo, nakakabawas ng pogi points mo eh.”
sabay hilot nito sa kayang noo at kilay na salubong.
Napaatras
siya hindi dahil nagulat siya ng hawakan siya nito kundi dahil parang
kinilig ang kanyang kalamnan. Wala lang siguro dito ang ginawa nito
pero sa kanya may epekto iyon. Nakangiting umiling-iling na lang si
Andrew at saka nauna nang maglakad.
Mabilis
lang ang naging hapunan nila ni Juancho at Andrew. Yaman din lamang
na wala siyang sasakyan ay magkasabay na rin silang umuwi. Nang
marating nila ang floor kung saan nakatira si Andrew ay inihatid niya
ito hanggang sa unit nito.
“Mukhang naliligaw
ka ata?”
“Ah eh.. I hahatid
lang sana kita hanggang sa unit mo. Hanggang.... hanggang pinto lang
ako.”
“That's quite
sweet.” Iniangkla naman ni
Andrew ang braso nito sa braso niya.
Pakiramdam
ni Juancho eh naninigas siya. Iba talaga ang epekto nito sa kanya.
Napakalayo nito sa mga taong nakakasalamuha niya. Hindi tuloy niya
malaman kung ano ang gagawin.
“Bakit parang
tensyonado ka? Loosen up a little. I promise I won't bite.
Iiwan
na sana niya ito pagtapat nila sa unit nito pero inanyayahan siya
nitong pumasok sa loob.
“Pumasok ka muna
sandali .”
“Hindi dito na lang
ako.”
“Come on already.”
Nabuksan na nito ang pinto at hinila siya nito sa loob. Pagpasok nila
ay agad siya nitong kinabig at maalab na hinalikan.
Ganun
na lang ang pagkataranta ni Juancho. Ngaligali niyang itulak si
Andrew. Ni hindi pa nga siya nagkakaroon ng seryosong relasyon sa
babae at ni minsan at hindi pa niya naranasan ang makipag one-night
stand ay heto siya at nakikipaghalikan sa kapwa niya.
“Teka lang...”
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at saka banayad na
itinulak. “Sorry pero....”
Idinantay
nito ang hintuturo sa bibig niya. “Don't say anything
more. You passed the test.”
Ano daw? Hindi
magawang i-process ng 2MB niyang utak ang sinabi nito. Anong test at
bakit may test ang tanong nito
sa sarili. “Ha?”
“Gusto ko lang
malaman kung what kind of stuff you're made of and you're as good as
your word.
“Here, I want to
give you this.” Iniabot nito
ang kamay niya at saka inilagay roon ang pendant na hinahanap niya.
“Nakita mo na pala.
Sinasabi ko na nga ba, dito ito nalaglag. Salamat ha? Huwag kang
mag-alala tutupad ako sa kasunduan natin. Sa totoo lang na-excite ako
at curious din akong malaman kung totoo ba ang sinasabi mo na
magiging isang sikat ako na modelo. Na malayo ang mararating ko. Sana
nga lang eh.... sana lang eh wala na noong ginawa mo kanina...
Nakakatuliro eh...”
“I promise... no
more games...” sagot ni
Andrew.

No comments:
Post a Comment