"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
“Anak
naman ng tipaklong!”
“Ano ba sa tingin mo
gagawin ko sa iyo? Kung alam ko lang na ganyan kasama ang ugali mo
sana eh pinabayaan na lang kita nakahilata sa corridor.”
He suddenly had a vague
recollection of lying face down the corridor. What? Ito ang tumulong
sa kanya ? Nasagot tuloy ang katanungan niya noon kung paano siya
nakarating sa kanyang unit.
Wala naman siya balak
gamitan ng pepper spray ang lalaki, nagkataon lang ng minsan may
nakasabay siyang lalaki at hindi niya alam kung may tililing ba ito
or sadyang may masamang balak lang sa kanya. Mabuti na lang at
nagroronda ang mga security guard ng mga panahong iyon kaya may
sumaklolo sa kanya.
Hindi kasi pamilyar ang
mukha na lalaki at nang matanaw niya kanina sa malayo ang paghangos
nito na sumugod sa elevator at agad niyang kinuha nag pepper spray sa
bag. Nataranta siya, lalo nang magawa ng lalaki na isingit ang
katawan nito sa pagitan ng pagsara ng pintuan ng elevator.
“Mabuti na lang pala
at noong gabing pasuray suray kang naglalakad sa pasilyo ay wala kang
bitbit na ganyan.”
“OMG. I'm sorry.”
Agad naman niyang kinuha ang kanyang panyo sa loob ng bag at siya
mismo ang nagpunas ng luhang umaagos mula sa mga mata nito.
“You must think na
paranoid ako. Well, I must admit paranoid talaga ako.” Panay pa
din ang dampi niya ng kanyang panyo sa mata nito. Mayamaya at
natigilan ito, Hindi kasi masyado nagrehistro ang itsura ng lalaki
kanina.
“O ano na naman ang
binabalak mo?” Tanong nito sa kanya.
He has never felt that
feeling for a very long time, patuloy siya sa pagsipat sa mukha nito
at habang tumatagal ay pabilis ito ng pabilis. The feeling is not
anymore strange to him, ganito ang nararamdaman niya kapag may
nakikita siyang bagong discovery. Maginoo pero medyo bastos.
“How would you like
to become a model? “ tanong niya dito.
Tiningnan siya nito at
tumawa ng ubod na lakas, that even his laughter sounds so sexy.
“Mukhang hindi ka na
nga lasing pero para ka namang nakahithit ng isang kahon ng katol.”
“I'm serious.”
Naging seryoso naman ang
mukha nito.
“Kung totoo man ito
ay siguro may maluwag na turnilyo ka sa ulo para alukin ako maging
isang modelo.”
“Masyado mo naman
ata minamaliit ang sarili mo.”
Tumawa uli ito.
“Hinahangin na
siguro ang utak mo, hindi ba malinaw sa mata mo kung ano ang itsura
ko?”
“Ano ba sa tingin mo
ang itsura mo?” naghahamon nitong tanong.
“Base sa salamin,
normal lang naman ako... Hindi naman pangit, hindi rin naman gwapo...
Tulad nga ng sabi ng iba sakto lang. At paano naman ako magiging
modelo, nakita mo ba ito?” sabay
pisil sa bilbil sa tiyan.
“Baka sakali kung
commercial model para sa liposuction eh maniwala pa ako pero kung
tulad ng sinasabi mo eh malamang may sayad ka talaga sa utak”
natatawa nitong sabi.
“Teka... teka...
teka lang baka naman bugaw ka? Kunsabagay kahit naman mga matrona at
bakla eh hindi naman pagnanasaan ang katawan kong ito eh.”
Natawa
naman si Andrew sa binitiwan nitong salita.
"Hindi mo alam kung ano
ang kaya kong gawin. And believe me, hindi pa pumapalya ang Midas
touch ko. At baka masurprise ka kung ano type na tao ang gusto ng mga
bakla at matrona. By the way hindi ako
bugaw, lehitimo ang kumpanya ko. Nagmamay-ari ako ng isang modeling
agency, rather co-owner ako to be exact. I'm Andrew Montreal and I am
telling you now, I can make you famous.”
Pasensya na Andrew, pero hindi talaga ako interesado maging modelo.”
Ngali-ngali niya itong
batukan. Wala pa or ni minsan wala pang tumanggi sa lok niya na
maging modelo. Ang iba pa nga ay hindi ma-contain ang katuwaan at
isiping magiging modelo sila pero ang isang ito. Bukod tangi na ito
lang ang tumanggi sa kanyang alok. At lahat ng kanyang nadiscover ay
nagkaroon ng malaking pangalan sa larangan ng pagmomodelo.
Kapag naramdaman niya ang
paglukso na kanyang dugo, nakakasigurado siya na tama ang kanyang
kutob. Kapag nakipag-cooperate ito at nadevelop nakakasiguro siya na
malayo ang mararating nito, pero wala siya magagawa kung mismo ang
tao na ang talagang umaayaw.
“Pero mabuti na rin
at nagkasabay tayo” sabi ng binata.
“May gusto kasi ako
itanongsa iyo... Uhmm... May nakita ka bang pendant sa unit mo?”
“Pendant?” Alam
niya kung ano ang tinutukoy nito. Hindi nga ba naintriga siya kung
paano nagkaroon ng ganun sa loob ng kanyang unit.
“Hindi ko kasi alam
kung saan napigtal ang kwintas ko at importante lang sa akin yon.”
“Mamahalin?”
“Hindi naman kaya
lang bigay kasi sa akin ng lolo ko yun at ilang saling lahi na din
kasi yun” matapat naman nitong sabi.
“Sige hahanapin
ko.... pero sa isang kondisyon. “Pag isipan mo ang
alok ko. Seryoso ako at legal ang kumpanya ko. Kung hindi, bye-bye
na pendant” sabi ni Andrew na nagbabanta ang tono. Bumakas ang
pinto ng elevator at lumabas ito.
“You know where to
find me right? See you if ever na nagbago na ang desisyon mo.”
Magsasalita pa sana si
Juancho pero sumara na ang pinto ng elevator. Pagdating niya sa floor
ay bumaba uli ito sa palapag ng kinaroroonan ng unit ni Andrew.
Nagdoorbell siya.
“Yes?”
nakangiti at tila nakakaasar nitong tono ng buksan nito ang pinto ng
unit.
“Ano nga name mo?”
“Juancho Diaz”
Kitang-kita ni Juancho
ang pag ngiwi ng mukha nito.
“Hmmmm.... not
exactly a name fit for a model, pero pwede ka naman gumamit ng screen
name kung sakali. So..... paano... DEAL?”
Walan nagawa ang isa
kundi pumayag na lang sa alok nito kung hindi lang talaga importante
sa kanya ang pendant na iyon ay hindi siya nito mapapapayag.
Pagbibigyan na lang muna niya ito habang hindi pa nito nakukuha ang
pendant tutal sabi naman nito at pwede niyang subukan at kung hindi
niya talaga magustuhan eh saka na lamang siya aatras.
“May asawa ka na ba?
I mean baka mamaya eh bigla na lang may umaway sa akin”
“No, I'm not taken.”
Ikinatuwa naman ni
Juancho ang sagaot nito kahit na wala naman siya balak na pormahan
ito dahil aminado siya na attracted siya dito. “So, paano...
aalis na ako, pakihanap na lang nung pendant ha?
“Sure”
Aminado siya na medyo
mabantot talaga ang pangalan niya pero sa paraan ng pagkakasambit
nito tila nabahiran iyon ng kaunting class. Habang naglalakad papunta
sa kanyang tinutuluyan na unit hindi niya maiwasang isipin na...
“kapag naging modelo ako, tiyak magiging sobrang makulay ang
mundo ko.”
“EQUINOX MODELS”.
Muntik ng mapanganga si Juancho ng pumasok sila sa opisina ni Andrew.
Natawag ang kanyang pansin ng may lumabas mula sa isang pinto sa loob
noon, hindi lang dahil gwapo at maganda ang katawan nito kundi parang
namumukhaan niya ito, agad naman niyang natukoy kung bakit ito naging
endorser sa commercial ng isang sikat na brand ng healthy canned
meal.
“That's Ken...
Leonido ang ang tunay niyang pangalan. Dati siyang merchandizer sa
supermarket. Tulad mo, he didn't think she had what it takes to be a
model.”
Hinawakan siya nito sa
braso at hinila papunta sa dulo ng pasilyo kung saan naroroon ang
opisina nito.
“Have a seat at
tatawagan ko lang ang secretary ko.”
Pagdating naman ng
secretary nito ay may dala dala itong kape at isang makapal na binder
na iniabot sa kanya. Ini-scan niya isa isa at mga larawan sa loob
nito at ng dumating siya page kung saan may kuha ang isang babae.
“That's him.”
Kuha ito ng isang
ordinaryong lalake na nagtatrabaho sa iang supermarket na nakasuot ng
T-shirt na may logo ng isang brand ng sardinas. Pinakatitigan niya ng
mabuti ang larawan para maaninag niya kahit konti ang anyo ng
lalaking nakita kanina.
“Hard to believe
right?”
Inilipat niya ang pahinga
ng binder at dito nakita niya ang iba pang larawan ng mga lalaki at
babae na kung ang pagbabasehan ay ang pisikal na itsura masasabi
niyang mas nakakalaman siya sa mga ito. Namangha talaga siya sa
pagbabago ng mga ito at hindi na akalain na posible pala talagang
mangyari ito sa totoong buhay. At maaari rin mangyari sa kanya
pagnagkataon.
“Talaga bang posible
ako na matulad sa kanila?”
“Hindi mo kilala
kung sino ang kaharap mo ngaun! “You're talking to the discoverer
with the Midas Touch” sabat naman ng isang tinig sa kanila.
“Ooh... Girl...
Tamang tama, you're just in time to meet my latest find.”
Nginitian ni Andrew ang papalapit na si Basty at nakipag beso beso dito.
Sa boses pa lang alam ng
dumating nahulaan na agad ni Juancho na bading ito. Tiningnan siya
nito mula ulo hanggang paa.
“If you say so...
Hindi ka naman makikila ng husto for nothing, after all. At ikaw
naman lalaki, maswerte ka,” sabang baling uli nito sa kanya. “Kung
magpapakahusay ka lang at susundin lahat ng ipinapagawa sa iyo ni
Andrew, I'm sure mapapabilang ka sa pila ng mga nilalang na
namamayagpag na ngaun. By the way, you are?”
Nagpakilala siya rito.
“It's nice to see
ang bagong mong discoveries in their raw state, makes it more amazing
to see ang pagbabago nila after you're through with them. Kaya
uulitin ko sa iyo lalaki, maswerte ka dahil mula ngaun your world is
about to change sa paraang hindi mo ma-iimagine” ang bigkas nito bago lumabas ng opisina ni Andrew.
Pakiramdam ni Juancho ay
imposibleng mangyari sa kanya iyon, pero may isang parte naman sa
kanya na na-excite siyang malaman kung paano siya gagawin ni Andrew
upang maging kagaya ng mga modelo nito sa binder. Lalo pa siyang
na-excite na makita kung ano ang magiging itsura niya kapag natapos
na ito sa kanya.

No comments:
Post a Comment